Baixar aplicativo
58.2% The Heiress (MayWard) / Chapter 39: Chapter XXXVIII

Capítulo 39: Chapter XXXVIII

"Hindi ako makakapayag!" sabay tayo ni Edward.

Naiisip pa lang nya na baka ipakasal sa iba si Maymay ay naninikip na ang dibdib nya.

Naalala nya ang sinabi ni Atty Rick na matalik na kaibigan ng lolo Edison nya ang lolo ni Maymay.

"I need to talk to him!"

Samantala si Atty Rick naman ay nagulat sa sinabi ni Maymay.

"Hindi ka makakapayag saan?"

Napatingin naman si Maymay sa kanya.

"Hala sinabi ko ba ng malakas yun? Nakakahiya!" ang pagalit nya sa sarili.

"Ahm, I mean... hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang hacienda at maisan."

"Hindi mangyayari yun kung tutuparin mo ang kahilingan ng lolo mo. And I think I found the perfect solution for that!"

"Pero paano si Edward?" ang mahinang sabi ni Maymay.

"What about him?"

"He asked if he could court me and I said yes!" ang nahihiyang sagot nya sa tiyuhin.

"Really?" tila nag-iisip ito.

"What am I supposed to do tito?" ang nalulungkot na tanong nya.

"You let him court you after we talked?"

Matamlay syang napatango.

"Akala ko ba hahayaan mo na akong mamili ng mapapangasawa mo?" ang seryosong tanong nito sa dalaga.

"I know what I said, it's just that I couldn't say no to him!"

"Why not?"

Hindi nakasagot si Maymay.

"Kung sasabihin mo sa akin na mahal mo na nga sya, hindi ako tututol sa desisyon mo!"

Hindi pa rin makasagot si Maymay.

Gusto nya rin kasing makasigurado sa nararamdaman nya at sa nararamdaman ng binata sa kanya.

Ramdam ng abogado ang paghihirap ng kalooban ng pamangkin.

"Ganito na lang, habang hindi pa dumarating ang araw ng kaarawan mo, hahayaan kita na makilala pa si Edward at masigurado ang nararamdaman nyo para sa isa't-isa. Pero pagkatapos ng araw na iyon at hindi ka pa sigurado ay mapipilitan na akong ipakasal ka sa lalaking ipagkakasundo sayo!"

Nagulat naman si Maymay sa sinabi ng tiyuhin nya.

Sumibol ang maliit na pag-asa sa puso nya.

"Talaga tito?" at nahihiyang ngumiti pa sya dito.

"May, importante sa akin na maisakatuparan ang kahilingan ni Uncle Joe, pero hindi ibig sabihin nun ay wala na akong paki sa nararamdaman mo. Para na kitang anak kaya gusto ko rin naman na maging masaya ka!"

Napayakap sya sa tiyuhin.

"Salamat atty tito!"

"Sana lang ay hindi ka nagkamali sa pagbibigay ng pagkakataon kay Edward."

"Sana nga po!"

"So, do we have a deal?"

"Yes!" sagot ni Maymay.

"Yes!" sagot ni Edward sa kausap sa telepono.

Masayang bumalik ng mansyon si Maymay.

Dumaan muna sya sa kusina para ipahanda ang mga kailangan nila sa picnic.

Inabutan nyang naroon si Juliana na nagpapaturo sa pagluluto kay Nanay Remedios.

"Looks like someone wants to cook for her man!"

Napalingon naman ang dalawa sa kanya.

"Looks like someone's happy!" ang ganti ni Juliana sa kanya.

Ngumiti lalo si Maymay.

"Mukhang maayos ang naging pag-uusap nyo ni Ricardo ah!" pansin ni Nanay Remedios sa kanya.

"Lakas talaga ng pakiramdam mo Nay!"

"Syempre naman anak!"

"May ipapadagdag ka pa ba sa mga dadalhin natin mamaya for the picnic?" tanong ni Juls sa kanya.

Tiningnan ni Maymay ang mga inihanda nila.

"Mukhang okay naman na lahat!"

"Sige na pumunta ka na sa kwarto at maghanda. Ako nang bahala dito!" pagtataboy sa kanya ni Juls.

"Siguraduhin mo lang na hindi kami malalason ha!" natatawang sabi nya sa pinsan.

Pag-akyat ng hagdan ay nakita nyang nasa labas ng kwarto nya si Edward.

Napangiti naman sya ng makita ito.

Pagkalapit nya dito ay...

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi naman!" Ngumiti ito sa kanya.

"Hay naku! Yung ngiti talaga ng lalaking ito ang ikamamatay ko!" ang naisip nya.

"Yung ngiti ba talaga o yung mga labi?" tanong ng isip nyang pasaway.

"Hindi ko pa naman natitikman ang labi nya so I wouldn't know!" sagot ng isip nya.

"So gusto mong tikman?" ang bulong nya sa sarili.

"Gusto kong tikman ang alin?" tanong ni Edward sa kanya.

"Dali mag-isip ka na ng palusot!" ang tudyo ng isip nya.

"Ang ibig kong sabihin, kung gusto mong tikman yung mga niluto ni Juls! Nagpaturo kasi sya kay Nanay Remedios."

"Okay lang naman pero syempre mas gusto kong tikman yung labi mo, I mean, yung luto mo!"

"Edward Barber behave!" pagalit ni Edward sa sarili.

"Hayaan mo, one of these days ipagluluto kita ng specialty kong sinigang!"

"I can't wait to taste your sinigang!"

"Ay teka nga pala, bakit ka nga pala nandito? May sasabihin ka ba?"

Nag-aalangan man ay sinabi na rin ng binata.

"I just wanted to tell you that I'm going to leave tomorrow!"

"Ah ganun ba?" ang matamlay na sabi ni Maymay.

"I just have to do something important but I'll be back! I promise!" at tinitigan nya ang dalaga.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Kaya wag kang magpapaligaw sa iba habang wala ako!"

Nagpipigil ng ngiti na tumango ang dalaga sa kanya.

"Iiwan ko si Marco dito para bantayan ka!" seryosong sabi nito.

Nagulat naman si Maymay sa sinabi nito.

"As if naman may iba akong manliligaw!"

Napangiti naman si Edward sa sinabi nyang yon.

"Do you even know how beautiful you are My May?"

"Maganda ako sabi ng ama ko!"

"You're daddy's little girl aren't you?"

"And I'm proud to be one!"

"I wish I could have met them!"

"Sana nga nakilala mo rin ang mga magulang ko! Pati na rin ang lolo Joe ko na best friend pala ng lolo mo!"

"One of these days I would introduce you to my grandfather. I'm sure he'll love you!"

"Like I love you!" dugtong ni Edward sa isip.

"Woah! Mr. Edward John Barber!

Love?!? You love her?!? Is that really you speaking of loving someone?" ang argumento nya sa isip.

Bigla nyang binitawan ang dalaga.

Nagulat man si Maymay ay hinayaan nya lang ito.

Napansin nya na parang may gumugulo sa isip ng binata.

"Is there something wrong, Edward?"

Napansin ng binata ang pagtawag ng dalaga sa kanya ng Edward.

"Please call me Dodong! Mas gusto kong yun ang itinatawag mo sa akin!"

"Sige Dodong, may problema ba?"

"Wala naman My May! Sige na pumasok ka na sa kwarto mo! Magkita na lang ulit tayo mamaya."

"Okay!"


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C39
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login