Baixar aplicativo
68.69% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 79: Chapter 77

Capítulo 79: Chapter 77

Crissa Harris' POV

"Pfero dabesht talaga nung, kinaushap mo yung fader fare. Taposh shinuntok mo nung ayaws sumagotsh shayooo. Hahahaha!" sigaw ni bestfriend Renzo sabay hampas sa mesa. Nagtunugan tuloy yung mga bote ng alak at baso na nakahilera. Buti, hindi nagkabasagan.

"Hang gago mo namans fareee. Pano shashagots shayo yun, e may sore throat.." segundo pa ni Alex na nakapikit na. Pulang pula ang mukha.

"Pashensya na mga pare. Bili ko strepsil para sha padersh." susuray-suray si Elvis habang tumatayo at akmang lalabas na.

"Shamaaa ko pareeee! Shama kooo! Bili ko condom! Para di ko mabuntish yung sofaaa!" biglang tayo ni Renzo sabay nasubsob sa sahig. Putek! Ano ba to!

Si Alex, tumayo rin at pinatungan ang nakasubsob na si Renzo. Samantalang si Lennon, Owen, at Sedrick naman ay tatawa-tawa lang habang pinapanood yung tatlong lalaki na nilalamon na ng tama ng alak. Pare-parehas din silang nakainom din pero matino pa.

Tss. Kung bakit ba naman pumayag tong magaling kong kakambal na ubusin lahat ng stock ng alak nila bestfriend dito e. Jusko. 5 bote ng century old na alak yung natira nilang mga lalaki. Tapos yung dalawa pang natitira ay yakap-yakap naman nito ni Owen na lalamunin na rin mamaya ng tama. Parang magagandang babae yung yakap nya na ayaw nyang ipaagaw sa iba.

"Hay.." napailing nalang ako.

Yung apat na babae ay tahimik lang dun na nagkwekwentuhan sa isang gilid samantalang ako dito, binabantayan tong mga lalaki. Baka mamaya, maisipan pa nitong magbarilan pag sinapian na talaga ng espirito ng alak e. Tsk.

"Crisshaaa! May condom ka ba dyansh? Pahiramsh!" sumunggab sakin si bestfriend Renzo at pinagkakapa ang bulsa ng leather jacket ko.

"Bestfriend ano ba? Wala ako nun! San ako kukuha nun!?" sabi ko sabay higit ng suot ko. Nahuhubuan na ko e!

"Meronsh ka! Nakita ko kanina! Iniihipansh mooo!"

Napa pokerface nalang ako dahil wala akong balak patulan tong bestfriend ko. Wala sa katinuan to e, hindi alam ang pinaggagawa. Tss. San ko naman gagamitin ang condom? Sisingahan ko?

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok ang kakambal ko kasama si Tyron. Parehas hindi maipaliwanag ang itsura nilang dalawa.

"May problema tayo." mariing sabi ni Tyron.

"Mash malala pa va yang problemash n ayn kesha sha mukha mo fareee?" tanong ni bestfriend Renzo. Si Alex naman ay biglang lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig nya.

"Sshhh fare. Lashing ka na. Tama na yan. Huhuwi ka pa divaaa? Hatidsh na kita."

Siniko ko sila parehas at sinenyasan ko yung tatlo pang lalaki na sila nang bahala dito sa may mga tama na to. Seryoso akong lumapit kay Christian at Tyron dahil hindi pa rin nawawala yung seryoso rin nilang awra kahit na ba parehas din silang nakainom.

Binigyan ko ng makahulugang tingin ang kakambal ko. At nakuha nya naman agad yun.

"We need to get out of here asap."

Kunut-noo akong tumingin sa kanya. Pero imbes na ipaliwanag sakin yung sinabi nya, basta hinaltak na lang nya ako palabas ng bahay at dinala sa may bakanteng lote sa likod. Kasunod namin si Tyron.

