Crissa Harris' POV
Day 22 of zombie apocalypse..
"Fionna, ready ka na?" tanong ko sa kanya.
"Yep. Tara na." nakangiting sabi nya sakin.
Bumaba na nga kami dahil kanina pa nag-iintay doon si Tyron at Owen. At ayun nga, naabutan namin silang dalawa na nakaupo sa isang couch at readyng-ready na yung mga gamit. Naaexcite ako. Ito na kasi yung araw na hahanapin namin sila Christian. Hindi namin alam kung paano at saan kami magsisimula.
Pero, we're still hoping for the best.. Naniniwala akong magkikita-kita na kami uli..
"Naks! Sexy talaga ng baby ko!" pambungad ni Owen nang makita nya si Fionna. Nalipat naman ang tingin ko dun kay Tyron dahil nakakunot ang noo nya sakin.
"B-bakit?.." tanong ko.
"Anong bakit? Tinatanong mo pa? Bakit naka short ka nanaman?.."
"K-kasi, wala na ngang jeans doon. Parehas naman kami ni Fionna e. Saka naka long sleeves naman kami.."
"Psh. Whatever.." sabi nya sabay walk-out.
Nagkatinginan nalang kami nila Fionna at Owen. Problema ba non ni Tyron? Yung totoo, naiinggit ba sya sakin kasi sya, hindi pwedeng magsuot ng gantong maong na shorts? Hihihi.. Kaya pala. Ayaw magsalita.
"Matuwa ka kasi nirerespeto ka nya nang ganon. Tignan mo tong boyfriend ko, natutuwa pa na naka maiksi akong shorts. Tsk.." bulong sa akin ni Fionna.
Hindi naman na ako nakapagreact dahil sinundan na rin namin si Owen na lumabas na. Si Tyron naman, nagsasakay na nung nga gamit namin dun sa kotse na dala ni Fionna at Owen kahapon. Yung mga supplies at ilang baril na walang bala, nilagay nya sa compartment. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay yung gitara na nakita namin nung isang araw. Inilagay nya yun sa may passenger seat.
"Dinala mo pa yan?.." tanong ko. Medyo nagulat pa sya nang bigla akong sumulpot sa tabi nya.
"Obviously.."
"E-eh, bakit?.."
"Anong bakit? Malamang satin yan kaya bakit rin natin iiwanan? Tsk.." sabi nya sabay alis nanaman.
Samin? Talagang inako nya na rin na samin talaga yung gitara na yun.. Ang sarap na marinig mula sa kanya yung word na 'Satin'. Para kasing napakalalim e.. Pero gaya nga ng palagi kong sinasabi ko sa isip ko, wala rin akong karapatan sa salita na yun. Wala rin namang 'Kami' na matatawag talaga e.
"Crissa, tara na dun sa backseat." hinaltak ako ni Fionna.
"Eh, sino bang magdadrive? Hehehe.."
"Si Owen."
"Ah. Pwedeng ako nalang? Hehehehe.." tanong ko uli. Mukhang narinig ni Owen yung sinabi ko kasi tumingin sya at lumapit samin.
"Sanay kang magdrive miss beautiful?.." tanong nya na nakangiti.
"Oo naman. Hehehe.."
"Edi, sige.. Ikaw na magdrive.. Matatanggihan ko ba naman ang isang magandang babae na tulad mo?" nakangiting inabot sakin ni Owen yung susi. Nagningning sa mata ko yun. Makakapagdrive na uli ako. Hehehehe..
Aabutin ko na sana yung susi nang bigla may nakauna sakin na humablot nun. Pagtingin ko, nakakunot nanaman ang noo sakin ni Tyron. Nung malipat ang tingin ko dun kay Owen, pinapaulanan na sya ng kurot ni Fionna.
"Ikaw talaga. Maglubay ka nga sa kaka miss beautiful mo kay Crissa. Mahiya ka naman. Nasa harapan mo pa man din si Tyron." bulong nya.
E-eh, ano daw yon?..
