Tila naalimpungatan sa mahimbing na pagtulog ang perlas na wala
sa mood at nag mamaktol ng sumagot sa hiling ni Neptuno.
Neptuno : mag dahan dahan ka sa iyong pag sagot ,narito ang itinakda
at handang tumulong sa atin na hanapin ang tinidor
Mslaking Perlas : ipag patawad po ninyo, bathalang Neptuno mahal na
itinakda.....ang mabilis na paghingi ng perlas ng paumanhin kay Arnie at
Neptuno. Pagkatapos noon ay muling nagliwanag ang malaking perlas,
ng humupa ang liwanag, nag karoon ng mga imahe sa perlas na tila ba
screen ng telebisyon. Ang lokasyon ay ang mismong bulwagan kung saan
nakaupo sa kanyang trono si Neptuno at mahimbing na natutulog.
Sa pamamagitan ng malaking perlas, ipinakita nito si Neptuno na natutulog
ng mahimbing at nag hihilik pa... Hawak nito ang triden o tinidor sa isang
kamay habang ang kanyang ulo ay naka yukayok sa kabilang braso at
masaganang umaagos ang kanyang laway sa himbing ng kanyang pag tulog
Mula sa kung saan ay may lumapit sa kanya, isang aninong itim. Dahan dahan
nitong inalis ang trident sa pagkaka hawak ni Neptuno, bago nito pinalitan ng
isang mahabang tuyong kahoy, at ang trident naman na nag pupumiglas sa
kanyang mga kamay ay mabilis nitong binalutan ng itim na tela ,pagkatapos makuha
ang pakay mabilis itong umalis at tuluyang naglaho...
Arnie : huh??? Aninong itim??? Wala na bang alam na gamiting kontra bida ang
manunulat ,kundi puro may kinalaman sa itim??? Hello... Pwede bang mag
request??? Next time... Ibang kulay naman!!!!
Manunulat na si Ako : 😂😂😂
Neptuno : aninong itim nga.... Mahiwaga ang telang ginamit niya upang pigilan ang
tinidor at magawang ikubli ang awra ng kapangyarihan ng triden mula sa akin.
Arnie : ah.... May tama ka dyan!!! Mahiwaga nga ang tela at mabilis ding kumilos
ang salarin... Masagana din kung tumulo ang iyong laway. Malakas ka ring mag
hilik, dahilan kung bakit wala isa man sa mga kawal ang nakarandam ng pag pasok
ng salarin sa bulwagan????
O baka naman may kasabwat ito???
Nagkatinginan ang lahat ng kawal na sireno at siyokoy ganon din ang mga sirenang
naroroon....