Nagmamadaling naglakad ako papuntang bus station. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila, wala na akong pakialam sa sasabihin ni Mama.
Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay makita si Nico. Humingi ng sorry at mapagtapat sa kanya na gusto ko rin siya.
Unang hinanap ng mata ko ang lalaking may malamig na mukha at makapal na kilay. Sa sobrang dami ng tao sa bus station ay halos mahilo ako. Tinahak ko ang daan patungo sa pila habang hindi mapakali ang mata, hanggang sa mapadpad ang mata ko sa kumpol ng mga kundoktor malapit sa isang tindahan, kung saan palaging tumatambay si Nico...
I bit my lower lip habang lumalapit ako sa kanila. Panay ang kabog ng dibdib ko thinking that Nico's might be there, pero habang lumalapit ako ay hindi ko makita si Nico sa grupo ng mga kundoktor na iyon.
Napadpad rin ang atensyon nila sa akin noong medyo napalapit ako sa kanila. I also saw them scan me from head to foot, and I also heard one of them says, "Huy! Wag kang ano, kay Boss Nico na 'yan!"
"Ay siya ba 'yon?"
"Ang ganda nga."
Natigilan lang sila sa paguusap noong mas lalo akong napalapit.
"Hello po." I greeted.
"Hello Ma'am? Ano pong maitutulong namin?" masayang bungad ng isa sa kanila.
I cleared my throat. I bit my lower lip dahil sa hiya,
I'm not actually doing this kind of thing. My pride's too high na tipong kahit maghanap para sa isang lalaki ay never kong gagawin. But today's different. Wala na akong pake sa "babae ako" card.
"Uhm--"
"Hinahanap mo ba ako?"
Kumalabog ang dibdib ko nang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko'y halos mapaatras ako sa gulat noong paglingon ko'y ilang pulgda na lang ang layo namin sa isa't isa. Dahil doon ay medyo na-out of balance ako sa pag-atras, mabuti na lang ay agad na naabot ni Nico ang siko ko upang hindi ako tuluyang matapilok... kaya naman mas lalo lang kaming napalapit sa isa't isa. Lalo lang akong nalunod sa kagwapuhan niya.
"Yun oh!" bumalik lang ako sa ulirat noong marinig na naming mang-asar 'yong mga kasama niyang kundoktor. "Iba talaga ang boss Nico!"
Napaayos kaming dalawa ng tayo saka nag-iwasan ng tingin. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Nico habang nakatingin sa mga kasamahan niya. Sinenyasan niya pa ang mga ito na umalis, bago niya ako tignan ulit. Para naman akong naubusan ng boses dahil sa sobrang kaba...
Lahat ng confidence ko kanina e, parang bulang nawala.
"Ahm..." simula ko, I breathe heavily saka siya tinignan ng diretso sa mata ng ilang segundo bago ko sabihin ang sasabihin ko. "Pwede ba kitang yayaing lumabas?"
Napatungo ako at napapikit noong sinabi ko iyon. Juskooooooo, anong kahihiyan ito Via?
Ilang segundo ang nakalipas, noong hindi ko siya narinig na nagreact ay umangat ulit ang tingin ko sa mukha niya. Naabutan ko siya na kumukurap-kurap habang pulang pula ang parehong pisngi.
Anong nangyayari sa kanya?
"N-Nico..." I almost pout dahil wala man lang siyang sinabi, pagkatapos e sinundan niya pa ng tawa. Isang tawa na may patakip-takip pa ng bibig.
"Totoo ba 'to?" aniya habang tumatawa. Sa inis ay tinitigan ko siya ng masama saka ni-try na hambalusin sa braso. Pero nahuli niya ang pulso ko at hindi na binitiwan pa.
Then he chuckled again. Sumama na naman ang mukha ko.
"Ayaw mo ba? Kasi kung ayaw mo, pipila na ako at uuwi na." I tried to pull out my pulse, but he even pulled me closer, kasabay ng paghawak niya sa kabilang braso ko. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko lalo na noong maglapit ang katawan naming dalawa, na akala mo walang ibang tao sa paligid.
Na-hypnotize yata ako sa ganda ng ngiti niya.
"Totoo nga," sambit niya. "Akala ko kasi kanina guni-guni lang."