Napatingin naman ako kay Ty nang hawakan nya ako sa kamay at haltakin ako papunta sa may passenger seat. Pinilit ko namang pigilin sya.
"E-eh Ty, ako na magdadrive please.." pagmamakaawa ko. Pero mas lalo lang kumunot ang noo nya.
"Maawa ka samin. Nagtanda na ko nung una mo kaming ipagdrive. Baka car accident pa ang ikamatay natin pare-parehas e. Saka tignan mo nga yang itsura ng sasakyan na yan. Magiging kalansay nalang to mamaya kapag ikaw ang nagdrive."
Pinagmasdan ko nga yung kotse. Oo nga. Mukhang ito yung mga kotse sa palabas ni FPJ at Rudy Fernandez. Yung mga bulok bulok na itsura? Yung laging inirarampa at pinapasabog sa mga action scenes? Ganon. Kahit nga siguro sipain ko lang to e, mawawasak na agad. Tss. Saan kaya napulot to nila Fionna? Panahon pa to ng ninuno namin e.
"Dali, pasok na. Alis na tayo.." mahinahon na ang boses ni Tyron.
"Okay.." nakapout kong sabi tapos sumakay na ako sa passenger seat. Inakap ko nalang yung gitara namin na nakatayo sa harapan ko.
Tss. Nakakainis naman oh.. Akala ko pa man din, makakapagdrive na ako uli.. Huhuhu..
Sumakay na rin sila Fionna at Owen sa back seat. Pati si Tyron, sumakay na sa driver's seat. Inistart na nya yung makina tapos pinaandar na yung magandang kotse.
"Sa mini grocery tayo pupunta ngayon." sabi nya.
*** Sa mini grocery..
Ipinark ni Tyron sa may gilid itong magandang sasakyan na sinasakyan namin. At alam nyo ba kung gaano kami natutuwa sa magandang sasakyan na ito? Kanina pa talaga namin to gustong pasabugin. Just imagine, inabot kami ng dalawang oras sa paglabas lang dito. Makailang ulit ba naman kasing tumirik kanina. Tss. Buti nalang talaga at umandar na dahil I swear, puputok na talaga ang ugat naming apat kanina sa sobrang inis.
Bumaba kaming apat.
"Kami nalang ni Owen ang papasok. Maiwan nalang kayo dito ni Fionna." sabi ni Tyron. Gusto ko pa sanang umalma kaya lang, parang wala rin naman na akong magagawa.
May pakinabang naman kahit papaano itong kakarag-karag na sasakyang napulot nila Fionna. May nakalagay na apat na rifle sa compartment nun kaya tigi-isa kami ng hawak na baril ngayon. May dalawang bag pa na puno ng bala kaya bonus na bonus talaga.
Kasabay ng pagpasok ni Tyron at Owen dun sa mini grocery, sabay na rin kaming pumasok pabalik ni Fionna dun sa kakarag-karag na sasakyan. Parehas naman kaming dun umupo sa back seat. Kaya habang kaming dalawa lang ang magkasama, sinamantala ko na agad ang pagkakataon para kausapin sya ng personal.
"Ahmm.. Fiona, may tatanong pala ako.."
Humarap naman sya agad sakin at ngumiti.
"Sure.. Dali, magtanong ka na.."
Napayuko naman ako. Hindi ko naman talaga dapat ioopen ang topic na ito at hindi rin dapat sa kanya. Kundi, kay Harriette. Pero hindi ko na kasi matiis e. Lagi nalang akong binabagabag nitong dalawang tanong na to kahit hindi man halata. Wala lang akong masabihan kaya nilihim ko nalang muna saka pilit kong inaalis sa isip ko.
Pero ngayon ngang meron na akong masasabihan, gagawin ko na talaga. Tutal naman babae rin to si Fionna kaya siguradong maiintindihan nya ako. Idagdag pa yung fact na, naranasan nya nang magmahal. Kaya marami talaga syang maipapayo sakin.
