Baixar aplicativo
57.64% TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 49: Conflict of the Truth

Capítulo 49: Conflict of the Truth

Chapter 47: Conflict of the Truth 

Mirriam's Point of View 

 Dinala ako ni Jasper sa harapan ng ilog dito sa tabi ng tulay. Naglakad lang kami papunta rito at iniwan ang motorsiklo sa harapang bahay ng Rouge Residence matapos kong ibigay kay Haley kanina 'yung academic notebook na naiwan n'ya sa shop. 

 At bago pa man kami makarating dito ay bumili rin muna kami ng makakain sa tusok-tusok tulad ng Tokneneng, Fishball, Calamares at Chicken Skin. Mayroon din kaming softdrinks sa tabi. 

 

 Habang pinagmamasdan naming dalawa ni Jasper 'yung mga kumikinang na liwanag mula sa city lights, pareho kaming nakaharap lamang ang tingin. 

 

 "May problema, Mirri?" Nag-aalalang tanong ni Jasper noong silipin niya ang mukha ko. 

 Tumusok ako ng isang pirasong Calamares at sinubo iyon, hindi muna nagsalita. 

Flashback: 

 Groupings namin no'n at kakatunog lang nung bell kaya nag-ayos na kami ng gamit. 

 Patayo pa lang ako para sana puntahan si Jasper dahil sabay sana kaming dalawa na kakain subalit napahinto ako noong magkasama sila ni Haley na papunta sa akin. 

 "Mirri, sorry. Alam ko sabay tayong kakain pero mayro'n lang kaming pupuntahan sandali ni Haley." Paalam ni Jasper sa akin kaya ibinaba ko 'yung tingin kay Haley. Wala siyang emosyon na nakatingin sa akin kaya pasimpleng bumaba ang balikat ko bago ibinalik ang tingin kay Jasper. 

 Ngumiti ako. "Sure, pwede namang mamayang lunch, eh." 

 "Sorry, bawi ako mamaya." At dali-dali na lamang silang umalis sa harapan ko. 

 Tumayo na rin ang isa sa kaklase ko. "Alam kong magkakaibigan kayo pero napapadalas naman na yatang magkasama si Haley at nung manliligaw mo." aniya. 

 Inayos ni Rose ang mga kwaderno niya. "Hey, don't give her a wrong idea." Suway ni Rose bago tumayo. "Hindi naman magagawa ni Haley 'yung tulad ng iniisip mo, 'no? Huwag mo nga siyang igaya sa 'yo na dala-dalawa ang boyfriend." 

 Nagulat ang kaklase ko sa sinabi ni Rose. "Hoy! Ang ingay mo!" 

 Nag-aaway na silang dalawa ro'n habang umiwas lamang ako ng tingin. 

End of Flashback: 

 "Jasper, hindi ko pa talaga 'to nasasabi sa 'yo kapag magkasama tayo. Pero kung sakaling dumating sa punto na napagod ka sa paghihintay ng sagot ko at may nakikita kang bagong gugustuhin. You can tell me." Panimula ko kaya nakita ko sa peripheral eye view ang pagkunot-noo niya. 

 "Bakit mo nasasabi sa 'kin 'yan? Dahil ba 'to kay Haley--" Sumabat ako bago pa man siya magsalita. 

 "Jasper, I want you to be honest with me." Humarap ako kay Jasper at huminga nang malalim bago ko sabihin ang gusto kong sabihin. "Gusto mo ba si Haley?" Tanong ko na mas nagpakunot sa kanya. 

"Mali ka--" 

 "Jasper, hindi naman sa hindi ko kayo pinagkakatiwalaan. Pero gusto ko lang din 'tong sabihin." Tumitig ako sa mga mata niyang nalulungkot na nakatingin sa akin. "Totoong masasaktan ako kung sakaling may magugustuhan kang iba, pero sana bago ko pa man malaman sa iba o kaya sa ibang paraan, sabihin mo sa akin." Tumungo ako. "Alam kong wala akong karapatan dahil sabihin nating nililigawan mo lang naman ako pero pa'no kung ayaw mo na? Ano na lang ako sa 'yo--" 

 Ipinatong niya ang mga kamay niya sa aking balikat. "Mirriam. Listen, listen to me. Marami akong pagkukulang sa'yo ng mga nakaraang linggo, pero 'di ibig sabihin may nakikita akong iba. Ano lang kasi…" Tumungo rin siya gaya ko 'tapos napailing. 

