Baixar aplicativo
72.13% Young Hearts [Filipino] / Chapter 43: I'll Never Go, Erick Santos [Part2 of 2]

Capítulo 43: I'll Never Go, Erick Santos [Part2 of 2]

***

"Anong isusuot mo?" Tanong niya kay Vanity, kasalukuyan silang kumakain ng lunch.

"Parang ayoko na umattend." Tukoy nito sa nalalapit nilang graduation ball.

It's already March, at ilang linggo na lang ay ga-graduate na sila ng high school. He can finally tell to his parents and to her mother about their relationship. Magalit man ito ay itutuloy niya ang plano sa mismong araw ng graduation nila.

"Bakit? Wala ka bang maisusuot? I could buy you. Let's go sa mall mamaya after cl—"

"Hindi naman dahil doon." Putol nito sa sinasabi. "Parang ayaw ko lang talagang pumunta."

"Ayaw mo bang ma-experience 'yon kahit isang beses lang? Imagine, the thrill of dancing while in mask. Hindi mo agad makikilala kung sino ang kausap o kasayaw mo. It would be fun!" Pamimilit niya dito.

"Pero Cy—"

"Op! Op! Op! I will not accept no. We will go, Vanity. And I will be your partner."

"Bakit ba ang pilit mo?" Natatawa pang tanong nito.

"Because I want to do something exciting on that day. One of my fetishes." Kinindatan pa niya ang dalaga.

"And?" Kunot noon tanong nito sa kung anong fetish ang sinasabi niya.

"To do you while wearing your mask, inside one of the classrooms. You're at the teachers table, I will be bangi—"

"Cyril John!" Nae-eskandalong sigaw nito sa pangalan niya habang tinatakpan ang kanyang bibig! "'Yang bibig mo, huh! Hindi ka nakakatuwa!" tumingin-tingin pa ito sa paligid. Tinitignan kung merong nakarinig sa sinabi ng binata.

Natawa naman si Cyril sa inasta nito. Lalo na ngayon na pulang-pula ang mukha nito.

"Where's the fun in you, Vanity?" Natatawa pa niyang panunuya dito.

"Isa!" Binilangan na siya nito. Tanda na hindi na talaga ito kumportable.

Pinisil niya ang pulang-pulang pisngi nito. "Cute."

"Ano ba!" Tinabig nito ang kamay niya.

Nagalit nanaman sa kanya ang kanyang prinsesa. Pero okay lang. Aamuhin na lang niya ito mamaya. Ng paulit-ulit.

"It's final, Vanity. We will both go sa graduation ball. If you don't have a dress to wear, I'll buy you. Besides," inilapit niya ang bibig sa tenga nito. He will whisper something important to her. "I really want to do you on your mask that day." Kinindatan niya pa ito sabay tayo.

"Bye!" Paalam niya dito habang hindi pa ito makareact sa sinabi.

~~

The day of the ball arrived. Siya ang sumundo sa dalaga. She's wearing a red mermaid cut gown, ang mga magulang daw ni Lucas ang nagbigay nito para isuot niya.

Vanity is such a beauty. Pero hindi lang ito puro ganda. She has dept. May sense kausap. Mabait na anak, maunawain na girlfriend. At higit sa lahat, may pangarap sa buhay at paninindigan. Ilan lang iyon sa mga katangiang nagpahulog sa kanya sa dalaga.

He is wearing a maroon Americana terno. Match na match sila. Lalo na sa mask na isusuot. They bought a pair of masks.

Nauna na sigurong umalis ang kaibigan dahil malamang ay susunduin pa nito ang partner sa ball. Hindi niya kilala kung sino sa ka batch nila ang partner nito at wala din naman siyang intere na alamin ito.

Habang nag da-drive ay may naalala siya. Nang sinundo niya ang dalaga sa bahay ng kaibigan at nagpaalam ito ay kakaibang tingin ang binigay sa kanya ng mga magulang ni Lucas. Hindi pa nga agad nakakibo ang mga ito ng makitang siya ang susundo sa dalaga. There's something off. Dahil habang nasa byahe naman ay hindi kumikibo ang dalaga.

Ayos naman silang dalawa bago maghiwalay kahapon at maayos din silang magka-text ng nagdaang hapon. Kaya sigurado siyang hindi naiinis sa kanya si Vanity. Hindi kaya…ayaw talaga nitong pumunta sa ball?

"If you really don't want to go to the ball I can go back." Tinitimbang niya ang reaksyon ng dalaga.

Kakikitaan ng pagkagulat ang mukha nito dahil sa tanong niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong hininga siya habang pasimpleng sinisilip ang dalaga.

"Ayaw mo ba talagang umattend sa ball?"

