♡ Author's POV ♡
"What happened?!" natatarantang tanong ni Icah na kakarating lang kasama sina Maureen at Hadlee, "Dean Carson is on rampage." sagot ni Phoenix sa kanila na hindi rin mapakali. Nasa labas silang lahat at hindi magawang makapasok sa loob ng kwarto. Rinig na rinig din nila ang malakas na ingay na nanggagaling sa loob at sunud-sunod na pagkabasag ng mga bote. Walang tigil na ingay na ang ibig sabihin ay wala ring tigil si Dean sa pagwawala, "Ano bang nangyari Finn?!" tanong ni Maureen. Lahat sila, hindi alam kung ano ang dapat na gawin.
Napatingin si Icah sa tabi ni Finn at nakita niya si Oliver na ikinabigla nito, "A-anong ginagawa mo dito, Oliver?" tanong nito na hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan ngunit hindi niya maiwasang magtaka, "I-i'm sorry...I shouldn't have said it. Hindi ko na sana sinabi ang totoo." sambit ni Oliver sa kanila na halatang nagsisisi sa nangyari na mas lalo pang ipinagtaka ng tatlo, "Anong totoo?" lumapit si Icah kay Oliver nang bigla namang sinuntok nito ang pader dahilan upang tumulo ang dugo mula sa kamay niya, "Anong sinabi mo kay Dean, Oliver?" tanong pa nito. Hinawakan ni Finn si Oliver para pigilan ito sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader hanggang sa makita nila ang pag-iyak nito na may halong galit sa sarili niya at 'yon ang unang beses na nakita nila siya sa ganoong sitwasyon.
"Oliver ano ba?!" galit na iniharap ni Icah si Oliver sa kanya kaya't nagtama ang mata ng dalawa, "Hindi magkakaganito si Dean kung walang nangyari! Ngayon sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi mo sa kanya?!" sigaw nito. Aktong magsasalita ito nang bigla naman silang napatingin sa iisang direksyon ng makita nilang paparating si Fortune na halatang nagmamadali, "Where is he?" nag-aalalang tanong niya kaya napaharap silang lahat sa kanya, "Fortune..." hindi mapakaling saad ni Icah, "Bakit ngayon ka lang dumating?" saad ni Finn kaya napatingin ang presidente sa kanya, "Kanina pa kami nagkakagulo dito. Hindi na namin alam ang gagawin namin dahil hindi namin mapigilan si Dean." dagdag pa niya. Napatingin naman ang presidente sa gawi ni Oliver, "Alam na ba niya ang ginawa ni Savannah?" tanong niya na ikinatango ni Oliver at napayuko ito, "I told him the truth that's why he started acting this way." mahinang saad nito.
"Wait! What?" nagtatakang tanong naman ni Finn dahil pati na rin sina Icah ay hindi maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa, "Anong ginawa ni Savannah?" tanong pa nito na hindi naman sinagot ng presidente, "We can't let him continue doing this." sagot ni Fortune na nilagpasan si Finn at diretsong pumunta sa harapan ng pintuan. Lahat sila, naririnig ang sunud-sunod na pagkabasag ng mga bote sa loob, "Miss president, sorry but we can't let you go inside. Baka ano pang magawa ni Dean sa'yo. Galit na galit siya and no one could stop him right now." pahayag ni Finn kaya muling napatingin si Fortune sa kanya, "I was the one who put him into this and I can't let something bad happen to him. Mabuti pang magsibalik na kayo dahil hindi pwedeng may makakita sa atin. Don't worry, I'll fix this." sagot ng presidente. Binuksan niya ang pintuan at hindi nagdalawang-isip na pumasok sa loob at mabilis din itong isinara.
Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto kung saan madalas mapag-isa si Dean. Madilim ang paligid at sandaling natigil ang ingay. Nakita niya si Dean na nakatyo sa gitna habang may hawak itong basag na bote at hinihingal, na kahit madilim ay naaaninag niya pa rin ito, "What the hell are you doing here, miss president?" may pagbabantang tanong niya. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Fortune ngunit nakakagawa ito ng ingay sa bawat paglakad nito dahil pira-pirasong mga babasagin ang nagkalat sa buong kwarto na halatang pinaghahagis lahat ni Dean dahil sa galit niya, "I came here to check if the plan is going well." saad nito ng makalapit kay Dean.
