Baixar aplicativo
24.09% CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 73: Chapter 73: Badtrip

Capítulo 73: Chapter 73: Badtrip

Bumaba akong busangot ang mukha. Bwiset!.. Bakit ko nga ba nakalimutang sabado pala ngayon?.. Kakaisip ko sa sulat kagabi, nakaligtaan ko kung anong araw ngayon. Suskupo!..

Dumaan akong sala na malinis na. Maayos ang mga unan na dating magulo tuwing umaga, pagkababa ko palang. Nga pala. today is Saturday. And the rule of our house is mandatory general cleaning. Lahat ng parte, sala, kusina. Lahat ng kwarto, library ni Papa. Yung deck. Sa garden, sa parking. Lahat ng sulok dapat malinis at maayos. Walang bahid ng kahit anong alikabok o basura.

"Good morning.." bumungad sakin si Joyce na abalang naghuhugas ng mga pinggan sa sink. My goodness!. Nakakahiya..

"Joyce?.My goodness!. Bakit ikaw gumagawa nyan?.. si Mama?.."

"Hehe..ayos lang to. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay samin.. Si tita pala, lumabas. Ang sabi maggrogrocery lang daw sya. Balik din daw agad bago magtanghalian.."

Tinulungan ko na syang magbanlaw ng mga kutsara at tinidor. Habang nagsasabon sya, ako naman ang tagabanlaw.

"Hinayaan mo na lang sana dyan.. suskupo Joyce.."

"Anu ka ba?.. Nakakahiya naman kung uupo nalang ako dito tapos maghihintay lang ng pagkain..ng walang ginagawa man lang.."

"Kahit na.." pilit ko saking prinsipyo. Pero iba naman yung kanya. "Sanay ako sa bahay at nasanay naman ako sa bahay nila Demise.. Kaya okay lang to. Wala namang magawa kaya mas mabuting tumulong nalang ako."

"Sige na nga. hahaha.." tawa ko. Naawa naman ako bigla sa kanya. Naghiwalay parents nya tapos ganun pa nangyari sakanya. Ngayon ko lang narealize na sobrang swerte ko pala talaga. Meron akong mga bagay na wala sa iba. Kumpleto at masayang pamilya. May bahay at kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Malaking pasalamat ko dun.

"Ma!.." umalingawngaw ang boses ni Kuya Lance. Nang walang marinig na sagot ni Mama, pumasok ito ng kusina. Nagpupunas na kami ng pinggan.

"Si Mama?.." tanong nya sakin habang binubuksan ang ref sa gilid ko.

"Pumunta raw naggrocery.."

"Anong oras raw uuwi?.." Anya. Hawak na ang tatlong bote ng Gatorade tapos binuksan ang isa saka nilagok.

"Bago raw magtanghalian.. Bakit saan ka pupunta?.." nakashorts kasi ito, suot pa ang sapatos na itim. Tsaka sando.

"Basketball sana.. "

Sumigla ako ng marinig ang sinabi nya.

"Pwedeng sumama?.."

"Hindi pwede.."

"Sige na kuya.. Manonood lang naman kami.." sinundan ko sya hanggang sa garahe ng sasakyan. Nilagay nito ang mga gamit sa likod ng sasakyan bago ako hinarap.

"Sinong papanoorin mo dun?.." nakapamaywang na sya.

"Sino pa ba?.. Malamang ikaw. Kuya naman.. please. Sige na. Boring dito.." Maraming buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago tumango.

"Pero, walang aalis sa tabi ko. Malinaw?.." agap nyang sabi. Lumaki ang ngiti saking labi

"Opo.." kulang nalang tumalon ako sa tuwa. Yes!.. Makikita ko sya mamaya.. Suskupo Bamby!.. Calm down!. Baka magbago pa isip nya.

"Magpalit ka na. Pakibilisan." tinakbo ko na agad ang pagitan ng garahe at ng aking silid. Dinig ko pang sumigaw ito ng. "Wag ang damit na sexy Bamby!!.."

I know!.. Di ko na sinabi pa ang nasa aking isip.

Pero bago ako tuluyang nagpalit. "Joyce, sama tayo kay Kuya Lance.. Palit ka na. Dali.."

Hinalughog ko ang pajamang itim at puting damit. Saka inipit ang magulong buhok. Nagwisik ng kaunting pabango saka tuluyang lumabas.

Agad kaming sumakay sa sasakyang umaandar na. Sa harap ako tas sa likod naman si Joyce.

"Sinong kasama mong magbasket Kuya?.." tanong ko ng nakalabas na kami ng subdi.

"Ang tropa.. Kasama si Jaden. Kaya dapat sa tabi lang kita Bamby.."

"Kuya naman. Paano ka maglalaro kung lagi mo akong katabi?.." biro ko pero sineryoso nya ng matinde. Bakla talaga!..

"Kaya ka ba sumama para makita sya?.."

"Hindi. Hindi no..." walang hiya. Nautal pa ako.

"Hindi mo ako maloloko little Bamblebie.. makita ko lang na lapitan ka nya. Basag mukha nya.." Damn!.. Suskupo!..


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C73
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login