V4. CHAPTER 7 - Pathwalk
NO ONE'S POV
"Bob— Grrr!" Gigil na naitapon ni Bianca ang cellphone niya sa may kama. Hindi man niya nakita ang pag-pop out ng salitang defeat sa screen ng kaniyang bagong cellphone ay ipinarinig naman ito sa kaniya. Lalo tuloy siyang nanggigil.
"Bianca, iha, ayos ka lang ba?" tanong ni Caroline noong marinig niya ang pagkalabog sa silid. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at naabutan niyang nakahiga si Bianca sa kama.
"Medyo masakit pa po ang ulo ko."
"Ganoon ba? May gamot ka pa ba dyan?"
"Meron pa po ma. Kakain na lang po ako later para mainom ko 'to."
"Okay, sige, magpagaling ka para makapasok ka na bukas."
Pagkaalis ni Caroline ay agad bumalik sa paglalaro si Bianca.
Tunay na may sakit si Bianca. May sakit sa ulo. Nagka-migraine kasi siya dahil sa magdamag na paglalaro ng isang MOBA game. Matagal ng sikat yung laro pero ngayon niya lamang ito pinansin dahil pre-installed sa bagong bili niya na cellphone.
"Oy! Yung turrent sa taas. My goodness! Kapag minalas ka sa kakampi mo. Shit! Shit! Shit, Pristine!" Walang magawa si Bianca kundi sagutin ang tawag.
"Gee! Pristine, what?!"
Napataas ang kilay ng nasa kabilang linya.
"Wala man lang hello?"
"Kasi ih, istorbo ka. Buti na lang classic lang 'to."
"Huh? Oy, may sakit ka ba talaga?"
"Oo, masakit ulo ko. Bakit ka ba napatawag?"
Napasingkit ng mata si Pristine bago napalingon sa katabi niyang si Arianne.
"Dadalawin ka kasi namin."
"Huh?! Ano 'wag na! Haha. Pagaling na ako. Hey, sige na Pristine. Bye na, basta 'wag niyo na ako dalawin. Thanks, see you tom. Bye. Lablab."
Walang anu-ano'y pinatay ni Bianca ang tawag saka bumalik siya sa paglalaro.
♦♦♦
"Too obvious, wala siyang sakit. Ano kayang dahilan kung bakit hindi 'yon pumasok?"
"It's either nababad siya sa paglalaro or sa panunuod. Iyon lang naman 'yon di ba?" tanong na itinugon din ni Arianne kay Pristine.
"I bet she's into gaming right now."
"Dadalaw pa ba tayo? Para masabihan ko si Aldred. Susunduin niya kasi ako."
Bumuga ng hininga si Pristine sabay nguso kay Arianne, "Halika na nga," aya niya pagkasuot niya ng shoulder bag. Lumabas ang dalawa mula sa silid-aralan.
Kahit may mga tanong sa kaniyang isipan ay masasabi naman ni Arianne na matiwasay na natapos ang unang araw ng pagbabalik niya sa eskwela. Nakahabol siya sa mga aralin dahil sa araw-araw noon na pagbibigay ng mga kaibigan niya ng notes. Dumalaw siya sa Art Club bilang courtesy sa kanilang president at naabutan niya ang mga ito na gumagawa ng mga props para sa Buwan ng Wika. Nangako si Arianne sa kanila na tutulong siya sa susunod na araw.
"Halika na?"
Nagulat si Arianne dahil pagkalabas niya pa lamang ng gate ay naroon na si Aldred. Napaikot ang ulo niya sa paligid kaya't nakita niya na sa kanila nakatuon ang atensyon ng lahat ng estudyante na nasa may gate. Lumunok si Arianne bago lumapit kay Aldred.
"Kanina ka pa ba nandito?"
"5 minutes," ngumiti ang binata. Ayaw sanang pansinin iyon ni Arianne pero naunang mag-react ang pisngi niya.
