|| Suzanne Dwayne Sandoval ||
Inapak ko ang mga paa ko sa sahig nang bumangon ako sa higaan ko. Kasunod ay humakbang ako palabas ng kwarto.
Medyo masama pa rin ang pakiramdam ko, pero ayoko namang naka-hilata nalang mag-damag sa higaan. Para kasi tuloy akong may malalang sakit.
"Oh, Dwayne. Bakit nandito ka? Saka may sakit ka pa.." napatigil ako sandali nang matanaw ko naman mula dito sa kinatatayuan ko si ate Marsha, habang naka-upo sa kandungan ni Logan.
Oh, nandito pala si bayaw Logan? Hays, ibang klase rin 'tong dalawang 'to eh. Hays. 'Yan na ata yung agahan nila, yung palagi silang naka-dikit sa isa't-isa. Napa-iling nalang ako.
"Nagugutom ako.." walang gana kong sabi.
Sa totoo lang, lugaw lang kasi kinain ko kagabi. Kaya kulang pa ako sa lakas, kailangan ng katawan ko na kumain.
Inihakbang ko ang mga paa ko papunta sa dining kung saan sila naka-pwesto. Pagdaka'y nilapitan naman ako kaagad ni ate Marsha at inalalayan niya ako sa pag-lalakad. Hanggang sa naka-upo na ako, kaharap ni bayaw Logan.
Syempre, ica-claim ko na 'no. Saka halata namang nobyo na ni ate Marsha yung boss niya eh. Hindi ko lang pina-halata kay ate Marsha na alam ko na, simula nung araw na kinausap ko siya at nakita kong may singsing siya sa daliri niya.
Malamang nag-propose na yan si bayaw sa kanya. Kaso lang, mukhang tinatanggi pa ni ate Marsha. Sus. Mauuwi rin 'yan sa pagiging mag-asawa nilang dalawa. Choosy lang si ate.
"Dwayne, may lagnat ka pa. Humiga ka muna 'don. Dadalhan nalang kita 'don ng pagkain.." may pag-alala niyang sabi, kasabay 'non ay hinawakan niya ako sa leeg at sa noo ko. Nag-lagay ako ng keso sa tinapay at sabay kinagat ko iyon.
"Ayokong mag-stay sa higaan. Saka mawawala rin 'tong lagnat ko." tugon ko pagka-lunok ko ng tinapay na nginuya ko.
Sandali, habang kumakain ng tinapay, naalala kong nandito pala si bayaw. Tinapunan ko siya ng tingin at napansin kong nakatingin rin siya sa akin.
Naka-upo siya, naka-sandal sa upuan ang kanyang likod. Natutunugan kong parang may gusto siyang sabihin sa akin. Sandali'y tumungo muna sa kusina si ate Marsha.
"Oh, you're here pala my brother-in-law.." may diin kong sabi ng may ngisi, kasabay ng pag-nguya ko ng kinakain ko. Tumaas naman ang isa niyang kilay.
"Yeah. As you see.." tugon niya. Sabay iwas nang tingin niya sa akin nang mapa-tingin siya banda sa kusina. Mukhang hinihintay si ate Marsha na bumalik matapos siyang umalis sandali.
"So, kamusta na kayo ni ate Marsha? Ha?" sabay taas-baba ko ng mga kilay ko sa kanya.
Speaking naman kay bayaw, well. We're actually close. Remember? When Logan go here in this house para sunduin si ate nung araw na pupunta sila sa cebu? we have a bit conversation lang naman. Kinausap ko lang siya about kay ate Marsha. Yung mga gusto niya at ayaw. Puro halos kay ate Marsha. Saka halatang interesado rin naman siyang malaman yung tungkol kay ate eh.
Napukaw ang atensyon ko ng narinig kong nagsalita siya. Napa-baling naman ako kaagad sa kanya.
"Well, we're in good. Besides, my heart already belongs only for her.." sambit niya. Sabay umaliwalas naman ang mukha niya.
