PABAGSAK na humiga si Kyrine sa kama ko. Sobrang tirik ng araw sa labas, at nakuha pa niyang manggulo sa bahay.
Napailing na lang ako at uminom ng Delmonte four seasons. Ang tamis at ang sarap talaga nito, maliban sa gatas ay ito ang gusto kong inumin. Pagkatapos sumimsim ay nagpatuloy muli ako sa pagtipa sa laptop ko. Tinutuloy ko kasi ang story ko, baka kasi topakin na naman ako kaya hangga't masipag pa ako magsulat ay magsusulat na ako.
"Bagong novel ba iyan? Ano title?" tanong ni Kyrine sa akin, nakadapa na siya ngayon habang ang dalawang kamay niya ay nasa baba niya.
"Hindi ito bago. Ito pa rin 'yong dati at tinutuloy ko," seryoso kong sagot sa kanya at sumimsim sa baso ko.
"Ah okay, paduguin mo ulit puso naming mga readers mo masaya 'yon, Caelian," puno ng sarkasmo na sabi niya at ngumisi lang ako bilang sagot.
My pleasure, my dear.
Nabalot ng katahimikan ang kwarto ko at hindi ko alam ginagawa ni Kyrine dahil abala ako sa pagsusulat at pag-iimagine.
"Caelian," narinig kong tawag sa akin ni Kyrine.
"Hmm?" tanging sagot ko at nagpatuloy sa pagtipa sa laptop.
"What if si Damien ang makatuluyan mo?" halata ang kaseryosohan sa boses niya at dahil sa tanong niya ay napatigil ako sa pagtipa.
What if ano raw? Si Damien ang makatuluyan ko?
Bumuntong hininga muna ako bago sinave ang document at sinarado ang laptop, saka pinaikot ang upuan ko paharap sa kanya.
"Anong klaseng tanong iyan, Kyrine?" hindi makapaniwalang usal ko sa kanya.
Inirapan ako ni Kyrine at umupo nang maayos sa kama.
"What if lang naman. Huwag kang mag-feeling diyan dahil hindi mo bagay," walang preno na sabi niya at kung hindi ko lang 'to kaibigan ay nakatikim na ang bibig nito sa akin.
Hindi ako umimik at napabuga na lang sa hangin.
"Isipin mo, Caelian, una kayong nagkita sa isla, 'yong unang pagkikita nyo ay pwede pa iyon at natural lang iyon dahil may nae-encounter talaga tayong tao na makikita natin sa isang lugar. Pero sa pangalawang pagkakataon, nagkita ulit kayo and this time sa book store naman? Imposible na iyon dahil kung ako ang tatanungin mo, kapag nakita ko na ang isang tao ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin, kumbaga iyon na ang first and last encounter namin. Tapos ito pa, kahapon naman nakita natin siya sa KTV bar, see?! Nakakamangha talaga kayong dalawa!" natutuwang paliwanag niya at nakinig naman ako sa lahat ng sinasabi niya.
"Parang ganito yan," tinaas niya ang dalawang hintuturo niya sa magkabilang kamay. "Ito kayong dalawa, kahit na lumayo man kayo sa isa't isa," sambit niya habang ginagalaw dalawang hintuturo niya sa magkaibang direksyon. "Ngunit darating ang araw," saka niya iniliko ang dalawang hintuturo. "Na magkakasalubong pa rin ang mga landas n'yo," usal niya at pinagdikit ang dalawang hintuturo.
Isinandal ko ang katawan ko sa upuan at tiningnan siya.
"Diba ang galing? Kaya tinanong kita, what if si Damien ang makatuluyan mo? What if siya ang lalaki para sayo?" seryoso tanong sa akin ni Kyrine at sinalubong ang tingin ko.
"Alam mo, ako ang author sa ating dalawa pero 'yang imagination mo ay napakataas," sambit ko sa kanya sa seryosong tono at napasimangot naman siya.
