Hinilot ni Eunice ang sentido niya nang bahagyang kumirot iyon ngunit hindi niya inilayo ang tingin mula sa monitor ng computer niya. Dinampot na lamang niya ang tasa ng kape sa table niya at uminom doon.
She had been overworking herself these past few days. Iyon na lamang ang naiisip niyang paraan upang hindi na siya makapag-isip pa. Maging ang mga trabaho niyang malayo pa ang due date ay tinatapos na niya. Gusto niyang punuin ng trabaho ang isip niya para hindi na magkaroon ng lugar doon ang mga bagay na magbibigay lamang sa kanya ng sakit.
She was far from getting over the hurt, but she was trying so hard. Sinubukan niyang mag-leave sa opisina ng isang linggo dahil umaasa siyang makakalimutan niya ang mga nangyari kung malalayo siya sa lugar kung saan niya unang nakilala si Ethan, ngunit mali siya. Dahil maging sa bahay nila at sa subdivision nila ay may naiwang alaala ito. And what makes the matter worst was that having so much alone time would give her more time to think about him, as well.
Kaya naman one week lamang ang itinagal niyang malayo sa opisina at pumasok na rin siya. Kung masama para sa kanya ang magkaroon ng mahabang oras para mag-isip, hindi na lamang niya bibigyan ang sarili ng pagkakataong isipin pa ang masakit na nangyari. And the only way was getting her mind busy on work.
"Huy! Pang-next month na cut-off na yata 'yang tinatapos mo! Huwag kang masyadong masipag!" saway sa kanya ni Alice.
"Mabuti na ang advanced. Para hindi ako maha-hassle kapag malapit na ang cut-off nito." Palusot niya nang hindi ito tinignan.
"'Sus! You know, overworking yourself won't make you feel alright. Magkakasakit ka lang sa ginagawa mo eh!" sabi ni Alice saka pumalatak pa.
Alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan niya kaya siya binubulabog nito. Her friend knows why she was acting that way. Ito kasi ang naisipan niyang hingahan ng sama ng loob niya noong araw na malaman niya ang totoo tungkol kay Ethan. Nagprisinta pa nga itong sugurin ang binata kung hindi lamang niya ito pinigilan. What was the use? He was engaged and she was not even sure they have something going on between them. Oo, nagtapat siya ng nararamdaman niya rito ngunit hindi naman nito tinugon ang sinabi niya.
Hindi pa man siya nakakasagot sa sinabi ng kaibigan ay narinig na nila ang pag-iingay ng fire alarm. Napakunot ang noo niya saka tinignan si Alice.
"May drill ba?" tanong niya rito.
"I don't think so. Come on, let's get out of here." Kunot din ang noong sabi nito.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nagkakagulo ang lahat. Hindi magkandaugaga ang iba sa paglabas habang may ilang securities namang gumagabay sa mga papalabas na. Wala naman siyang nakikitang apoy o usok man lang kung kaya bakit biglang nag-ingay ang alarm?
"Ma'am, lumabas na ho kayo." ang sabi ng security na lumapit sa kanila.
"Eh manong, drill ho ba ito?" tanong niya.
"Naku, Ma'am hindi po." Ang magalang na sagot nito.
"Eh nasaan ho ang sunog?" kunot ang noong tanong niya.
"Nasa ibang floor ho."
"Nasa ibang floor naman pala! Halika na nga! Ayokong matusta ang beauty ko rito kapag umabot dito ang sunog." Hinila na siya ni Alice sa braso at hindi na niya nadampot pa ang bag niya. Sa fire exit sila dumaan nito kasabay ang ilan pang empleyadong bumababa rin mula sa iba't ibang palapag ng gusali.
Nang makalabas sa wakas ng gusali ay umangat ang tingin niyang pabalik sa gusali. Kunot ang noong tinignan niya ang bawat palapag niyon ngunit wala siyang nakitang kahit kaunting usok mula roon. Seryoso ba ang mga security nang sabihing hindi iyon drill lamang?
"Friend..." naramdaman niya ang pagkalabit ni Alice sa balikat niya.
"Napansin mo rin ba? Mukha namang walang sunog eh? Baka may nan-trip lang sa fire alarm."
