BAHAGYANG iniawang ni Jean ang gate ng bahay nila sapat upang masilip niya ang kabilang bahay. Napangiti siya nang saktong bumukas naman ang gate ng bahay na iyon at lumabas ang pinakamaganda na yatang tanawing nakita niya.
Apollo was just wearing a shirt and a pair of shorts but he still looked like he was just stripped out of a fashion magazine. Gwapo naman na ito noong bago pa man sila magkahiwalay but the years made him a lot more ravishing than he was before. At ang aga aga ay pinagpapantasyahan na niya ito.
Nagsimula itong tumakbo. Nang bahagyang makalayo ito ay saka naman siya lumabas ng bahay at tumakbo rin sa direksiyong tinahak ni Apollo. Mabagal ang takbo nito kumpara sa pagtakbo niyang bahagya niyang binilisan upang mahabol ito kaya naman ilang sandali pa ay kasabay na niya itong tumatakbo.
Saglit pa lamang silang nagkakasabay ay huminto na ito at kunot-noong ibinaling ang tingin sa kanya. Kung nakamamatay lamang ang tingin, malamang ay bulagta na siya sa sahig. Alam naman niyang galit ito sa kanya ngunit wala siyang balak na sukuan ito. Bahala itong maburyong sa kanya ngayon.
"I thought I told you I never wanted to see you again?" bungad nito habang kunot pa rin ang noo.
Tumikhim siya upang patatagin ang sarili at pahupain ang kaba sa dibdib.
"Yeah, you did." Nakahinga siya ng malalim nang magawa niyang makasagot nang matino.
"Kung ga'non, anong ginagawa mo rito?"
"Jogging."
"Dito?" tanong muli nito na para bang gustong gusto na siyang tirisin.
"Oo, dito. The last time I checked, hindi naman bawal mag-jogging ang mga taga-rito." Sagot niya rin dito."At taga-rito naman ako."
Tinignan lamang siya nito nang matagal. Nang waring sumuko na sa pakikipagdiskusyon sa kanya ay umiling na lamang ito saka tumakbo nang muli.
Lihim namang napangiti siya. At least he talked to her. It was a good start for her. For them.
Sumunod din muli siya rito ngunit hindi na siya sumabay pa rito. She has known better than to challenge his temper more. Baka kasi may marinig na naman siyang masakit mula dito. Naiintidihan niya ito ngunit nasasaktan pa rin naman siya kaya naman nakuntento na lamang siya sa pagtanaw sa likod nito. Isa pa, mas mabuti na iyon kaysa noong malayo siya rito. Litrato lang kasi nito ang kaulayaw niya sa tuwing nami-miss niya ito noon.
Pabalik na sila sa block nila nang maramdaman niya ang bahagyang paninikip ng dibdib niya. Napagod yata siya sa pagtakbo. Hindi nga pala niya alam kung okay lang na mag-exercise siya. Did she force herself too much?
Napatigil siya sa gitna ng kalsada at nasapo ang dibdib saka marahang minasahe iyon. Unti-unti nang umaayos ang pakiramdam niya nang marinig niya ang paparating na motor. Nang malingunan niya iyon ay ilang metro na lamang ang layo niyon sa kanya. Napapikit na lamang siya at hinintay ang pagsalpok niyon sa katawan niya nang maramdaman niya ang marahas na pagkabig sa kanya. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa. Pero nakakaramdam siya ng bigat. Na para bang may kung anong bagay na nakadagan sa kanya.
"Nagpapakamatay ka ba?" ang galit na boses na narinig niya maya-maya.
Correction. SOMEONE was on top of her.
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at ilang beses na pumikit-pikit. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi nawala ang aparisyong ilang dipa lamang ang layo ng mukha sa mukha niya.
"A-apollo..."
Parang nais niyang magtatalon sa tuwa kung hindi lamang nakadagan ito sa kanya. Ang akala niya ay iniwan na siya nito roon dahil nauuna naman ito sa pagtakbo at ni hindi siya nito nilingon. Ngunit ngayon ay kasama niya ito. At ito pa mismo ang nagligtas sa kanya!
