My heart thudded as Rincewind smiled again at me after telling me those statement that made me nervous. Apo siya ni Mrs. Clemetine, and he was the one who broke the sealing spell so I could unleash my magic. Pero bakit ganoon? Sa simula ba na dumating ako sa Lunaire Academy, may alam na siya tungkol sa akin? I thought, asking myself.
Nalunod ako sa pag-iisip at hindi ko napansin na lumakad na papuntang bleachers si Rincewind, at ang iba pa naming mga nakasama sa duwelo ay papuntang clinic upang samahan ang mga kaklase namin na napagod sa laban. Hindi ko rin namalayan na magsisimula na ang second match. Tatawagin ko sana si Rincewind nang bigla akong nahilo. Shit. Nasobrahan yata ang paggamit ko ng lunar magic sa laban. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita kong may sumalo sa akin upang hindi ako bumagsak sa lupa, but my vision was blurry kaya hindi ko na namukhaan kung sino ito. But, this gentle touch which encapsulates me slowly. It was warm, and I feel protected.
"Mira… Mira…"
Naririnig ko ang pagbanggit sa aking pangalan, at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang mukha ni Loki na puno ng pag-aalala. He held my right hand gently then he said, "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Bigla ka na lang nahimatay pagkatapos ng match." I see, si Loki nga ang sumalo sa akin. I nodded and gave him a half-smile since I was really exhausted after that match. Loki pressed my right hand gentler than before, and I felt this odd sensation again. Whenever our skin brushed against each other, I am always perceiving this voltaic feeling, making me uncomfortable, and sometimes, making my cheeks burn. Ngunit habang tumatagal, nararamdaman ko rin na nagre-react ang taglay kong marka kapag hinahawakan ni Loki ang aking kanang kamay. It's weird, nagre-react din ang crescent moon mark ko kay Rincewind. But, there's still this big difference of reactions. I squirmed slightly and withdrew my right hand from Loki. Gusto kong tumili sa ginawa ni Loki ngunit huminga na lamang ako ng malalim saka ngumiti upang pigilan ito.
"Kumusta pala ang mga sumunod na match? Nalulungkot ako at hindi ko na napanood ang mga kaibigan natin na lumaban," bulalas ko upang maiba ang topic ng pinag-uusapan namin.
"Habang nandito ako at binabantayan ka, sumunod sa akin si Rage. Sabi niya, isang malaking kasayangan kung hindi ko mapapanood ang laban dahil nagbabantay ako sa'yo. So, gumawa siya ng malaking salamin at ginawa naming telebisyon. Pinanood naming ang laban, and the results. You won't believe it."
"Huh? Bakit ano ba ang nangyari?" interesado kong tanong kay Loki. He sighed and rolled his eyes. He looked like a cutesy child. My cheeks blushed lightly and I hid the half of my face with a blanket and giggled.
"What's the problem?" he asked.
"Nothing," I said.
"Okay, itutuloy ko na ang kuwento. The second match was a draw."
"It's a draw? Bakit?" I asked then I remembered suddenly na magkaka-miyembro pala sina Calum, Gwen and Luccas, while Phyra and Zera were in the same team as well.
"Alam mo kasi, ang members ng mga sumunod na teams eh hindi marunong magpatalo. Lalo na at nasa magkaibang team si Calum at Phyra. I bet you know their history sa isa't-isa. Aside from that, Luccas spatial magic was a big advantage for Calum and his teammates, kaso alam ni Phyra ang weakest point nila. Though, their battling strategies and skills are in highest level, still the match ended in a draw. Yuan from Night Shadow has good fighting skills, and his storm magic, masasabi ko lang, it was powerful. Same goes for Wainsley Worth's rock magic and Ivory Ether's floral magic."
"Sayang, hindi ko napanood ang laban nila Phyra at Zera, saka gusto ko makilala rin ang teammates nila," nanlulumo kong sinabi. Loki grinned amusingly at me then, he patted my head, "Makikilala mo rin sila dahil makakasama natin sila palagi sa klase."