"Friend..." muli siyang kinalabit nito.
"Ano ba 'yon?" tanong na niya nang sa wakas ay lingunin niya ito.
Hindi naman na ito nagsalita pa at ininguso na lamang ang kung anumang nasa harap nito. Curious naman umikot siya at tinignan ang itinuturo nito para lamang literal na mapanganga sa nakita.
In front was a makeshift stage with four men standing on it. Tatlo roon ay may hawak na instrumento habang nakaupo naman ang isa sa likod ng drumset nito. Pamilyar sa kanya ang tatlong lalak dahil nakita na niya ang mga ito sa restobar ni Josh. They were the members of Ablaze. Awtomatikong nag-focus ang tingin niya sa lalaking may hawak ng gitara at nasa harap mismo ng mikropono. Kung pamilyar ang ibang kasama nito, kilalang kilala naman ng buong sistema niya ang lalaking ito. It has been weeks since he last saw the guy. But she felt her heart reaching out to this man. Ethan.
Nagtama ang mga tingin nila nito. Saglit itong tumitig sa kanya bago sinenyasan ang mga kasama nito. Kasunod niyon ay ang pag-ilanlang ng musika sa paligid. Natahimik ang lahat ng mga taong nasa paligid na halos lahat ng ay kaopisina nila. Lahat ay namamanghang nakatingin sa stage. They know who the guy on the stage was. At malamang na interesado din ang mga ito sa mga nangyayari ng mga oras na iyon.
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?
That voice. Isang beses pa lamang niyang narinig na kumanta ito ngunit parang miss na miss na niya iyon. Naramdaman niya ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso niya. Even her heart was recognizing that voice.
And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am
So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. She had been hurt because of this guy, in fact she was still hurting inside but she can't deny the fact she missed him. That she still loved him. Kaya naman bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha niya ay tumalikod na siya.
"Eunice!" narinig niyang tawag sa kanya ni Ethan. He was even using the microphone. Biglaan din ang pagtigil ng tugtog.
Ngunit hindi siya lumingon. She can't face him now. Magmamartsa na lamang siyang paalis nang may humarang sa daraanan niya.
"You can't just run away again, Miss Abueva."
Napaangat ang tingin niya sa lalaking nasa harap. It was Menriz Alcala.
"S-sir, padaanin po ninyo ako!" pakiusap niya na kinulang naman sa lakas. She felt her energy drain just by listening to Ethan's voice.
"No. You atleast have to give him the benefit of the doubt. And you may have ran away from my explanation but you have to listen to his." Sabi nito saka hinawakan ang mga balikat niya at basta na lamang siyang inikot paharap muli sa stage. Muli na naman tuloy humantong ang tingin niya sa lalaking nasa stage. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng luha mula sa mga mata niya nang muling magtama ang mga tingin nila.
"Eunice Abueva, I love you! Please don't shut me out of your life." Ang nagsusumamong sabi ni Ethan kasunod ang kanya-kanyang reaksiyon ng mga taong nasa paligid.Ang iba ay napasinghap habang ang iba naman ay nagsimulang magbulungan. Siya naman ay napatanga na lamang rito. It was the first time that she ever heard him say that. And she felt her heart sloly melting for him. "I know that I have made a mistake. Itinago ko sa'yo ang totoo. Kung sino ako. I have lied to you and I'm sorry. I know that I deserve your hatred but please listen to me first."
Hindi siya umimik or rather hindi na siya nakaimik pa. Tuluyang dumaloy ang mga luha niya at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang masapo ang bibig niya upang pigilan ang pagkawala ng hikbi.
"I have liked you since the first time I met you. And that was inside the office building." Sa sinabi nito ay mapait na natawa siya. Seriously? Iyon ba talaga ang pagkakaalala nitong unang beses na nagkita sila? Kung nang unang sabihin nito iyon ay natanggap niya, ngayon naman ay nasasaktan na siya. "No, seriously, I have met you even before I let you under my umbrella." Pahabol nito nang makita ang naging reaksiyon niya. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"It was your job interview. Nagmamadali ka noon kaya siguro hindi mo na ako maalala. You dropped your papers and I helped you pick them up. You apologized to me and that was also the first time that I saw you blush. You were so pretty back then and you got my full attention. That was also the time when I got to know your name."