"Ang pagbasa ng mga libro ay ayos lang ngunit kapag ginagamit mo na siya sa reyalidad na buhay ay magkaiba na 'yon. Tandaan mo Kyrine, iba ang mundo natin sa libro, ang nakasulat sa libro ay purong imahinasyon lang at itong ginagalawan mo ngayon, ito ang totoo at reyalidad natin. Walang destiny, walang prince charming, walang love at first sight at walang nabubuong pag-ibig sa maikling panahon," madiin ngunit nagpapaintinding sabi ko sa kanya. "Sa libro lang ang lahat ng iyon, at walang ganon sa mundong ginagalawan natin."
Napababa ang tingin niya at napayuko. Konti nalang talaga, sasayad na ang nguso niya sa sobrang pagsimangot niya.
"Bakit ano bang naiisip mong mangyayari sa amin? 'Yong hindi namin inaasahang pagkikita ay gawa ng destiny? Kahit na imposible ay nagkikita pa rin kami kasi tinadhana kami sa isa't isa? Tapos darating ang araw na magkakabutihan kami? Tapos syempre mag-aaway kami pero magkakabati rin tapos sa dulo magkakaroon kami ng masayang pamilya kasama ng mga anak namin? Gano'n ba ang naiisip mo, Kyrine?" maanghang na tanong ko sa kanya at lalo siyang napatahimik na ibig sabihin ay tama ako ng iniisip.
"Myghad, Kyrine! Masyado ka ng kinakain ng libro. Dahil lahat ng iniisip mo ay sa libro lang 'yon nangyayari." Alam kong masyado nang tumataas ang boses ko ngunit pinipigilan kong ibuhos ang buong emosyon ko.
"Ibahin mo ako—kami sa mga karakter na nababasa mo. Malaki ang pinagkaiba namin sa nobela kasi 'yong karakter na nababasa mo, hindi totoo at hindi rin humihinga. Pero kami, totoo at humihinga kami. Hindi ka pwedeng maging manunulat ng isang kwentong simula umpisa pa lang ay hindi na ikaw ang may akda," seryosong sambit ko sa kanya.
"Sorry," mababa ang tono na sabi ni Kyrine at napapikit naman ako.
Napabuntong hininga ako at pinakalma ang sarili ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa puwesto niya. Nakaupo na rin ako sa kama at nakatingin lang sa kanya na nakayuko.
"Halika rito," anyaya ko sa kanya. Mabilis naman siyang yumakap sa akin at niyakap ko rin siya pabalik. Tinatapik-tapik ko ang likod niya at naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya na ibig sabihin ay umiiyak siya.
Pinaiyak ko ang kaibigan ko. Ang sama ko.
Si Kyrine ay isang masayahing tao ngunit siya rin ang taong mabilis umiyak, kapag may nasabi ka lang na hindi maganda sa kanya, maliit man o malaki at nasaktan siya ay iiyak niya lang 'yon. Katulad ngayon, napagalitan ko siya at nasaktan siya sa mga sinabi ko.
"Shhh....I'm sorry, tahan na," pag-alo ko sa kanya.
"G-Gusto ko lang naman maging masaya ka, Caelian. Masama ba 'yon? Umaasa lang naman ako na sana si Damien na ang lalaking para sayo. Ayaw ko na kasing makitang nalulungkot ka at umiiyak kapag walang taong nakatingin sayo."
Napatigil ang pagtapik ko sa likod niya.
Siya na mismo ang kumalas sa yakapan namin at pinunasan niya ang luha niya sa harap ko.
"Tutulong lang ako sa paghanda ng tanghalian, tatawagin na lang kita," ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari at saka siya lumabas ng kwarto.
***
"UMAASA kang makikita mo ulit si Caelian, 'no?" mapang-asar na tanong ni Abram sa akin habang nagsasapatos.
"Bibili ako ng bagong lens ng camera ko," itinaas ko pa ang camera ko na nakasabit sa leeg ko.
"Sus! Mga palusot mo, Damien." Hindi ko na lang siya sinagot dahil kapag pinatulan ko pa ay hindi siya titigil.
Nasa mall na kami ngayon para bumili ng lens ng camera ko.
"Astig talaga ng camera na 'to, oh," namamanghang sabi ni Abram.