I uncovered the blanket from my face and flashed a genuine smile at him. He was nice and kind to me ever since we first met at the human world. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko tila nagkakaroon na kami ng tinatawag na mutual understanding. Sabi nga "action speaks louder than words", pero parang nabibigyan ko na yata ng ibang kahulugan ang kabutihan na ipinapakita niya sa akin. Was it just me who assumed that he like me? I shook my head slightly so as to erase the unwanted thoughts on my head.
Muli siyang nagsalita dahilan para maituon ko muli ang aking atensiyon sa kaniyang pagkukwento, "The following match, I admit it was a blast. Puro babae kasi ang kasama ni Gwydion, so he couldn't concentrate. Kaya, in one swift movement of Team F's magics, ayun, Team E was defeated. Kulang kasi sila sa strategy kahit they have the guts and art of fighting using magics. Well, iyon lamang ang na-obserbahan ko during their match. For the last match. Team G grabbed the bacon." Loki sighed as he brushed his hair with his fingertips.
Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng silid na tinutuluyan naming ngayon. Pagkabukas ng pintuan, iniluwa nito ang mga kaibigan ko, except for Gwen, Gwydion, Luccas and Rincewind.
"Mira! Alalang-alala kami sa'yo!" Verdana cried as she hugged me then she held my hands and a luminous golden light covered my body. I could felt that my magical aura and physical energy is regaining slowly. Then I asked her, "Is this your healing magic, Dana?" she answered while performing her healing magic on me, "Yes."
Nawala na ang liwanag na bumalot sa katawan ko nang inalis na ni Verdana ang kaniyang mga kamay mula sa pagkakahawak sa akin. I was amazed by her magical ability, dahil muling nanumbalik ang lakas at magical energy ko. I opened and closed my fists and smiled with my eyes twinkling at her, "Thank you Dana! You're the best!" I hugged her.
Lumapit si Calum sa tabi ni Loki at inakbayan ito saka nagsalita, "Buti nariyan lang si Loki at nasalo ka kaagad. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig," Calum teased me and Loki while nudging Loki's arm. As a result, Loki and I both blushed and looked away from each other then, I saw Loki glared at Calum, and Calum looked away from him while whistling. Tumikhim ako upang iligaw ang usapan para hindi na lumala ang panunukso ni Calum sa amin, "Nga pala, paano na ang grimoire selection?" I asked.
"Speaking of grimoire selection, Prof. Emmelline told us to go to the library now. Actually, nandito kami para sunduin kayong dalawa," ani Zera.
"Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig upang sumagot kay Zera nang magsalita si Stella, "Wait, someone is coming."
Hindi nga nagkamali si Stella. Dumating si Luccas, kasama sina Gwen at Gwydion using his spatial magic. Tumagos sila mula sa pader ng clinic at naglakad papunta sa amin. His magic was very convenient. May kaunting pagkakahawig ang spatial magic ni Luccas sa paggamit ng teleportation spell. However, dimensional space was the distinct feature of spatial magic and it takes an amount of magical aura para mai-cast ito at makapunta sa lugar na nanaisin mo, and the location coordinates should be correct, unlike teleportation spell, kailangan mo lang gumamit ng magical paraphernalia, gaya ng ginawa ni Loki sa mundo ng mga tao at limited lang ang range na kayang mapuntahan. Napansin ko rin na wala si Rincewind. Gusto ko sanang itanong sa kanila kung bakit hindi nila ito kasama ngunit hindi ko na itinuloy sapagkat baka bigyan nila ng kahulugan ang pagtatanong ko.
Seryosong pinagmasdan kami ni Luccas habang nakatulala kami sa kanila saka ito nagsalita, "Mukhang okay naman na kayo, bilisan na natin at nagwawala na si professor monster. Kayo na lang ang hinihintay." I heaved a deep sigh, then I wore my shoes, tied up my hair and looked at them seriously, "Let's go."
Gamit ang spatial magic ni Luccas, nakarating na kami sa library kung saan gaganapin ang grimoire selection's ceremony. Gumawa pa nga kami ng eksena dahil lumagapak kami mula sa kisame. Kahihiyan ang inabot namin, dahil naging "laughing stock" ang ginawa namin na grand entrance at kasalan ito ni Luccas. Nag-init ang aking mga pisngi at tinakpan ng mga kamay ko ang aking mukha, pero ang mga kasama ko, they still maintain their composure kahit napahiya na kami. Tumayo ako at inayos ang aking sarili saka luminga-linga sa paligid. Nakita ko si Alice na mukhang naka-recover na mula sa first match. Aksidenteng napalingon siya sa kinatatayuan ko, and I gave her a forced smile. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba siya na makita ako. She rolled her eyes on me and her lips quirk slightly, then she gazed at Prof. Emmelline, at ngumuso na lamang ako.
