Baixar aplicativo
73.33% ang anghel sa dalawang mundo / Chapter 22: chapter 22

Capítulo 22: chapter 22

mula ng mga oras na iyon ay mabilis na dumaan ang araw.. ang hinanankit at galit ay naroon at laging baon sa dibdib ni mira.. habang ang pakikipagsapalaran naman ni esma ay patuloy nyang pinandigan sa maynila kasama si arman.. sa tagal ng panahon dahil narin sa samaan ng loob ay nawala na rin ang kuminikasyon ng magina sa isat isa sa panahong nagdaan. ngunit kasabay ng mga panahong iyon ay ang tila di sangayon ng panahon kay arman at esma. panahong tila nagdadamot para sa kanila.. panahong tila palos na di ni minsan ay nagpahuli sa kanila.. panahong tila sinadya.. nang ang kamalasan ay subukin sila..

matapos ngang iwan ni esma ang kanyang ina na nag iisa sa probinsya ay napagdesisyonan na nga nito na sumama na lamang at maging asawa si arman. sa loob halos ng dalawang taong pagsasama nila arman at esma ay hindi man lang nagkaroon ng maganda o regular na trabaho si arman.. bagay na lalong nagpahirap ng kanilang sitwasyon.. maswerte na lamang sila kung makakakain sila ng tatlo o higit pa sa isang araw.. kahirapang nakasanayan na lamang nila.. kahirapang tila kakambal na nila...kahirapang tila nagkulong sa kanilang dalawa..kahirapang tutulak sa kanila para pasukin ang isang hanapbuhay.. ilegal na hanap buhay na kung tawagin nila ay droga..hindi iyon naging madali para kay esma.. ang buhay na pinapangarap nya noon ay napakalayo sa buhay na meron sya ngayon.. ngunit gaya ng isang lion na uhaw sa tubig.. hindi nya na pipiliin ang tubig na kayang iinumin dahil ang importante na lamang ay mapawi ang kanyang uhaw.. ganoon ang naging pananaw ni esma tinanggap nya na lamang ang magulo at elegal na buhay.. upang mabuhay lamang .mabuhay na kasama ang kanyang minamahal.

" ito na marahil ang magandang parte ng buhay ng iyong mga magulang..dito malalaman na natin.. kung bakit nga ba tayo pinagtagpo ng tandahan anghel.. mukang dito narin natin malalaman kung papaano nga ba nila narating ang altaentra.

mula sa mga madilim na iskinita ng delpan sa tondo.. ay marahan at maingat iyon na binabaybay ni arman araw araw .. doon ay inihahatid nya ang mga droga sa kung sino man ang bumibili o kumukuha ng mga ito.. alam nya ilegal iyon at maari sya makulong o mapahamak sa oras na sya ay mahuli..ngunit iyon lamang ang alam nyang hanap buhay na kung saan ay napakabilis ng pera. "oh arman andyan kana pala" wika ni arman. " mabuti sinuwerte tayo ngayon.. oh kunin mo na ito at ihain mo na" wika ni arman bago iabot ang pagkain. "nga pala arman .. naghahanap ng tao si mang alfred para mag kunstraksyon baka gusto.. malaki raw ang araw doon mas lalaki pa raw kung mag oobertaym ka" wika ni esma. " esma isipin mo ha.. pagtinangap ko iyon.. araw araw..walong oras akong bubuhat ,mag papala, magpupukpok..at uutos utusan ka pa ng mga tao don.. tapos kikita lang ako sa isang araw ng limang daan o anim na daan.. palagay mo ba ipag papalit ko tong ginagawa ko ngayon sa sinasabi mong yan.. esma.. sa isang araw kaya kong kumita ng pito hangang walong daan sa palakad lakad ko lang ...di pa ko pagod" wika ni arman. " pero alam mo naman na ilegal yan diba" wika ni esma. " oo. alam ko.. at alam mo rin..bakit esma kung hindi natin to gagawin.. mabubuhay ba tayo..ha . hindi!!!! ...baka mamuti nalang ang mga mata natin sa gutom dito.kung hindi ko to gagawin.. tignan mo yang si ligaya.. nabaliw dahil sa gutom.. ganyan ba gusto mong mangyari saatin." wika ni arman." tama ka.. tignan mo nalang si ligaya.. arman alam mo ang totoo hindi sya nabaliw ng dahil lamang sa dahil sa gutom ... nabaliw din sya dahil pinatay ang asawa nya.. at pinatay ang asawa nya dahil isang adik at tulak na halos katulad na natin.. ayokong mangyari saatin iyon.. ayokong mawala ka saakin sa ganoong klaseng paraan..hanggang kailan tayo ganto" wika ni esma. esma.. hangga't asawa kita.. hangga't nandito ka sa pamamahay ko..esma.....lahat gagawin ko... magutom na ko.. pero hindi ikaw.. at kahit mamatay ako.. pero hindi ikaw.. mahal na mahal kita.. at lahat gagawin ko para sayo...bakit pa tayo magpapakahirap na mag hanap ng trabaho.. e may mas madaling paraan naman" wika ni arman.. bago nya niyakap si esma.. at agad na nga silang kumain.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C22
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login