Baixar aplicativo
97.46% My Beast Boss / Chapter 77: 76. Epilogue: The Wedding

Capítulo 77: 76. Epilogue: The Wedding

|| Marsha Sandoval ||

"Marsha.."

"C-carla? Okay ka lang ba?" I lowered myself, hinarap ko ang sarili ko sa kanya. Sandali'y nakita ko namang pilit siyang napa-ngiti.

"A-ahh, oo. Ayos lang ako.." pautal niyang sabi.

Pero sa tingin ko ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. At sandali'y napansin ko sa kanyang mga mata na nag-tutubig iyon, pero pinigilan lang niya ang sarili niya na huwag umiyak.

I sighed. "Tell me the truth, Carla. Alam kong hindi ka okay.." i half-smiled. "Gusto kong malaman, siya ba 'yon? may ginawa ba siya sa'yo?" this time, tinignan niya ako ng mabuti.

"P-pinahiya niya ako. P-pero hayaan mo na siya. O-okay lang naman sa'kin.." sambit niya.

Sandaling pinag-ngalit ko naman ang mga ngipin ko at napa-taas ako ng aking kanang kilay. Hindi na ako nag-atubili nang mabilis akong tumayo.

"Marsha!" narinig kong pag-tawag niya sa akin. Huminto ako sandali sa pag-lalakad, naka-talikod ako sa kanya habang naka-tayo.

"Gagawin mo ba talaga 'yon?" humugot ako ng hininga at saka ako nagbitiw nang salita. Sandali'y hinarap ko siya.

Napansin ko naman na napa-iling siya, at alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, na gusto niya akong pigilan para huwag ko nang ituloy kung ano man ang balak ko.

"Oo. Akong bahala." pagkasabi ko 'non ay tuma-likod na ulit ako sa kanya, saka na ako nag-martsa paalis.

Inilakad ko ang mga paa ko papunta sa likod ng school, dahil alam kong madalas siya doon na tumatambay kasama nung mga kaibigan niya.

Oo. May kutob ako na siya ang may gawa 'non. At base na rin sa mga sinabi ni Carla, alam kong may ginawa yung taong 'yon sa kanya na hindi maganda.

Speaking sa taong 'yon, tama nga ako. Nakita ko siya ngayon doon na nakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan niya.

Bago ko pa ihakbang ang mga paa ko papunta doon, sandali'y parang binalot naman ako ng kaba. Parang may kung anong nag-tutulak sa akin na huwag ko nang ituloy yung binabalak ko, pero sandali'y naisip ko si Carla.

Tama. Ipag-hihiganti ko lang si Carla sa ginawa niya.

Yes. Pinahiya niya ang kaibigan ko. Tsk. At hindi ako papayag na basta-basta nalang niyang gawin iyon sa kanya!

Bakit? Sino ba siya? Akala ba niya kina-guwapo na niya yung pagiging mahangin niya? Na akala niya, lahat ng babae, may gusto sa kanya? I chuckled. Humanda siya sa akin. Kung pinahiya niya ang kaibigan ko, higit pa 'don ang gagawin ko sa kanya!

I sighed at matuwid akong naglakad at lakas loob na tinungo ang kinaroonan niya. Tumigil ako sa'king paglalakad nang nasa harap ko na siya, kasama ang mga kaibigan niya.

"Bro." nakitang kong sinenyasan nung Terrence si Logan na ngayon ay naka-talikod sa akin. Sabay ipinihit niya ang kanyang katawan paharap sa'kin, nang napa-tingin siya sa'kin at si Nash.

"Oh, I'll guess it right now for you bro if why she's here.."

"I agreed, Terrence." nakita kong naka-ngisi ng malapad yung dalawa niyang ugok na kaibigan.

"Guess it, Terrence." ngumisi rin ako ng nakakaloko. Tinapunan ko lang sila ng tingin habang nag-tatawanan yung dalawa niyang kaibigan. Habang siya, napansin ko na naka-tayo na ngayon sa harap ko. Naka-halukipkip at walang ganang naka-tingin sa akin.

"I guess that she'll confess also to you, bro. Oh what a goddess jerk. Hahahaha!" they burst a laughed.