"Oo nga pati presyo astig din," nakangising sambit ko.
"Sir, ito na po." Napatingin ako sa sales lady at kinuha ang bagong lens ng camera ko. Ang sarap mag-picture nito.
"Thank you, miss," pormal na sabi ko at nginitian niya lang ako.
Lumabas na kami ni Abram sa shop na iyon at naglakad-lakad. Habang ako naman ay excited na kinakabit ang bagong lens ng camera ko.
"Sa bahay mo na iyan ayusin," usal ni Abram ngunit hindi ko siya pinakinggan.
"Yes!" masayang sigaw ko ng maayos ko na. "Abram, punta ka ro'n at pipicture-an kita," nakangiting sabi ko at tumango naman siya.
Lumayo siya sa akin at tuwid na tumayo habang nakangiti. Inilapit ko na ang mata ko sa viewfinder.
"1...2...3...smile," sambit ko at kinuhanan siya ng litrato.
Patakbo siyang lumapit at excited na tiningnan ang litrato niya.
"Ang ganda mo talaga kumuha ng litrato, Damien. Kaya ayaw ko ng bumili ng camera e, dahil nandiyan ka naman para mag-picture sa akin."
"Oo na lang. Tara na," sambit ko sa kanya.
Ngunit sa pagtalikod ko ay nakita ko ang isang pamilyar na tao.
Si Gerwyn...na may kasamang ibang babae.
Mula rito ay kitang-kita ko kung gaano siya kasaya sa babaeng kasama niya at ang mabilis na paghalik nito sa labi ng babae.
Nakalimutan niya bang may asawa siyang nag-aalaga sa anak nila? Nakalimutan niya bang pamilyadong tao na siya? Nakalimutan na ba niyang si Caelian ang asawa niya at ito dapat ang kasama niya ngayon?
Anong karapatan niyang maging masaya dahil sa ibang babae? Anong karapatan niyang lokohin ng ganito si Caelian?
Naramdaman ko muli ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para kay Caelian ngunit mas ayos na ito, mas maganda na masaktan siya sa katotohanan kesa sa habang buhay na lokohin siya ng asawa niya.
Kinuha ko ang camera ko at mabilis silang kinuhanan ng litrato.
Huling araw mo na, Gerwyn. Ito na ang huling araw na maloloko mo si Caelian.
Binigyan ko sila ng nandidiri at galit na tingin bago tumalikod para harapin si Abram.
"Anong meron? Bakit ka nag-picture?" takang tanong ni Abram sa akin habang ako tinatago ang inis at galit na nararamdaman ko sa isang ngiti.
"Diba gusto mo ng pizza? Kain tayo non, libre ko," anyaya ko sa kanya ngunit tumitingin siya sa likod ko kaya hinarangan ko 'yon gamit ang katawan ko.
"Pero ano munang pinicture-an mo doon?" tanong niya ulit ngunit bago pa niya makita ay inakbayan ko na siya.
"Wala 'yon. Gutom na ako! Kain na kasi tayo!" pilit na pinapasigla ang boses ko.
"Sige, kain na tayo! Minsan ka lang manglibre, isang grasya 'to!" tawa-tawa pa na sabi ni Abram at pabiro ko naman siyang binatukan.
NAKATINGIN ako sa picture na nasa laptop ko. Si Gerwyn na nakangiti habang nakatingin sa babaeng kasama niya. Napapikit ako ng mariin at pinasadahan ang buhok ko gamit ang kamay. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Anong dahilan mo para lokohin ang isang katulad ni Caelian?" tanong ko sa picture na nasa harap ko.
"Kahit naman kasi sabihin mong may dahilan ka, hindi pa rin sapat iyon para lokohin mo si Caelian. May rason man o wala, ang pangloloko ay pangloloko at hindi iyon mababago dahil lang sa may dahilan ka," pagpapatuloy ko pa, dahil sa galit at frustration na nararamdaman ko ay ito lang ang nakikita kong paraan para pagaanin ang nararamdaman ko. Para akong baliw ngunit nakakagaan ng pakiramdam. Sa totoo lang, gusto ko siyang sugudin kanina at suntukin hanggang mabasag ang mukha niya subalit pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong gumawa ng gulo at maging dahilan ng gulo.
