"That's fine as long as you get married before you turn twenty four."
"Saan naman ako makakahanap ng matinong mapapangasawa sa loob ng tatlong buwan?"
"Pupunta ka ng Maynila at doon ka maghahanap. Inihabilin na kita kay Tiya Melba na duon ka na muna tutuloy sa kanya at kasama mo rin si Juliana para alalayan ka. Masyado ng matanda si Tiya Melba para magchaperone sa mga lakad mo kung sakaling makikipagdate ka."
Si Juliana ay nag-iisang anak ni tito na kaedaran ko lang.
Si Lola Melba naman ay mayaman na matandang dalaga na malayong pinsan ni lolo na nakatira sa Maynila.
Mabait si Juliana, mas magarbo nga lang itong manamit sa akin dahil na rin sa fashion design ang natapos na kurso nito.
Kung anong simple kong manamit ay kabaligtaran ito ni Juliana na animo'y palaging rarampa sa fashion show.
Kaya madalas ay sya ang napagkakamalan na haciendera at hindi ako.
Wala namang kaso yun sa akin dahil mas mahalaga sa akin ang mapalapit ako sa mga tauhan namin sa hacienda.
Yun rin ang dahilan kung bakit simple lang ako manamit.
Alangan naman nakagown ako kapag nakikihalubilo sa mga tauhan namin sa maisan di ba?
At pinalaki rin kasi ako ng magulang ko na simple lang kahit na mayaman kami.
Pero tama na ang tungkol sa porma ko.
Ang problema ko ngayon ay kung paano ako makakahanap ng asawa sa loob ng tatlong buwan bago ang araw ng aking kaarawan.
Kung bakit naman kasi kailangan ko pang maghanap ng asawa eh kaya ko naman patakbuhin ang maisan ng ako lang.
Sobrang makaluma talaga ng pag-iisip ni lolo.
Porke ba babae ako hindi ko na kayang mag-isa?