Dahil sa galit ay biglang hinawakan ng mahigpit ni Dean ang magkabilang pisngi nito gamit ang isang kamay niya sa likod ng maskara ni Fortune, "The plan is going well...but did you ever think if I am really doing well?" tanong nito ngunit halata sa mukha niya ang sakit at pagtitiis na nararamdaman niya. Namumula ang mukha nito na tila anumang oras ay maiiyak siya, "Anong nangyari sa mga plano mo, Fortune?!!" sigaw nito na binitawan ang presidente kaya napaatras ito, "I-i'm sorry-- " pakiusap niya na pinutol naman ni Dean, "Ano pang magagawa ng sorry mo?! My girlfriend is in danger right now! Ang akala ko ba alam mo ang lahat?! Since from the start, all of this was planned pero bakit hindi mo naisip na mangyayari 'to?!!! Paanong hindi mo alam ang tungkol dito?!!!" sigaw pa niya na halatang galit na galit sa presidente. In a second, bigla na lang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Dean.
"I didn't know that this would happen, Dean."
"Kung ganon, kailan mo pa malalaman?! Kapag malala na ang sitwasyon niya?! Kung hindi pa sinabi ni Oliver sa akin, hindi ko malalaman!"
"Kung maaga kong nalaman, dati ko pa sinabi sa'yo...pero ngayon ko lang din nalaman ang tungkol dito."
"ANO PANG MAGAGAWA NATIN?!! SAVANNAH ALREADY DID THAT TO MY GIRLFRIEND!! YOU PROMISED, FORTUNE! Y-YOU PROMISED..." at habang sinasabi niya 'yon ay hindi na rin niya mapigilan na maiyak, "I-i gave up everything that I had kahit na sobrang sakit na because you promised...that my sacrifices would not be wasted and no one would be hurt, especially her...b-but how did this happen? Tell me..." pahayag niya na nabitawan ang hawak niyang bote at doon pa lang napansin ni Fortune na dumudugo ang kamay niya. Unti-unti siyang napaluhod dahilan upang masugatan ito dahil sa iilang bubog na nagkalat sa sahig, "H-how the hell did this all happen?" tanong nito na tila mawawalan na ng boses habang basang-basa ang mukha niya, "I-i'm really, really sorry. I didn't want all of this to happen but it was the only way, Dean." pahayag ni Fortune na halatang nahihirapan na rin sa nangyayari but all of us have weaknesses.
Unti-unti nitong tinanggal ang maskara niya at dahan-dahan siyang lumuhod para tapatan si Dean, "P-please set me free. I can't do this anymore." pakiusap ni Dean na hindi pa rin mapigilan ang sarili sa pag-iyak. He bursted out in pain at 'yon ang unang beses na nakita ni Fortune ang pag-iyak nito kaya nakaramdam siya ng pagsisisi. Dean Carson really needs her but too impossible to happen. Kitang-kita ni Fortune ang paghihirap nito kaya't dahan-dahan niyang niyakap si Dean at tuluyan na rin siyang lumuha, "I'm sorry if I had to put you in this situation. I-ikaw lang kasi ang alam kong makakagawa ng lahat ng 'to...but I didn't know that something worst would come in our way na tuluyang makakapagpasuko sa'yo. You've been known as someone who doesn't know how to give up but because of what I did, you've learned how to give up. Nawala man ang lahat sa'yo but we are still here for you. You are the hope of everyone, Dean Carson. So please, for the last time let's end this battle together." pakiusap niya na nilayuan si Dean kaya nagtama ang mata nila na parehong nanlalabo dahil sa pag-iyak.
He could directly see sadness, despair and weakness through the president's eye na parang ang bilis basahin ng nararamdaman nito sa pamamagitan ng mga mata niya. Beautiful eyes yet miserable life, "Hahanap ako ng paraan para maayos 'to....so please, don't waste your sacrifices." hinawakan nito ang isang kamay ni Dean gamit ang dalawa niyang kamay na halatang nakikiusap. They were both crying and suffering. They felt the same pain but in different way.
"I-i can't promise, Fortune. I can't lose her and if ever that she would be needing me, I'd be willing to go to her." umiling siya at inilayo ang kamay sa presidente bago dahan-dahang tumayo. Napatingin itong muli kay Fortune na nakaluhod pa rin at hindi niya maiwasang makaramdam ng awa dahil pareho silang may isinakripisyo, "I couldn't believe what I am seeing right now, miss president. You've been known as strong, fierce, independent and responsible woman yet you're begging to someone like me?" dahan-dahang napatingala si Fortune at nakita ni Dean ang pagluha nito ng tuluy-tuloy, "You've been afraid to show everyone who you really are because of the fear that they might not accept the real you kaya pinili mong magtago sa likod ng maskara. This is enough, Fortune. You don't need to put on a mask para lang tanggapin ka ng iba. Now I know kung bakit ka nagsusuot ng maskara, dahil madaling basahin ang nararamdaman mo at natatakot kang makita nila ang kahinaan mo." naglakad si Dean papunta sa pintuan ngunit natigilan ito ng muling magsalita ang presidente.
