Ann
28
Mindanao
Way back 2009, when I was in college, I was with my boyfriend in his room sa boarding house niya.
Alalang alala ko, nakauniform pa ako noon, nakahiga sa left arm niya. We were talking about random stuff, but we weren't facing each other. Kami lang dalawa ang tao noon sa kwarto kasi nasa school naman mga roommates niya. Hapon 'yon, mga around 2PM siguro.
While naguusap kami, natigilan ako. 'Yung division kasi ng rooms plywood, pero hindi abot sa roof. Wala ring kisame. So from the other room, pwede kang makasilip to the room na katabi. Puro din kasi double decker ang mga beds.
'Yon nga, napatigil ako sa pagsasalita at nagtataka din at the same time. May bata kasing sumilip from the other room. Brown kulay ng skin tapos medyo kulot 'yung buhok. Siguro nasa 5 years old 'yung edad. Nakatingin talaga siya samin ng bf ko, saakin. Hanggang leeg lang yung nakikita ko sakanya. Tapos sabi ko sa bf ko, "May bata, sumilip." Tapos sabi niya, "Akala ko ako lang nakakita." Sabay sagot ko, "Nakita mo din pala?"
'Yung kabilang kwarto, room ng pinsan ni Papa na nagaaral din sa school kung saan ako nag aaral. Wala ding tao sa room ni Tito that time. As in, parang kami lang yata tao sa boarding house ng bf ko that time. Tapos tinanong ko sa bf ko, "May tao ba diyan sa kabilang kwarto?" Sagot naman nya, wala daw. Tinanong ko siya ulit. Pinasisigurado ko talaga kung may tao. Sabi niya, wala nga raw. Niyaya ko siya puntahan 'yung kabilang room kasi wala rin kaming may narinig na bumukas na pinto o may lumabas galing doon. Maririnig kasi yon if ever meron, kasi sobrang tahimik ng paligid. Kinatok namin, tinatanong kung may tao ba. Walang sumasagot, complete silence lang talaga. Tinry naming buksan ang room, nakalock naman, hanggang sinipa na ng bf ko yung pintuan. Pagkabukas, chineck namin buong room, wala namang tao talaga. Wala rin kaming nakitang bata.
Ria
14
Parañaque
I was 12 years old at the time na may nangyaring kakaiba sa amin ni Mama. Month of October po 'yun, 2017, bandang alas kwatro ng umaga.
Nasa baba si Mama nun, nanunuod ng TV. So sumunod din ako sa kanya sa sala at humiga ako sa hita niya.
Maya-maya, napansin ko si Mama na nakatingin sa hagdan, which is hindi gaanong mahaba. Tumingin din ako, and nakita ko si Daddy. Tatawagin ko sana siya, kaso sinenyasan ako ni mama na 'wag daw magsasalita. So pinanuod lang namin si Daddy bumaba ng hagdan, kasi napaka-unusual ng galaw niya. Sobrang bagal niya, tipong nagiingat siya para walang makarinig. Nung nakababa na siya, lumabas siya ng pinto at sa mismong gate namin; umalis siya ng bahay. Mas lalo kaming nagtaka ni mama kasi bakit siya umalis ng walang paalam.
Maya-maya naman, bumaba si Ate Almira (ate ko). Hawak-hawak niya 'yung susi ng gate, so tinanong ni mama kung nasan daw ba si Daddy. Sabi ni Ate, nasa kwarto, natutulog. So lumabas siya at inunlock 'yung gate.
Pero hindi pa diyan natapos. Last year, October 14, 2018. 'Yung lalaki kong kapatid na si Beng (pangatlo sa amin). Natutulog ako nun magisa, kasi nagkaroon na ako ng sariling kwarto. Eh 'yung kwarto ko, sa gitna may CR, tapos sa gilid ang kwarto ni Beng. That means, bawat kwarto namin, may connect doon sa CR.
Nagising ako kasi bumukas 'yung pinto ng kwarto ko. Nandun si Beng. Kaso may iba sa kanya. 'Yung mga mata niya, parang hinihigop ako. Hinayaan ko na lang. Nagtatanong ako sa kanya, pero hindi siya nagsasalita, at lumabas na lang siya. Bale ang labas niya, sa sala na, eh nandun pa si Mama. May kausap na katrabaho. Lumingon siya sakin at tinanong ako bakit ako lumabas. Tinuro ko si Beng sa labas ng pinto ng kwarto niya, pero wala siya. Kinilabutan ako.
Sabi ko, "Si Beng, ginising ako."
Sagot niya, "Tulog kapatid mo, 'nak."
So pinuntahan ko nga si Beng sa kwarto niya. Tulog nga!
Nalaman pala namin na on the 14th of October, may pinatay na dalagang babae sa bahay namin. Hindi lang namin alam kung bakit siya pinatay.
Comentário de parágrafo
O comentário de parágrafo agora está disponível na Web! Passe o mouse sobre qualquer parágrafo e clique no ícone para adicionar seu comentário.
Além disso, você sempre pode desativá-lo/ativá-lo em Configurações.
Entendi