ang buhay raw ng isang tao ay tila isang gulong . minsan ikaw ay nasa ilalim kung minsan naman ay nasa ibabaw ka..para raw itong isang sugal na minsan ay talo o kadalasan ay panalo. sabi ng iba ang buhay ay punong punong ng pagsubok at ng problema... ng kasiyahan... kaligayahan... ng matatamis na alaala.. buhay na iniingatan ng madami at inaabuso ng iba.. buhay na para sa iba ay sumpa. na biyaya naman para sa iba..buhay na hinahangad.. buhay na gusto na wakasan..buhay na sana ay di nalang nag wawakas..
yan ang buhay... pero naisip mo ba... sayang ang buhay mo.. kung hindi ka magkakaroon ng magandang karanasan o hindi magandang karanasan. sayang ang buhay mo kung nabuhay ka ng matagal dito sa mundo ng walang kabuluhan..
natanong mo na ba sa sarili mo ? bakit nga ba ako na buhay???
bakit nga ba kailangan nating mamamatay?? mga katanungang mahirap sagutin.. mga bagay na walang sino man ang makakapagpaliwanag.. ang mahalaga lamang sa ngayon ay meron kang buhay.
masikip, magulo, mabaho, matao, lahat na yata ng salita ay maari mong maisip kapag narinig mo ang lugar ng divisoria. ang lugar kung saan halos lahat ng iyong hinahanap ay maari mong makita at mabili rito. noon pa man ay kilala na ang divisoria bilang malaking pamilihan sa kalakhang maynila. dahil sa mga bagsak presyo o napakamurang bilihin na binibinta dito. dahilan kung bakit di nag dadalawang isip na makipagsapalaran ang mga tao upang makapunta lamang sa lugar na ito..lugar kung saan mag sisimula ang lahat.
mag aapat ng hapon taong 1989 isa sampo mg abril galing divisoria ay nagmamadali nang umuwe ng kanilang bahay si esmiralda o mas kilala sa tawag na esma. dahil ramdam nito ang pagdilim ng masungit at kumukulog na langit. sakay ng bisikleta o habalhabal(sidecar) ay agad na umuwe si esma.
sa pagtakbo ng bisikletang sinasakyan ni esma ay maramin kang makikita. marami kang mapapansin sa kahabahabahan ng naturang lugar. mula sa maduming at masikip na imahe ng lugar na iyon, mga kalalakihang nagbubuhat ng kung anu anu habang walang damit pang itahas at tila walang pakiaalam sa kanilang mga dadaanan. mga tindera at tindero na halos mamaos sa kakasigaw upang sila ay pagbilhan lamang. mga matandang babae na nagbibinta ng mga sigundamanong mga kagamitan na tila di na pakikinabangan, mga batang nagbibinta ng supot, mga taong tatawagin kang madam kahit di ka naman mayaman. ilan lamang yan sa mga pwede mong maranasan.
" kulang to" wika ng lalaki nagmamaniho ng bisikletang kanyang sinakyan matapos iabot ni esma ang trenta pesos. " hoy!!! parepareho lang tayong tagarito sa delpan kaya pwede ba wag nyo kong pinaglululuko" sagot ni esma bago iwan ang lalaki habang nagkakamot ng ulo. sa pag lalakad ni esma habang papauwe sa kanila ay tila hindi na ito bago sa kanyang mga nakikita. mga nakabalandra motorsiklo at bisikleta sa daan, mga dumi ng hayop at nakakalat na aso lansangan.. mga batang walang salawal at nagtatakbuhan. mga bagay na di nya pinapansin at kanya lamang dinadaanan.
sa pagpasok ni esma sa eskinita papalapit sa kanilang bahay ay marami ka paring mapapansin. mula sa mga nagkukumpulang hanay ng kababaihan na walang ibang ginawa kung hindi pag usapan ang buhay ng may buhay. o buhay ng ibang tao. mga kalalakihang nasa labas ng tindahan o nasa bawat sulok ng eskinitang iyon na walang ginawa kung di ang maginuman. mga kabataang nakatambay sa labasan na ang iba ay may mga tatto na sa kanilang mga katawan, mga batang makukulit,madudungis na tila pinapabayaan na nag kanilang mga magulang at syempre ang hindi mawawala sa lahat ang DROGA!.