"Huwag ka lang sana magpakita sa akin ulit dahil baka hindi na kita matansya at mabasag ko ang mukha mo," madiin na sabi ko at kumuyom ang kamao.
Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay para akong bulkan na konting maling galaw lang ay bigla na lang sasabog.
Inis kong nilipat para mapunta sa ibang picture. Baka kasi hindi ako makapagpigil pati laptop ko ay masuntok ko dahil nando'n ang pagmumukha niya.
Sobra ang inis at galit ko sa mga lalaking katulad niya na manloloko. Bakit ba kasi may manlolokong katulad niya? At saan sila nakakakuha ng lakas ng loob para manloko? Ang kakapal ng mga mukha.
Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang sumunod na picture. Si Caelian. Ito ang litrato na kinuha ko sa Zambales na hindi sinasadya. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa mararamdaman niya. Ayaw kong sabihin ang nalaman ko para iwasan na masaktan siya ngunit kailangan kong sabihin dahil para rin naman sa kanya ito. Para sa ikakabuti niya.
Why does the truth hurt us even more? Kapag katotohanan ang nalaman at narinig natin ay mas na

Why does the truth hurt us even more? Kapag katotohanan ang nalaman at narinig natin ay mas nasasaktan tayo. Ang lalim ng sugat na hatid nito sa pagkatao natin at ang hirap-hirap no'n pagalingin. At kung gumaling man ay may iiwan pa rin itong marka.
I felt sorry for Caelian. Hindi ko alam kung paano niya dadalhin ang sakit na malalaman niya mula sa akin at sa isiping iyon ay nasasaktan din ako sa kalagayan niya.
Hindi lang naman kasi sila simpleng magkasintahan lang, dahil mag-asawa at may anak pa sila at mas mahirap iyon. Hindi lang sarili niya ang iniisip niya dahil kailangan niya rin isipin ang kalagayan at mararamdaman ng anak niya. I really want to punch that asshole right now.
"Sana makayanan mo ang malalaman mo. Alam kong magiging masakit ito pero huwag kang mag-aalala, kung pwede ko lang hatiin ang sakit na mararamdaman mo ay gagawin ko para hindi ka lang sobrang masaktan," may kung anong napunit sa dibdib ko sa sinabi ko. "Pero malabong mangyaring iyon, kaya ang gagawin ko na lang ay mananatili na lang ako sa tabi mo sa oras na umiiyak at nasasaktan ka," sambit ko at mapait na napangiti.B
sasaktan tayo. Ang lalim ng sugat na hatid nito sa pagkatao natin at ang hirap-hirap no'n pagalingin. At kung gumaling man ay may iiwan pa rin itong marka.
I felt sorry for Caelian. Hindi ko alam kung paano niya dadalhin ang sakit na malalaman niya mula sa akin at sa isiping iyon ay nasasaktan din ako sa kalagayan niya.
Hindi lang naman kasi sila simpleng magkasintahan lang, dahil mag-asawa at may anak pa sila at mas mahirap iyon. Hindi lang sarili niya ang iniisip niya dahil kailangan niya rin isipin ang kalagayan at mararamdaman ng anak niya. I really want to punch that asshole right now.
"Sana makayanan mo ang malalaman mo. Alam kong magiging masakit ito pero huwag kang mag-aalala, kung pwede ko lang hatiin ang sakit na mararamdaman mo ay gagawin ko para hindi ka lang sobrang masaktan," may kung anong napunit sa dibdib ko sa sinabi ko. "Pero malabong mangyaring iyon, kaya ang gagawin ko na lang ay mananatili na lang ako sa tabi mo sa oras na umiiyak at nasasaktan ka," sambit ko at mapait na napangiti.
Bugbugin ang manloloko na katulad ni Gerwyn! Whooo!
Paano na kaya si Caelian at si Baby Abriel? At paano sasabihin ni Damien sa paraan na hindi masasaktan si Caelian? Hmmm...
Abangaaaaan!
-shayyymacho