"Whatever right thing you do, you will always be wrong. You do the wrong thing and people will judge you." wala sa sariling saad nito. Tumingin si Fortune sa gawi ni Dean at mapait na ngumiti, "That's why I chose to wear a mask...kasi doon lang ako magiging tama sa paningin ng iba."
"You don't need to be that someone whom they will accept. Be who you are and see who will accept you." saad ni Dean. Napatango na lang ang presidente at bahagyang ngumiti kahit halata ang lungkot sa mga mata nito. Muli niyang tinignan ang maskara niya at dahan-dahan itong kinuha upang maayos na tignan. Tumayo siya at muling tinignan si Dean, "You must be really happy right now...dahil nakita mo na ang totoong ako...but our battle won't end just here." muli niyang isinuot ang maskara pagkatapos niyang sabihin 'yon at nang iikot ni Dean ang door knob ay hindi niya ito mabuksan hanggang sa makita ng presidente na napahawak si Dean sa ulo nito gamit ang dalawa niyang kamay. Muling naramdaman ni Dean ang sobrang pagsakit ng ulo nito na tila anumang oras ay sasabog ito.
"W-what did you do?" tanong niya kay Fortune na lumapit naman sa kanya. Nanlalabo ang paningin niya at nararamdaman niya ang muling panghihina ng katawan niya. Katulad noon, pinagpapawisan na rin siya, namumutla at nahihirapang huminga kaya napasandal na siya sa pintuan at nakitang nasa harapan na niya si Fortune. Kinuha ni Fortune ang kutsilyo sa mismong bulsa ni Dean at tumalikod sa kanya...kasabay naman noon ay ang unti-unting pag-upo ni Dean sa sahig dahil sa nararamdaman nito. Nanlalabo man ngunit natatanaw niya pa rin si Fortune na nasa harapan nito at nakaharap sa bintana na ngayon ay nakabukas na samantalang hindi naman ito nakabukas nang pumasok siya, "It's time to reveal who you really are." saad ng presidente na nakatingin pa rin sa bintana.
Naghintay ito hanggang sa nakita niya ang isang pamilyar na babae na pumasok mula sa bintana. Napaluhod ang babae na sumilip sa labas para siguraduhin na walang nakakita sa kanya at pagkatapos noon ay iniikot niya ang tingin sa loob ng kwarto. Dahan-dahan naman itong napatayo nang makita niya si Fortune kaya sumama ang tingin niya dito, "What brings you here, Felicity?" tanong ni Fortune.
Napansin ni Felicity si Dean sa likuran ng presidente kaya muli niyang ibinalik kay Fortune ang tingin niya at masamang ngumiti, "And same to you, miss president. What are you doing here?" tanong niya pabalik. Nakita niya rin na may hawak na kutsilyo ang presidente sa isang kamay nito.
"Answer me first." saad ni Fortune.
"Fine, I came here to talk to that person behind you." sagot ni Feli na muling napatingin kay Dean kaya ganon na rin ang ginawa ni Fortune, "As you can see, you won't be able to talk to him because of his situation." sagot niya kaya't kinuha ni Felicity ang dalawang kutsilyo mula sa bulsa niya at nag-aktong lulusubin si Fortune habang nakangiti ng masama, "Then I'll have no choice but to get rid of you first." saad nito, "I came here to protect him against you, dahil alam kong pupuntahan mo siya." ipinagtaka ni Feli ang sinabi nito ngunit hindi nagtagal ay nilusob niya si Fortune kaya nag-umpisa na ring maglaban ang dalawa at dinig na dinig ang ingay ng mga pira-pirasong babasagin na nagkalat sa sahig dahil natatamaan nila ito.
Sa sukatan ng galing sa pakikipaglaban, wala sa kanilang dalawa ang maaaring matalo o manalo dahil pareho lang sila. Agresibo sa paggalaw at matalas mag-isip hanggang sa magsalubungan ang mga kutsilyong hawak nila kaya habang masama ang tingin nila sa isa't isa ay masama rin silang ngumiti at parehong ibinaba ang kamay nila kaya't napaatras sila, "Ano ba talagang kailangan mo sa kanya?" tanong ni Fortune habang nakatayo silang dalawa na malayo sa isa't isa. Nakatayo ngayon si Felicity sa tapat ni Dean habang nakatalikod siya dito habang ang presidente naman ay nasa kabilang direksyon.
Napatingin si Feli sa likuran niya para tignan si Dean na hinang-hina na bago ibinalik ang tingin sa presidente, "I'm going to talk to him na bumalik na sa grupo niya." sagot nito na ikinailing ni Fortune, "No, he won't do it and I won't let him. Why don't you just join us?"