"Pasensya na, napaghintay kita," pagpapaumanhin ni Arianne. Napatitig sa kaniya si Aldred. Masyado kasi itong nahalina noong makita niya ang kumikinang na sorry eyes ng dalaga kasabay pa ang pamumula ng pisngi nito. She is too beautiful for his eyes kaya't biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Kagaya ng lagi niyang ginagawa simula ng makilala niya si Arianne ay lumunok na lamang siya ng matindi.
Pagkaalis ng dalawa ay naiwan nila ang mga estudyanteng parang kakawala lang sa hawla. Agad ay nag-usap-usap ang mga ito at syempre ukol iyon sa dalawa.
ALDRED'S POV
Tahimik kaming naglakad ni Arianne. Siguro mga 5 minutes na nga ang lumipas. Nililiitan ko ang aking mga hakbang para makasabay sa kaniya. Matangkad si Arianne at mas mahaba ang mga binti kesa sa akin ngunit mahinhin siyang kumilos kaya pino pati ang paglalakad niya.
"How's your day?" tanong ko na ikinatigil niya saglit. Nilingon niya ako bago naglakad muli.
"Okay naman."
August na at isang buwan na lang ay Ber month na. Umiiksi na ang araw at nagsisimula na ring lumamig ang panahon. Napakabilis ng panahon. Halos dalawang buwan pa lamang kaming magkakilala ni Arianne ngunit napakaraming bagay na ang naganap sa pagitan naming dalawa. Ang dami ng nangyari ngunit hindi pa rin lubusang malinaw sa akin kung paano ang tunay na pag-ibig. Ang alam ko lang ay simula noong matutunan kong magmahal ay nagsimula na rin akong magpahalaga ng mga bagay-bagay malaki man o maliit.
Binitin ko ang aking isang hakbang upang mahuli sa aming paglalakad. Tinignan ko si Arianne at habang tumatagal na nakababad ang aking mga mata sa kaniya ay mas napapatunayan ko lang kung gaano niya kayang pakabugin ang puso ko.
Isa sa mga natutunan ko simula noong mahalin ko si Arianne ay ang magkaroon ng pangarap. Hindi sa wala akong pangarap noon, pero yung ngayon kasi ay isang pangarap kung saan hindi lang para kina Papa, Mama at Monique kung hindi para na rin sa gagawin kong pamilya. Minsan, bago ako matulog, naiisip ko kapag naging kami na ni Arianne ay mag-tatrabaho ako ng maigi para makapag-ipon tapos dadalhin ko siya sa lahat ng gusto niyang puntahan. Papakainin ko siya sa lahat ng gusto niyang kainan kahit alam kong afford niya naman lahat ng magustuhan niya. Ang gusto ko lang ay sa akin iyon manggaling. Gusto kong ako ang makapagpasaya sa kaniya. Tapos kapag kinasal na kami I'll make it sure na church wedding 'yon na kakainggitan ng lahat ng babae sa universe para masabi nilang napakaswerte ni Arianne sa akin. Tapos magha-honey moon kami sa Europe. Magpapagawa ako ng bahay namin then mga ilang kwarto? Tatlo o apat para sa mga anak namin? Hindi ko pa kasi alam kung ilang anak ang gusto niya.
"Anong meron at nakangiti ka dyan?"
Napatigil man ng enchanting niyang boses ang aking paggalaw ay di naman huminto ang utak ko sa pagsagot.
"Anak,"
Siningkitan ako ng tingin ni Arianne.
"Huh?"
"Kapag nagkapamilya ka ilang anak ang gusto mo?"
"Seryoso ka ba sa tanong mo?"
Tumango ako at napatanga siya sa akin.
"Siraulo," saad niya saka tinalikuran ako. Sinabayan ko na siya sa paglalakad.
"Ako three or four."
"Oh, talaga? Okay, e di good to know."
"May lahi ba kayong kambal?" tanong ko.
Tinignan ako ni Arianne sabay tango na lubos ko namang ikinagalak.
"For real? Nice, nice. Gusto ko kasi talaga magkaroon ng kambal kaya lang wala sa lahi namin 'yon."
Arianne threw me her suspicious gaze.