Speaking about what he'd said, hindi naman talaga masungit rin 'tong si Logan eh. Na open na rin kasi sa'kin ni Troy na may kabaitan rin siya minsan. Pero sadyang may sayad lang talaga sa pagiging halimaw kapag may topak. Parang si ate Marsha lang rin, madalas, malakas rin ang topak. Lalo na sa pag-ibig. Hays.
Pagdaka'y dumating naman si ate Marsha, sandali ay napansin kong parang namumutla yung mukha niya na ewan. Binalewala ko nalang 'yon nang napa-tingin ako sa bitbit niyang mga pagkain. Sabay inilapag niya iyon sa may lamesa. Sandali'y may kumatok naman sa pinto.
"O-oh, baka si Troy na ata 'yan." napabaling ako kay ate Marsha. At malapad ang ngiti nito sa akin.
"Troy?" napa-tango naman si ate kay Logan.
Sinubukan kong ipitlig ang ulo sa'king kaliwa at nakita ko 'don si Troy na naka-tayo malapit sa pinto. Naka-halukipkip ito at naka-tanaw siya sa amin.
"Oy Troy! Tara dito!" masayang tinawag ni ate Marsha si Troy. Pagdaka'y iniwas ko naman ang tingin ko at napa-yuko ako. Parang nag-init naman ang paligid ko.
What the--nakakahiya. Saka nandito si bayaw Logan. Oh speaking to him, alam kong alam naman na niya ang namamagitan sa amin ni Troy. Hindi lang siguro ako komportable na nandito ngayon si Troy at ang tito niya na kaharap ko. Ugh! What to do?!
"What are you doing here, Troy?" inangat ko ang tingin ko kay Logan at medyo pag-tataka pa siya. Sandali'y napansin kong umupo naman sa tabi ko si Troy.
"Checking her condition?" naisipan kong ngumata nalang ng almusal ko habang nakikinig sa usapan nila.
"Love, pinapa-punta ko siya dito para kay Dwayne.."
Oh, love? Okay. Mukhang interesting yung endearment nila huh.
"Uh, okay.." mukhang naliwanagan naman si bayaw kaya napa-tango siya.
Ilang oras rin silang nag-kwentuhan. Buti nalang at nandito si ate Marsha, kaya medyo nagiging komportable na rin ako. Saka halos sumasawsaw na rin ako sa usapan nila.
Speaking dito, nahihiya kasi akong harapin si Troy dahil sa nangyari kagabi. Kung tutuusin, binuwis pa niya ang buhay niya para sa akin dahil lang sa mga adik na rapist na mga 'yon.
Hinihintay ko kasi sa tapat ng school si Troy dahil may pupuntahan sana kami, at wala na masyadong nag-dadaan na mga tao 'don dahil anong oras na rin. Kaso lang, bigla akong nilapitan nung tatlong kumag na lalaki na halatang mga adik at tinangka akong pag-samantalahan. Ghad! Buti nalang at dumating kaagad si Troy, dahil kung hindi, baka kung ano nang nangyari sa'kin kagabi.
Napa-baba ang tingin ko sa'king kanang kamay ng naramdaman kong hinawakan niya ako doon. Sabay napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"Are you feeling better now?" I gently smiled to him at tumango ako.
"S-salamat pala sa'yo Troy.." pagka-sabi ko 'non ay pilit kong nginitian siya. Narinig ko naman ang pag-ubo ni ate Marsha, na mukhang trip na naman niyang asarin ako.
Parang hindi ko tuloy maigalaw ang buo kong katawan dahil sa kaba, at ang bilis ng pintig ng puso ko lalo pa't nandito 'tong si bayaw.
Sandali'y bahagya kong inangat ang tingin ko sa kanya at busy na siya ngayon kay ate Marsha na nakikipag-lampungan. Hays. Buti nalang at wala siyang paki sa iba.
Tinapunan ko rin ng tingin si ate Marsha na ngayon ay busy rin kay Logan. Hays. Mukhang out of place na tuloy kami dito ni Troy.
"Troy, p-pwede bang 'don muna tayo sa sala?" tanong ko sa kanya nang ibaling ko ang paningin ko sa kanya.