"I am not joing to join anyone, miss president. At bakit hindi na siya pwedeng bumalik?"
"Dahil hindi na siya ang dating kilala nila. Baka nakakalimutan mo na wala na siyang kinikilala?" tanong pabalik ni Fortune na ikinatango ni Feli, "If he can't go back to his group anymore and fix the problem..." mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak niya sa dalawang kutsilyo nito, "Since he killed Sean Raven's girlfriend and some of his members, it won't be bad for me to kill him too, right?" tanong niya na ngumiti ng masama kaya't nanlaki ang mata ng presidente lalo na ng mabilis na tumalikod si Felicity para atakihin si Dean kaya wala ng nagawa si Fortune kundi sabihin ang totoo, "Stop it or else you're going to kill your own brother, Felicity!" saad niya na tuluyang nakapagpatigil kay Feli at napatingin kay Fortune.
"W-what did you just say?" tanong niya na halos mawalan na ng boses dahil sa pagkabigla.
"Siya ang taong matagal mo ng hinahanap." dagdag pa ni Fortune. Mabilis siyang nilapitan ni Feli at mahigpit na hinawakan ang leeg nito gamit ang isa niyang kamay para itulak sa pader ang presidente, "What do you mean?"
"Dean Carson is your brother. He is the missing Xyrone Grover." unti-unting napatingin si Felicity kay Dean at kusa niyang binitawan si Fortune. Nabitawan din nito ang dalawang kutsilyo na hawak niya. Nakita niya ang panghihina ni Dean at kusa na lang siyang naiyak. Napatakip ito ng bibig gamit ang dalawa niyang bibig at dahan-dahang nilapitan si Dean. Lumuhod siya at tinapatan ito na tuluyan namang nawalan ng malay, "H-he's my brother?" nauutal na tanong nito na ibinalik ang tingin kay Fortune, "K-kung totoo nga ang sinasabi mo, b-bakit parang wala siyang alam na hinahanap ko siya? D-did he ever try to find me?"
"Wala siyang maalala. Once he wakes up, he'll remember everything." sagot ni Fortune.
To be continued...
...FLASHBACK...
Pagkatapos sabihin ng dalawang lalaki kay Dean ang totoo. Napagpasyahan niyang tulungan sila na kunin ang dalawang babae na bihag ni Savannah na nagawa naman nila ngunit bago tuluyang iwan ni Dean si Oliver ay may sinabi ito sa kanya, "Dean, I still need to tell you something." sambit nito na nakapagpatigil kay Dean, "What is it?" napansin din nito na tila hindi mapakali si Oliver sa sasabihin nito.
"Do you still remember what Syden did in order to save you?"
"Was that the time na sinunod niya ang gusto ni Savannah?" tanong ni Dean na ikinatango ni Oliver, "Oo."
"What about it?"
"A-alam mo bang bukod doon...m-may ginawa din si Savannah kay Syden?" tanong pa ni Oliver na ipinagtaka lalo ni Dean.
"Ginawa? Anong ginawa ni Savannah?" mas lumapit pa si Dean kay Oliver.
"N-narinig ko si Savannah noong isang araw. Noong nag-usap daw sila ni Syden sa mismong laboratory niya...m-may pinainom daw siya..." bigla na lang natigilan si Oliver at napansin ni Dean na tila hindi niya masabi ng diretso ang gusto niyang sabihin at nagdadalawang-isip.
"Tell me what did she do?" saad pa ni Dean kaya bumuntong-hininga si Oliver dahil sa kaba na nararamdaman niya.
"Pinainom niya si Syden ng gamot pampakalma...pero may lason yung baso ni Syden." saad ni Oliver na nakapagpaatras kay Dean na tila hindi makapaniwala sa narinig niya, "P-paanong lason, Oliver? Maayos naman ang lagay ni Syden dba?" tanong ni Dean na ikinailing naman ni Oliver, "The poison will take effect after 21 days. I'm really sure that the poison is now taking effect on her. Kailangan nating makakuha ng gamot Dean habang hindi pa huli ang lahat. It will slowly kill her."
"Wait! Did Fortune know about this?!" saad ni Dean na natataranta na.
"Sa pagkakaalam ko, walang nakakaalam Dean...narinig ko lang ang tungkol dito." sagot ni Oliver. Natagpuan na lang niya ang sarili niya na mag-isa nang bigla siyang iwan ni Dean. Dahil doon, they couldn't stop him. He's on rampage.
...END OF FLASHBACK...
.....
Hi guys, baka po mabigla kayo kapag sa next update ko pa sasabihin 'to kaya ngayon ko na iaannounce. Last two updates nlng po tayo hehe! Read well and soon, farewell!
......