Bumaba ang tingin niya mula sa mata ko papunta sa labi ko. Sa sobrang taranta ay napalayo ako sa kanya at napaiwas ng tingin. Narinig ko ulit ang halakhak niya kaya naman hinampas ko na 'yung braso niya.
"Sandali lang, balik ako agad." aniya. "Sasabihin ko lang muna sa boss namin na maga-out na ako dahil may nag-aya sa aking makipag-date."
Napaangat ako ng tingin sa kanya habang nanlalaki ang mata. Dahil doon ay lumakas na naman ang tawa niya. Halos mamula na siya kakatawa habang ako naman ay namumula na sa sobrang kahihiyan.
"Alam mo, ang sarap mong hambalusin." hindi ko na napigilang sabihin. "Sige na, shoo, bilisan mo." I crossed my arms saka umiwas ng tingin. Ngunit sa pagiwas ko ng tingin ay palihim rin akong ngumisi.
"Ay, tinaboy ako agad. Pagkatapos mo akong yayaing makipagdate?"
Hinampas ko na naman siya dahil talagang pinagdidiinan niya na ako ang yumaya sa kanyang lumabas. Humalakhak na naman siya at sinangga ang braso sa bawat panghahampas ko. "Ouch! Hahaha!"
"Kainis ka! May nakakatawa ba ha? Nakakatawa?" inis na sambit ko matapos ko siyang hampasin.
"Hindi naman ako tumatawa," aniya habang nakatikom ang labi mula sa pagkakahalakhak, "Kinikilig ako."
Nang mapatingin ako sa kanya ay parang timang na nag-ngitian lang kami. Pinigilan ko ang ngiti sa labi ko saka siya marahang tinulak.
"Dalian mo na."
"Sandali lang ah?" aniya habang nakangiti.
"Oo na. Tss."
"Hintay ka lang diyan ah? Saglit lang talaga."
"Tsk! Oo na nga!"
Saka na siya ngumiti ng huling sandali saka tumalikod upang pumunta kung saan. Parang timang naman na napangiti lang ako sa kawalan.
Ganito pala kasaya 'yung feeling? 'Yung feeling na kinikilig ka ng malaya? Na hindi mo nililimitahan ang sarili mo? Na wala kang pake sa sasabihin ng iba?
Kung alam ko lang na worth it ang saya, matagal ko nang ginawa.
Ilang minuto lang ang lumipas at natanaw ko na agad si Nico na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Hindi na siya nakapang-kundoktor kundi naka-simpleng dark blue shirt na lang at pantalon... pero kahit gan'on ay ang gwapo gwapo niya pa rin sa paningin ko.
"Tara na?"
"Saan?" tanong ko, kasi ang totoo ay wala naman akong idea kung saan kami pupunta. Biglaan lang naman 'tong desisyon ko e.
"Dapat ikaw magdedecide," aniya. "Ikaw nag-aya e."
"Aba malay ko, wala akong idea sa ganito no. I've never been to dates before." Natikom ko ang bibig ko noong nasabi ko iyon. "T-Tara na nga."
Mas nauna na akong maglakad, trying to act na parang wala lang 'yung sinabi ko pero mukhang huli na dahil napansin na niya.
"So... ako unang date mo?" ngumisi siya habang sumusunod sa lakad ko.
"N-No." sabi ko. "Hindi naman 'to date ah?" pangaasar ko.
"E ano 'to?" tanong niya habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa. Hindi ako nagsalita agad kaya naman iginigitgit niya sa akin 'yong siko niya na para bang sinasabi niyang pansinin ko siya. "Huy," dugtong niya pa.
"Ewan ko sa 'yo," ngumiti ako sa gilid ko. "Sige na, tutal ako naman ang nag-invite, let's have a samgyup. My treat."
Nakita ko lang ang pagngisi niya kaya naman napangiti na lang rin ako. Jusko, I've never imagined myself to treat a guy like this. As special as this.
Ano bang ginawa mo sa akin, Nico?
"Nakakain ka na ba sa ganito dati?" tanong ko sa kanya pagkadating namin sa isang Korean Restaurant. Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero kalaunan ay mukhang nagets naman niya yung tanong ko.