"H-Hindi! Gusto ko naman talaga." Sagot nito agad.

"Eh bakit ang tahimik mo?" Tuluyan na niya itong hinarap ng mahinto sa stop light.

"May…may iniisip lang ako." Sagot nito sa kanya agad. Pero kilala niya ang kasintahan, there is something wrong with her right now. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon.

~~

Habang nasa ball ay masayang-masaya ang lahat. Sandali niyang iniwan si Vanity sa kanilang lamesa para mag-CR pero ng bumalik siya ay wala ito doon.

He looked for her all over the place pero dahil sa naka-mask ang lahat ay medyo nahihirapan siyang hanapin ito.

"Bro!" Bati sa kanya ng nakasalubong. "Hindi mo ako namumukaan?" Natatawang tanong sa kanya ng nakasalubong.

"Bro si Christian 'to." Nakipag-apir siya sa kaibigan.

"Hindi kita namukaan kasi ang kulay ng mask mo. Isa pa bro, nagmuka kang tao!" Panloloko pa niya dito dahil pormang porma ang kaibigan.

"Sira ulo! Nga pala! Bakit parang kanina ka pa hindi mapakali?"

"May hinahanap kasi ako. Hinahanap ko si Vanity. Iniwan ko lang saglit sa upuan namin, biglang nawala. Kanina ko pa hinahanap hindi ko makita. Tinatawagan ko 'yong phone hindi sinasagot!" Naiinis niyang sabi.

"Ano ka ba naman, bro. Nanjan lang 'yon sa tabi tabi. Baka nasa lamesa ng mga kaklase. Grabe ka namang makabakod." Tinapik tapik pa siya nito.

He doesn't feel any good at the moment. Hindi niya alam pero kinakabahan siya.

"Mabuti pa, sumama ka sa akin. Si Justin may tinakas na alak mula sa club nila. Let's have some fun!" Haya sa kanya ng kaibigan.

Naiinis man ay sumunod siya dito. Baka kasi nasa katabing lamesa lang ng mga ito ang kaibigan ni Vanity at makita niya ang dalaga.

Agad niyang binati ang dalawa pang kaibigan ng maupo sa lamesa ng mga ito.

"Nasan si Lucas?" Tanong ni Christian.

"Nandito lang kanina, biglang umalis. Nandyan lang 'yon. Naghahanap ng mabibiktima." Natatawang sagot ni Justin.

Pagka-upo ay inabutan agad siya ng baso ng mga kaibigan. Totoo nga ang sinabi ni Christian. Justin manage to get a bottle of alcohol. Napailing nalang siya sa kapilyuhan ng mga ito, but he took the shot anyway.

Habang busy ang mga kaibigan niyang nagku-kwentuhan at pinapaikot ang basong may lamang alak ay pinagmasdan niya ang paligid. Slow music ang tumutugtog kaya slow dance ang ginagawa ng mga nasa dance floor. Ang ibang couple ay halos magkapalitan na ng mukha.

Mas lalo niyang gustong makita ang kasintahan. He wanted to hold her in her arms while swaying to the soft music. Dalawang lamesa lang ang pagitan nila sa lamesa ng mga kaibigan ni Vanity pero hindi pa din niya ito makita sa paligid.

Palinga-linga siya sa paligid nagbabakasakali na makita ang dalaga. Until a familiar body structure caught his attention.

It's on the dance floor. Nagsasayaw ang mga ito. Ni hangin ay mahihiyang tumagos sa pagitan ng mga ito sa sobrang dikit. They are swaying their bodies as if they are connected. Nakatalikod sa kanya ang lalake, sakop nito ang katawan ng kasayaw kaya't ang maskara lang ng babae ang kanyang nakikita.

It really looks familiar. Kamuka ito ng maskara ni Vanity. Pero baka pareho lang? Dahil binili lang naman nila ang mask.

In a blink of an eye, the girl, without inhibitions, kisses the guy on the dance floor. Tila ba walang pakialam ang mga ito sa taong nasa paligid. After sharing a kiss ay hinila ng lalake ang babae papunta sa may garden ng school.

And as if it is in the movie, nang makikita na niya ang suot ng babae ay unti-unting hinarangan ng iba pang nagsasayaw ang paningin niya.

Hindi niya nakita kung sino ang mga ito. He doesn't want to pry on someone's business pero may nag udyok sa kanyang sundan ang mga ito. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga susunod na mangyayari.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
RomanceNovelist RomanceNovelist

Please play the song included on each chapter for "more" feels! ❤️

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time on my story! Really appreciated! Will work hard more for your reads :)

Comments? Reactions? Feel free to comment them down below :) You can use the #YoungHearts

Follow me on my social media platforms!

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelist@yahoo.com

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C43
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login