"Hindi na ako makapaghintay maging adult tapos gumawa ng mga babies," masaya kong sabi. Nginitian ko si Arianne pero sinuklian niya ako ng nasusuyang ekspresyon. May sasabihin pa sana ako pero bigla na lang siyang naglakad ng matulin.
"Uy, sandali."
Arianne stopped then glared at me. Tinignan ko rin siya mata sa mata at nang mauwi kami sa pag tititigan ay napalitan ng soft looked yung malaki at pang manika niyang paningin. Inalis niya man ang kaniyang tingin ay hindi naman nakawala sa akin ang pag-blush ng kaniyang mga pisngi.
Cute...
Noong una ay nag-aalala ako sa kahihinatnan ng pagmamahal ko kay Arianne dahil nagka-memory loss siya. Walang araw na hindi sumasagi sa aking isipan ang posibilidad na baka hindi niya na maalala yung mga memories na kami ang magkasama. Nalungkot ako sobra to the point na hindi ko maubos yung full set meal na lagi kong ino-order sa school canteen. Napansin ni Carlo ang kinikilos ko kaya't agad niya akong nisabihan.
"The brain may forget, but the heart will always remember," ayon sa bestfriend ko.
Nakanguso kong binalikan si Carlo ng tingin noon. Tinanong ko siya kung saan niya iyon nakuha at sabi niya ay narinig niya raw sa isang koreanovela na pinapanuod ng isa sa mga ex-girlfriend niya.
Medyo doubtful ako, pero as time goes by, kapag nag-uusap kami ni Arianne ay nararamdaman ko yung mga kilos niya. Na para bang naaalala ng mga galaw niya kung paano kami mag-interact sa isa't-isa.
Sa totoo ay gustong-gusto kong kausapin ng masinsinan si Arianne ngunit nag-aalala ako na baka mapunta kami sa usapang wala pa akong nakahandang sagot. Hindi rin naman siya nagi-initiate ng conversation. In-appreciate ko na lang yung paligid. Yung picturesque na magkasama kaming dalawa at tahimik na naglalakad sa liwanag ng papalubog na araw.
Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila Carlo. Tumigil ako na ipinagtaka ni Arianne. Kailangan ko na kasing magpaalam.
"Arianne, sige na, hanggang dito na lang muna kita masasamahan. May pupuntahan pa kasi ako."
"Okay," saad niya. Hinintay kong dumiretso na si Arianne sa paglalakad pero nanatili parin siya sa aking harapan.
"Saan ka pala pupunta?" tanong niya na hirap akong sagutin. Kung saan-saan ako lumingon para iwasan ang tingin niya.
"Alam ba 'to ni Tita Cecil?" dagdag niya pa na nagpaliko naman ng aking ulo. Umiling ako ng hindi pa rin siya nititignan. Pwede naman akong magsinungaling pero hindi ko iyon kayang gawin sa kaniya kaya mas pinipili kong huwag na lang siyang sagutin.
Pagkarinig ko ng pagbuga ng hininga ni Arianne ay iyon ang nakapagbahala sa akin. I don't like that kind of reaction, para kasing ini-stress ko siya.
"Walang alam si Mama. Secret lang kasi 'tong pupuntahan ko. Baka kasi hindi niya ako payagan kapag nalaman niya."
Siningkitan niya ako ng tingin, "Huh? Bakit? Nagda-drugs ka ba?"
"Hala! Uy! Hindi no!" nabigla kong tugon na ikinangiti niya.
"May pot session siguro kayo no?" she asked between giggles.
"Wala, hindi." Umiling ako.
"E bakit kasi kailangan mong ilihim sa mama mo?"
Ngumuso ako.
"Kasi nga baka hindi niya ako payagan."
"E ba't naman sa tingin mo hindi ka niya papayagan?"
Nakasingkit mata ko na rin siyang tinignan. Ang dami niya kasing tanong.
"Sasabihin niya baby pa ako," paliwanag ko. Bigla ay narinig ko ang pagtawa niya.