Unti-unting bumalik sa alaala niya ang eksenang sinabi nito. Nagmamadali siyang lumabas ng elevator noong final job interview niya sa kompanya. May nakabunggo siyang lalaki habang palabas ng elevator. Her papers were thrown on every direction and the guy helped her. She apologized and the guy was kind enough to let it slip. Hindi niya napigilan ang sariling tignan ito and she ended up looking at a man's gorgeous face, sincerely smiling at her. It was him. It was Ethan! Hindi siya makapaniwalang nakalimutan niya ito!
"Ilang beses akong bumalik sa Alcala Enterprise dahil nagbabaka-sakali akong makikita kang muli. When I got lucky, I saw you that rainy afternoon. At hindi ko na napigilan pa ang sarili kong lapitan ka. Back then, I decided that I want to know you even more. Ayokong matapos na lang doon ang lahat so I came back to Menriz's office. I asked him about you. Doon ko nalamang na-hire ka na at pinilit ko si Menriz na ipasok ako sa kompanya just so I could be close to you." Pagpapatuloy nito. Sa bawat salitang binibitiwan nito ay unti-unting natitibag ang akala niyang matibay nang pader na itinayo niya sa puso niya laban rito. He looked so sincere while talking at hindi niya mapigilang maniwala rito.
"That was true. Kinulit ako ng taong 'yan hanggang sa mapapayag akong ipasok siya sa kompanya." Narinig niyang sabi ng boss niyang nasa likod pa rin pala niya. Ngunit hindi niya ito nilingon at buo pa rin ang atensiyon sa lalaking inaamin niyang itinatangi pa rin ng puso niya.
Nagulat pa siya nang ibaba na lamang nitong basta ang microphone sa stand niyon at patalon itong bumaba ng stage. Para namang hinawi ang mga taong nasa pagitan nila at binigyan ito ng daan. Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ito.
Umangat ang kamay nito at pinahid ng daliri nito ang mga luha sa pisngi niya. She could see the sadness on his eyes while he was doing that.
"I'm sorry for making you cry. Saktan mo ako kung gusto mo but please believe me when I say that I love you. Mahal na mahal kita, Eunice. And I will do everything for you to forgive me." Nagsusumamong sabi nito. Pinakatitigan niya ang mga mata nito. All she could see behind them was pure sincerety.
"B-but you have a fiancé." Sa wakas ay nasabi niya.
"When my father died, my Mom got paranoid. At ang sa tingin niyang makakabuti para sa akin ay ang maipakasal ako sa babaeng sa tingin niya ay nababagay sa akin. Doon niya napagpasyahang ipakasal ako kay Arriane because her family was close to ours. And being the obedient son, hindi na ako tumutol sa gusto niya. Malayo sa isip ko noon na mangyayari sa akin ang ganito. Na may makikilala akong mamahalin ko ng lubos. Kaya nang makilala kita, nagsimula akong magdalawang isip sa desisyon kong sundin ang gusto ni Mommy. At sa bawat araw na nakakasama kita, unti-unti ring lumilinaw sa isip kong mali ang naging desisyon ko. At sa unang beses sa buhay ko, hindi ako nag-alinlangang suwayin ang utos ng magulang ko." Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Kung ganoon ang tinutukoy nitong pagsuway sa magulang nito noong nakausap niya ito noong birthday niya ay ang arranged marriage nito? "I always thought that making my parents happy was the only right thing. Lahat ng desisyon ko sa buhay ay iniasa ko sa kanila. But then I met you, and for once, I learned to decide for myself. Because being with you felt like the rightmost thing I had ever done in my entire existence."
"B-bakit mo inilihim sa akin 'yon? Maiintindihan ko naman 'yon kung ipapaliwanag mo."
