Magkaharap si Maymay at Edward.
Nag-aalangan na ngumiti si Maymay dito.
Natulala naman si Edward ng ngumiti ito.
Hindi nya maintindihan kung bakit ganun na lang ang epekto sa kanya ng dalaga.
Inabot ni Maymay ang kamay nya sa binata.
"Maymay." ang pagpapakilala nya.
Dahil nakatulala pa rin si Edward ay hindi nya agad inabot ang kamay nito.
Nahiya naman si Maymay sa hindi pag-abot ni Edward sa kamay nya kaya akmang babawiin nya na ang kamay.
Napansin ito ni Marco kaya siniko nya si Edward.
"Bro!" sabay nguso sa kamay ni Maymay.
Dali-dali namang inabot ito ni Edward at kinamayan.
"Dodong!" ang pagpapakilala nya rin sa dalaga.
Hindi nya agad binitawan ang kamay ng dalaga habang titig na titig pa rin sa mukha nito.
Nakaramdam naman ng pagkailang ang dalaga sa pagtitig ng binata sa kanya.
"Ang gwapo naman nito masyado para maging driver!" ang nasa isip ni Maymay.
"Bro, matunaw!" ang sita ni Marco sa kaibigan.
Binitawan naman ni Edward ang kamay ni Maymay at napakamot pa sya sa batok.
"Maymay at Dodong, pwede dun kayo sa hardin kung maglalandian lang kayo! Nakakahiya sa bisita ng apo ko!" ang sita naman ni Melba sa dalawa.
Nahiya naman si Maymay sa sinabi ng lola nya.
Si Edward naman ay medyo nainis sa sinabi ng matanda pero hindi nya pinahalata.
"Great idea Tita Mel! Why don't we go to the garden too Dale?" ang aya ni Marco kay Juls para mabawasan ang tensyon.
Umupo naman si Juls at Marco sa isang bench.
Hinayaan ni Maymay ang dalawa na makapagsolo.
Sya naman ay tumungo sa may isang swing.
Hindi nya namalayan na sinundan pala sya ni Dodong.
"Okay lang bang samahan ka?" si Dodong.
Walang salita na umusod si Maymay.
Senyales na pumapayag sya.
Umupo naman sa tabi nya si Dodong.
Tahimik lang silang dalawa.
Pasimpleng tinitingnan naman ni Dodong si Maymay.
Napansin nyang nakatingin ang dalaga kay Marco at Mary Dale.
"Gaano ka na katagal na yaya ni Mary Dale?"
Hindi naman agad sumagot si Maymay.
Hindi tuloy alam ni Dodong kung narinig ba sya nito kaya nilakasan nya ang boses nya at nagtanong ulit.
"Maymay, gaano ka na katagal na yaya ni Mary Dale?"
Natauhan naman si Maymay pagkarinig nya sa palayaw nya.
"Ah....bago lang!"
"Talaga? Eh bakit parang matagal mo ng kilala si Marco, I mean si Sir Marco?"
"Yun ba? Kababata ko kasi sila ni Mam Mary Dale!"
"Kababata?"
"Madalas magbakasyon si Sir Marco sa hacienda nila Mam Mary Dale nung mga bata pa kami!"
"Paano mo sila nakilala?"
"Ah...kasi yung ama ko ang katiwala nila Mam Mary Dale sa maisan kaya naging magkakalaro kami."
Naalala naman ni Dodong na sinabi ni Marco na malapit si Mary Dale sa mga tauhan nila sa hacienda.
Mukhang mabait nga talaga ang dalaga at nakikipaglaro din ito sa mga anak ng tauhan nila.
Napatingin din sya sa dalagang kasama ni Marco.
Napansin naman iyon ni Maymay.
At ewan nya kung bakit pero may lungkot na sumilay sa puso nya.
Bumalik din naman agad ang tingin ni Dodong sa katabing dalaga.
Naisip nya na maganda nga si Mary Dale pero hindi nya alam kung bakit mas interesado syang makilala si Maymay.
"Eh, ikaw Dodong, matagal ka na bang driver ni Sir Marco?" tanong ni Maymay na nakatingin pa rin kanila Marco.
"Ah kauumpisa ko rin lang!"
"Alam mo, hindi ako naniniwala sayo." at saka tumingin si Maymay kay Dodong.