Nitakpan ni Arianne ng panyo ang kaniyang bibig dahil siguro sa hindi niya mapigilan ang sarili. Tumawa siya muli tapos tumawa pa uli. Napanganga ako habang nakatingin lang sa maganda niyang mukha. Ayoko sa lahat ay nipagtatawanan ako pero imbes na mag-init ang aking ulo sa galit ay ang pisngi ko ang nag-usok.
"Baka naman baby ka pa talaga para dyan? Ano ba talagang gagawin mo? Anong sasabihin ko kay Tita kapag tinanong niya ako?" Arianne asked softly.
Imbes na intindihin ko ang mga isasagot sa kaniya ay mas napansin ko ang nakaawang niyang mapupula na labi, pagkurap ng mga mata, yung mahahaba niyang eyelashes, at kumikinang niyang eyeballs.
Lumunok ako ng malalim para ma-suppress ang aking nadarama.
"P—Pwede bang makiusap? Kapag nitanong ka ni Mama, pwede bang sabihin mo nakina Carlo ako or pumunta ako ng SOMA?"
"Papagsinungaling mo pa ako kay Tita?"
Tumango ako. Hindi ko kasi talaga pwedeng sabihin kay Arianne ang dahilan ng aking pag-alis.
"You're unbelievable," she huffed.
"I know," nasabi ko at nitignan niya ako ng masama.
"Bahala ka dyan. Kapag tinanong ako ni Tita sasabihin ko na lang na may pupuntahan ka pero di ko alam kung saan."
"Yes, ganyan na lang sabihin mo."
She stared blankly at me.
"Baliw ka," saad niya na nagpatawa sa akin. Wala naman akong angal lalo pa't alam ko sa aking sarili na baliw talaga ako sa kaniya.
"Thank you, Arianne," I said.
Napatitig si Arianne sa akin saglit bago marahang tumango.
"Pwede ba kitang i-message kapag pauwi na ako?" Agad ay umiling si Arianne. Hindi ko tuloy maiwasan malungkot kahit na pabiro lang yung pagkakatanong ko.
"Hindi ko kasi ma-open yung phone ko e, nakalimutan ko yung password. Pati password ng lahat ng social media accounts ko," paliwanag niya na nagpaalis ng lungkot ko.
"For real?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig ko o hindi, "Hindi ka ba magpapabili ng bagong phone?"
Umiling siya, "Ayoko sabi ko kay mama."
"Paano ka nako-contact nina Pristine?"
"Gumawa ako ng new email. Sa laptop ako nagre-reply."
"Pwede bang mahingi email mo?"
Tinignan niya ako saglit bago tumango. Inilahad niya ang kaniyang kamay na nititigan ko lang noong una hanggang sa ma-gets ko na kinukuha niya pala ang phone ko. Na-rattle ako kaya't walang anu-ano'y binigay ko sa kaniya kahit hindi ko pa ito naa-unlock pero laking gulat ko noong siya ang mag-unlock nito gamit ang password ko.
Napatigil siya saglit then stared at me.
"0119?"
Tumango ako. Binalik niya ang tingin sa aking cellphone at itinipa sa aking notepad ang email niya. Tutok na tutok sa cellphone ang pagkakayuko niya habang ginagawa iyon pero noong tignan ko siya ng maigi ay namumula ang pisngi niya.
"I have a spare phone. Gusto mo ba ipahiram ko muna sayo para masalpak mo yung sim mo?"
"Si—Sige," maiksi niyang tugon. Binalik niya sa akin ang cellphone ko sabay nagpaalam ng hindi ako tinitignan.
ARIANNE'S POV
"Is he a creep?" natanong ko na lang sa sarili ko. Unang araw ko pa lang makasama yung Aldred na iyon ay pinakita na niya kaagad ang pagka-weirdo niya.
Sinong lalaki yung bigla na lang magtatanong kung ilan ang gusto mong maging anak? Yung tuwang-tuwa kasi may lahi kayong kambal at iyon daw ang gusto niya. Na hindi na siya makapaghintay maging adult para what? Para gumawa ng babies?! Too much information. Inosente ba siya o ano? Pero ba't parang ini-imply niya o ako lang ba ang nag-iisip na parang gusto niyang ako ang magdala ng lahi niya?