"Y-yeah. Yeah. I have a crush on you Logan, and--"

"Enough fvcking assholes." pag-suway ni Logan sa kanila. Saka naman tumahimik yung dalawa. Pero sa pagka-kakataon na 'yon, ay rinig ko pa rin ang pag-ngitngit nung dalawa ng mahina.

"What do you need?" ngnitian ko siya ng nakaka-loko, napansin ko namang nagtaka siya sa naging reaksyon ko.

"Wala akong kailangan sayo." matapang kong sabi.

"Then why are you here?" he asked wondering. He furrowed his brows.

"Oh. I told you bro. She's here to confess that she also had a crush on you!" pag-singit sa usapan ni Terrence. Tinapunan ko siya sandali ng tingin.

"Oh. Your wrong Terrence.." pailing-iling ako habang may ngiti sa'king labi. Pagdaka'y ipinukol ko ang tingin ko kay Logan. "Eto talaga ang pakay ko." pagkasabi ko 'non, kaagad kong nilapitan si Logan at kausunod 'nun ay tinuhod ko lang naman siya.

"F-fvck! What the heck!" Napa-inda siya sa sakit nang napa-hawak siya 'don sa pagitan ng mga hita niya.

"Mabaog ka sana!" pagkasabi ko 'non ay mabilis na akong tumakbo.

Tsk.Tama lang 'yon sa kanya. Para naman matauhan siya sa kahanginang ginawa niya. Tsk. Ginanti ko lang si Carla. Pinahiya kasi niya, kahit na wala naman masamang ginawa sa kanya si Carla para pahiyain niya ng ganun-ganun nalang. Hmp!

Habol hininga ako nang huminto ako sa pagtakbo papunta sa hallway. Napa-hawak ako sa'king tuhod habang luminga-linga ako sa paligid.

"Oh, Saan ka galing? Anong nangyari sa'yo? May humahabol ba sa'yo?" inayos ko ang sarili ko at tumayo ako ng maayos nang ipinitlig ko ulo ko kay Carla na ngayon ay naka-tayo na sa harap ko.

"Wala ka nang problema. I told you, iginanti na kita sa kanya.." sandali'y nakita kong napa-takip siya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Namilog rin ang mga mata niya.

"A-anong ginawa mo Marsha?!" hindi niya makapaniwalang tanong. Masaya ko siyang nginitian.

"Binaog ko lang siya." sabay ngisi ko ng nakakaloko.

"Oh my--goodness! What have you done Marsha! Hindi ka ba nag-iisip? Gagantihan ka rin 'non!" napa-sapo naman siya sa kanyang noo. Pagdaka'y napa-bagsak ang kanyang mga balikat.

"Hindi na siya makakaganti.." nanliit ang mga mata at napansin kong nag-taka siya sa sinabi ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" she asked wondering.

"Kasi tinuluyan ko na siya. Malamang, hindi na makaka-lakad 'yon." sabay wink ko kay Carla. Suddenly, nag-tawanan kaming dalawa. Pagdaka'y pumunta na kami sa classroom namin.

****

"Hey, dolly Marsha. Mag-sisimula na ang wedding niyo. You, ready na ba dolly?" kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko matapos akong datnan dito ni Lawrence sa loob ng kwarto.

"A-ahh, oo. Lalabas na ako.." pagdaka'y inayos ko na ang sarili ko nang tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Okay!" masaya niyang sabi pagdaka'y lumabas na siya ng kwarto.

Speaking kay Lawrence, bale siya yung naging wedding planner namin. At tungkol naman sa kasal, dito namin ginanap yung kasal sa bicol. Dito sa bahay namin ni Logan kung saan malapit kami sa tabing-dagat. Speaking dito, iyon na yung venue ng kasal na nirekomenda namin kay Lawrence.

Napag-desisyunan kasi namin ni Logan na dito nalang iyong ganapin. At isang bagay na gusto ko rin ay dahil nasa tabing-dagat kami at ang perfect ng view.

Masaya akong lumabas sa kwarto, habang naka-suot ng wedding gown ko na white a-line which have fitted bodices through the waist and cascade out towards the ground, resembling the outline of an uppercase "A." At halos sobrang excited ako na kinakabahan na masaya.

"Do you need help dolly?" tanong ni Lawrence ng mapansin kong nag-hihintay pala siya sakin sa labas.

"H-hindi. Kaya ko naman.." saad ko. Napa-ngiti naman siya sa akin.

