Pagkabalik ni Marco kay Edward ay iniabot nito ang susi ng kotse sa kanya.
"I'll just take a cab."
"No you won't! Sumakay ka na! Dun ako matutulog sa condo mo! May kailangan tayong pag-usapan!"
Nang hindi pa sya agad sumakay sa kotse ay nagsalita ulit si Marco.
"Get in the car Edward!"
Napagtanto naman ni Edward na seryoso ang kaibigan dahil tinawag sya nito sa pangalan nya.
Sumakay na rin sya sa passenger seat.
Saka lang sumakay si Marco nung pumasok sya.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe.
Naninibago si Edward sa kaibigan.
Seryoso ang mukha nito habang nagmamaneho.
Palangiti ito at napakamaloko kaya naninibago sya sa seryosong ekspresyon nito.
Pagkarating nila ng condo ni Edward at pati sa elevator ay tahimik pa rin silang dalawa.
Habang tumatagal tuloy na hindi nagsasalita si Marco ay naguiguilty na sya sa sinabi nya kay Maymay.
Mali ba na binigyan nya ng malisya ang pagiging malapit ni Marco sa dalaga?
Ano ba kasi talaga ang relasyon na meron sila at parang masyado silang malapit?
Meron bang hindi sinasabi si Marco sa kanya tungkol kay Maymay at Mary Dale?
Naputol ang pagmumuni-muni nya ng tumunog ang elevator at bumukas.
Lumabas sila ni Marco at tumuloy sa unit nya.
Pagkapasok ay dumiretso si Marco sa mini bar para maglagay ng maiinom para sa kanila ni Edward.
Bumalik ito sa sala na dala ang inumin at inabot ang isa kay Edward.
Umupo ito sa couch at hinarap si Edward.
Inisang tungga nito ang inumin.
Napangiwi ito ng bahagya sa tapang ng ininom.
"So... what happened between you and Maymay?"
Inisang inom din ni Edward ang inumin bago ito sumagot.
"Nothing!"
Tumayo ulit si Marco at kinuha na ang bote ng scotch at saka bumalik sa pwesto.
Nilagyan nya ulit ang baso nila ni Edward.
Uminom ulit si Marco ng konti bago nagpatuloy sa pagtatanong kay Edward.
"Wala? Eh bakit ganun ang itsura ni Maymay nung nagyaya umuwi?"
Uminom din si Edward bago sumagot.
"Bakit ba masyado kang concerned sa kanya?"
"Natural! Bro, kababata ko sya! Mas matagal ko pa syang kakilala kesa sayo!" at tumungga ito ulit ng alak.
"Kababata lang ba talaga?" sabay inom din ng alak.
"Seryoso ka ba dyan sa tanong mo?" inom ulit.
"Oo! Hindi kasi yun yung nakikita ko!" inom ulit.
"Teka lang! Umamin ka nga bro! Nagseselos ka ba sa amin ni Maymay?!?"
"And what if I am?"
"Ano'ng balak mong gawin dyan sa pagseselos mo?"
Natigilan naman si Edward sa tanong ni Marco sa kanya.
Ano nga ba ang dapat nyang gawin sa nararamdaman nya para kay Maymay?
Sapat na ba kung anuman yung nararamdaman nya para sa dalaga para kalimutan nya yung pamantayan nya sa babaeng mapapangasawa nya?
Pareho ba sila ng nararamdaman para sa isa't-isa?
Hindi ba parang napakabilis ng mga pangyayari para isipin na nyang mahal nya ang dalaga?
Woah!
Mahal?!?
Mahal nya ang dalaga?
Hindi pa nga nya lubos na kilala ito kaya paano mangyayari na mahal nya na agad?
Hindi kaya mere physical attraction lang ang nararamdaman nya para dito?
Maganda ang dalaga at nakakaakit ang hubog ng katawan kaya hindi nakapagtataka na nahalina sya dito.
Marami na rin syang nakita na higit na maganda at kaakit-akit pa sa dalaga pero iba talaga ang dating nito sa kanya.
Para syang palaging kinakapos ng hininga sa tuwing nakikita nya ito.
Lalo na kapag nakangiti ito.
Ngiti na gusto nyang sya lang ang pagbibigyan at makakakita.
Kaya naman ng makita nyang nakangiti ito kay Marco ay ganun na lang ang pagnanais nyang sapakin ang kaibigan.
Ngayon lang nya naranasan ang makaramdam ng selos.
Sa kanilang dalawa kasi ni Marco ay madalas sa kanya nagkakagusto ang kahit na sinong babaeng makakita sa kanila.
Kaya naman hindi nya maiwasan ang mainis dahil nakaramdam sya ng inggit kay Marco ng makita nyang nakangiti si Maymay dito.
Si Maymay lang ang nagparamdam sa kanya na maaaring may nakahihigit sa kanya.
Pagmamahal bang matatawag yon?
Yung kagustuhan na mas makilala pa ang dalaga?
Yung kagustuhan na palagi syang nakikita at nakakasama?
Yung kagustuhan na makitang nakangiti sya sa akin?
Yung kagustuhan na palagi syang titigan sa mga mata?
Yung kagustuhan na mayakap sya?
Yung kagustuhan na maangkin ang mga labi nya?
Pagmamahal na ba 'yon?
Sapat na ba ang lahat ng iyon para maniwala sya na totoo ang pag-ibig?
Pag-ibig na matagal na nyang isinusumpa at hindi pinaniniwalaan.
Natigil sya sa pagmumuni-muni ng marinig ang basong nahulog sa carpet.
Napailing sya ng makitang nakatulog na si Marco.
Nabitawan nito ang baso sa kalasingan.
Pinulot nya ang baso at ipinatong sa mesa.
Inayos nya ng higa si Marco sa sofa.
Habang sya ay tumungo sa mini bar at kumuha ulit ng maiinom.
Kailangan nya ng pampatulog.
Hindi nya pa rin alam kung ano ang gagawin nya sa nararamdaman nya para kay Maymay.