"I think we really should. So we can also have our own private place exclusively for us.."
"T-troy!" pagsuway ko. Napatawa naman siya ng marahan. Pagdaka'y tumayo na ako at sumunod naman siya sa akin papunta sa sala.
---------
|| Marsha Sandoval ||
Lumabas na ako ng kwarto ko nang nakapag-bihis na ako at nang kinuha ko ang bag na dadalhin ko. Bago pa ako lumabas ng bahay, bumungad naman sa akin si Dwayne.
"Ate, pupuntahan mo ba talaga siya doon?" hinawakan ko siya sa kanyang balikat.
"Oo Dwayne. Basta pangako mo na hindi mo sasabihin kay Logan kung saan ako pumunta ha?" medyo nag-aalinlangan pa siya pero sa huli ay napa-tango nalang siya. Pagdaka'y niyakap ko siya sandali, pagkatapos ay kumalas na ako sa pagka-kayakap sa kanya.
"Mag-iingat ka ate.." sambit niya sabay nginitian ko siya.
Pagdaka'y umalis na ako kaagad sa bahay. Sinara ko ang gate nang naka-labas na ako. Ilang segundo naman ang lumipas bago ako naka-sakay ng taxi.
Habang nasa byahe ako, hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol sa nalaman ko kay Steven. Tumawag kasi siya sa akin kanina at may sinabi siya sa akin tungkol kay Logan at kay Stella.
Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang lahat ng sinabi niya, bukod pa 'don sa ilang mga pictures na kasama ni Logan si Stella na sinend niya sa akin sa fb.
Nalaman ko kasi na sa kanya palang fb account yung walang profile, na nag-add sa akin noon. At 'yon ang ginamit niya para maisend niya sa akin yung mga pictures na 'yon.
Speaking naman dito, umalis kanina si Logan dahil may aasikasuhin siya sa kompanya niya. Gusto man niyang pumasok ako 'don pero naisip niya na kailangan ako ni Dwayne. Kaya pag-alis niya ng maka-lipas ang isang oras, tumawag naman sa akin si Steven. At saka ko nakita yung mga pictures na sinend niya sa chat box ko.
Pagkababa ko ng taxi, hindi pa rin maalis sa akin yung kaba. Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit na sa totoo lang, parang tinutusok ang puso ko nang malaman ko ang lahat ng 'yon kay Steven. Ugh! Sa totoo lang naguguluhan na naman ako sa mga nangyayari.
Kinalma ko ang sarili ko nang ihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob ng restaurant kung saan kami nag-tagpo dati ni Steven.
Pag-pasok ko sa loob ay, kaagad ko naman nilibot ang paningin ko sa paligid, at natanaw ko siyang naka-upo di-kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Pagdaka'y, naglakad na ako papunta 'don sa pwesto niya.
"Marsha.." inupo ko nalang ang sarili ko sa upuan na kaharap niya. Nang maka-upo na ako, tinapunan ko naman siya ng tingin.
"S-steven. Hindi ko na patatagalin 'to. Gusto kong malaman ang lahat, l-lahat ng totoo.." habang binibigkas ko iyon sa kanya, parang mas lalong bumubugso ang kaba ko, pero sinusubukan ko pa ring maging kalmado.
"Okay, then.." pag-kasabi niya niyon, may tinawag siya sa sandali ng senyasan niya iyon. Pagdaka'y, may lumapit naman sa kanyang isang lalaki at may ibinigay 'yon sa kanya na isang folder. Kasunod ay kinuha naman niya 'yon.
"Take a look on that pictures." habang hawak niya iyon sa kanyang kamay, kinuha ko iyon ng iabot niya sa akin. Sandali'y dumating naman yung mga inorder niya, kasunod ay inilagay sa table namin pagkatapos ay umalis na rin yung waiter.
Bumuntong-hininga muna ako saka ko siya kinausap. "P-para saan ito?" nagtataka kong tanong. Nagsalita naman siya.