"I know. But the thing is I was just afraid to lose you. Alam kong noong una pa lang ay mali na ang magpanggap bilang isang simpleng empleyado sa kompanyang pinapasukan mo. Pero nang unang beses na makita kita, kakaiba na ang naramdaman ko. And that feeling made me decide so hastily. Isa lang ang nasa isip ko noon, ang makilala ka pa ng lubos because I can't just let you slip out of my life like that. At ang naisip ko lang na paraan para mabilis na mapalapit sa'yo ay ang magtrabaho sa kompanyang pinapasukan mo. And I can't just announce to you that I have a fiancé even before I get close to you. Malamang na bago pa ako makapag-explain sa'yo, lumayo ka na sa akin." Tama naman ito. Malamang na kung noong una pa lamang ay nalaman niyang taken na ito, hindi na niya hinayaan ang sariling mapalapit dito. It was not like her to intrude into someone else's relationship. "Pero nasa isip ko naman ang ipagtapat ang lahat sa'yo. Gusto ko lang na oras na sabihin ko sa'yo ang lahat, hindi ka na mag-iisip pa ng kung ano. Na naiayos ko na ang lahat bago ko ipaalam lahat sa'yo. That way you would not doubt how I really feel about you."
"But you suddenly left for a few days. Ni hindi ka nagparamdam ng ilang araw. Tapos bigla pang susulpot sa harap ko ang fiancé mo at sinabing kaya ka nawala ay dahil gusto mo nang ayusin ang lahat. Na nagbalik na siya kaya hindi na ako dapat umasa kung anong meron tayo. At ni hindi ako makasagot sa sinabi niya dahil hindi ako sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. How could I be the judge when I don't even know who you really are?" kastigo niya rito. Ramdam niya ang unti-unting paniniwala ng puso niya sa mga sinasabi nito ngunit hindi mawawala sa isip niya ang sinabi ng fiancé nito.
"Arriane just went home from the States that day I left the office. Unang araw pa lamang ng pagtapak niyang muli sa Pilipinas ay sinabi ko na sa kanyang wala na akong planong ituloy pa ang arranged marriage na napagkasunduan ng mga magulang namin. Hindi ko na matiis na patagalin pa iyon dahil gusto ko nang magpakilala ng pormal sa'yo kung sino talaga ako. Kinausap ko na rin ang Mommy ko at ang mga magulang ni Arriane tungkol doon. Akala ko ay naintindihan na niya ang sinabi ko dahil hindi naman siya nagalit sa sinabi ko. Pero kinausap ka pala niya. At hindi ko pa iyon malalaman kung hindi sinabi sa akin ni Menriz dahil nga inaway mo raw siya. If I had known she would do that, I should have rushed and told you everything. " bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "I didn't even tell her about you identity because she might cause such trouble. Malamang na nagpa-imbestiga siya, and unfortunately, she found you."
"Where is she now?"
"After Menriz told me about what happened, I talked to her again.. Ipinaintindi ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa'yo. Na ikaw ang dahilan kung bakit pumayag akong magpamando kay Menriz kahit na mas mayaman naman ako sa kanya." Narinig niya ang pagpoprotesta ng boss niya sa likod ngunit hindi nila iyon pinansin. "Na handa 'kong ipaglaban sa Mommy ko, sa parents niya at sa kanya mismo ang kung anumang meron tayo dahil ganoon ka kahalaga para sa akin. She went back to the States a few days after. And she promised me she'll come back when she find someone to cherish like I did. I guess she eventually understood."
Naramdaman niya ang unti-unting paggaan ng kalooban. Na parang lahat ng mabigat na problemang dinala niya ng mga nakaraang araw ay inilayo na sa kanya.
"And why did you left the company in the first place?" out of curiosity na lamang ang tanong na iyon dahil alam niyang naniniwala na siya sa lahat ng sinabi nito.
"I can't just stay with Alcala Enterprise forever. I have my own company that I need to manage. At sinabi ko sa sarili kong oras na magpakita ako sa'yong muli, yung kung sino na talaga ako. Walang halong pagkukunwari at 'yong buo at tunay na ako."
"And you did not even bother to contact me the whole time you were gone?" naningkit ang mga mata niya rito bagaman hindi naman galit. Ngayon lumabas ang frustration niya nang ilang araw dahil hindi siya nito kinontak.
"I guess I am sorry about that also." Nakangiwing sabi nito. "Nagi-guilty na kasi ako sa tuwing nakakasama kita dahil hindi ko masabi-sabi sa'yo ang totoo. I hate lying to you or keeping secrets from you that was why I decided to set everything right before I contact you again. I'm sorry."
