Baixar aplicativo
63.63% The Mystery of Deaths [Filipino] / Chapter 14: Chapter 14: Aling Rosing

Capítulo 14: Chapter 14: Aling Rosing

Mary's Point of View

Nagising ako sa isang maliit na kuwarto. Kinamot ko ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang paligid.

Nasaan ako?

Napatayo ako mula sa kama at napagtanto ko na nakahubad ako. Agad kong tinakpan ang sarili gamit ang isang puting kumot.

Sinong nagdala sa akin dito?

Nagulat ako nang wala akong maramdaman na sakit sa aking tiyan o di kaya'y bakas ng saksak. Bakit biglang nawala yung saksak sa tiyan ko? Panaginip lang ba iyon?

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kuwarto at binuksan ito nang mabagal.

Ang bahay na ito ay napakaganda, na parang maituturing mo ito bilang mansyon bagama't maliit.

Napansin ko rin na umuulan nang malakas sa labas at ang mga puno ay binabayo ng malakas na hangin.

Naglakad ako papunta sa isang silid na may mahabang couch at malaking flat screen TV habang umaapoy ang fireplace na nagsisilbing init sa gitna ng malamig na panahon.

Ako lang ba ang tao rito? Napakatahimik kasi.

At nasaan ang gown ko? Inilibot ko ang buong at tanging nakita lamang ang isang dress na puti. Parang nararamdaman ko na nakaplano itong pangyayari. Bakit nakahubad ako? Bakit higlang may isang damit kaagad sa mesa?

Pero ang alam ko ay wala talagang tao rito. Nagdesisyon akong subukan ang dress na nakalagay sa gilid ng coffee table.

Habang nagbibihis ako sa silid, nararamdaman kong may nanonood sa akin kaya hindi ko maiwasang tumingin sa paligid ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na may napansin akong papel na nakalagay sa mesa kung saan nakalagay rin ang damit na sinusuot ko ngayon.

Isang liham na nakasulat sa wikang Kastila. Anong ibig sabihin nito? Hindi ko alam kung kanino ko ito ipapabasa.

Bigla ko na lamang naalala ang nangyari kagabi sa municipal hall. Hindi ako makapaniwala na nakapatay ako kahit hindi ko naman sinasadya. Ngunit alam kong may malalim na kasaysayan itong nanay ni  Angelia o mas masama, may malalim na lihim ang pamilya nito dahil sa mga nakita kong papel sa kuwartong iyon.

Itiniklop ko ang papel na ito at inilagay sa loob ng isa sa mga bulsa ng dress na ito.

"Gising ka na"

Narinig ko ang isang malalim na boses. Lumingon ako at nakita si Benedict na walang suot na damit pang-itaas. Naramdaman ko rin na lasing siya dahil sa kaniyang boses.

Akala ko naman mag-isa lang ako rito. Ngayon, alam ko na siya ang naghatid sa akin dito.

"I am so dumb"

Unti-unti siyang lumapit sa akin at aking puso ay bumibilis sa pagtibok.

"N-nakita mo ang gown ko?"

Nanginginig na pagtanong ko sa kaniya. Lasing nga talaga siya at hindi ko inaakala na umiinom siya.

"Yeah, in the bedroom. Hindi mo ba nakita?"

Sagot niya sabay tumawa nang malakas dahilan para mas lalo akong matakot sa kaniya.

"I'll go get it"

Tugon ko at naglakad nang malayo sa kaniya ngunit napapansin ko na lumalapit siya sa akin. Anong meron sa kaniya? Bakit parang naging weirdo na lang siya?

"Bakit mo ako iniiwasan?"

Rinig ko sa buong silid ang kaniyang magaspang na boses. Ibinato niya ang bote na hawak niya sa malayo.

Lumapit siya sa akin nang nakangisi, ang kaniyang buhok ay napakagulo. Napasandal ako sa pader ng kuwarto at napapikit sa kaba.

"Kiss me"

Halos hindi na ako makahinga ng bigla niyang sinabi ang mga salitang iyon. Pagkadilat ko ay unti-unting lumalapit ang kaniyang mukha sa akin.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil wala akong laban. Ngunit tumagal ang ilang segundo at wala pang nangyayari.

Idinilat ko ang kanan kong mata at nakita si Benedict na nakahiga na sa sahig at nagsimula sa paghilik.

Sinubukan ko siyang buhatin at dalhin sa kama para doon siya matulog ngunit hindi ko kaya dahil napakabigat niya.

"Kukunin ko na lang ang gown ko"

Wika ko sa sarili ko at pumasok muli sa bedroom at hinanap ang aking gown.

Nakakita ako ng isang lalagyan na nakabalot ng isang makapal na tela sa loob at dahan-dahan kong tinanggal ang tela sa lalagyan at nakita ko ang aking kumikinang na gown na halatang may mantsa ng dugo.

Si Benedict ba ang naghubad sa akin? Pinagpawisan ako sa mga pinag-iisip ko. Hindi ko alam kung saan ako kakabahan. Yung maaaring pinagsamantalahan niya ako o yung maaari niyang nakita ang mantsa ng dugo na ito.