"Those are pictures where Logan was with Stella.." tumigil siya sandali ng magsalok siya ng alak sa kanyang wine glass. Pagdaka'y sumisimsim siya 'non at saka ulit siya nag-patuloy sa pag-sasalita. "I can't believe that he'll do that thing to flirt with someone while his not with you.." inalis ko muna ang tingin ko sa kanya ng binuksan ko yung folder na inabot niya sa akin.
Sandali'y natilihan ako ng makita ko yung mga laman niyon. Nanginginig ang mga kamay kong tinignan 'yon isa-isa. Naramdam kong nangingilid ang mga luha ko sa'king mata dahil hindi ako makapaniwala sa mga larawan na nakikita ko ngayon. Hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan nang pumatak ang mga luha ko sa'king pisngi.
P-pero bakit? P-paano?
Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko masagot ang lahat. Dahil lahat ng 'yon ay ginugulo ako at nagsisimula nang lituhin ako sa isip ko.
"I told you Marsha.." napa-dapo ang tingin ko sa kanya ng naramdaman kong hinawakan niya ako sa'king kamay. Patuloy pa rin ang pag-patak ng mga luha ko at hindi ko magawang umimik. "I'm just doing this for you. I already knew about Logan, and his not a man for you. So please, please understand my side. I'm trying very hard for you so this time, ako naman ang maintindihan mo. For all those years that had passed, I'm always trying myself to be understandable. Especially on you, that I've almost been waiting for long just for this. So you may know that I'm not still giving up a fight for you.." nakatingin lang ang mga mata ko sa kanyang mga mata. Hindi ko mapakiwari kung ano ang gusto 'non na ipakahulugan sa akin.
Bakit pa kasi ako umabot sa ganitong sitwasyon? Kung naiintindihan rin nila sana yung nararamdaman ko ngayon, siguro naman hindi na aabot sa ganito.
Pero imposible! Alam kong hindi ako magagawang lokohin ni Logan. Alam kong ako lang ang mahal niya. At hindi ang Stella na 'yon!
Bumuntong-hininga ako sabay pinunasan ko ang mga luha ko. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at kasunod ay ibinalik ko ulit yung mga pictures sa loob ng folder.
"S-sorry Steven. Naiintindihan kita pero sana naman intindihin mo rin yung sa'kin. Naguguluhan kasi ako eh.." Pagdaka'y, tumayo na ako sa kinauupuan ko. Dinala ko yung folder na binigay niya sa akin. At naisip ko na pwede ko rin itong maging katibayan kapag kinausap ko si Logan tungkol dito.
Gusto ko rin malaman yung side niya. Kung bakit niya nagawa sa'kin 'to. Ayoko muna siyang husgahan nalang ng basta-basta lalo pa't hindi ko pa napapa-kinggan ang side niya.
"Marsha!" napa-tigil ako sandali sa'king pag-lalakad ng makita ko si Steven na nasa harap ko na ngayon.
Sandali'y hinawakan niya ako sa kanang kamay ko at tinignan niya ako. Nababakas ko naman sa kanyang mukha na parang mapanglaw ito.
"Marsha. Please give me a chance. Please comeback to me. I can't wait so long for you to come back. I'm being hurt when I see you with him, instead of me.." Napa-tingin ako sa'king kamay ng halikan niya iyon. Sandali'y pumatak na naman ang luha ko sa'king pisngi.
"Please. I know you will not broke your promise to me that we will be forever. And I know you still remembered that.." pagka-sabi niya niyon. Para akong engot na natilihan sandali. Hindi ko naman namalayan na ngayon ay yakap-yakap niya na ako.
Sandali'y naramdaman ko rin parang nagda-dalawa yung paningin ko at nakaramdam na rin ako ng pagod, at gusto ko nang magpa-hinga. Pero sinubukan ko pa ring ayusin ang sarili ko.
"W-what does it mean Marsha?" sandali'y humiwalay na ako mula sa pagkakayakap ni Steven nang marinig ko yung pamilyar na boses nang nagsalita.
Sandali'y napa-bagsak ang balikat ko ng masilayan ko si Logan na naka-tayo ngayon sa likuran ni Steven, di-kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at pabalik-balik lang ang tingin nito sa'min ni Steven.