kasabay ng pagpasok ni esma sa kanilang bahay ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. "oh...mabuti at hindi ka inabutan ng ulan" ani ng kanyang ina na si nanay mira. " oh nay nandito pala kayo kanina pa po ba kayo" tanong ni esma. " kanina pa.. ito nga't kakatapos ko lang na maglinis ng madumi nyong bahay..(habang kinukuha ang mga pinamili ni esma) nga pala... asan ba yang si arman" tanong ni mira. " omextra po muna dyan sa parolan" sagot ni esma. "extra!!! aba... wag mong sabihing sakin na hanggang ngayon ba naman ay wala paring matinong trabaho yang asawa mo! esmiralda..iha bukas o makalawa baka manganak ka na hanggang ngayon ba naman wala parin kayong naiipon" ani ni mira. " mayron na man po ma... alam nyo naman ang buhay namin dito eh" sagot ni esma. " ang sabihin mo inuuna nyo kase ang nga lintik na bisyo nyo!! kung hindi mag susukal mag iinum o kaya magsha( naputol ang sasabihin)"ma... matagal na naming di ginagawa iyon" singit ni esma. " sana nga...oh sya... aalis na ko.. may mga iniwan ako mga lumang lampin at mga gamit para sa panganganak mo tawagan mo nalang ako pag manganganak kana" ani ni mira matapos iabot ang limang daang piso sa anak at agad na umalis.
mag lalabing isa ng gabi. maingay ang kalampag ng mga bubungan mula sa itaas ng bahay nila esma dahil sa malakas na hangin at ulan dahilan kung bakit hindi sya makatulog..na sinabayan naman ng pag dating ng kanyang lasing na asawa. " san ka ba galing... anong oras na?? basang basa ka pa oh" tanong ni esma matapos bumaba. " dyan lang... (umupo) esma.. pasensya kana kung bakit hanggang ngayon ganito parin ang buhay natin..ganun siguro talaga..wala akong kwenta eh... lasingero, sugarol, adik(yumuko)pero wag kang mag alala gagawa ako ng paraan.. sa oras na manganak ka" wika ni arman bago sya linisan at bihisan at ni esma bago sila natulog.
ika labing lima ng april taong 1989 sa ika pito ng gabi sa pampublikong pagamutan malapit sa kanila lugar ay isinilang nga ni esma ang isang batang lalaki ang kanilang unang anak ni arman. "kamusta ka naman" pangangamusta ni mira "ayos naman ako ma" sagot ni esma bago kunin ng kanyang ina ang kanyang anak. " mabuti at normal ang panganganak mo.. asan nanaman ba yang asawa mo... naganak ka na't lahat wala parin sya dito" wika ni mira. "nadirito sya kanina.. umalis lang sya saglit ma.. sya pa nga ang naghatid sakin dito eh..ito nga oh( pinakita ang pera) nag iwan na sya ng pangbayad at gastusin dito sa ospital. babalik naman iyon agad alam kong sabik na din iyon na makita ang anak nya" paliwanag ni esma. "ano nga palang ipapangalan nyo sa kanya" tanong ni mira. ang sabi ni arman isunod ko raw sa pangalan ni papa at kuya..JOSE ANGHEL daw po ang ipapangalan sa kanya" wika ni esma. " ai anghel pala ang pangalan ng gwapo kong apo... ano... tumatawa kapa" wika ni mira habang kinakausap ang sanggol ang apo.
Sa ika siyam ng gabi..ay nagulat si aling mira sa isang lalaking humahangos ng takbo papunta sa kanila..."aling mira... asan si esma" wika ng lalaki. " nag papahinga na sya.. ano bang nangyari at parang nagmamadali ka." Tanong ni mira. " masamang balita po... si arman.. patay na po sya.. nasaksak sya... nakita na lamang po syang nakabulagta sa isang iskineta." Wika ng lalaki. "Dyosko" pagkabigla ni mira bago pinuntahan si arman. Halos dalawang oras ang lumipas ay agad ding bumalik ng ospital si mira upang Balikan si esma. " oh.. ma..nandito ka papala.. bakit kaya wala pa si arman.. anong oras na" wika ni esma habang napansin na tila tahimik ang kanyang ina habang na mumugto ang mga mata. " umiiyak po ba kayo ma.. May nangyari po ba" tanong ni esma bago lapitan ng kanyang ina. "anak makinig kang mabuti...wala na si arman" wika ng mira. "anung wala na.. anong ibig sabihin nyo ma" tanong ni esma. "wala na ang asawa mo patay na si arman. nakita nalang syang patay kanina sa gitna ng daan" ani ni mira. nang mga oras na iyon ay di na alam ni esma ang kanyang gagawin.. ang mga tulalang nyang ulirat ay dinala sya sa bulag na mundo, ang kanyang mga luha ay ayaw nang pumatak dahil sa sakit at pangungulila.. ang bigat ng kanyang nararamdaman ay di nya na madala't madama dahil nakatikom man ang kanyang mga labi may isang tanong ang sa kanyang nanantili "bakit"