 Kaya napatingala na ako para makita siya. Mula sa liwanag ng mga sasakyan na dumaraan, nakikita ko na parang may gustong sabihin si Jasper na hindi niya magawang mailabas. Bakit? 

 Niyakap niya ako nang napakahigpit dahilan para bumaon ang mukha ko sa mga bisig niya. "Just believe me in this one, please?" He begged. 

 Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Okay, but I'll tell you this one thing." Panimula ko. "Para 'di tayo parehong nasasaktan o nahihirapan, sabihin mo kaagad sa akin kung ayaw mo na. Handa akong pakawalan ka." 

 Itinulak ako ni Jasper palayo sa kanya nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa mga balikat ko. "Huwag mo namang sabihin 'yan sa akin na parang handa mo 'kong talikuran." Pagkadaan ng sasakyan, nakita ko ang pagtutubig sa mata ni Jasper. 

 Masyado ba akong nagiging makasarili? 

 

 Both of my eyebrows furrowed. "I'm sorry, to tell you honestly, natatakot lang kasi talaga ako na pa'no kung nag I-stick ka lang sa 'kin dahil alam mong mayro'n akong inaasahan sa 'yo? Kaya…" 

 Hinawakan niya ang mga kamay ko kaya bumaba ang tingin ko, pero ibinalik din sa kanya pagkatapos. "Mahal kita!" Malakas niyang sigaw kaya 'yung mga kumakain sa may bandang tusok-tusok ay napatingin sa amin. 

 Umatras ng isang hakbang ang kaliwa kong paa. "H-Hoy! Huwag mo ngang isigaw 'yan--"

 "Kaya kong ipagsigawan 'yan, pero alam natin na hindi sapat ang salitang mahal kita para maniwala ka sa akin, kaya kung hahayaan mo 'ko…" Lumapit ang mukha niya sa akin. "Huwag kang umilag." 

 Dahan-dahan na niyang inilalapit sa akin ang mukha niya habang kinakabahan akong nakatingin sa mga labi niya. H-Hahalikan niya ako, dito sa public? 

 Bumubuka-sara ang bibig ko bago mapapikit nang mariin bago ko marahang itinulak palayo ang mukha niya sa akin. "I-I get it, I get it!" 

 "What? But…" Nanlumo siya, animo'y iniisip na hindi siya pinagkakatiwalaan kaya ibinaba ko ang mga kamay ko't napakamot sa pisngi ko. 

 "Hmm… Pa'no ko ba sasabihin?" Humalukipkip ako't umiwas ng tingin. "A-Amoy suka ka kasi kaya ayaw kong magpahalik." 

 Hindi ko nakikita ang mukha ni Jasper pero dahil sa tunog na ginawa niya bilang reaksiyon niya, alam kong hiyang-hiya siya. "S-Sorry!" 

 Humawak ako sa kaliwa kong pisngi dahil pakiramdam ko, pati ako ay namumula na rin. "Joke lang. Paano ka magiging amoy suka kung hindi ka pa kumakain?" 

 Umawang-bibig siya dahil sa na-realized niya. "O-Oo nga 'no?" Paghawak niya sa likod ng kanyang ulo. "Huwag ka kasing magbiro ng ganyan, nakakahiya tuloy." 

Jasper and I have never kissed before, so this is kind'a embarrassing for us. "Gusto kong magpahalik kapag t-tayo na." Nauutal kong sabi kaya inilipat ni Jasper ang tingin niya na kanina'y nakaiwas ang tingin. 

 "Ba't ayaw mo na lang ako sagutin ngayon nang ma-kiss kita?" Naramdaman ko 'yung pag ngisi niya kaya humarap na lang ako sa mga pagkain namin. 

 "Hindi ko pa nga alam 'yung result ng grades mo, eh." 

 Humagikhik siya. "Sige, maghihintay pa ako ng ilang araw. Next week daw kasi kukunin ni Ate. Pero sigurado akong maganda 'yung grades ko. Inspired kasi sa'yo." Pagkindat niya na sinimangutan ko lang bago sumubo ng Calamares. 

 "Kumain na lang tayo." Isinubo ko sa kanya 'yung fishball kaya pareho kaming mga nag ngitian. 

Reed's Point of View 

 Lumabas ako sa bahay at nagpamulsa. Nakasuot ako ng medyo makapal-kapal na hoodie dahil medyo malamig-lamig ang panahon ngayon kung kaya't makikita mo ang hamog kapag natatapatan ng liwanag mula sa post lights. 

