Baixar aplicativo
41.77% My Beast Boss / Chapter 33: 32. Let's meet him

Capítulo 33: 32. Let's meet him

Naisipan ko na tumungo nalang muna sa bahay. Dahil sa totoo lang, nawalan na rin akong ganang pumasok. At saka mukhang anong oras na rin, kaya siguro mag-rereport nalang ako nito kay ms. Lailani mamaya.

"By the way, are you working in Figueroa's company, right?" Aniya, siya saka siya sumulyap sandali sa akin, at binalik niya ang tingin sa daan.

"A-ahh, oo.." tugon ko. Ilang segundo ang lumipas at bumalot naman ang katahimikan.

Nang bigla ko namang naalala sandali yung nagkita kami sa cebu ni Steven nang kasama ko noon si Logan.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Siya nga pala, magka-kilala ba kayo ni Logan? Bigla ko kasing naalala, yung araw na nagkita tayo at kasama ko siya?" syempre 'no. Naalala ko pa rin yung araw na 'yon. Pero, yung totoo? mag-kakilala ba talaga sila?

Napa-tawa na siya ng marahan. "Yes. I knew him actually. Besides, we're have our own companies.." tumigil siya sandali, napansin kong tinapunan niya rin ako ng tingin. "By the way, I just want you to ask also if you're avoiding me that day? Isn't it? Are you afraid with that man? Why? Is he your boyfriend?"sunod-sunod niyang tanong. Parang naho-hotseat tuloy ako sa kanya ngayon. Napa-iwas muna ako sa kanya ng tingin.

Ano nga ba sasabihin ko? Na kami na? Pero hindi naman naging kami ha? at siya nga pala, paano naman yung sa kontrata? Paano kapag sinabi ko kay Steven na kami? Eh, kung hindi?

Grabe! Ang ganda ko talaga!

"A-ahh..hehe, yung tungkol sa amin ba? ah, ano eh.." sabay napa-kamot nalang ako ng ulo.

"Don't worry. I'll not insist you if you'll not tell it to me so far. But anyway, I feel that you two is not.." sabay ngumiti siya, at binaling ulit sa daan ang tingin niya.

Napa-yuko nalang ako dahil wala na rin akong lakas ng loob na aminin sa kanya.

Bakit? natatakot ka ba na aminin sa kanya ang totoo Marsha? Na hindi talaga kayo ni Logan? At tanging sa kontrata lang?

"I think we're now in your house.." napa-angat ang tingin ko. Nakita ko naman na nasa harap na kami ngayon ng bahay nang tumigil ang sasakyan.

Tumango nalang ako sa kanya. Pagdaka'y mabilis na siyang lumabas ng sasakyan, at umikot papunta sa akin at pinag-buksan niya ako. Kasunod ay, lumabas na rin ako.

"Salamat, Steven sa pag-hatid mo sa akin dito sa bahay." naka-ngiti kong sabi sa kanya nang kaharap ko siya ngayon. Napa-halukipkip naman ito.

"Your always welcome to me, Marsha." tumigil siya sandali ng sinulyapan niya ang relo niya. "Well, anyway. Can I ask you a dinner for tomorrow?" napa-pukol ang atensiyon ko sa kanya ng sambitin niya iyon.

"S-sige. Okay lang sa akin.." medyo nag-init naman ang pisngi ko ng alukin niya sa bagay na 'yon. Pero, hindi ko nalang pina-halata sa kanya.

Grabe! Ang ganda ko talaga.

"Then, I'll fetch you tomorrow, be ready at eight.." aniya at ngumiti siya sa akin. Tumango ako.

"Okay." tipid kong sabi. Ilang segundo muna ang lumipas at walang umimik sa amin.

Napansin kong hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Napa-yuko nalang ako.

"By the way, I have to go now. See you tomorrow.." ngumiti nalang ako sa kanya ng umikot na siya papunta dun sa driver's seat. Pagkatapos ay pumasok na siya doon sa loob.

Pinag-masdan ko muna siya sandali doon hanggang sa pina-takbo na niya iyon. Hanggang sa palayo na ito at mawala sa aking paningin.

Hays. Kailangan kong magmake-over bukas. Pag-hahandaan ko 'yon. Ngiti.

Kaagad na akong pumasok sa loob ng bahay ng buksan ko yung gate. Kasunod ay, dumiretso na ako papasok doon sa loob.