Napanganga agad ako sa tumambad sakin. Yung mga undead na gagamitin sana namin para sa mataya-taya with a twist, na maghapon naming pinagpaguran na ipunin, patay na lahat ngayon. At lahat sila, may tig-iisang arrow na nakatusok sa mga noo nila.

"Hindi to gawa ng isa sa grupo natin." madiin kong sabi.

Oo, hindi isa samin ang gumawa nito. Una, dahil lahat sila, hindi ko inaalis ang paningin ko simulan nung pumasok kami sa bahay hanggang ngayon na sabog na sila. Walang lumabas ni isa man samin bukod dito kay Christian at Tyron na pumunta nga rito.

At isa pa, wala akong natatandaan na may nagmamay-ari samin ng bow at arrow. Pati na rin sila Fionna at Owen. Puro baril lang ang hawak nila nung nagkita-kita kami.

Pero, kaya na rin siguro wala kaming kaalam-alam na may tumitira na pala sa mga undead na yun. Kasi ang tahimik ng armas ng mga gumawa nun. Tsk. Walang kaingay-ingay.

"That is why I said, we should leave asap." bulong ni Christian sa tenga ko. "Go. Somebody's watching us now."

Tumango lang ako sa kanya at pumasok na kami ng maingat sa bahay. Agad agad na nawala yung tama nung mga lalaki matapos naming sabihin yung nangyari. We immediately pack our things up. Weapons, clothes, foods. Lahat ng kailangan namin, ikinarga na namin sa mga sasakyan. Tulong-tulong kaming lahat.

"Elvis, Renzo, dun kayo kay Crissa sa pick up. The rest, dito kayo sakin sa van." kalmadong sabi ni Christian. Grabe rin ang composure nitong isang to.

"Nakainom ka, Christian. Let Harriette drive for you." reklamo ko.

"Nope. I can handle it." tinapik nya ang balikat ko. "Take good care of Elvis and Renzo. Di pa fully nagsasubside yung tama nyan.." sabi nya at lumapit kay Tyron. "Pare, dun ka rin kay Crissa."

Tumango lang si Tyron at mabilis na sumakay sa passengers seat. Si Elvis at Renzo naman ay tahimik na sumakay sa backseat.

"Let's go, twin." tinapik ulit ni Christian ang balikat ko bago kami sumakay sa mga sasakyan namin.

Doon lang nag-umpisang rumagasa sa isip ko yung mga tanong na kanina ko pa gustong masagot.

Bakit yun agad ang desisyon ni Christian? Ang umalis kami? Hindi ba pwedeng harapin namin yung mga gumawa non? Yung mga nagmamatyag samin? Hindi ba namin sila kaya? Kaya eto kami, tumatakas na naman?

Hindi ko na kinailangang hanapin pa yung kasagutan dahil ilang blocks palang ang nalalagpasan namin, nalaman ko na.

Yumanig ang lupa dahil sa isang malakas na pagsabog. Tinanaw ko nalang sa rear view mirror ng sasakyan yung bahay nila Renzo na ngayon ay tinutupok na ng malakas na apoy.

"Kaya pala tahimik sila, pinaghahandaan talaga tayo." bulong ko habang umiiling.

Tumango-tango si Tyron sa tabi ko. "They're sleek."

"Sayang." dinig kong bulong ni bestfriend Renzo sa may likuran. Seryosong-seryoso ang mukha.

"Sayang talaga, bestfriend. Ang ganda ganda ng bahay nyo e. Pero hayaan mo na. At least, walang buhay na nasayang sa grupo natin."

Ilang saglit kaming natahimik dahil sa sinabi ko. Nang lingunin ko si bestfriend Renzo, nakita ko nalang ang ilang pares ng luha na tumutulo sa mga mata nya. Malungkot na malungkot. Halatang nawalan ng mahalagang bagay.

Naiintindihan ko sya. Ganto rin naramdaman ko nung iwanan namin yung mansyon.

"B-bestfriend.. Hayaan mo na yung bahay nyo.." pagcocomfort ko sa kanya.

"Crissa, wala akong pake sa bahay namin.." sagot nya sabay punas sa luha at uhog.