Sana lang talaga at matulungan nya akong masagot tong mga tanong na to.. Hindi ko na talaga kasi alam ang gagawin ko e..
"Ah kasi, pano ba malalaman kung, hindi mo na gusto yung isang tao? I mean, ano ba yung mararamdaman mo?.." panimula ko.
Bigla namang kumunot ang noo nya.
"B-bakit? Anong nangyari Crissa? Na-fall out of love ka ba? O si Tyron ang nakipagbreak sayo? D-dahil ba to sa pagmamalandi ng boyfriend ko sayo? Nagselos si T-tyron?.." gulat na gulat na tanong nya. Pero ako ang mas nagulat dahil sa mga pinagsasabi nyang iyon. At parang literal nang naglaglag ang panga ko.
"K-kami ni Tyron? N-nagbreak? Hindi F-fionna.. Hindi mangyayari yun kasi, h-hindi naman kami.." utal utal na sabi ko.
"H-hindi kayo? Pero bakit kayo magkasama? S-saka, bakit ganun yung mga r-reactions and g-gestures nya towards you?.." utal utal na ring sabi nya. Halatang naguguluhan na rin sya.
"Hindi talaga kami Fionna. Ganun lang talaga sya.. Mabait at maalaga sa iba.."
"A-ah ganun ba? Akala ko kasi, kayo talaga e.. Pero mabalik tayo dun sa sinasabi mo, hindi naman kasi madaling sabihin kung talagang di mo na gusto ang isang tao. Napakaraming ways para masabi, malaman at mapatunayan yun.." tumigil sya saglit. "Pero mararamdaman mo naman yun e. Yung kapag nakita mo uli sya, hindi na ganon ka intense yung feeling na mararamdaman mo. For example, wala na yung matinding urge na lapitan, yakapin, at halikan sya as soon as makita mo sya. Parang normal at neutral nalang nararamdaman mo. Yung pakiramdam na katulad nang kapag nakita mo ang isang normal na kaibigan mo. Masaya ka. Nothing more, nothing less. At mas lalo nang walang romantic feeling. Kumbaga nagsubside na yung dati-rating nararamdaman mo.. Gets mo?"
Tumango-tango nalang ako. Hindi ko fully naintindihan pero nakuha ko naman yung pinakapunto nung sinabi nya.
"So, kailangang makita ko muna sya? Para malaman ko kung may nararamdaman pa ako?.." paninigurado ko.
"Yeah, sort of.. So ibig sabihin pala, hindi talaga si Tyron yung tinutukoy mo. At andun sya kasama yung grupo nyo?.."
"Ganun na nga.." nasabi na rin kasi namin kagabi sa kanila yung tungkol kila Christian kaya alam na rin nila na sa isang malaking grupo na sila kabilang ngayon.
Pero napaisip naman ako. Kailangan ko na palang makita si Sedrick para malaman ko kung may nararamdaman pa ako sa kanya. ASAP. Para malinawan na rin ako. At para di na rin ako mahirapan..
"Nami-miss mo ba sya?.."
"Lahat sila sa grupo namin, nami-miss ko na.."
Tumango-tango si Fionna.
"Pero nung time na bago kayo mapahiwalay ni Tyron, ano yung eksakto mong nararamdaman dun sa tinutukoy mo?.."
"Eksakto? Nung una, syempre masaya. Yung may halong kilig. Pero alam mo yun, unti-unti, habang tumatagal, parang nawawala na tapos parang kusa nalang na hindi ako nakakaramdam ng kakaiba. Parang natural na lang.."
"Hmm. Sign na yan, Crissa. E bago pa pala kayo mapahiwalay e, dama mo na agad na parang wala na. Baka naman talagang wala na ha? Tapos nagugulumihanan ka lang?" tumikhim sya at parang mas lalo pang naging interesado yung reaksyon ng mukha nya.
"E-ewan ko din Fionna e.. Pano kasi, parang ba yung sinasabi ng puso at isip ko, magkaiba. Sabi nung isip ko, sya pa rin ang gusto ko.. Pero yung puso ko naman.." napatigil ako. Parang di ko kayang ituloy.