"L-love.." Pagkasabi ko 'non ay kaagad ko siyang nilapitan. Kasunod ay niyakap ko siya.
"Why didn't you tell me that you'll having a meet up on that man huh? Why did you hide this to me Marsha?" mahinahon niyang sabi. Kumalas ako sa pag-kakayakap sa kanya, at sa pagkakataon na 'to ay alam kong nag-ngingitngit na ang galit niya.
"Oh, Logan. Why makes you brought here?" dinig kong sabi ni Steven na naalala kong kasama ko pa pala siya.
"Watching you with my fiance. Am I not allowed for it?" may diin niyang sabi. Tinapunan ko ng tingin si Logan na wala pa ring ekspresyon ang kanyang mukha. Pero base sa pananalita niya, alam kong pinipigilan lang niya ang sarili niya.
"Your fiance? Oh, why I am not informed that Marsha is officially yours? I thought that she's just your pa? Not yours?" binalingan ko ng tingin si Steven at alam kong hindi na rin maganda ang pananalita niyang 'yon. Kilala ko si Logan, at alam kong kapag hindi nakontrol ang sarili niya, baka kung ano nang magawa niya.
Napansin ko naman si Steven na humakbang papalapit sa amin ni Logan. Sabay tumayo siya sa harap namin nang naka-tayo na siya malapit sa'min. Napansin ko naman ang nakakaloko niyang ngisi na animo'y inaasar pa si Logan.
Kailangan ko nang ilayo ngayon si Logan kay Steven. Alam kong hindi na maganda ang nangyayari. Tinapunan ko ng tingin si Logan at sinubukan ko namang magsalita.
"L-logan, kailangan na nating umuwi..." sinubukan ko na hawakan siya sa kanyang kamay pero hinawi niya iyon. Natilihan ako sandali.
"So you're happy now with her? How dare you asshole man to play with her! Don't you really understand that she don't like you huh?! Or are you just fucking nincompoop?" sa pagkakataon na 'to, hindi na maganda ang tabas ng pananalita ni Logan. Natanaw kong naka-kuyom na ang mga kamao nito habang ang paningin pa rin niya ay na kay Steven.
Jusko! Ano na bang gagawin ko? Baka bigla nalang mag-salpukan 'tong dalawa dito! Nakakahiya! Ang dami pang tao! bulong ko sa sarili ko.
Napansin ko naman nginisian pa ni Steven si Logan. "Yeah. I'm fucking numb just for Marsha's sake. You don't know why? Because I'm her first fiancee before you!"
"Fuck you!" pagka-sabi 'non ni Logan ay inundayan niya ng suntok si Steven sa mukha, at halos mapa-atras siya at sabay napa-hawak sa kanyang mukha na sinuntok ni Logan.
Mabilis na nilapitan ni Logan si Steven at sinuntok niya ulit ito sa tiyan niya. At halos mapa-inda siya sa pagka-kasuntok sa kanya.
Napansin kong may mga tao nang nakakakita sa away nila Steven at Logan. At sa pagkakataon na 'to ay bumawi na ng suntok si Steven kay Logan sa mukha. Pagdaka'y kinuwelyuhan naman ni Logan si Steven at pinag-susuntok niya rin ito sa mukha.
Halos umikot na ang paningin ko dahil hindi ko na kaya ang nasasaksihan ko ngayon. Halos sumigaw na ako para humingi ng tulong.
Pero sandali, napa-hilod ako sa sentido ko ng naramdaman kong parang nagda-dalawa na ang paningin ko.
Parang nanghihina ako na ewan at lumalabo ang paningin ko sa paligid. Hanggang sa bigla nalang napa-pikit ang mga mata ko, pagdaka'y saka ako bumagsak sa sahig.
Hello there!!
hope you like this another chapter again.
send gifts, votes and comments is my pleasure and inspiration to write up this Story!
ps. Happy 70k and still counting. Salamat po sa mga readers ng story na ito.
* wrong typos grammar will be edited soon or after this story.
love you guys a lot. ❤️ ;-)