<p>mula doon ay walang magawa si anghel habang pinagmamasdan ang lahat ng nangyayari.. ang kanyang kawawang katawan' ang kanyang lola na pinakamamahal. lahat iyon ay kanyang nakikita.. ngunit bilang isang kaluluwa na lamang. " ayos ka lang ba?? kung hindi mo siguro nailigtas ang lola mo.. baka.. wala na sya" wika ni zandro na biglang lumitaw. "zandro.???( nagtaka) wala naman akong pinagsisisihan eh.. nalulungkot lang ako..hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari...totoo ba ang lahat ng mga ito..zandro baka kaya mo naman ng akong tulungan" wika ni anghel. " ikinalulungkot ko anghel.. ngunit hindi na sya saklaw ng kakayahan ko" wika ni zandro. " ayoko pang mawala.. hindi pa ako pwedeng mawala..papaano ang lola ko.. walang magaalaga sa kanya.. ang mga pangarap ko... kailangan ko pang magawa lahat iyon..ni hindi ko pa nga nakikita ang mga magulang ko.. ni hindi ko pa nga nalalaman kung asan na sila o kung anu ba talaga ang nangyari sa kanila.. zandro.. marami pa kong katanungan sa buhay na kailangan ko pang malaman .. hindi ito ang tamang oras para mawala ako" wika ni anghel. " anghel kalma.. hindi ka pa patay.. ayon oh... ( tinuro ang katawan ni anghel) natutulog ka lang.. wag kang mawalan ng pag asa.. alam ko na...kaya kitang tulungan" wika ni zandro. " papano" sagot ni anghel. " kaya kitang matulungan na makita o malaman kung anu man ang nagyari sa mga magulang mo..sa madaling salita.. kaya kitang dalhin sa nakaraan" wika ni zandro. "talaga...papano mo iyon gagawin." wika ni anghel. " maniwala ka saakin.. alam mo anghel nararadaman ko na may kakaiba sayo..mga bagay na kahit ako ay di ko kayang ipaliwanang.. bakit mo ko nakikita nung mga panahong buhay kapa.. kahit hanggang ngayon na nagaagaw buhay ka bakit nakikita mo parin ako..bagay na gusto ko rin alamin.. siguro magandang pagkakataon din ito para ipakita ko na saiyo ang mundo ng altaendra.. ang mundo na taliwas sa iyong mundong kinamulatan.. basta tatandaan mo lang itong anghel kapag naglakbay tau sa nakaraan.. kailangan mong tanggapin ang lahat ng malalaman mong katutuhanan.. wala kang babaguhin.. dahil kahit kailan ay hindi mo na mababago ang mga nangyari na" wika ni zandro habang napansin na tahimik si anghel. " alam ko na marami ka pang iniisip sa ngayon.. anghel nandito lang ako... kung kailangan mo ng kausap.. kung sakaling handa ka na.. o kaya mo na.. tawagin mo lang ako" wika ni zandro bago iwan si anghel mg isa.<br/>gulong gulo ang isip ni anghel ng mga sandaling.. kaya mas ninais nya na lamang ang mapagisa upang sa ganon ay makapagsip pa.. at magkaroon ng magandang desisyon sa buhay..</p>