"Ah, hindi pa. Hehe." sagot niya.
Pero noong pumwesto na kami at nagsimula nang magprito ay ang galing niyang magchopsticks at mag-luto ng karne. Napapatingin pa ako sa mga babaeng nagsisitinginan sa kanya syempre dahil ang gwapo niya.
"Weh, nakakain ka na yata sa Korean Restau e, ang galing mo magluto o!" komento ko.
Kumunot ang noo niya, "Mahilig ako magluto, pero ito?" itinaas niya 'yong karne gamit 'yong thong, "Prito lang naman 'to e. Sisiw lang gawin kahit first time ko."
Nag-Ahhh na lang ako at tinanggal sa isipan ko ang posibilidad na baka mayaman talaga siya, na baka hindi talaga siya kundoktor... pero tama na, nakapagdesisyon na akong tatanggapin ko kung sino pa talaga siya.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Marami akong nalaman sa kanya katulad ng nagiisang anak lang siya at nagkasakit ang mommy niya kaya naman napilitan siyang tumigil muna sa pag-aaral. Ninong niya 'yong may-ari ng bus liner na pinapasukan niya kaya doon muna siya nagtrabaho para makatulong sa family niya.
"Engineer..." sagot niya sa tanong ko, "I want to be an engineer..."
Tapos na kaming kumain at nagsisimula nang maglakad patungo sa bus station para umuwi na. Malapit lang naman 'yong bus station pero sadyang mabagal lang ang lakad namin kaya naman ang dami pa naming napagusapan habang naglalakad.
"Nice, Engineer Nico Garcia..." kantyaw ko. Ngumiti siya pero kumunot rin naman agad ang noo.
"Paano mo nalaman apelyido ko?" tanong niya.
"Ay wait," Doon ko na naalala 'yong jacket niyang hindi ko masoli-soli na palagi lang nasa bag ko. I stopped walking a bit para kuhanin 'yong jacket at iabot sa kanya. "Nasa jacket na 'to kasi, tss. O, ibabalik ko na."
Kinuha niya 'yong jacket sa kamay ko, pero nagulat rin ako noong isuot niya iyon sa balikat ko.
"O--"
"Isuot mo muna. Malamig e," aniya. "Saka mo na ulit isoli, kapag nagkita tayo."
Napangisi ako, "Para-paraan..."
Humalakhak rin siya, "Hindi ah!"
Tumawa lang kami pagkatapos ay katahimikan habang naglalakad kami.
"Via..." aniya kaya naman sabay kaming napahinto sa paglalakad, tanaw ko na ang maraming tao sa bus station pero medyo malayo pa kami para mapansin nila. Napatingin ako sa mukha niya noong harapin niya ako. Muli na namang kumabog ng napakabilis ang dibdib ko dahil sa ganda ng mata niya. "Liligawan kita..."
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Masyadong direkta na hindi kinakayang iabsorb ng utak ko.
"Wag kang mag-alala," he stepped closer at saka marahang hinawakan ang magkabila kong braso, "Hindi ako magmamadali. Siguro sa ngayon, I still don't deserve you pero gagawin ko ang lahat para maging bagay tayo. Para maging bagay ako sa 'yo." aniya, halos hindi na ako makahinga. "Gusto kita. Simula pa n'ong unang araw na sinungitan mo ako..."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, "Correction, ikaw ang nagsungit sa akin."
Napangisi rin siya. "Nagsusungit lang ako dahil hindi ko gustong kinakabahan ako kapag nakikita kita."
Fudge... So parehas pala talaga kami ng nararamdaman? noong kumakabog ng napakalakas ang puso ko ay gan'on rin sa kanya?
"Kaya pala kahit you have my number on you, hindi mo naman ako kinocontact."
He shrugged, "Ilang beses ko nang tinry na tawagan ka kaya lang natatakot ako, na baka cannot be reach ka."
Lumambot ang puso ko sa sinabi niyang double meaning. Cannot be reach sa phone at cannot be reach dahil tingin niya ay hindi kami bagay, hindi niya ako maaabot.
I smiled saka iginuide ang kamay niyang nasa braso ko papunta sa kamay ko.
"Naabot mo na ako, Nico," I saw his eyes lit because of joy. "...dati pa."