"You know girl dolly, I can't define how beautiful and stunningly you are today. The wedding gown really suits you, which is also perfect for your goddess's face."

"Thank you, Lawrence." matamis kong sabi.

"Gosh. I hope someday, I'll be also a goddess like you. Dolly."

Yeah. He loves calling me dolly. Mukha daw ako barbie. I chuckled. Saka, okay lang naman sa'kin 'yon ang itawag niya sakin. Parang nakakatawa rin. I shook my head. Kahit na minsan napapag-hinalaan na ng masama ni Logan si Lawrence. Pero, sinabi ko naman sa kanya na gay siya. Kaya wala namang kaso 'don.

Habang nasa tabi ko siya, saka na ako dahan-dahang nag-lakad papunta 'don sa venue, at mula dito at natatanaw ko iyon.

Sandali, hindi ko maalis sa labi ko ang kaba at kanina pang saya na nararamdaman ko ngayon. Mukhang parang nag-tutubig pa ata ang mga mata ko at nag-babadya iyon na tumulo. Ugh!

"Hey dolly. Don't cry ha? Hala ka, baka mamaya mag-mukha ka nang zombie dolly 'don sa harap ng magiging husband mo. Gosh. Baka mag-sitakbuhan pa yung mga tao." rinig kong pabirong sabi ni Lawrence na ngayon ay naka-tayo sa tabi ko. Napa-tawa naman ako ng marahan.

"Gora na. He's waiting you there.." Pagkasabi niya niyon, saka ko naman ibinaling ang tingin ko sa'king harap at saka ako nag-simulang nag-lakad.

Naka-ngiti akong nag-lalakad papunta sa aisle habang hawak-hawak ko yung bulaklak na naka-pwesto banda saking dibdib.

Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak, habang nakaka-ilang hakbang palang ako. At sandali'y, kita ko ang mga mata sa'king paligid na pag-pasok ko palang, ay naka-pukol na iyon sa'kin. Habang patuloy pa rin ako sa'king pag-lalakad.

Suddenly, bigla kong narinig na nag-play yung music na 'till death do us part' ng white lion ng slowmo. And speaking dito, ito yung old love song na isa rin sa mga collections ng love songs na paborito ko.

At habang tumutunog iyon ng mabagal, saka na nag-simulang inawit ang mga liriko niyon na lalo pang nag-padala sa'king emosyon.

As we talk the golden mile

Down the pretty aisle

I know that you are mine

And there's nothing in this world

At ngayon, habang naka-tuon lang ang tingin ko sa'king harapan. Tanaw ko mula dito sila Dwayne at Roxie na naka-tayo banda saking kanan, at naka-ngiti sila sa'kin habang nasa akin ang kanilang mga paningin. Natanaw ko rin si ate Cecil na naka-ngiti sa'kin habang pinapanood niya ang bawat lakad ko, ganun rin ang boyfriend niya.

Yeah. Sobrang na-miss ko rin siya. And speaking to her boyfriend, 'yon yung nakilala niya sa fb. At hanggang sa naging friends sila at dumating sa point na nahulog sila sa isa't-isa. Nalaman ko lang 'yon after ng may nangyari sa'kin. At bukod 'don, ay madami rin kaming mga kalokohang pinag-usapan.

Natanaw ko rin sila ms. Lailani at yung ibang empleyado sa kompanya ni Logan na ininvite ko, especially yung mga old jerk friends ni Logan na nabigla rin sa pangyayari na ikakasal na ako kay Logan. Yeah. Sila Terrence at Nash na kama-kailan lang ulit sila nagkita-kita, dahil sa pagiging abala nila sa mga kani-kanilang businesses.

Sandali'y, napalingon naman ako sa gawing kaliwa at nakita ko 'don ang nga magulang ni Logan, ang dad niyang si Harold at ang mom niyang si Jane. At natanaw ko na masaya silang nagka-tingin sakin.

Yes. tungkol naman sa kanila, napagtanto ko na mabait silang mga magulang ni Logan. Although, alam ko na palagi ring sinasabi sakin ni Logan na wala daw silang pake sila sa kanila ni Roxie--dahil sa pagiging abala nila sa mga businesses nila, gusto lang nilang mapa-buti ang kanilang mga anak. At si Logan, kahit na hindi niya ganoong close ang magulang niya, pinilit ko parin siya na maging mabuti ang pakikitungo niya sa mga magulang niya.