"E ano ba kasi?.."

Yumuko ulit sya. "Yung limited edition na sex tapes na collection ko, wala na.."

Biglang nalaglag ang panga ko dahil sa mga narinig ko. Gusto ko sanang pagsasampalin ang gwapong pagmumukha ng bestfriend ko pero hindi ko na ginawa dahil si Elvis na ang gumawa nun.

Buti pa to si Elvis mati----

"Gago ka kasi pare! Bakit di mo nilagay agad sa bag mo!" sigaw nya kay Renzo.

Tuluyan na kong napapikit ng madiin kahit na tuloy tuloy lang ang pagmamaneho ko. Napapaligiran ako ng mga baliw na tao. Jusko. Parausa ba ito dahil sa pagbubulakbol ko nung highschool ako?

"Crissa, look out."

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Tyron na biglang kumabig sa kamay ko na nasa manibela.

Mabilis akong dumilat at iniwasan yung undead na mabubundol ko sana. Pero laking gulat ko nalang dahil nung malagpasan namin yon, bigla nalang sumabog yung katawan non.

Fuck. W-whats happening?

Pare-parehas kaming nagulat sa biglang nangyari. Nang silipin ko yung van nila Christian sa likod, pagewang-gewang ang takbo nito. Halatang iniiwasan yung mga undead na nakakasalubong.

At gaya ng nangyari kanina, may ilang undead silang nalalapagsan na bigla nalang sumasabog.

Mabilis kong inilipat sa daan ang paningin ko. May mangilan-ngilang undead ang nagkalat. At yung iba sa kanila, parang may kakaiba; may kung anong maliit na orange na ilaw na nakakabit sa katawan nila na parang unti-unting lumalakad or nauubos.

"Fucking shit." mahinang bulong ko habang iniiwasan yung mga undead; na may nakataling malalaking paputok sa mga katawan nila.

"Napaghandaan talaga nila tayo. Tsk." bulong din ni Elvis mula sa likod. Si Renzo ay bigla na ring sumeryoso ang itsura habang si Tyron naman ay kalamdo pa rin sa tabi ko.

Bilib din ako sa taglay na composure ng isang to. Para bang walang kami sa panganib sa oras na to.

Kabi-kabila yung mga pagsabog na naririnig namin. Kabi-kabila rin yung mga dugo at laman ng undead na nagtatalsikan sa sasakyan.

Napatakip kami ng ilong sa sobrang sangsang ng amoy. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko habang pinipilit pa ring iwasan yung mga undead na may paputok sa katawan. Yung van nila Christian, nakalagpas na samin at nauuna na.

Nang malapit na kami sa may gate, biglang bumulong si Tyron sakin.

"Itodo mo na yung bilis mo."

"Ha bakit?" sagot ko pabalik.

"Wag ka nang magtanong, basta dalian mo nalang!" sigaw nya na naging dahilan para itodo ko nga ang bilis ako.

Eksatong-eksatong pagkalabas ng namin sasakayan namin kasunod ng kila Christian, isang pagsabog na malakas pa kaysa sa bahay nila Renzo kanina ang yumanig sa buong paligid. At kahit binging-bingi ako dahil doon, hindi ko pa rin pinatigil ang pagsunod sa sasakyan nila Christian na hanggang ngayon ay mabilis pa ring tumatakbo.

"There are bombs in that gate." bulong ulit ni Tyron.

Kaya pala.

Ngayon, convinced na talaga akong pinaghandaan kami ng sobra nung mga yon. Ang galing nilang magplano. Sobrang tahimik. They are indeed smooth. And sleek. At ang galing ng timing ng mga pagsabog na yun. Enough lang para makatakas pa kami. Tsk.

Nakita kong huminto yung sasakyan nila Christian doon sa open field na minsan na rin naming hinintuan dati. Sumunod ako sa kanila at huminto rin. Agad siyang bumaba at kumatok samin.

"Hindi natin namalayan yun kambal, ah?" agad na sabi ko pagkababa ko sa sasakyan. Yung iba ay nagsibabaan na rin at pumalibot sa amin.

