Baixar aplicativo
55.22% The Heiress (MayWard) / Chapter 37: Chapter XXXVI

Capítulo 37: Chapter XXXVI

Pagkarating ng kubo ay inilapag na muna ni Dodong ang pagkain na dala.

"Humiga ka na muna dyan sa papag." turo ni Maymay sa kanya.

"No need! I'll just sit here."

"Okay sige!"

"Tapusin mo na yung pagkain mo."

"Sigurado ka bang ayaw mo na kumain?"

"Okay lang ako!"

Nag-umpisa ng kumain si Maymay.

Nagkakamay lang ito.

Inoobserbahan naman sya ni Dodong.

"Sanay na sanay kang kumain ng nakakamay noh?"

"Of course! Ang sarap kaya kumain ng nakakamay!" at dinilaan pa nito ang pagitan ng daliri kung saan may sumiksik na butil ng kanin.

Napalunok naman si Dodong sa ginawa ng dalaga.

"Nauuhaw ako!"

"Nauuhaw ka? Tubig lang yung dala ko okay lang ba?"

"Shit! Did I just say it out loud?" ang bulong nya sa isip.

"Ah eh okay lang!" at tumayo sya para kunin ang inumin sa dalaga.

Umupo sya sa tabi ng dalaga.

Patuloy lang sa pagkain ito.

Sarap na sarap ito sa inihaw na isdang kinakain.

Napangingiti naman si Dodong sa pagkain ng dalaga.

"She's really different from all the girls I've met!" ang naisip nya.

Napansin naman ng dalaga na nakatingin sa kanya ang binata.

"My May...."

"Ano yon?"

"Yung tungkol kay Rivero..."

"Ah sya ba?"

"Who is he to you?"

Hindi alam ni Maymay kung matatawa ba sya sa itsura ng binata.

"Kapatid na nakakatanda ang turing ko sa kanya. Kuya kumbaga!"

"Ganun ba?"

Nakahinga naman ng maluwag ang binata sa sinabi ng dalaga.

"Anak sya ni Mang Tonio yung katiwala namin sa maisan. Ang alam ko sa Maynila na sya nagtatrabaho kaya nagulat din ako nung makita ko sya kanina. Alam mo ba kaming apat nila Juls at Marco ang madalas magkalaro noon. Palagi akong inaasar non na payatot. Pero sya rin naman ang tagapagtanggol ko kapag may nang-aaway sa akin....."

"Blah blah blah...." ang nasa isip ni Dodong.

"Hindi ako interesado sa kanya!" ang sigaw nya sa isip.

Napansin naman ni Maymay ang pananahimik ni Dodong kaya sinulyapan nya ito.

Biglang nilapit ni Dodong ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ng dalaga.

Nagulat naman si Maymay sa ginawa nito.

"May kanin!" ang paliwanag ni Dodong kay Maymay.

Nahiya naman ang dalaga at pinahiran ang bibig nya.

"Saan?"

"Wala na naalis ko na."

"Salamat!"

"Nakakahiya May! Ang daldal mo kasi!" ang pagalit ni Maymay sa isip.

"Ahm, enough about Rivero! Pwede mo ba akong kwentuhan about your parents?"

Tumayo sya at lumapit sa papag.

Dinampot nya ang larawan na naruon.

"Can you tell me about them? I want to get to know them."

"My parents?"

Ngumiti si Dodong dito.

"Yes, your parents. Can you tell me what they were like?"

"Ah sige, ligpitin ko lang yung pinagkainan ko."

"Go ahead, take your time!" at tiningnan na nito ang iba't-ibang larawan na naruon.

Habang nagliligpit ng pinagkainan si Maymay ay narinig nyang tumawa ang binata.

Napaisip sya. "Hindi kaya?"

Nagmadali na sya at lumapit agad sa binata.

Yakap-yakap nito ang isang picture frame at natatawa pa rin.

"Oh no!" ang protesta nya sa isip.

Parang alam nya na kung aling larawan ang hawak nito.

"Akin na yan!" at pilit nyang kinukuha sa binata ang larawan.

Pero umiwas ito at inilayo pa sa kanya.

"Why?Ang cute mo kaya dito!" ang nakangiting sabi pa nito.

Nakaharap ito sa kanya pero inilalayo sa kanya ang larawan.

Pilit na inaabot ni Maymay ng kamay nya ang larawan.

"Akin na sabi!"

Namumula na sya sa inis at hiya.

"Abutin mo muna!" ang pangungulit ng binata.

Lumapit pa ng mas malapit ang dalaga.

Napaatras ang binata sa papag.

Sa pag-abot ng dalaga ay napatumba sila sa papag.

Nakapatong si Maymay kay Edward.

At saktong lumapat ang labi ng dalaga sa binata.

Ang lahat ng ito ay nasa isip ng binata kaya napapangiti sya.

Hinintay nyang lumapit ang dalaga.

Lumapit sa kanya ang dalaga.

Malapit na malapit.

Napapalunok na sya sa antisipasyon.

Inabot ni Maymay ang braso nya at....

pinilipit ito.

"What the heck!"

Ngumisi sa kanya ang dalaga.

Nakuha na nito ang larawan.

"Sabi ko naman kasi sayo ibigay mo na sa akin eh! Yan ang napapala mo!" at ngumiti sya ng pagkatamis-tamis sa binata.

Napahawak ang binata sa kanyang braso.

"You're really different from all the women I've met."

Napangiti na lang sya sa kalokohan na naisip nya kanina.

"Am I supposed to be flattered by that?"

"You should!"

"Siguro nasanay ka na hinahabol-habol ka ng mga babae noh!"

"Oo." walang bahid ng pagyayabang na sagot ng binata.

"Pwes! Ibahin mo ako! Hindi ako katulad nila!" at umirap pa ito.

Lumapit sya sa dalaga.

"Iba ka talaga sa kanila. Ibang-iba." seryosong sabi nya dito.

Nailang naman bigla ang dalaga sa titig ng binata sa kanya.

Napakabilis ng tibok ng puso nya.

"Ito na ba yun ina? Ganito rin ba kabilis ang tibok ng puso mo sa tuwing tinititigan ka ni ama?" ang nasa isip nya.

Hindi naman maiwasan ng binata na mapatingin sa labi ng dalaga.

Para na naman syang tinatawag ng labi nito.

Hinawakan nya ang bewang ng dalaga.

Hindi naman nagpumiglas ito.

Inilapit nya ang katawan ng dalaga sa kanya.

Unti-unti nyang nilapit ang labi nya sa labi nito.

Hindi naman alam ng dalaga kung bakit pero napapikit sya.

Gahibla na lang ang layo ng labi nila sa isa't isa.

"MAYMAY!!! YOOHOO!!! Andyan pa ba kayo?!?" boses ni Rivero galing sa labas ng kubo.

Bigla namang napamulat si Maymay at naitulak nya ng malakas si Dodong.

Napaupo naman ang binata sa sahig.

"Aray!" at hinawakan nya ang pwet nya na masakit.

Pumasok na sila Rivero pati si Marco at Juliana.

"Anong nangyari sayo bro?" tanong ni Rivero kay Dodong.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C37
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login