Nakuha ni Prof. Emmelline ang aming atensiyon nang sumigaw siya sa aming lahat. She was standing in a wooden platform at the center of the library, "Ngayon na narito kayong lahat, gumamit kayo ng magical aura at ipunin niyo ito sa inyong mga palad. Sa pamamagitan nito, kusang lalapit sa inyo ang nakatakdang grimoire na para sa inyo."
All of us did what the professor told us. Sumulyap-sulyap ako sa mga kamag-aral ko, gayundin sa mga kasama ko sa Silver Moons upang tingnan kung anong grimoire ang makukuha nila. I lift my chin up and gazed the whole library, dahil maraming mga libro ang lumulutang sa ere. Kusa rin na lumalapit ang mga grimoire sa magiging owner nito. Ilang minuto na akong naghihintay pero walang grimoire na lumalapit sa akin, samantalang lahat ng mga kasama ko sa loob ng library ay may hawak ng mga grimoire. Nadismaya ako sa mga nangyayari kung kaya't napabuntong-hininga ako. Bahagya akong nagtaka dahil naririnig ko na pinagbubulung-bulungan at itinuturo nila si Loki.
"Paano napunta sa kaniya ang Solar Grimoire? Hindi ba ancient grimoire na iyan?" ani Florence Stein.
"Ganiyan talaga kapag suwerte, after all talented talaga si Greyhound sa lahat ng bagay," sabat ni Benedict Elgrea.
Pumalatak si Von Marcus, "Pati ba naman sa grimoire palakasan. Palibhasa kasi apo ng head ng academy, Ano ba yan!"
Lumingon ako kung saan nakatayo si Loki. Tumungo na lamang siya habang hawak-hawak ang natanggap na grimoire. Napansin ko rin na mahigpit niyang ikinuyom ang kaliwa niyang kamay. Perhaps, it was because of Von Marcus's insinuation against him. Lungkot ang naramdaman ko nang makita ko ang dinaranas ni Loki. Kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kaniya ngunit, may biglang humila sa aking mga braso. I turned around to face who pulled me. Shocks. It was Rincewind.
"Wala ka pang grimoire?" he asked curiously as his eyebrows arched.
I shook my head then I turned my gaze onto the ground. Biglang lumapit si Prof. Emmelline sa akin. Kanina si Loki, ngayon ako naman ang apple of their eyes dahil wala akong natanggap na grimoire. Napansin ko rin na papalapit si Loki sa puwestong kinatatayuan ko.
"Crescencia, anong nangyari?" she asked.
"I have no idea, professor."
Tumahimik si Prof. Emmelline habang nakahalukipkip ang mukha, "I think we should consult this to Mrs. Clementine."
Tinapunan ko ng tingin si Rincewind na may halong pagkabahala. Hindi ako naka-angal nang hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Heto na naman, my magic is reacting from his touch. Napakislot ako nang may biglang humawak sa kanang kamay ko mula sa likuran, at tila may dumaloy na kuryente sa aking balat. This odd sensation again. Nagwawala na naman ang pobre kong puso at lalong nadagdagan ang reaksyon ng magic ko. I peeked over my right shoulder. It was Loki, again. Ano ba Mira Luna, sa sobrang ganda mo, pinag-aagawan ka ng dalawang lalaki. Nagbiro ako sa aking isip upang mawala ang kaba na nararamdaman ko. I glanced at them vice-versa as I felt jittery then, I bit my lower lip. What should I do?
Hello my dear readers, Lunaireians!
As promised, iuupdate ko po this week ang lahat ng chapters up to Chapter 32. Mas nakakaabang na po ang mga pangyayari. Kilig overload plus Action plus Mystery hehe.
Hope you leave comments and votes in this story. Use #lunaire or #lunaireacademy po!
Fighting!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Lovelots,
-yenreihs ?