Paano nga pala niya ako nakita? Nakahilatay lang ba ako nang makita niya ako? Alam na ba nila na namatay ang ina ni Angelia?

Mabilis kong kinuha ang aking gown at lumabas sa kuwarto. Naghanap ako ng payong para makaalis sa bahay na ito kahit na bumabagyo.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar basta gusto kong makapunta muli sa Estamilia para makausap sina Aling Rosing tungkol dito.

Ang alam ko ay makakapunta ako sa kanila kung sumakay ako sa isang partikular na dyip.

Matapos kong makahanap ng isang payong ay agad kong kinuha ang aking heels na nakapatong sa likod ng pinto at mabilis na nilakbay papunta sa Estamilia.

-•-

"Saan ka pupunta, hija?"

Sa gilid ng kalsada ay may isang tsuper na huminto sa akin pagkatapos ng ilang minuto.

"S-sa Estamilia po? Dadaan po ba kayo doon?"

Nanlalamig na pagsagot ko sa kaniya. Napangiti naman ang tsuper sa akin.

"Ah oo! Alam ko iyon!"

Mabilis niyang pagsalita. Ngumit naman ako sa kaniya.

"Sakay ka na! Mabuti na ito dahil masyadong delikado ngayong madaling araw lalo na at walang mga sasakyan!"

Bigkas niya. Agad naman akong sumakay sa likod ng dyip na ako lang ang pasahero sa loob.

Pinaandar na ng tsuper ang dyip sa gitna ng malakas na ulan.

Nakayuko akong pinagmamasdan ang aking gown hanggang sa ako'y makaidlip sa antok.

-•-

|2:45 AM|

Nagising ako sa ingay ng iyak ng isang sanggol. Laking gulat ko na maraming nakaupong pasahero sa loob ng dyip. Napagtanto ko na rin na tumigil na ang ulan sa labas.

Nagtataka ako dahil lahat sila walang emosyon at nakatulala lang sa hangin. Lumingon ako sa tsuper na kalmado sa pagkontrol ng dyip.

Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon. Pinagmasdan ko ang bawat tao sa dyip at tahimik pa rin silang nakatulala, ang kanilang mga mata ay pawang hindi kumukurap.

"Para po!"

Sigaw ng isang ale sa loob ng dyip. Inihinto naman ng tsuper ang dyip sa gilid ng tahimik na kalsada.

Agad naman tumayo ang mga pasahero at nagsimulang bumaba sa dyip isa-isa. Tumingin ako sa bintana ng dyip at nakita ang isang gusaling nakabukas sa gitna ng dilim. Ito ay isang punerarya dahilan para ako'y kabahan nang husto.

Lumingon muli ako sa kanila at nakita ang isang lalaking pasahero na may dugo sa tiyan.

Ang mga pasahero na bumaba sa dyip ay dumiretso sa loob ng punerarya samantalang naiwan akong mag-isa sa dyip kasama ang tsuper na kinikilabutan sa nakita.

"Normal na yan dito, hija"

Biglang nagsalita ang tsuper sa akin.

"May numerong mga namatay kasi dito dati. Hindi alam kung anong dahilan ng kanilang pagkamatay. Hanggang ngayon, hindi matahimik ang kanilang mga kaluluwa hangga't hindi nila nakakamit ang hustisya"

Bigkas ng tsuper sa akin na mas lalong nagpatayo ng aking mga balahibo.

Nakakatakot man ngunit nakakalungkot dahil may mga inosenteng nadadamay sa mga kasakiman.

Ilang minuto akong nakatulala sa kinakalawang na sahig ng dyip, iniisip kung anong nangyayari dito sa Mastoniaz.

"Nandito ka na sa distrito ng Estamilia"

Sambit ng tsuper sa akin. Lumingon muna ako sa paligid para malaman kung ito na ba talaga.

Nilakasan ko ang aking loob sa pagbaba ng dyip at kumaway sa tsuper at nagpasalamat. Hindi na niya tinanggap ang aking pamasahe at sabay kaming nagdasal.

Sa aking paglalakad, ibinalot ko ang isang puting tela sa aking ulo dahil sabi ni Mang Reynaldo sa akin. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at nakikita ang mga gusaling walang ilaw.

Hanggang sa nakarinig na naman ako ng boses ng babaeng kumakanta. Hindi ako lumingon kahit saan at nakatitig lamang sa daanan ko.

Hindi ko na alam kung bakit ako ang minumulto ng The Humming Lady. Wala naman akong kaalam-alam dito. Binilisan ko na lamang ang aking paglakad habang ang boses ng babae ay papalakas ng papalakas.

Aking binilis ang pagtakbo habang ang nakakarinig na rin ako ng mga bulong sa aking tainga.

"Bilisan mo"

"Huwag kang lilingon"

Dumaan ako sa mga puno na katulad sa dinaanan ko dati. Iniwasan ko ang mga malalaking bato sa aking daan at kahit na nadadama ko ang mga tusok ng mga sanga, hindi pa rin ako tumitigil.

Nakarating ako sa bahay nina Mang Reynaldo na bukas ang ilaw sa loob.

