V4. CHAPTER 2 – Third Point
NO ONE'S POV
"Iyan ang next project mo, with Natalie, okay lang ba?"
"Okay lang po, sir. Thank you,"
Kasalukuyang nasa SOMA si Aldred para pag-usapan ang kaniyang next modeling project. Kaharap niya si Roel at ang yayamanin nitong mesa. Nasa 10th floor sila ng isang building sa likod ng Central Mall - ang Star Empire Tower. Ang Star Empire Tower ay pagmamay-ari ng pamilya Dalton na siyang nagmamay-ari rin ng Star One Entertainment o SOEnt. Ang SOEnt ang pinaka-ugat ng SOMA at isa ito sa pinaka kilalang talent company sa bansa.
"Pero himala a, pumayag ka sa project na'to. Okay na ba kayo ni Natalie?" Ngumisi si Roel na ininda lamang ni Aldred.
"This is a work matter sir. May mga issues man kami ni Natalie pero labas na 'yon dito. Pinagkatiwala niyo sa'kin 'to kaya gagawin ko yung trabaho ko."
Pumalakpak si Roel.
"Good, nice attitude. Dapat lang," saad niya saka siya tumayo. Lalapit sana siya sa may glass wall para tumingin sa labas pero naagaw ng pagbulong ni Aldred ang atensyon niya.
"Saka may pinag-iipunan ako..."
Naabutan ni Roel ang pagnguso ng binata, "Oh, ano naman 'yon?" nakangiti at curious niyang tanong.
"Huh? A—Ah, secret po Sir," nahihiyang tugon ni Aldred.
"Eh? Ano nga? Malay mo matulungan kita."
"No. Basta." Pumilig ng ulo ang binata.
Nangasim ang mukha ni Roel sa sagot ng alaga niya. Kilala niya si Aldred, mostly ng mga kinikita nito sa kaniyang part time modeling ay napupunta sa mga bagay na related sa games or anime figures. Ang gwapo ng alaga niya at ma-appeal pero aminado siyang isa itong weirdo. Itinatak na nga lang ni Roel sa utak niya na baka ganoon talaga 'pag matalino. May sariling mundo.
"Kunwari ka pa, for sure para kay Arianne 'yan ano?"
Agad namula ang pisngi ni Aldred, "Hindi po, ang kulit mo po sir," iritableng tugon ni Aldred na ikinatawa ni Roel.
"Okay, sabi mo e."
Saglit na namagitan ang katahimikan sa dalawa. Umupo si Aldred sa upuang malapit sa mesa habang nakatayo at nakatingin naman si Roel sa labas. Bigla siyang pumihit paharap kay Aldred nang may maalala.
"Anyway, kamusta na si Arianne? Bumabalik na ba 'yong memories niya?"
Dahil sa tanong na iyon ay biglaang naglungkot ang mukha ni Aldred at the same time ay nagtaka siya.
"Medyo...pero paano niyo po nalaman na nawalan siya ng alaala?"
Bahagyang ngumiti si Roel at sinabi sa binata ang koneksyon niya sa magulang ni Arianne.
"Nakausap ko yung mama niya. Nito ko nga lang nalaman na siya na pala yung anak ni Shan."
Namangha si Aldred sa narinig, "Magkakilala po kayo sir ni Tita Shan?"
"Yep, she's my colleague. We worked together as models before. Saka hindi mo ba alam na yung mama ni Arianne, si Shan ang isa sa mga pride ng agency natin noon. Siya yung dahilan kung bakit nakilala ang SOMA as one of the top modeling agencies here in our country."
"Wow, for real? Wala kasing nababanggit si Arianne tungkol sa mama niya. Even si Mama hindi naman nikikwento sa akin."
"Magkakilala si mama mo saka si Shan?" nagtatakang tanong naman ni Roel.
"Ah yes po, they are highschool friends.... Wait, ibig sabihin tumira pala si Tita Shan dito sa General City?"
Namamanghang tumango si Roel, "Small world indeed... Yeah, Shan's originally from here, actually the Arevalo-Fernandez almost owned this entire city may mga nangyari lang kaya kinailangang nilang bitawan yung mga ari-arian nila at mag-migrate sa ibang bansa."
"For real sir? Ganoon kayaman sina Arianne?"
"Yeah, dati. Pero mayaman pa rin naman sila ngayon. Hindi nga lang katulad noon."