"Yeah, I know." tipid na sagot nya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Don't put your guards down. Get your weapons." utos ko sa kanila at hinaltak ko sa medyo malayo si Christian.

"Alam ko na sasabihin mo, twin sister. Oo, napaghandaan nila tayo nang hindi natin lubos na namamalayan. And isa pang oo, alam nating naghahanda sila yun nga lang, wala sa idea natin na ganong klaseng paghahanda pala ginagawa nila. Shookt tuloy tayo." natatawang sabi nya. Baliw talaga. Nakuha pang tumawa-tawa sa gantong oras?

Binatukan ko sya at sumeryoso ako. "Pero may ilang katanungan pa rin ang gumugulo sakin." tumikhim muna ako bago nagpatuloy. "They could've killed us. They could've done that kasi nagmamatyag sila satin. Binabantayan nila tayo. Gusto nila tayong patayin diba? Pero bat hindi nila ginawa?"

Nagpalinga-linga si Christian sa paligid at tumingin sa malayo.

"I don't know. Maybe, they want to scare us first? Pinasabog nila yung bahay nila Renzo para umalis tayo doon, at para hindi na rin natin mabalikan. Maybe pinaglalaruan nila tayo. And maybe they did that because gusto nila, tayo na rin mismo ang maglalapit sa sarili natin papunta sa kanila. Hindi yung tayo ang pupuntahan nila. At ayaw nilang deretsahang patayin tayo. Dahil ang gusto siguro nila, maiwanan tayo nang walang ibang choice. Goal nilang pahirapan muna tayo ng todo."

Pahirapan ng todo? As in torture? Bago nila kami patayin? Bakit? Ano ba ginawa namin sa kanila? Una sa lahat nga e, ni hindi namin alam kung bakit nila ginagawa to samin. Ni hindi nga namin sila kilala.

Teka, hindi nga ba?

"But unlucky them. Akala nila hindi tayo lalaban? Uto-uto ganon? Well, lets make them assume na ganon talaga tayo. Masyado nila tayong minamaliit ha? Pwes, makikita nila ang hinahanap nila." bulong nya sa tabi ko.

Napatingin ako ng deretso sa mata ng kakambal ko. Wala akong nakikitang apoy dito ng literal. Pero damang-dama ko yung pagliliyab nun sa galit; at pananabik?

Oo. Alam kong sabik na sabik na tong kakambal ko na magpaagos ng dugo, at magpasabog ng bungo. Hindi ng undead. Pero ng kapwa namin tao.

Well, hindi ko naman masisisi ang kakambal ko kung bakit ganito nalang sya ka-hot ngayon. Buhay namin ang nakataya e. Malamang, sabik na sabik na rin tong pumatay.

Napangisi ako at inabot ang ulo nya para tapikin. "So.. dito nalang muna tayo? Magpapalipas ng gabi?"

Ngumisi lang din sya at nagkibit-balikat.

"I will take that as a yes. But, that doesn't mean na matutulog tayo. We need to keep awake." sagot ko at saka pinuntahan yung iba na tahimik na nag-uusap usap. Alam kong alam na rin nila yung nangyayari.

Napangisi ulit ako. Sobrang sarap pagmasdan tong mga kasama ko na nakaalerto. May hawak na matataas na kalibreng baril. Handang-handa. Walang takot sa mata.

"From now on, wala nang magpepetiks. Mas maging sensitive tayong lahat. Lalo pa ngayon na wala na naman tayong lugar." sabi ko habang isinusukbit sa balikat ko yung Micro SMG.

"E san na tayo ngayon? I mean, san na tayo magpupunta after nitong magdamag?" tanong ni Alessandra.

"Malamang, magpapagala-gala muna tayo ulit bukas habang nagiisip ng plano. Stay sa mga pwedeng pagpalipasan ng gabi." umupo ako sa hood ng pickup. "But sa ngayon, dito muna tayo habang inaantay na mag umaga."


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C79
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login