"Oh, ate. Nandiyan ka na pala. Saan ka galing? bakit ngayon ka lang, ha? aber?" sunod-sunod niyang sabi at animo'y parang mas matanda pa siya sa akin kung mag-tanong. Naka-taas pa ang isa nitong kilay habang naka-pamewang siya.

Umupo ako sa tabi ni Dwayne na ngayon ay naka-upo sa maliit na sopa, at mukhang inaabala nito kanina pa ang sarili niya sa pag-babasa ng librong hawak niya. Binatukan ko siya.

"Aray! ate naman eh.."

"Ang dami mo kasing tanong eh. Daig mo pang reporter." aniya ko. Sabay nag-cross legs ako. Itinungkod ko naman ang ulo ko sa ibabaw ng sandalan habang naka-salo ang ulo ko.

"Oh, bakit parang masaya ka ata ate? Mukhang may kailangan ata akong malaman. Meron ba? ha?" ipinitlig ko ang ulo ko sa kanya ng tapunan ko siya ng tingin. Napansin ko ang pag-ngiti niya ng wagas sa akin. Ngumiwi ako.

"Hays. Wala na akong cellphone Dwayne. Wala na akong pang-facebook. Paano ka pa tuloy ngayon maa-add friend si Steven at Logan ngayon? Hays." patuloy pa rin ako sa pag-ngiwi ako. Napansin kong napa-tawa pa si Dwayne. Abnormal. Kita mong nagda-drama ako dito oh.

Pagdaka'y napansin kong mukhang tumigil na siya sa pag-tawa niya, tumingin ako sa kanya at tumingin rin siya sa akin ng seryoso na ngayon ang kanyang mukha.

"Speaking kay Logan ate, alam mo bang pumunta siya dito kanina para lang hanapin ka? Jusko. Naging hanapan pa ako ng mga nawawala.." sabay inirolyo nito ang mga mata niya. Pabagsak niyang isinandal ang likod niya sa sandalan ng sopa. Pagkasabi rin niya niyon, ngayon lang nagsink-in sa akin yung sinabi niya.

Teka nga, anong sabi niya? Ako? hinahanap ni Logan? Pero, bakit? saka diba na States pa yung halimaw na 'yon? Baka kauri lang niya yung pumunta dito kanina?

Inayos ko ang upo ko ng titigan kong mabuti si Dwayne. At napansin kong nag-babasa na siya ng librong hawak niya.

"Totoo ba yung sinasabi mo, ha? Dwayne Suzanne?" pag-didiin kong tanong sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay nito nang ibaba niya ang hawak niyang libro na binabasa niya, at nakipag-titigan rin sa akin.

"Heler! Magsasabi ba ako kung hindi totoo, ate? Saka pasalamat ka nga dahil sinalba ko pa yung buhay mo. Hindi mo ba alam na halos parang aligaga at hindi siya mapakali sa kaka-hanap sa'yo?" inangat niya ulit ang librong hawak niya at nagsimula siya uling nagbasa.

So, totoo nga. Pero kailan siya dumating? Bakit hindi ata ako nasabihan? Tss. Wala na nga pala akong cellphone. Ganda nalang.

Muli ko uling hinarap si Dwayne. "Pero bakit daw? May sinabi ba siya sa'yo?" naiintriga ako. Ano bang nakain ng halimaw na 'yon? Diba dapat nasa States pa siya ngayon? Naloko na.

"Gusto ka daw niya kasing masigurado kung ayos ka lang. Saka siya nga pala, hindi ba nanakawan ka?" tanong niya, tuloy-tuloy pa rin siya sa pag-babasa.

"O-oo." sandali, napa-hawak ako sa braso niya. "Teka nga. Paano mo nalaman?" sa totoo lang, wala naman akong sinabi sa kanya na nanawakan kagabi ha? Sa pagkaka-alala ko, tinext ko lang sa kanya kagabi na kasama ko si Steven. Tapos.

Napansin kong inawat muna niya ang sarili sa pag-babasa ng tumingin siya sa akin. Inalis niya ang pagkaka-hawak ko sa braso niya.

"Tss. Binase ko sa sinabi mo kanina lang. Saka tama naman ako. Wala kang dalang cellphone, pati bag mo siguro nahablot rin? Hindi ka rin ba dinakwit ng magnanakaw ate?" babatukan ko sana ulit siya ng mabilis siyang naka-ilag.