Biglang nanahimik si Aldred at tila ba nag-iisip. Tinitigan siya ni Roel at nangisi. Tatlong taon na silang magkakilala ng alaga niya at kilala niya na ito kaya naghanda siya sa susunod na weirdong tanong na lalabas sa bibig nito.
"Sir, since kilala mo po yung mama ni Arianne, sa tingin mo ba okay ako sa kaniya? Magugustuhan niya kaya ako para kay Arianne? Hindi naman kasi kami ganoon kayaman. Baka mas preferred ni Tita Shan yung mga ka-level nila. Paano po ako?"
Sobra ang pag-aalala sa mukha ni Aldred pero imbes makisimpatya ay napahalakhak si Roel.
"Naisip mo talaga iyan a. Pero oo nga ano!" Ipinatong ni Roel sa naka-check niyang kanang kamay ang kaniyang baba at umaktong nag-iisip, "Naalala ko, ipinagkasundo nga rin pala si Shan dati kaya hindi malayong mangyari rin iyon kay Arianne."
Nagdilim ang mukha ni Aldred sa narinig. Agad pumasok sa utak niya ang mga posibleng mangyari dahilan para malayo si Arianne sa kaniya.
"Pero gwapo ako saka matalino sir, hindi pa po ba 'yon sapat?"
"50% may chance. Pero syempre sa mayayaman na pamilya kailangan may pera ka rin, may-ari-arian, tagapagmana ng kung ano o kaya may business... Nakakapanuod ka naman siguro ng mga telenovela di ba? Ganoon ang kalakaran sa mundo ng mga elitista."
"E paano kapag mahal naman namin ni Arianne yung isa't-isa. May magagawa ba sila?" nagaalala at naiinis na tanong ni Aldred. Dahil sa itsura niya ay pigil na natatawa si Roel. Hindi niya inakalang ganito ang magiging reaksyon ng kaniyang alaga sa pagbibiro niya.
"Mapapakain ba si Arianne ng love mo? Baka ikaw pa nga pakainin niya e."
"E di magtatarbaho ako ng maigi para magkaroon ako ng maraming pera."
"Sige, pero ano bang plano mo sa buhay a? Magka-college ka na pero hindi mo pa sa akin sinasabi kung anong plano mong maging. Nakapag-isip ka na ba?"
Nag-pout si Aldred at umiling. Dahil sa reaksyon niyang iyon ay nauwi sa pagbuntong hininga ang ginagawa ni Roel.
"Balewala 'yang pagiging matalino mo kung hindi mo naman alam kung saan mo dadalhin. Minus 25% na 'yan kay Shan sige ka."
Naglungkot ang mukha ni Aldred sa narinig. Wala siyang masabi kay Roel dahil alam niya sa sarili niyang wala pa talaga siyang napupusuan na gawin sa buhay maliban sa pagmamahal niya kay Arianne.
Mawawalan na sana siya ng pag-asa hanggang sa maalala niya yung mga pinapanuod ng mama niya na telenovela
"Paano kapag nabuntis ko si Arianne? May magagawa pa ba sila?" Inosenteng tanong ni Aldred na nagpakati bigla ng lalamunan ni Roel. Napa-ubo siya ng ilang ulit to the point na kailangan niyang uminom ng tubig para malinis ang lalamunan niya.
"Oy! Oy! You're not thinking of doing— sheesh Aldred, iyan ang 'wag na wag mong gagawin sira ulo ka."
"Bakit hindi? I've decided. That will be my last resort kung tututol sila sa akin. Hmmp! I'll do anything kapag ayaw nila sa akin," nakanguso pero ngayon ay seryoso ng sabi ni Aldred. Napailing na lang si Roel. Sinisisi ang sarili dahil ang kalokohan niya ang dahilan kaya pumasok iyon sa utak ng bata.
"Niloloko lang kita kaya kalimutan mo na 'yang ganyang balak ah. Mabuting tao yung mama ni Arianne at alam kong alam iyon ng mama mo. Hindi tumitingin sa estado ng tao ang pamilya nila kaya yung engage-engage hindi 'yon totoo. Niloloko lang kita, okay? Niloloko lang kita. Kaya never never ever mong gagawin 'yang makamundong balak mo dahil may kakilala akong ganyan ang ginawa pero hindi maganda ang pinagdaanan nila."
Bumalik ang liwanag sa mukha ni Aldred, "Talaga sir? So overall okay lang ako kay Tita Shan?" bumalik ang saya at ningning ng mga mata ni Aldred.