Gross.
Ala-sais ng gabi, iyon ang nakita kong oras nang tignan ko ang relo ko. Nagsimula ng buksan ang mga streetlight dahil umuunti-unti na rin ang pagdilim ng kalangitan. Narito ako ngayon sa likod ng isang puno at kasalukuyang pinapapak ng mga insekto. Hindi ko ma-gets. Pagkalayo ko kay Aldred ay nakita ko na lamang ang mga yapak ko na nag-u turn upang sundan siya.
Palihim kong sinundan si Aldred at dinala ako ng kalokohan ko sa tapat ng isang motor repair shop. Pumasok si Aldred sa loob ng shop kaya nagtaka ako. Wala naman kasi siyang motor o sabihin na nating kahit anong uri ng vehicle. Lalo akong na-curious sa kung anong pakay niya sa loob kaya't binalak ko sanang sundan pa rin siya hanggang sa ma-realize ko kung ano ang mga nasa paligid ko.
Kanina pa pala ako maraming nakakasabay na tao at halos lahat sila ay kalalakihan. Sa kakaisip ko kay Aldred ay hindi ko napansin ang mga bagay-bagay. Hindi ako sanay sa kapaligiran ko kaya't minabuti ko na lamang na umuwi. Uuwi na sana ako pero talagang naku-curious ako sa kung ano ang ginagawa ni Aldred.
"Aray, bwiset."
Agad nagpantal at namula yung parte ng binti ko na kinagat ng lamok. Habang nakatingin ako sa may motorshop mula dito sa likod ng puno ay di naman matigil yung kamay ko sa pagkakamot. At least hindi ako nabo-bore. Isang oras na kasi akong nakatambay dito at tanging pagkakamot na lang ang napaglilibangan ko.
"Ano ba kasing ginagawa niya sa loob?"
Kung ano-anong sagot ang pumasok sa isipan ko pero I know that all of it doesn't make sense. Kahit naman kasi sinabi ko kanina na nagda-drugs siya ay naniniwala naman ako na hindi niya magagawa iyon. Though para siyang naka-high minsan pero I still doubt it.
"Ay gumagaling na si Boy S infairness. Tuwang-tuwa si bakla sa serbisyo niya."
Kumislot kagad ang tenga ko noong marinig ko yung bakla na kakalabas lang ng shop. Ang tangkad niya at maganda ang mukha. Kung hindi nga lang sa bukol ng kaniyang muscles ay mapagkakamalan mo talagang babae siya.
"Pakisabi ako naman yung serbisan sa susunod a," maarteng pagkakasaad ng bakla na nagpatigil sa utak ko.
Hindi ko ugali ang pagiging magmalaki pero proud ako sa sarili ko pagdating sa creativity at imagination. Iyon ang dahilan kung bakit pinili kong sumali sa art club. Kapag may naisip ako o narinig ay agad ko itong nabi-visualize. Masaya mag-visualize dahil walang limit ang imagination pero minsan ay nahihiya ako sa sarili ko dahil may mga bagay akong nai-imagine na kailangang i-censor.
No way!
"Just no!" sabi ko sa sarili ko noong gumana na ang utak ko. Umiling ako, kinagat ko ang labi ko saka nag-facepalm. Hindi ako pala-labas pero dahil sa internet ay namulat ako sa makamundong bagay.
"Baliw ka Arianne! Hindi niya 'yon magagawa."
"Sasabihin niya baby pa ako," naalala ko bigla yung paliwanag ni Aldred kaya agad pumasok sa isip ko na baby pa talaga siya para sa ganoong bagay.
"Pero shit! Di ba gusto din nila ng mga twink?" tanong ko sa sarili ko dahilan para muntik ko ng iuntog ang ulo ko sa puno dahil sa kung ano-anong pinagiisip ko.
"Purification. Purification."
