Baixar aplicativo
25.95% PHOENIX SERIES / Chapter 95: Kababata

Capítulo 95: Kababata

Chapter 1. Kababata

    

    

"HI, I think you are interesting. Let's date?"

Nilapitan ni Lexin ang pasyenteng kagagaling lang sa Emergency Room dahil ginamot ang mga sugat nito sa kamao. Napasama kasi sa isang rambulan ng mga adik malapit sa ospital na pinagta-trabahuan niya. Ngayo'y ginagamot na rin ang mga pasimuno sa rambulan at nakaantabay na rin ang mga pulis para hulihin ang mga ito.

"Isn't it not allowed to flirt with your patients?" Why, he still was attractive with his scornful look. Medyo namamaga ang kaliwang pisngi pero hindi maipagkakailang may dating.

"Don't worry, hindi ka naman na pasyente rito dahil nalapatan na ng pangunang lunas ang mga kamao mo. Sayang, dapat ako na lang ang gumamot. Tinapos ko pa kasi iyong pagtingin sa isa ninyong kasamahan."

"I'm not with them."

Ang sungit naman! Pero hindi siya padadaig.

"Aalis na ako. Saan magbabayad ng bill?"

Ngumisi siya at bahagyang lumapit dito, 'tsaka bumulong, "Don't worry, I'll take care of everything."

He didn't even flinch. Ang hirap namang hulihin ang lalaking ito. Bahagyang umisod siya at tumuwid ng tayo.

"How about some coffee? There's a nice café near the hospital."

"Doc, kung ayaw sa iyo ni Bossing, ako na lang ang yayain mo," sabad ng isang kasama ng isang pasyenteng tinutulak-tulak sa wheelchair, saglit na tumigil para sumabad sa usapan nila ng lalaki.

Ngumisi lang siya nang bumaling sa kasama ng matandang pasyente. "Totoy, huwag kang papatol sa parang tita mo na. At isa pa, magtapos ka muna ng hayskul," kunwaring pangaral niya sa binatilyo.

Napakamot ito ng ulo. "Doc naman, disi nueve na ako."

"Pagpasensyahan mo na itong apo ko, Doktora. Palikero kasi," saad ng matanda. Bahagya pa nitong pinagalitan ang apo pala nitong disi nueve anyos na binata.

"Ayos lang po iyon, Lola. Magpagaling ho kayo, ah?" Iyon lamang at nagpaalam na ang mga ito sa kaniya na babalik na ng kwarto.

Agad na bumaling ulit siya sa aroganteng lalaking kausap niya kanina subalit wala na ang bulto nito kung nasaan ito kani-kanina lamang. Napamura siya sa sarili. Hindi niya pwedeng pakawalan ang lalaking iyon ngayon. Kung maaaring akitin niya pa ay gagawin niya, basta't makasama niya lang at maging malapit sa huli.

Kaagad siyang lumabas ng ospital at luminga-linga sa paligid. Napanguso siya nang wala na nga ito. Pabalik na sana siya nang may humila sa kaniya, padarang at halos nasasakal siya dahil ang matigas braso ng kung sino man ay nakapalupot sa kaniyang leeg. Bago pa maisakay sa nakaantabay na kulay itim na van ay naibalibag na niya ang kung sino ma'ng nangahas na hilahin siya at i-arm lock ang leeg niya.

Napangiwi pa siya nang makilala kung sino ito.

"Nikolaj!" natatarantang bulalas niya at nilapitan ito. Pasalampak nang nakaupo na ito sa sementadong sahig at hindi kaagad tumayo.

Nag-angat lang ito ng tingin at ngumisi sa kaniya. "Good thing you still remember what I taught you."

"Of course, you made me cry blood whenever I got it wrong before," she exaggerated.

Si Nikolaj Devila ang lalaking nakasama niya sa ampunan noong hindi pa siya kinukupkop ng mga Osmeña. He was a year-older than him and he had been her best friend since then. Kahit kinupkop na ng kani-kaniyang mga pamilya ay hindi sila nawalan ng komunikasyon, lalo na nang mag-aral siya sa Davao noong kolehiyo siya. Taga-roon kasi ang mga kumupkop dito.

Mas nauna siyang umalis sa ampunan sa edad na sampung taon, kaysa kay Niko na labing-dalawang taong gulang na nang maampon. Kung tutuusin ay swerte pa sila dahil kahit malaki na, ay mayroon pa ring kumupkop sa kanila.

"I miss you, Lex," bulalas nito at inilahad ang mga braso, sinesenyas na yumakap siya.

Lumuhod siya at yumakap dito. "I miss you, too."

Ilang segundo pa ay binusinahan na sila ng kung sino mang nagmamaneho ng Mercedes-Benz na nasa likuran lang ng van kung saan naka-park sina Nikolaj. Hindi ito makapag-overtake dahil sinakop nila ng kababata niya ang kabilang daan, kung saan maaaring makadaan ang ilang mga sasakyan.

Tumayo siya at sumunod naman si Nikolaj. Akmang bahagyang yuyuko sana siya para makahingi ng paumanhin nang napansin niya kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan.

Napamura siya ng malakas.

"Why? What happened? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Nikolaj sa kaniya.

Natatarantang umiling siya at umaktong pinapara ang Mercedes-Benz, pero mabilis na humarurot iyon.

So smooth.

"Gusto mo ba'ng  sumakay sa Benz? I should've known, you're a sucker or sleek and sexy cars. I remember when I lost our bet and my Aston Martin was gone—"

"Hindi!" Napamura ulit siya. "That's him!"