Tumango si Roel, "Basta sure ka na mahal ka ni Arianne."
"Oo naman, mahal niya po ako. Nakalimutan niya lang po ngayon pero maaalala niya rin."
"Paano kung hindi na niya maalala?"
Nagsimangot muli si Aldred, "Maaalala niya."
"Paano nga kung hindi?"
"Ipapaalala ko po."
"E kung di niya pa rin maalala?"
"Ang kulit mo sir, e di gagawin ko na po yung ayaw mong gawin ko!"
"Hoy siraulo! Ako mismo ang unang sasapak dyan sa pagmumukha mo kapag ginawa mo 'yon."
"Hmmp!" Aldred rolled his eyes. Napanganga na lang si Roel. Parang pagod siya na umupo sa kaniyang mamahaling silya. Pumangalumbaba siya sa magkapatong niyang kamao at napangiti noong may maalala.
"Oy, narinig ko pala yung nangyari sa play niyo ni Natalie a? Nag-kiss kayo? Wow. Baka kaya hinimatay si Arianne?"
"Part lang 'yon ng play. Hindi naman 'yon yung dahilan."
"Sure ka ba?" Bigla ay nagseryoso ang mukha ni Roel pero agad din naman itong umaliwalas, "E ikaw? Hindi ka rin naman part ng play di ba? Bakit ka nasali roon?"
Hindi kaagad nakasagot si Aldred. Napatitig siya kay Roel bago napabuntong hininga. Magsasalita na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto ng opisina.
Nagbukas ang pinto at si Natalie ang nasilayan nila. Napalingon si Natalie kay Aldred bago ituon kay Roel ang kaniyang atensyon saka lumapit dito.
"Good morning, sir. Good morning, Aldred."
Bigla ay umihip ang hangin na nagngangalang awkwardness sa loob ng naka aircon na silid. Tumayo si Aldred para ibigay ang upuan ngunit tumanggi si Natalie.
"Good morning Nat," tinignan ni Roel mula ulo hanggang paa ang dalaga, "Looking good a, mukhang alam mo na magkikita kayo ni Aldred."
Masama man ang naging tingin ni Natalie sa manager niya ay di parin natago nito ang biglaang pamumula ng kaniyang mga pisngi.
"Anyway, nice timing," ngumisi si Roel sabay abot kay Natalie ng isang folder na may laman ng kanilang gagawin at kontrata.
"Na-discuss ko na kay Aldred at nakapirma na rin siya. Ikaw, basahin mo muna 'yan then I discuss it to you para maliwanag ang lahat."
Imbes na tumugon ay kumuha si Natalie ng ballpen sa may desk ni Roel at walang ano-ano'y pinirmahan ang kontrata.
"If it's okay to him then it's fine for me too," saad ni Natalie sabay tingin kay Aldred, "You believed in us sir, so I also believe in you. Hindi mo naman kami aalukin ng kung ano-ano lang di ba?" Ibinalik ni Natalie ang folder kay Roel.
"O—Of course!"
Napataas ang tonong sagot ni Roel dahil nagulat siya sa ikinilos ni Natalie. Pagdating kasi sa mga ganitong bagay, kahit na bata pa si Natalie, ay mabusisi ito sa kaniyang mga pinapasukang transaction.
"Bali okay na kayong dalawa a. Isa na lang ang hahanapin ko."
"Isa na lang?" Sabay na tanong ni Aldred at Natalie. Nagkatinginan sila bago parehong ilipat kay Roel ang kanilang mga mata.
"Yep, this is originally a three-person project. Hindi mo ba nabasa Aldred?"
"Ahhh..." Umiwas saglit ng tingin si Aldred bago ibalik ito kay Roel, "Hehe, I also believe in you Sir," nakangiwing saad niya. Parehong naningkit ang tingin sa kaniya ng dalawang nasa silid.
"Mukhang nangangailangan ka talaga ng pera a..." saad ni Roel na nagpataka kay Natalie, "Anyway, yes, this is a three-person project. I need another girl ang problema hindi pa ako nakakahanap kaya walang definite date 'tong nasa contract."
"Ha?" gulat na tanong ni Aldred.
Natawa si Roel, "Hindi mo rin nabasa ano?"
Bigla ay parang nagbilang si Aldred sa kaniyang mga daliri.