I inhaled then exhaled to cleanse my mind. Pumikit ako pero bigla ay may tumakip na kamay sa mga mata ko. Sa gulat ko ay kusang kumilos ang siko ko para sikmurahan kung sino man iyon.
"Puta! My God! What the hell?!"
Pumihit ako patalikod at nakita ko ang isang lalaking unti-unting kinilala ng utak ko.
"Sato?"
"Sheesh! Yes. Holy shit! Aray, ang sakit. Grabe ka Arianne," saad niya habang namimilipit na nakahawak sa sikmura niya. Medyo nakaramdam ako ng awa dahil sa itsura niya.
"Sorry, ikaw kasi. Ba't mo naman ginawa 'yon?"
Dumiretso si Sato ng tayo pero kita ko pa rin sa mukha niya ang kirot.
"Ewan ko ba, ako ata ang nagka-amnesia at nakalimutan kong bawal kang ganunin. Anyways, anong ginagawa mo dito? Gabi na a?"
Imbes na sagutin si Sato ay boluntaryo akong napalingon sa may motorshop noong marinig ko ang tinig ni Aldred.
"Oh, I see."
Bigla na lamang akong hinila ni Sato saka dinala sa tapat ng motorshop. Nang makita ako ni Aldred ay nanlaki ang mga mata niya.
"A—Arianne, anong- anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong bago lumingon kay Sato, "Magkasama kayo ni Kuya Sato?"
Kuya Sato?
"Hindi, kakakita ko lang sa kaniya. Nandoon yan sa may likod ng puno nagtatago."
I eyed Sato at sinigurado kong tatagos ang tingin ko sa mga buto niya.
"Huh? Bakit?" Puno ng pagtataka na tanong ni Aldred, "Sinundan mo ba ako?"
Pansin ko ang pagtinginan ng mga taong nakapaligid sa amin. Agad akong nakadama ng pagkahiya at ilang. Imbes na sagutin siya sa tanong niya ay nakita ko na lamang ang kamay ko na humawak sa laylayan ng nangingitim na sando niya.
"Uwi na tayo," I said out of nowhere. Hindi ko alam kung saan ko hinugot iyon. Gusto kong bitawan ang damit niya ngunit may unknown force na pumipigil sa akin. Tinignan ko ang mukha ni Aldred. Meron siyang grasa sa pisngi. Basa rin ng pawis ang buhok niya.
"Uwi na tayo, please," I begged. Kumurap ng ilang ulit ang mga mata niya.
"Kuya Rupert pwede po bang mauna na ako?" tanong ni Aldred sa isang manong na medyo may pagkamalaki ang katawan. Gumuhit ang itsura niya sa memorya ko kaya't naalala kong nag-meet na kami dati.
"Pwedeng-pwede! Ikaw pa ba? Baka mapagalitan ako ng girlfriend mo kapag hindi kita pinauwi."
Humalakhak si Mang Rupert pati na rin yung ibang tao sa shop.
Binalik ko ang atensyon ko kay Aldred at naabutan ko ang namumula niyang mukha. Napahigpit ako ng hawak sa sando niya. Nahatak ko pa nga ata ito. Bigla kasi akong nakaramdam ng pakiramdam na hindi ko maintindihan.
"Don't mind what they're saying Arianne. Nagbibiro lang sila," paliwanag ni Aldred na hindi ko kailangan.
"Wala akong pake, hindi naman ako nagseselos," masungit pero mahina kong tugon.
Kinuha ni Aldred sa loob ng shop ang mga gamit niya. Naiwan pa roon si Sato noong umalis kami. Magpapa-maintenance daw kasi siya ng motor niya.
♦♦♦
"Anong ginagawa mo sa shop?"
"Nag-aayos ng mga motor."
Saglit akong napatigil sa paglalakad at tinitigan si Aldred.
"Totoo?"
"Oo, ano pa bang gagawin ko doon."
Nakahinga ako ng maluwag.
"Ba't magkakilala kayo ni Sato?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Dahil sayo."
Tumigil ako at tumango. Nilingon ko si Aldred na nasa likuran ko. Tila ba sinasadya niya na magpahuli.