Mahal talaga ako ni Lord!
"You're smiling." Kunot-noong sabi ni Apollo.
"W-what?"
Huminga ito ng malalim saka tumayo na. Ilang sandali rin niyang tinignan lamang ito. Na para bang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. Kahit pa mukha na lang siyang tanga doon dahil lumayo na ang ka-moment niya.
"Ano pang ginagawa mo riyan? " inis na sabi nito. "Snap out of it!"
Para naman siyang nagising sa pagkakatulog at napabalikwas ng bangon.
"S-sorry" sabi niya saka pinagpagan ang damit niya. "Aw!" daing niya nang mapadako ang kamay niya sa sariling braso. Titingnan pa lamang niya iyon ay nahawakan na siya si Apollo. At hindi pa man siya nakakaag-protesta ay sinisiyasat na nito ang braso niya.
"You're bleeding." Kunot ang noong sabi nito.
"I am?" agad din niyang tignan ang braso. Napangiwi siya nang makita ang sugat at ang dugong nanulas mula roon.
"Go home and tend to that." Nailing na sabi ni Apollo. Binitawan naman na nito ang kamay niya at nagmartsa nang pabalik sa bahay nito.
Ayaw man niya ay nakaramdam siya ng sakit. Hindi mula sa sugat niya ngunit sa puso niya. If it was before he would have tended to her wound himself. He would have nagged her more if it were before. She would have appreciated the nagging more than this cold treatment he was giving her.
Bumuntong-hininga siya at naglakad na lamang din papunta sa bahay nila. Sinubukan niyang itulak ang gate ng bahay niya ngunit hindi iyon bumukas. Mukhang nakakandado iyon mula sa loob. Pinindot niya ang doorbell ng bahay ngunit nakakalimang pindot na siya ay wala man lang sumagot o nagbukas ng pinto. Nasaan ang Yaya niya?
"Pumupunta sa palengke ang Yaya mo tuwing umaga, hindi mo ba alam iyon?"
Gulat na napaikot siya nang hindi oras sa taong nasa likod niya. Muling nagwala ang dibdib niya nang makita niya si Apollo ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Akala ba niya umuwi na si Apollo sa bahay nito?
"H-ha?" ang tanging naisagot niya rito.Kung bakit kasi nanggugulat ito? Hindi tuloy nag-register sa isip niya ang sinabi nito.
"Alam ba ng Yaya mo na lumabas ka?"
"Ah... eh... yata? Hindi ko sigurado. Nasa kwarto pa siya nang lumabas ako kanina eh." Sabi niya. Maaga kasi siyang bumangon para maabutan si Apollo sa morning exercises nito. Nagbaka-sakali siyang gaya noon ay ugali pa rin ng binata ang mag-jogging first thing in the morning kaya naman maaga pa lang ay nag-abang na siya rito.
Umiling-iling lamang itong muli. Ilang beses na ba niyang nakitang ginawa nito iyon nang araw na iyon. Napapraning na siguro ito sa kanya.
Akala niya ay iiwan na siya nito ngunit nagulat siya nang basta na lamang nitong hawakan ang braso niyang walang sugat saka siya hinila. Hindi pa siya nakakapagtanong ay tumigil na sila sa harap ng bahay nito. Walang imik nitong binuksan ang gate ng bahay saka siya hinilang papasok.
"Stay there." Sabi nito nang paupuin siya nito sa sofa ng bahay nito. Ni hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magtanong dahil umakyat na ito ng hagdan at pagbalik ay may dala nang isang lalagyan. Inilapag nito iyon sa center table sa harap niya. "Here you go."
"Ano yan?" tanong niya.
"First aid kit. Gamutin mo ang sugat mo."Simpleng sagot nito.
"Ako?"
"Alangan namang ako. Sarili mo namang sugat, 'yan"
"Talk about sweet..." bubulong bulong na sabi niya gayunpaman ay dinampot na rin niya ang first aid kit at kumuha ng gamot mula roon. Ilalagay na lamang niya ang gamot sa sugat niya nang biglang pigilin nito ang kamay niya. Nagtatakang tinignan niya ito.