"Bakit hindi po kayo makahanap sir? Nandyan sina Joyce, si Kathleen, etc. Ang dami nila na pwede naming makasama," suhestyon ni Natalie.
"Kung pwede nga lang, pero may ibang balak ang kompanya. The company needs someone new, someone na makakasabay kaagad sa karisma niyong dalawa. A new rising model."
"Really? Bakit naman?" reaksyon ni Natalie, kind of sharp.
"Baka papalitan ka na?" saad ni Roel. It was meant to be a joke pero naging dahilan lang ito ng mas pagdilim ng mukha ni Natalie. Kahit si Aldred ay natakot sa reaksyon niya. Agad naman binawi ni Roel ang sinabi saka humalakhak ng matindi.
"I mean you already transitioned as a pro. Alam mo naman Nat kung nasa anong industry tayo. From time-to-time kailangan ng new faces."
"Naiintindihan ko naman po sir, ayoko lang ng tabas ng dila mo," masungit na sabi ni Natalie, "The company can do whatever they want, basta ako gagawin ko yung best ko para sumunod sa yapak ni Ate Candice."
Napatango si Aldred habang nakatitig kay Natalie. Simula noong magkakilala sila nito ay doon niya rin nalaman kung gaano kinahahangaan ng co-model niya ang senior nila. Nainis man si Aldred sa kaartehan ni Natalie noon pero hindi niya maitatanggi ang paghanga sa pagiging pursigido nito. Kahit nanggaling si Natalie sa makapangyarihang pamilya ay kahit kailan ay hindi nito ginamit ang impluwensya ng apelyido nila. Nag-audition ito, nagsimula sa baba at unti-unting umangat at ngayo'y isa na sa mga prize model ng SOMA.
Habang nakatingin si Aldred kay Natalie ay na-realize niya na malaki talaga ang pinagbago nito kagaya noong nasabi ni Roel sa kaniya. Hindi na siya nito ginugulo, hindi na rin pinagsisiksikan ni Natalie ang sarili sa kaniya.
"Hey, hehehe, Natalie may narinig ako a. Doon sa play, balita ko nag-kiss kayo ni Aldred?" tanong ni Roel kahit alam na niya ang sagot. Ngumuso-nguso pa siya kaya mas obvious na nangaasar lamang siya.
"Part 'yon ng play," maiksing sagot ni Natalie.
"Talaga ba? Sa pagkakaalam ko wala 'yon sa script e hehe. Galing mo doon Nat a, nakapuntos ka. Di ba Aldred?"
Namula si Natalie dahil sa hiya at the same time inis sa manager niya. Tinignan niya si Aldred at nagkasalubong ang mga mata nila. Tila nagulat pa nga ito kaya agad ay napaiwas ng tingin at bumaling kay Roel.
"Mauna na ako sir," saad ni Aldred.
"Hey, mamaya na, kain muna tayo, treat ko," pagpigil ni Roel.
"As much as I want to sir pero I need to decline and excuse myself po muna. May kailangan kasi akong bilhin sa Central Mall, saka kailangan ko pong umuwi ka agad."
"Talaga ba? Okay, sige next time. Ikaw Nat? Dadating si Candice mamaya."
"Re—Really? Hmm, I'm—I'm sorry Sir pero kasi ano I decline din po muna. May pupuntahan din po kasi ako."
"Ouch, rejected," madramang humawak si Roel sa kaniyang dibdib, "Sino 'yan Nat? Mukhang may mas mahalaga na kay Ate Candice mo a."
"H-Huh?" gulat na reaksyon ni Natalie, "Hindi, wala po, Aldred pwede ba akong dumalaw kay Arianne?" biglang lihis ni Natalie ng usapan.
"Ah yes, gusto mo sumabay ka na sa akin? Bibili lang ako saglit ng libro sa may bookstore."
"Okay sige. Ayan sir, pupunta ako kina Aldred para dalawin si Arianne."
"What?"
"Pupunta ako kina Aldred, I said."
"Wait, what? Di ba hindi kayo vibes no'n? Saka bakit kina Aldred?"
"Oh, hindi ko pa po ba nasasabi sa'yo sir? Arianne lives in our house," saad ni Aldred na agad ikinagulat ni Roel.
"What?!" hindi makapaniwalang reaksyon ni Roel
"Nasa bahay nga rin ngayon si Tito Alex yung papa po ni Arianne."
"WHAAAAAT?!"
♦♦♦