"Do you know how much I cried because of you?"
"I know and I'm sorry. Do you know that when you said you love me the day of your birthday, I felt like I was the happiest man alive. Hindi ko nasabi sa'yo noon ang tunay kong nararamdaman and I regret that. Now I don't want to regret anymore." Tinitigan nito ang mga mata niya. Inilapat nito ang mga palad sa magkabilang pisngi niya. "I love you so much, Eunice Abueva. Lahat ng ipinakita ko sa'yo, lahat ng pagpapa-cute na ginawa ko para sa'yo, they were all real. Lahat 'yon ginawa ko dahil Mahal kita, Eunice. Mahal na mahal." Kitang kita niya ang emosyon sa mga mata nito at ramdam din niya iyon sa sinasabi nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng puso. Pang-ilang beses na nitong sinabing mahal siya nito ng araw na iyon ngunit gustong gusto niya pa ring naririnig iyon. Ethan loves her! And he has announced it infront of all their officemates. Hindi pa ba sapat iyon para maniwala siya ng buong puso sa sinasabi nito?
Bumalik sa mga alaala niya ang mga kabutihan ginawa nito para sa kanya. Ang sweetness nito. Ang halik na pinagsaluhan nila sa ilalim ng ulan. They were all real. Napangiti na siya rito.
"I-I love you too." Sincere na sabi niya rito. Tuluyang naglaho ang lungkot sa mga mata nito. And then he smiled widely. "Pero subukan mo lang maglihim sa akin ulit o magsinungaling o kahit mawala sa paningin ko nang walang paalam, sasamain ka talaga sa akin!" banta niya rito.
Bigla itong tumawa sa sinabi niya. That carefree laugh of his. Ngayong nawala na ang lahat ng sakit at alalahanin sa dibdib niya ay namamangha na naman siya sa tawa nito. She would be seeing him laughing more often because he said he loves her. At wala na siyang balak na pakawalan pa ito.
Bahagya pa siyang nagulat nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Narinig niya ang hiyawan ng mga ka-opisina niya sa paligid ngunit unti-unti siyang nadadala ng halik nito hanggang sa makalimutan na niya ang mga tao sa paligid. Tinugon niya ang mga halik nito at doon ibinuhos ang lahat ng sayang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Deadma na sa ingay ng mga tao sa paligid. Her crush likes her even before she had come to like him. Sulit naman pala ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Ethan because he loves her. More than she could ever wish for.
Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagpatak ng kung ano sa braso niya. Nagsunod-sunod iyon kaya napahiwalay siya rito. Napatingala siya at tumulo ang tubig ulan sa pinsgi niya. It was raining!
Kanya-kanyang pulasan ang mga tao sa paligid na wari bang takot na takot mabasa.
"Halika na! Mababasa tayo!" patiling sabi niya at hinila ang kamay nito para lamang kabigin din siya nitong pabalik rito. Muling nagtama ang mga mata nila. Nagtatanong ang tinging ibinigay niya rito.
"I told you, it was God's way of giving us our own private moment."
At bago pa siya nakasagot ay muling naglapat ang kanilang mga labi. Wala na siyang pakialam pa kahit pa nababasa na sila ng ulan at lahat ng spectators na ay nagsipagsilong na.
"I love you, Eunice. More than you'll ever know. And I don't intend to let you go." Maya maya ay sabi nito nang saglit humiwalay ito sa kanya.
"So you'll marry me?" lakas-loob na tanong niya rito. Bakit? Sinabi na nitong mahal siya nito, lulubos-lubusin na niya.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito saka hinaplos ang pisngi niyang basa na ng ulan.
"Kahit saang simbahan pa."nakangiting sagot nito. "but let's save the proposal later. I still haven't got enough of you."
Bumabang muli ang mga labi nito sa mga labi niya na buong puso naman niyang tinanggap. It was under the rain when she first noticed Ethan and It was under it to that he said he loves her. Maybe Ethan was right. The rainfall was their own private moment. And maybe it was God's way of giving their relationship His blessing.
- - - END - - -
— Fim — Escreva uma avaliação