And yes. Naka-usap ko na ang mga magulang niya, at hindi naman sila against sa'ming dalawa ni Logan. At isang bagay na akala ko noon, magiging balakid pa sila sa buhay namin ni Logan.

Nandito rin yung uncle ni Logan, pati sila Jes at yung mga relatives niya. Pati si Rix na dine-daydream ko dati. Ugh! Nalaman ko na childhood friend slash cousin ni Logan. Nalaman ko lang kasi dati 'yon kay Logan ng mabanggit niya 'yon sakin.

That I know that I won't do

To be near you everyday

Every hour every minute

Take my hand and let me lead the way

Pero sandali, tungkol naman sa usaping yaon, wala na akong balita kila Stella at Steven. Bukod sa huli kong balita sa kanila na kinasuhan ni Logan si Steven at si Stella. Pero, sinabi ko na huwag na niyang gawin 'yon. Kaya hindi na rin tinuloy ni Logan iyon.

Nagkataon rin na nag-usap kami ni Steven nung mga panahon na 'yon at naka-hinga naman ako ng maluwag kahit papaano dahil naintindihan niya na wala na akong nararamdaman sa kanya, at nag-sorry siya sa mga ginawa niya sa'kin. Pero pinatawad ko naman siya. Nagka-ayos naman kami dahil ayoko rin namang mag-tanim ng galit sa kanya dahil sa mga ginawa niya, at naiintindihan ko naman kung bakit pinag-pipilitan niya parin akong mahalin. Dahil may nararamdaman pa rin siya sakin. Pero katulad ng sinabi ko Stella, ganun rin ang sinabi ko sa kanya.

Speaking naman kay Stella, humingi na rin siya ng tawad sa akin. Nalaman ko sa kanya na kaya niya ginawa yung bagay na 'yon ay dahil mahal niya si Logan. At naiintindihan rin niya, kaya hindi na rin niya pag-pipilitan ang sarili niya kay Logan. Dahil, na rin sa sinabi ko sa kanya noon. At tungkol 'don ay pinatawad ko na rin naman siya.

At tungkol naman sa sinabi niya na buntis siya, nalaman 'yon ng mga magulang niya pati sa side ni Logan, nang siya na mismo ang umamin sa kanila.

Tama nga si Roxie. Na malaking kasiraan 'yon sa kanyang pamilya lalo pa't halos kalat ang isyu na 'yon sa paligid. Pero, sa huli, tinanggap nalang rin ng mga magulang niya. Pati ng mga magulang ni Logan.

Sandali, naalala ko rin nung araw na tinanong ko siya kung paano niya ako itinakas kay Steven, at sinabi niya na yung araw na 'yon na binalak ni Steven na dalhin ako sa States, dahil nga gusto niya akong ilayo kay Logan. At sa pagkakataon na 'yon ay 'don na niya ako tinakas. Nung araw na nasa loob ako ng kotse ni Steven, at nung lumabas siya, 'don na niya kinuha yung pagka-kakataon na itakas niya ako. Nalaman ko sa kanya na pinag-planuhan niya pala iyon.

Ginawa niya 'yon dahil nga sa block mail ni Roxie sa kanya, pero hindi naman iyon binulgar ni Roxie, dahil naniniwala siya na kahit spoiled brat si Stella, aaminin rin siya at malalaman rin 'yon ng mga magulang niya. Pati ng side ni Logan. At hanggang sa 'yon na nga ang nangyari.

At matapos ang mga nangyaring 'yon, wala na akong balita sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Steven.

I smiled. Habang tumutunog yung music na 'yon, ngayon ko lang napansin na parang pamilyar sa'kin ang boses na kumakanta ng music na 'yon.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, para hanapin si Troy at ang mga kaibigan niya, pero sandali'y hindi ko sila makita. Hanggang sa natagpuan ko siya doon sa harap habang nasa gilid siya kasama ang dalawa niyang kaibigan. Medyo natilihan ako sandali ng napagtanto kong siya pala ang kumakanta niyon. Habang yung Ivan ay nag-gigitara at nag-du-drums naman yung Sander.

Wait, kailan pa nagkaroon ng banda si Troy? Saka bakit hindi ko nalaman 'yon?