"Hep-hep! Baka maalog utak ko!" pag-aawat niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Speaking sa nangyari ss akin kagabi, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko dala ang bag ko. Iginala ko ang mata ko sa paligid at wala nga yung bag ko. Napansin kong mukhang nag-tataka si Dwayne sa ginagawa ko. Napa-sapo ako.

Patay kang Marsha ka! Naiwan ko yung bag ko kila Steven. Ugh!

"Ano problema?" rinig kong tanong ni Dwayne, binalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa kanya.

"Ano nga pala ulit sasabihin mo?" pag-iiba ko ng usapan. Kailangan. kong ma-kontak si Steven para makuha ko yung bag ko.

"Okay.." tumigil siya sandali. Pagkatapos ay nag-salita. "Pero seryoso ate, ano ba talagang nangyari sayo? At hindi ka naka-uwi kagabi, ha?" sa tono ng boses niya ngayon ay mukhang gusto na niya talagang malaman kung ano ba talaga nangyari sa akin.

Bumuntong-hininga muna ako. "Dwayne.." tumingin lang siya habang nag-hihintay ng susunod kong sasabihin. Ikinuwento ko naman sa kanya yung nangyari.

"Dwayne..ninakaw yung cellphone na binigay sa akin ni Logan kagabi. Naghihintay kasi ako ng masasakyan ko ng mga oras na 'yon at ng biglang tumawag si Logan. Pero lintek na magnanakaw 'yon, bigla ba namang hinablot yung cellphone na hawak ko.." napa-kurba ang labi ko, sabay niyuko ko ang ulo ko.

Hays. Di ko talaga makakalimutan 'yong gabing ninakaw sa akin yung cellphone ko. Bigay na nga lang sa akin, ninakaw pa ng kumag na magnanakaw na 'yon.

"Mukha nga, ate. Saka siya nga pala, buti dumating 'don si Steven?" sabi niya at napa-angat ng tingin sa kanya at tumango-tango pa siya, habang hinihimas ang baba niya na animo'y nagsusolba ng kaso.

Speaking kay Steven, kilala na ni Dwayne kung sino si Steven. Paano ba naman kasi, naikuwento ko na halos sa kanya yung nangyari sa cebu. Sinama ko na si Steven.

"Kaya siguro bumalik kaagad si Logan. Tama.." this time, binalik ko ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko maunawaan yung ibig niyang sabihin.

"H-ha? anong sinasabi mo?" taka kong tanong. Lutang yung isip ko sa kakaisip sa bag. Jusme!

"Ate, mukhang pinapahanap na siguro 'yon ngayon ni Logan yung nagnakaw ng cellphone mo. At sa malamang ay, kaya rin siya bumalik kaagad dito dahil sa nangyari kagabi sa'yo.."

Habang sinasabi 'yon ni Dwayne. Inuunawa ko bawat sinasabi niya. Saka nagsink-in ang lahat sa akin.

Pero, 'yon ba talaga yung dahilan kaya bumalik kaagad dito si Logan? Hindi ko alam, pero paano niya talaga nalaman? Baka may powers yung mga halimaw na tulad niya?

Magsasalita sana ako ng bigla namang akong nakarinig na may kumatok sa gate.

Nagtinginan muna kami ni Dwayne, at siya na ang nag-presintang pumunta doon para alamin kung sino iyon.

Ilang segundo ang lumipas, pagkatapos ay nakita ko na ngayon si Dwayne na naka-tayo sa pinto. Napa-pukol naman ang tingin ko sa likod niya ng namataan kong may lalaking naka-tayo ngayon doon.

"A-ate, si Troy nga pala.." ngumiti sa akin yung Troy, lumapit siya ng kaunti sa akin at bumati.

"Good morning, ate Marsha. I'm Troy Esguerra.." pag-papakilala nito. Tinapunan ko nang tingin si Dwayne na napansin kong ngayon ay halatang kinakabahan, habang naka-tayo pa rin siya doon sa tapat ng pinto.

So, siya pala si Troy Esguerra, ha? Ngumisi ako.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

hello there!!

vote

send gifts

comment

I'd my pill to write up this story!

love lots ;-)

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C33
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login