Pagkatapos kumanta ay nagpasalamat si Edward kay Volts at umalis na rin ito.
Lumapit si Edward kay Mary Dale.
"May I?" na itinuturo ang espasyo sa tabi ng dalaga.
She shyly nodded.
Edward sat down beside her.
He nervously glanced at Mary Dale and asked, "Nagustuhan mo ba?"
Tumango si Mary Dale.
Pilit nyang pinipigil ang ngiti sa labi nya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib nya.
Kanina habang kumakanta ang binata ay para syang inililipad sa alapaap.
Ganito rin kaya ang naramdaman ng kanyang ina ng haranahin ito ng kanyang ama?
Napatingin sya sa langit.
Napakalinaw nito at kitang-kita ang bilyon-bilyon na bituin.
Napatingala rin si Edward sa langit.
Tahimik ang paligid.
Hindi kasi namalayan ni Mary Dale na iniwan sya ni Juliana kanina pa.
Si Marco rin ay wala.
Malamang ay sinundan nito ang dalaga.
Silence reigned between them.
But it was a comfortable silence.
They oddly felt at peace with the world.
Mary Dale comfortably leaned on the bench while looking up at the sky.
She doesn't know why but she felt safe with Edward.
Edward also leaned on the bench while looking at Mary Dale.
Without realizing it, they moved their shoulders closer to each other.
"I forgot to tell you something." ang basag ni Edward sa katahimikan.
"What is it?"
Hindi pa rin nya magawang tumingin kay Edward kaya sa mga mumunting ilaw sa mga hardin na lang sya tumingin.
"Will you look at me?" at hinawakan ni Edward ang baba nya para paharapin sya dito.
Tinitigan sya nito.
Parang may kung anong magnet ang mata nito kaya naman napatingin na rin sya dito.
"I want to say sorry for what I said to you in Tagaytay. About you and Marco."
"Bakit mo nga ba nasabi yon?"
He could see the hurt in her eyes.
He ran his fingers through his hair and heaved a sigh.
"I felt so frustrated looking at you smiling, laughing, talking to him while you were dancing together!"
"Because that should be me!" dagdag nya sa isip.
"Bawal na ba akong ngumiti at tumawa kasama si Marco? Natural kaibigan ko sya kaya ganun!"
Napangiti sya dito.
"Nagseselos ba sya kay Marco?" ang tanong nya sa isip.
Edward inhaled sharply upon seeing her smile.
For a second he forgot to breathe.
"Yan!"
Naguluhan naman si Mary Dale sa binata.
"Ano'ng yan?"
"Yang ngiti mo na yan ang dahilan kung bakit ako naiinis!"
"Huh?!"
Lalo lang syang naguluhan sa sagot ng binata.
"Yang ngiti mo na malaya mong ibinibigay kay Marco! Samantalang sa akin hindi mo magawa!"
Hindi naman mapigilan ni Mary Dale ang mapangiti ulit.
Ewan nya ba at parang may kumikiliti sa kanya sa sinabi ng binata.
"Gusto ko sa akin ka lang ngumiti ng ganyan!" at dahan-dahan nyang hinawakan ulit ang baba ng dalaga at pinaharap ito sa kanya.
Kinagat ni Mary Dale ang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman.
Napatingin ang binata sa labi ng dalaga ng gawin nya yon.
"Please don't do that!"
Nagtataka naman ang dalaga sa sinabi nya.
Her lips slightly parted.
She wanted to ask him what he meant.
But what she did only increased the urge he felt to kiss those lips.
He felt himself being pulled towards her lips.
"Ahem! Ahem!" Marco cleared his throat.
Masuyo nyang hinalikan ang noo ng dalaga.
Napapikit naman si Maymay sa ginawa nya.
"Ahm, sorry guys but I have to remind you Dale about tomorrow!" si Juliana na naruon din pala kasama ni Marco.
Saka lang binitawan ni Edward ang dalaga.
Sinamaan nya ng tingin si Marco.
"Ay, oo nga pala! Sorry Edward pero kailangan ko ng matulog!" pero umiiwas sya ng tingin dito.
"Matulog na rin tayo Edward para makasama tayo bukas sa kanila!"
Tumayo na ang dalawa.
"Okay lang naman Dale di ba?" tanong ni Marco dito.
"Oo naman! Kung gusto nyong sumama bakit hindi!"
Naglakad na sila papasok ng mansyon.
"Ano'ng meron bukas?" tanong ni Edward kay Mary Dale.
"Thanksgiving celebration for a bountiful harvest!"
"Masaya yun bro!"
Paakyat na sila sa kanya-kanyang kwarto nila.
Hinatid ni Marco sa tapat ng kwarto nito si Juliana.
Habang si Edward ay inihatid din si Mary Dale.
"Good night Edward!" alangan na paalam ng dalaga.
Tatalikod na sana sya ng hawakan ni Edward ang braso nya.
Humarap sya dito.
"Bakit?"
"You still haven't told me that you forgive me!" nahihiyang sabi ng binata.
Napangiti naman ulit ang dalaga.
"It's okay Edward, let's just forget about it!"
"Can you do me a favor and please stop calling me Edward?"
"Ano naman ang gusto mong itawag ko sa'yo?"
"Pwede Dodong na lang? It's what my mom used to call me when I was a kid."
"Sige, Dodong! Pero dapat Maymay na rin ang itawag mo sa akin!"
"Sure, My May!"
"Maymay."
"Yeah, My May!" at ngumiti pa ito sa dalaga.
"Sinasadya nya ba talagang ibahin ang pagbanggit ng palayaw ko?" naiisip ni Maymay.
"Sige na matulog na tayo!" at pumasok na ang dalaga sa kwarto nya.
Sumunod sa kanya si Edward.
Hindi sya napansin ni Maymay kaya nagkabungguan sila ng isasara na sana nito ang pinto.
"What are you doing in my room?!?"
"Sabi mo matulog na tayo!" at ngumiti ito ng nakakaloko.
Nakaisip din ng kalokohan ang dalaga.
Lumapit ito sa binata at ngumiti ng nakakaakit.
Napaatras ang binata sa may pinto.
Lumapit lalo si Maymay sa binata.
Napalunok si Dodong.
Bigla syang kinabahan sa ginawa ng dalaga.
Unti-unting nilapit ni Maymay ang mukha nya sa binata.
Panay na ang lunok ni Dodong.
Hindi nya namalayan na napapikit sya.
Bahagya pa syang napanguso.
Pigil na pigil naman ni Maymay ang tawa nya.
Nilapit nya ang labi nya sa tenga ni Dodong at bumulong.
"Lumabas ka na kung ayaw mong habulin ng itak ni Nanay Remedios!"