Pero sandali, parang may naalala akong nabanggit na 'yon sakin ni Dwayne eh. Meron ba? Hays. Bahala na nga.

My love will never end

Till death do us part

When I wake up everyday

With you lying in my arms

Pero sa totoo lang, masaya ako. Dahil pakiwari ko ay napaka-special ko. Na hindi lang basta ordinaryong kasal namin ni Logan sa araw na 'to. Hindi ko maipaliwanag yung tuwa at saya na nararamdaman ko.

I wonder if I'm dreaming

When I look into your eyes

I just can't believe it's true

That my heart belongs to you

Baby you can have it all

Sandali, napa-tigil ako ng ng mapa-baling ang tingin ko kay papá Jackson at mamá Felisha na ngayon ay nag-pupunas ng kanyang luha habang masaya siyang naka-tingin sakin, pati si papá Jackson. At napansin kong sinenyasan na niya ako na mag-lakad na. Pagdaka'y, saka ko na ulit pinag-patuloy ang pag-lakad ko.

Take my hand and let me lead the way

All through your life

I'll be by your side

Till death do us part

I'll be your friend

My love will never end

Till death do us part

"Do you like the song, love?" matapos ang ilang mga hakbang na nailakad ko, tumigil ako na ako sa pag-lalakad ng ngayon ay nasa harap ko na siya.

Naka-ngiti akong naka-tingin sa kanya at ganon rin siya sa'kin.

"O-oo love..sobrang nagustuhan ko.." halos maluha-luha ko nang sabi.

Hindi ko na maibuka ang bibig ko habang ngayon ay magkaharap na kami. Parang mas umangat pa lalo yung kaguwapuhan ni Logan. Simula sa kanyang mga mata, sa kanyang ilong, sa kanyang mga pilik-mata at kanyang labi. Napa-lunok ako.

Parang hindi na siya yung halimaw na nakilala ko noon. Ang laki na nang pinag-kaiba niya. Kumurap-kurap pa ako sandali, dahil baka panaginip lang ata ang lahat ng nangyayari ngayon.Pero totoo pala ang lahat ng iyon.

Yes. Hindi ko akalain na siya na yung ibinigay sakin--na magmamahal sa akin sa buong tanan ng buhay ko. Kahit na hindi man ganon naging madali ang mga pinag-daanan namin, sinuportahan at minahal niya ako. Kahit na noon rin ay nasaktan ko siya at may tampuhan kami, minahal pa rin niya ako.

All through your life

I'll be by your side

Till death do us part

I'll be your friend

My love will never end

Till death do us part

"Sssh.. Don't cry. Okay?" napatango nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko parin inaalis ang ngiti sa'king labi. Sandali'y, napansin ko na tumigil muna sa pag-kanta si Troy.

Pagdaka'y, hinawakan niya ako saking bewang at saka naman kami sabay na humarap sa pari, na ngayo'y nasa harapan na namin. Hanggang sa nag-simula na siyang nagsalita.

"Welcome, family, friends and loved ones. We gather here today to celebrate the wedding of Marsha and Logan. You have come here to share in this formal commitment they make to one another, to offer your love and support to this union, and to allow Marsha and Logan to start their married life together surrounded by the people dearest and most important to them." pag-sisimula ng pari habang naka-pukol pa rin ang mga paningin namin sa kanya.

"As Marsha and Logan prepared for the ceremony part of this wedding celebration, they reflected on what it is that they love about each other. And this was was the easiest part of planning this wedding!" dugtong ng pari. Napa-lingon ako sandali kay Logan. Sabay nginitian ko siya.

"Logan, Marsha loves that you blend in so comfortably with her family. She sees in you a funny, kind, and sweet man. She loves that you think she is funny and that you always find a way to compliment her." hindi ko maalis ang ngiti sa'king labi habang pinapakinggan ko iyon. Saka ko naman inalis ang tingin ko sa kanya.

"Marsha, Logan loves that you more than the thing in this world. He loves your brain, your smile, and your beauty. He appreciates that you are "low maintenance." He likes that you can be really silly. He loves everything about you. He loves your cooking. He loves your kisses. He just really loves you!" napansin ko na nag-sabi pa ng 'yeah. I love this girl' ng mahina si Logan. Napakagat-labi naman ako.