"Pero yung puso mo naman, ibang pangalan ang sinisigaw?.."
Napabuntung hininga na ako. "Exactly.."
Ayoko mang deretsahang aminin pero, lalabas din ang katotohanan. Dama ko na talaga yun e.. Hindi pangalan ni Sedrick yung binubulong ng puso ko. Lalo na kapag natatahimik ako minsan. Iba.. Ibang pangalan..
Naramdaman ko ang bahagyang pagyakap sakin ni Fionna.
"I feel you, Crissa. Ang hirap ng sitwasyon mo dahil dalawang mahalagang parte ng loob mo ang nagtatalo ngayon. But eto lang, anong parte ba ng katawan natin ang nakakaramdam ng pagmamahal?"
"P-puso.." bahagya pa akong nagulat nang mag crack ang boses ko.
"That's it, Crissa. Malaki ang tyansa na hindi mo na talaga gusto yung tao na ipinagpipilitan ng isip mo. Napalitan na nung taong nasa puso mo.. Pakiramdaman mong mabuti Crissa.. Mararamdaman mo yan, promise. Saka tandaan mo, puso ang nagmamahal. Kaya puso din ang tunay na nakakaalam.." dinampi ni Fionna yung kamay nya sa pisngi ko.
At dun ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.. Hindi ko alam kung dahil ba dun sa alam kong wala na nga ata talaga akong nararamdaman para kay Sedrick.. O sadyang, natatakot lang talaga ako na aminin na, sobrang laki nga ng tyansa na, yung sinisigaw talaga ng puso ko ang tunay at totoo talaga sa lahat ng nararamdaman ko.
Pero parang yun nga talaga ang dahilan..
Si Tyron nga talaga ang gusto ko.. At yung kay Sedrick, matagal nang wala.. Pinipilit ko lang itanggi..
Niyakap ko ng mahigpit si Fionna. Wala na akong pakialam kahit na mapaliguan ko sya ng sipon at luha ko. Basta ang gusto ko lang ngayon, ilalabas ko muna to. Ang tagal kong kinimkim. Parang sasabog na dibdib ko.
"Alam mo Crissa, dederetsahin na kita. Dahil sa nakikita ko sayo ngayon, mukhang alam mo na talaga ang sagot dyan sa gumugulo sa isip mo. Damang-dama ko sa bawat luha na nilalabas mo, at sa bawat pagyugyog ng balikat mo, alam mo na talaga pero pinipilit mo lang itanggi. Pinipilit mo lang na hindi paniwalaan dahil natatakot ka.."
Nadale mo Fionna. Buti pa ikaw, nalalaman mo yung eksaktong nararamdaman at naiisip ko..
Mas lalo pa akong naiyak dahil doon.
"Sshhh.. Nakikita ko na sila Crissa. Papalabas na sila.. Hindi ka nila dapat makitang umiiyak. Ito oh, itakip mo sa mukha mo tapos magpanggap kang tulog.." itinalukbong nya sa akin yung leather jacket nya at naramdaman ko na isinandig nya yung ulo ko dun sa balikat nya.
"A-ayokong makita nya akong ganito, Fionna.. Dahil kapag tinanong nya kung bakit ako umiiyak, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi kong sya ang dahilan.."
Tinapik-tapik nya ang balikat ko.
"Sabi na e. Si Tyron nga talaga.. Buti naman inamin mo na rin.. Pero andyan na sila, mamaya na uli tayo mag-usap.. Sa ngayon pigilan mo muna yang iyak mo. Alam kong mahirap, pero pigilan mo.." bulong nya. Kaya kahit mahirap nga, pinilit ko pa rin na pigilan.
Salamat po sa nagbigay ng review last time! Sobrang appreciated ko po ?❤️ And salamat po sa pagsuporta sa nobelang ‘to. I hope, hindi po kayo magsawa! Love y’all ❤️