"Alam ba ni Tita na may girlfriend ka na?"
Pansin ko ang biglaang pamimilog ng mata niya, "Huh? Hindi, wala naman kasi akong girlfriend," nakakunot kilay niyang tugon.
"Sino pinagloloko mo? Kakasabi lang nila kanina kaya. Tapos kaninang umaga sa may carinderia. Obvious ka, nilalayuan mo pa ako. Baka kasi makita tayo no? Na may kasama kang iba?"
Hindi tumugon si Aldred. Sa halip ay nakatitig siya sa akin bago kumamot siya sa batok niya at ngumisngis.
"Baliw," sambit niya na ikinataas ng kilay ko. Ngumiti si Aldred at nauna ng maglakad sa akin.
Sasabayan ko na sana siya pero bigla siyang nag-react na dahilan para makaramdam ng biglaang kirot ang puso ko.
"Huwag ka lalapit sa akin," saad niya na ewan at ikinalungkot ko.
"Okay," matamlay kong sagot. Marahil ay may girlfriend talaga siya at ayaw niyang pagselosin ito.
"Mabaho kasi ako, baka maamoy mo. Nakakahiya," Napakurap ang mga mata ko. Tinitigan ko si Aldred at nakita ko ang unti-unting paghaba ng nguso niya. Ang cute, bwiset. Nakakainis. Hindi ko maiwasang matawa sa sarili ko. Kung ano-ano ng pumasok sa utak ko pero ang babaw lang pala na dahilan kaya ganon siya umakto.
Nilapitan ko pa rin siya kahit todo layo na siya.
"Oo nga," saad ko noong maamoy ko ang pawis niya. Lalayo sana si Aldred pero agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghila sa polo niya.
"May baby powder ako dito. Gusto mo bang lagyan kita?" I offered. Aldred shifted his face sideways then nodded. Niyaya ko siya sa isang bench sa daan.
Pinaupo ko si Aldred saka sinimulang buhusan ng powder ang likod niya. Pagkapasok ko ng kamay ko sa likod niya ay napa-jerk siya. Hindi ko maiwasang mapangiti at maalala ang nakababata kong kapatid. Madalas ko kasing gawin ito sa kaniya noong lagi pa kaming magkasama.
Habang pinupunasan ko ng towel ang likod ni Aldred ay napansin ko ang pagiging stiff niya. Napatigil ako saglit para pakiramdaman siya.
Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil sa mga street lights. May ibang tao pero konti lamang sila. All in all tahimik naman ang buong kapaligiran. Sobrang tahimik dahilan para mapakinggan ko ang paghinga niya.
"Sobrang pagod ka ba?"
Bigla ay lumingon sa akin si Aldred at matinding umiling.
"Hindi, hindi ah!" saad niya saka lumunok ng matindi. Nakatitig ako sa adam's apple niya bago ko i-trace ang paningin ko patungo sa mga butil ng pawis na nagkalat sa namumula niya na mukha.
Aldred is really handsome and his appearance becomes ethereal when the moonlight shines over his face.
Nakita ko na lang ang kamay ko na galing sa likod niya ay pumunta sa bumbunan niya at hinimas ito.
"Ang cute," I blurted out of nowhere kaya napatigil ako. Inangat ni Aldred ang mukha niya at tumambad sa akin ang namimilog niyang mga mata na puno ng pagtataka. Dahil dito ay nakaramdam ako ng hiya. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya't tumikhim ako para mabura iyon.
"A—Ang cute ng pusa na dumaan. Ibig kong sabihin."
Lumingon si Aldred sa paligid.
"Wa—Wala na, tumakbo. Na—Nagulat ata."
Pansin ko na naguluhan siya pero tumango naman siya.
The hell Arianne, kanina pa na kung ano-ano lumalabas sa bibig mo.
"Okay na ako, thanks Arianne," nakangiting saad ni Aldred. Pagkatayo niya ay nagpatuloy na kaming maglakad pauwi ng hindi na nag-uusap.
♦♦♦