Pagkatapos 'non ay saka naman kami dumako sa wedding vows. "We come now to the words as Marsha and Logan want to hear the most today..the words that take them across the threshold from being engaged to being married.." ani ng pari.

"Logan, do you come here freely and without reservation to give yourself to Marsha in marriage?"

"I really do." masaya niyang sagot. Nagka-tinginan kami sa sandali sa isa't-isa.

"Marsha, do you come here freely and without reservation to give yourself to Logan in marriage?"

"I do." naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Logan and Marsha, having heard that it is your intention to be married to each other, I now ask you to declare your marriage vows. Please face each other and hold hands.." Humarap na kami sa isa't-isa. Pagdaka'y saka ulit nag-salita ang pari.

"Logan, please repeat after me.." mataman lang ang tingin sa'kin ni Logan habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.

"I, Logan take you, Marsha to be my wife. I will share my life with yours and build our dreams together, support you through times of trouble, and rejoice with you in times of happiness. I promise to give you respect, love and loyalty. This commitment is made in love, kept in faith, lived in hope, and made new every day of our lives.." habang binabanggit niya iyon, hindi ko maalis ang saya sa aking dibdib. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi maiyak habang masaya niyang sinasambit ang mga iyon.

"Marsha, please repeat after me.." huminga ako sandali saka ako sumabay na sambitin iyon. "I, Marsha take you, Logan to be my husband. I will share my life with yours and build our dreams together, support you through times of trouble, and rejoice with you in times of happiness. I promise to give you respect, love and loyalty. This commitment is made in love, kept in faith, lived in hope, and made new every day of our lives.." hindi ko na inisip kung tuwid pa ba ang mga sinambit ko, nang saka ko na naramdamang pumatak na ang luha ko sa'king kanang pisngi.

"Ssh. Don't." pansin kong sabi ni Logan. Pagdaka'y pinunasan niya ang luha ko. Saka ko naman rin napansin na dinala na sa harap namin ang singsing na isusuot namin sa isa't-isa.

"Your wedding ring are the outward and visible sign of the inward and invisible bond which already unites you two hearts in love.." ibinigay kay Logan ang singsing, pagkatapos ay saka niya sinunod ang sinabi ng pari.

"Groom, place the ring on Bride's finger and repeat after me…" Pagdaka'y isinuot iyon ni Logan sa'king daliri. Saka niya sinabayan ang sinabi ng pari. "I give you this ring. Wear it with love and joy. As this ring has no end, My love is also forever.."

Pagdaka'y sakin naman ibinigay ang singsing, saka ko isinuot iyon sa kanyang daliri habang sinasambit ko ang sinasabi ng pari. "I give you this ring. Wear it with love and joy. As this ring has no end, My love is also forever." ramdam ko ang mainit na palad ni Logan nang mahawakan ko ang kanyang kamay. Napakagat labi naman ako.

"May the wedding rings you exchanged today remind you always that you are surrounded by enduring love.." aniya ng pari. Pagkatapos ay may message muna ang pari saka kami dumako sa declaration of marriage. Ang bagay na alam kong iche-cherish ko sa tanang buhay ko, bilang magiging asawa ni Logan.

"Logan and Marsha, you have come here today of your own free will and in the presence of family and friends, have declared your love and commitment to each other. You have given and received a ring as a symbol of your promises. By the power of your love and commitment to each other, and by the power vested in me, I now pronounce you husband and wife." ng sambitin iyon ng pari, suddenly bigla kung anong may naramdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak sa tuwa, lalo na nang sambitin iyon ng pari ang isang bagay na pinaka-hihintay ko.

"You may now share your first kiss as husband and wife." Hanggang sa napansin kong dahan-dahang lumapit sa'kin si Logan. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa'king bewang at marahan niya akong nilapit sa kanya. Kasunod ay nilapit niya ang kanyang mukha sa'kin hanggang sa tuluyang dumampi ang kanyang labi sa'kin.

Habang nasa ganun parin kaming posisyon, I really felt in my heart that his kiss was so passionate, na hindi lang basta halik iyon kundi ramdam ko ang kahulugan ng pag-mamahal niya sakin. Hindi lang basta magiging asawa niya kundi bilang isang espesyal na babae sa buhay niya. Pagdaka'y, saka naman nag-hiwalay ang mga labi namin sa isa't-isa.