 Hindi ako makatulog kahit alas dose na ng umaga kaya pupunta muna ako sa kalapit na conveniene store para bumili ng gatas dahil inubusan nanaman ako ni Kei kahit nakalagay na sa refrigerator. 

 Sabi ko akin 'yon, eh. 

 Nakadaan ako sa bahay nila Haley kaya huminto ako at tumingala para tingnan ang bandang kwarto niya. Bukas ang ilaw nito. 

 Hindi pa kaya siya tulog? 

 Ibinaba ko naman ang tingin sa familiar na motorsiklo. Bakit nandito 'yung motor ni Jasper? 

 Tanong sa aking isip at biglang nakaramdam ng masamang pangangamba. Ilang araw na silang magkasamang dalawa. Hindi naman siguro… 

 Tumakbo ako sa gate, hindi ito sarado at nakabukas lamang nang kaunti kaya wala sa isip akong pumasok. Trespassing na itong ginagawa ko pero nawawalan ako ng pakielam. 

 Naba-blanko ang utak ko sa posibilidad na pa'no kung… Paano kung may nangyayari pala kina Jasper na 'di ko alam kaya palagi silang magkasama? 

 Matagal ko na rin talaga 'tong iniisip. Bakit ba sila magkasama palagi? 

 'Di naman siguro maiiwasan na matanong 'yan sa sarili, 'di ba? At hindi lang naman ako ang nakakahalata na napapadalas na silang magkasamang dalawa. 

 Huminto ako sa tapat ng pinto. Noong pinihit ko ang door knob, bukas ito kaya dahan-dahan kong itinulak ang pinto para makapasok. 

 Madilim ang sala at ang tanging liwanag lang na mayroon ay ang bandang hagdan. 

 "Ngh." 

 Naalala ko ang paraan ng pang-aakbay ni Jasper kay Haley. "Hi, bespren!" Pag e-echo ng boses ni Jasper kapag palagi niyang kinukulit si Haley.  

 Hanggang doon lang ba talaga sila? Pero kung sakali mang hindi, handa ba akong malaman 'yon at tanggapin? 

 "Mmh!" Rinig kong ungol sa itaas dahilan para manlaki ang mata ko't dali-daling umakyat para puntahan si Haley. 

 Tarantado ka Jasper, kung alam ko lang una pa lang! 

 Nakaakyat na ako at pumunta sa pintuan kung nasa'n ang liwanag pagkatapos ay binuksan ang pinto. "Haley--" Napatigil ako sa pagtawag sa pangalan niya nang maabutan ko na nakagapos siya ro'n sa kama niya habang naka sando't panty lamang. 

 Namilog din ang mata niya sa gulat noong makita niya ang pagbungad ko. Subalit mukhang hindi niya ako nakilala dahil sa hoodie ko kaya mukha siyang natatakot sa akin. 

 Imbes na ibaba ko ang hoodie ko, napatingin muna ako sa pulso niya na namamasa. Siguro ay pinipilit niyang alisin ang pagkakagapos sa kanya. 

 Humakbang ako paloob. "Sh*t, who did this to y--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na hampas sa batok ko. Animo'y kinarate ako. 

 

 Napadapa ako sa sahig kaya napasinghap si Haley. May tumapak sa aking likuran kaya hindi na ako nakagalaw. 

 Dammit! Ano'ng ginawa niya? 'Di ako makapagsalita! 

 

 Inalis niya ang hoodie ko saka niya higpit na hinawakan ang buhok ko upang mas idikit ang mukha ko sa sahig. "You're trespassing, Reed Evans." 

 That voice! 

 Pinilit kong makita siya, at noong makumpirma ko nga kung sino ang taong ito ay nanlaki ang mata ko. Lumakas ang pintig ng puso ko. 

 Inangat ko naman ang tingin sa isa pang babae na nandoon sa kama. "Ano'ng…" Hindi makapaniwalang reaksiyon at muling ibinalik ang tingin sa babaeng nakahawak nang mahigpit sa aking buhok. Mayroon siyang asul na mata katulad ng mata na mayron si Kei. 

 "You must be kidding me…" 

***** 


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Yulie_Shiori Yulie_Shiori

Yes, I know some of you na nakabasa nito sa Wattpad ay naninibago sa mga nakaraan na chapters dahil sa mga pagbabago ng mga scenarios.

Kasi inayos ko siya and I tried na gawing clear ang mga unrealistic situations ng mga characters.

But I hope nag e-enjoy kayo kahit papaano. Thank you for reading the story.

Medyo malapit lapit na rin 'yung pagtatapos nito. Malapit na tayo sa climax. :)

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C49
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login