"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong nito.
"Ginagamot ko ang sarili kong sugat. Sabi mo 'di ba?" sagot niya.
"Nang hindi nililinisan? Ilang taon ka na hindi ka pa marunong gamutin ang sugat mo nang matino?" napabuga ito ng hangin at tuluyan nang inagaw sa kanya ang gamot saka inilapag iyon sa lamesa. Pagkatapos niyon ay hinalughog naman nitong muli ang first aid kit. Nang matapos ay hawak na nito ang bote ng alcohol.
"Oh no! Not that..." nanlalaki ang mga matang sabi niya.
"Oh yes..." tila nang-aasar pang sabi nito at inilapit sa sugat niya ang boteng binuksan na nito. Agad naman niyang iniiwas ang braso.
"Asan ang banyo? Doon ko na lang huhugasan ang sugat ko." Agap niya.
"What now? Still afraid of alcohol?"
"H-hindi ah. Ano lang kasi---"
"Hindi naman pala eh." Sabi nito at walang sabi-sabing hinila ang kamay niya saka dire-diretsong binuhusan ng alcohol ang sugat niya.
"Aw!" malakas na daing niya. Parang gusto niyang sipain ito nang mga oras na iyon. "Pucha! Ang sakit!"
"What are you, a baby?" sabi nito.
"Ikaw kaya ang---" natigil ang anumang sasabihin niya nang dumako ang tingin niya sa mukha nito. Was it a smile she was seeing?
Wari namang napansin nito ang pagtingin niya kaya mabilis ding nawala ang ngiting iyon. Nagdududa tuloy siya kung talagang ngiti ang nakita niyang iyon o namamalik-mata lamang siya.
Inabala na lang nito ang sarili sa paggagamot sa sugat niya. At sinamantala naman iyon ni Jean upang pagmasdan ang mukha nito. The years have been very kind to him. Kung noon ay cute na ito, ngayon naman ay napakaguwapo na nito.
"Aray!" napalakas ang daing niya nang walang anu-ano'y madiinan nito ng bulak na may gamot ang sugat niya. She almost forgot her wound was still at his mercy. "Pwedeng dahan-dahan naman?"
"Then stop looking at me." Bulong nito ngunit hindi niya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.
"W-what?"
"I said stop acting like a baby. Napakalayo nito sa bituka mo." Sagot nito.
"Ang sakit kaya. Ikaw kaya ang masugatan, tignan natin kung hindi ka masaktan." Nakalabing sabi niya.
Saglit itong natigilan pagkuwa'y muling nagsalita.
"Naranasan ko nang masaktan. And believe me, that was way painful than this petty wound of yours." Seryosong sabi nito.
Para siyang biglang sinampal nang marinig ang sinabi nito. Diretso sa puso niya ang mga salitang binitawan nito.
"Apollo..."
Tumayo na ito at namulsa. His face was blank. At mukhang isang estraghero na lamang ang kaharap nito ngayon.
"It's done. Go home, Jean." Sabi nito saka akmang aakyat nang muli sa kuwarto nito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tumayo siya at niyakap ito mula sa likod. "What are you---"
"Alam kong nasaktan kita nang umalis ako noon. At alam 'kong kahit anong paliwanag ko ay hindi mo pakikinggan. But I can't just lose you. Gagawin ko ang lahat para matanggap mo ako ulit sa buhay mo. And when that time comes, I'll tell you everything. I'll tell you the truth once you are ready enough to hear it. I promise."
Hindi ito kumilos o nagsalita. Ilang minuto rin silang nasa ganoong posisyon nang biglang tumunog ang doorbell ng bahay nito. Kasunod niyon ay ang malanding tinig na tumawag sa pangalan ni Apollo. At para bang naglaho ang kung anong mahika sa pagitan nila, hinawakan nito ang kamay niya saka tinanggal mula sa pagkakayakap rito. Hinarap siya nito ngunit hindi tumingin sa mga mata niya.
"Go home, Jean." Malamig ang tono na sabi nito. "At kalimutan mo ang lahat ng sinabi mo ngayon dahil iyon din ang gagawin ko."