"Congratulations. Friends and family, I now present to you the newly married couple. Let's hear it for 'em!" Pagkasabi 'non ng pari ay saka ko naman narinig ang palakpakan sa paligid.

Saka ko naman muling narinig na tumugtog yung kanta kanina.

All through your life

I'll be by your side

Till death do us part

I'll be your friend

My love will never end

Till death do us part

There'll be good times

And there'll be bad

But I will stand beside you

Woman, all the way

And through the years

As life will put us through

When snow will fall on winter nights

I'll keep you warm inside

Yeah, baby, I will

Tinanaw ko mula dito si Dwayne, na masayang naka-ngiti sa'kin, at napansin kong umiiyak pa rin yung loka. I laughed a bit.

Si Roxie naman na naka-ngiti sa'min ni Logan. Binalingan ko rin ng tingin si ate Cecil na ngayon ay nag-thumbs up sa'kin na may ngiti sa kanyang labi, at napansin ko na naka-hawak sa kanyang likuran ang boyfriend niya. Napa-iling naman ako.

Pagdaka'y, ipinihit ko naman ang ulo ko sa gawi nila mamá at papá Jackson at nakita kong kino-comfort ni papá si mamá Felisha habang umiiyak ito sa tuwa. At sa pagkakataon na 'yon ay, nasilayan ko rin ang mga magulang ni Logan na ngayon ay masayang naka-tingin sa'min ni Logan. Nginitian ko naman sila.

"I love you, my love.." sandali'y nap-gawi ang tingin ko kay Logan nang narinig kong nagsalita siya.

"I love you too.." pagdaka'y binigyan ko siya ng isang mainit na yakap. Kasabay 'non ay saka naman bumuhos ang aking luha.

All through your life

I'll be by your side

Till death do us part

Baby, I'll be your friend

My love will never end

Till death do us part

"You crying?" he asked in a mild and worry tone.

"Oo love. Pinapa-iyak mo kasi ako eh. Pati nung kanta.." sandali'y napa-tawa siya ng marahan. Pagkasabi ko naman 'non ay humiwalay siya sa pagkaka-yakap sa'kin, pagdaka'y mabilis naman niya ako binigyan ng matamis na halik sa'king labi.

Ramdam ko namang namula ang aking pisngi at kung nya anong kiliti sa'king tiyan, ng narinig kong nag-hiyawan at nag-palakpakan ang mga tao. At sa pagkakataon na 'yon, napuna ko na mukhang wala pa atang balak na tapusin 'yon ni Logan, kaya inawat ko na siya.

"What?" bitin niyang sabi.

"N-nakakahiya kaya.." sambit ko. Saka ako lumingon sa paligid at sa'min lang ni Logan naka-pukol ang atensyon nila. Napa-yuko nalang ako sa kilig at sa pamumula ng aking pisngi.

------

"Love, I'm really eager to do it with you.."

"Hephep! tumigil ka. Baka madaganan si baby.." lumukot naman ang mukha niya.

"Nah. Okay I'll understand only for this time. But we'll do it when baby Simon was give birth."

Speaking sa baby namin, nagpa-ultra sound kasi kami nitong nakaraang araw at nalaman ko na lalaki ang magiging anak namin. Kaya kaagad ko sinabi sa kanya iyon. At siya na ang hinayaan ko na magpa-ngalan sa baby namin.

Yeah. Unfair. Totoo nga na lalaki ang magiging baby namin kagaya ng nabanggit niya noon. Hays. Mang-huhula talaga si Logan.

Inayos ko ang pagkaka-higa ko, habang nasa tabi ko siya at magka-harap kami sa isa't-isa. Matamis ko siyang nginitian. "Oo love. Kahit magdamag.."

Ugh! Humaharot ka na Marsha!

"Good to hear that. Then we'll not just do it in one hundred rounds, I'll make it million rounds."

"Logan!" pagsuway ko. Pero kinindatan lang niya ako. Saka naman ako napa-tawa ng marahan.

Sa totoo lang, malaki na kasi ang tiyan ko kaya mahirap na rin. Saka alam ko naman na naiintindihan 'yon ni Logan. Kahit na hindi kami nakapag-honey moon.

************

second to the last chapter!

thank you readers for reading this book!

hart hart!

next chapter is a restricted.

Hope you like this chapter!


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

send votes, comments and gifts!

love you guys. ❤️❤️❤️

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C77
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login