Tumapak ako sa dalawang yapak ng hagdan at kumatok sa pinto.

Bumukas ang pinto sa harap ko at nakita ko si Aling Rosing na nakatitig ang kaniyang mga pagod na mata sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong sa akin ni Aling Rosing. Ipinakita ko sa kaniya ang isang bayong na naglalaman ng aking gown.

"M-may mantsa po ng dugo ang gown ko"

Nanginginig na pagsasalita ko. Lumaki ang kaniyang mata sa aking sinabi at mabilis na kinuha ang bayong sa aking kamay.

Hindi ko alam kung bakit ko siya pinagkakatiwalaan.

"Tuloy ka! Ang bilis mong makapatay! Haha!"

Tugon sa akin ni Aling Rosing at ipinaupo ako sa isang upuan na medyo sira na.

"Aling Rosing, natatakot po ako! Parang gusto ko na lang po hindi ituloy it-"

"Hindi! Ituloy mo ito!"

Sumigaw siya sa akin na aking ikinatakot. Kinuha niya sa bayong ang aking gown nang dahan-dahan. Ikinuha niya rin ang isang malaking gunting at biglang ginupit ang isang parte ng aking gown.

"Isusunog natin ito"

Bigkas niya sa aking at tinago sa aking bulsa. Pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang palad sa aking pisngi.

"Anak, sorry sa mga nangyayari"

Pagpapatawad niya sa akin habang naging emosyonal ang kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kaniya.

"Ako ang nagsumpa sa iyo"

Dagdag niya. Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan at napgtanto kong nagiging emosyonal na rin ako.

"B-bakit po? Plano niyo po ito noh?"

Tugon ko. Nataranta ako sa mga nangyayari dahil nabigla ako sa aking narinig. Siya pala ang nagpasimuno ng lahat.

"Para sa kapakanan ito ng aking kambal na kapatid!

Namatay kasi sila! Hanggang ngayon, hindi sila matahimik! Kailangan nilang matahimik kapag ang isang bagong residente dito sa bayan ng Mastoniaz ay makapatay ng pitong buhay!"

Paliwanag niya. Unti-unting gumuguho ang aking utak sa aking mag narinig.

"Ako ang madre na iyong nakilala dati na tinanungan mo kung nasaan ang parke.

Ako ang librarian na tinanungan mo kung nasaan ang libro ng 'The Diary of a Flower'.

Sinusundan kita dahil ikaw yung may hawak ng sumpa noong una pa lang, dahil kapag hindi mo alam ang sumpa, maaaring mapaaga ang iyong kamatayan"

Dagdag niya. Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya dahil hindi ko inaakala na siya pala ang mga taong iyon. Kaya pala pamilyar ang mukha ni Aling Rosing.

Lumapit sa akin si Aling Rosing at niyakap ako nang mahigpit habang kami ay umiiyak sa nalaman ko.

"Napakabigat ng paraan para malutas ang sumpa na ito"

Nanginginig kong pagsalita. Pinunasan ni Aling Rosing ang aking mga luha na tumutulo sa aking pisngi.

"Maraming kababalaghan ang mga nangyayari dito sa bayan ng Mastoniaz. Kung magtatagumpay ka, maaaring maging matiwasay ang buhay dito"

Tugon ni Aling Rosing sa akin. Kumunat ang aking noo sa kaniya.

"Bakit po? Sino po ba ang kambal na tinutukoy niyo?"

Tanong ko sa kaniya. Bumilis ang aking tibok ng puso kasabay ng pag-ihip ng hangin.

"W-wala iyon"

Lumayo sa akin si Aling Rosing pagkatapos niyang magsalita. Sinasabi ko naman ang aking lihim ngunit hindi niya ako pinagkakatiwalaan sa kaniyang mga sikreto.

Malaki ang aking pagdududa dito kay Aling Rosing. Hindi ko alam kung sino ang kambal na tinutukoy niya.

Naalala ko naman bigla ang liham na nilagay ko sa aking bulsa.

"Aling Rosing, alam niyo po ba ito?"

Inilabas ko ang nakatuping papel sa aking bulsa at napasigaw sa akin si Aling Rosing.

"Akin na yan!"

Kinuha niya ang papel na hawak ko at binuklat. Mabilis niya itong binasa nang tahimik.

"Saan mo ito nakita?"

Pagkatapos niyang basahin ay agad niya akong tinanong nang may malamig na tono.

"Sa office po sa municipal hall"

Seryoso kong pagsagot. Tumango lamang si Aling Rosing sa akin at napatulala sa hangin.

"Malapit na"

Bigla na lamang siya nagsalita na aking kinatakot sa harap niya.

"Basta, ituloy mo lamang ang iyong gawain kahit na labag sa iyong loob at gagawin ko ang lahat para ikaw ay hindi mahalata"

Tumingin siya sa aking nang diretso at hindi na sa akin ibinalik ang papel. Kinuha niya ang ginupit na parte sa aking gown at pumasok sa kaniyang kuwarto.

Naiwan akong nakatayo at lutang ang aking isip sa mga nangyayari.

Sa ngayon, hindi ko na alam kung biktima ba ako o suspek.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C14
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login