HARING USARIN : si Prinsipe Borjo at mga kawal na tikbalang????? ang nagulat na sagot ni haring Usarin, bago nito muling hinarap si Prinsipe Borjo at pinag masdang mabuti.....
Oo nga!!!! si Prinsipe Borjo nga!!! ngunit paanong????? ang naguguluhang sambit ng hari, na di nagawang tapusin ang sinasabi dahil sa nadamang hiya ...
Namumula ang mukhang humingi ito ng dispensa sa hari at kay Borjo, bago nito siniko ang katabing anak na nakayuko at nahihiyang mag angat ng mukha.....
HARING BORAS : ahhhhh walang kaso.... ang lahat ay nag kakamali ang nakatawang sagot ni Haring Boras sa pag hingi ng despensa ni Haring Usarin...
Si Borjo at Arnie at ang ilang kawal ng palasyo ay inutusan kong pumunta sa bulkan, upang mag imbestiga kung kaya ganyan ang kanilang itsura.....
Nag anyong tao sila sa pag tungo doon, at hayan nangitim dahil sa usok na ibinubuga ng bulkan at maitim na abong kumulapol sa kanilang balat.....
HARING USARIN : aaaaaahhhh ang tumango tangong tugon ni haring Usarin.....
ano ang nangyari????? may natuklasan ba silang kakaiba???? ang tanong pa nito
HARING BORAS : wala!!! maliban sa malaking pulang itlog na iyan, na nakuha ni Arnie sa mismong bunganga ng bulkan, na naglalabas ng usok at abo.....
Ang sagot muli ni haring Boras na itinuro ang malaking pulang itlog na kasalukuyang yakap yakap na ni reyna Mareana, ipinag heheleng parang bata.....
HARING USARIN : ah???? ah!!!! isang napakalaking pulang itlog??? ano ang ginagawa niyan sa loob ng bunganga ng bulkan??? ang namamanghang tanong nito....
HARING BORAS : walang nakaka - alam....
ikinagagalak kong nakarating kayo sa aming kaharian, ang pag iiba ng hari sa usapan,
na inalalayan si haring Usarin at iginiya na papasok sa bulwagan ng palasyo habang si Prinsipe Borjo Reyna Mareana Arnie at Prinsesa Usana ay kasunod na ring naglakad papasok sa loob ng palasyo.....
Ang mga kawal naman na puno ng alikabok at amoy asupre ay nagsipag - alis na upang maligo at alisin ang amoy asupre at alikabok sa kanilang katawan...
HARING USARIN : nalalapit na ang ika anim na pag bibilog ng buwan, nais ko sanang saksihan namin ni Usana at ilang mga kawal ang pag sasanib ng liwanag tanda ng pagbalik ng itinakda.... Maari ba?????