"Him?" takang-tanong na kababata.

Naiinis na humarap siya rito at tinapik ng malakas ang balikat nito. Medyo masakit dahil firm ang muscles ng kababata niya. Inakbayan naman siya nito matapos niyang hampas-hampasin ang balikat at braso nito.

"Nakakainis ka!"

"Bakit ako?"

"You made me lose my date!"

Tumawa ito nakakaloko. "I'll be your date tonight, then."

Bahagya niya itong siniko. Hindi bale, sigurado namang babalik at babalik iyong masungit na lalaki kanina. Napangisi siya sa naisip.

"Aw, bakit lagi mo na lang akong sinasaktan?" Umakto pa itong parang talagang nasaktan.

"Number one playboy ka sa Davao, at hanggang Maynila, dinala mo. Kaya ka iniwan ng fiancée mo thousands of years ago, eh."

Tumiim ang bagang nito dahil may katotohanan ang kaniyang sinabi. Well, not with the thousands of years ago part.

"Let's go."

Ngumuso siya sa biglaang pagbabago ng mood nito. "Tara na nga, sa office."

Ginugol niya ang break time sa pakikipagkwentuhan kay Nikolaj. Halos tatlumpung minuto na ang nakalipas nang may kumatok sa pinto.

"Come in," aniya.

Isang nurse ang kumatok. "May naghahanap po sa inyo, Doktora, iyong pasyente kanina."

"Checkmate," nakangising bulong niya at sinabing papasukin na nito ang lalaki.

After a few, his almost six-feet tall built was already inside her office. Nagtagis ang bagang nito nang mamataang prenteng nakaupo si Nikolaj sa couch niya. Bahagya siyang lumapit sa kababata at pinagtaasan ito ng kilay.

"What?" he mouthed with no sound.

"Out," she mouthed back.

Pinagtaasan lang siya nito ng kilay.

"O-U-T, out!" she spelled out without any sound.

The man who just went in sighed his irritation. Doon pa lang tumayo si Nikolaj at nagtagisan sila ng tingin ng supladong lalaki. Mukhang nakuntento na ang kababata niya sa pang-iinis kaya tuluyan na itong lumabas.

"Take a seat," aniya nang makalabas na si Nikolaj. He even locked the door when he went out.

Nanatiling nakatiim ang bagang nito habang siya nama'y umupo sa couch. Kakasya naman silang dalawa roon.

"Would you like a coffee? Tea?"

"Where's my phone?" sansala nito sa inaalok niya.

Kunwaring nagtaka siya. "Phone?"

"Yes."

Nangunot ang kaniyang noo, pinipigilang mangisi.

"This is your phone. It has your picture as your lockscreen."

May kinuha itong cellphone sa bulsa ng suot nitong blue faded and almost fitted jeans. Now that she had a closer look at him, she was in awe while staring at his legs, down to his thighs. His muscles made her feel like he was strong. And her gazes went back on his upper body, and she noticed he had that strong physique that could save any woman who's in distress.

Too bad I'm not a damsel in distress.

"My phone," walang emosyong sabad nito sa kaniya pero nababakas ang pagkairita sa mga titig nito.

Gosh, he has the most beautiful dark pair of eyes I have ever seen!

Hindi pa nga siya tapos na pagpiyestahan ang katawan nito, pinutol naman kaagad nito ang bawat sandaling ninanamnam niya ang pamumuri rito.

"What phone?"

Naiiritang lumapit ito sa kaniya at may karahasang pinatayo siya. Ito na ang kumapkap sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napasinghap siya nang pakiramdam niya ay ang balat niya mismo ang nakapa nito.

"Where's that damn phone?!" he muttered under his breath. Kung kanina'y tila emosyonal ito o puro kasungitan, ngayon ay napansin niyang parang galit ito. Pero hindi niyon napigilan ang init na biglang dumaloy sa katawan niya. She wasn't prepared for that.

She gasped and sighed heavily, trying to collect herself as well. She should had had prepared for anything. Pero heto siya't natameme at natuod dahil lang sa pangangapkap nito. He already stopped touching—searching in her pocket, but he didn't move at all. Kaya kagat-labi niyang pinaloob ang kaliwang kamay sa loob ng kaniyang blusa, sa loob ng suot siyang cotton wine-colored bra.

"What are you doing?" mapanganib na tanong nito.

She unconsciously licked her lips. "I'm getting my phone," bulalas niya.

Nagmura ito at ito na ang kumuha sa cellphone. Nagtaasan ang balahibo niya nang dumampi ang mainit-init na palad nito sa kaniyang dibdib.

Kaagad naman nitong nakuha ang cellphone at lumayo sa kaniya. Tulala siyang nakatitig dito hanggang sa binalik nito ang totoo niyang cellphone sa kaniya, sa palad niya, at tila bagyong lumabas na ng opisina.

Siya ang napaso sa apoy na patibong sana niya sa lalaki. Sayang ang pagkakataon. Hindi bale, may mga susunod pa naman para makaisip ng paraan kung paano mapapalapit dito. Iyong handa siya, hindi katulad ngayon kung saan biglaan ang pagkikita nila nito sa ospital.

Ilang saglit pa ay pumasok ulit si Nikolaj at nagtatakang tiningnan siya. "Bakit namumula ka? Nag-quickie kayo, 'no?"

Parang sira talaga si Niko. Parang hindi siya babae kung ituring nito kung minsan. Subalit hindi na niya pinansin ang binanggit nito dahil ang isipan niya ay nasa lalaking kaaalis lamang.

May araw ka rin sa akin, Aniya sa isipan.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C95
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login