Baixar aplicativo
60.82% Love Connection [Tagalog] / Chapter 59: CHAPTER 45 - Fluttering

Capítulo 59: CHAPTER 45 - Fluttering

CHAPTER 11 - Fluttering

ALDRED'S POV

"Hey,"

Natapos ang ikalawang araw ng JFEvent at iniwan ako nitong nakabusangot. Sino ba naman kasing hindi maiinis lalo na't excited pa naman akong nag-abang pero hindi naman sila lilitaw.

"Hey, why are you so grumpy?"

Gabi na at kasalukuyan akong naglalakad pauwi nang mapahinto at mapalingon ako sa aking katabi. I know she knows the answer to her question. She just wants to tease me and yes, she did well at it because I feel more irritated.

Anak ng kamote.

Balak ko sana siyang sungitan ngunit paano ko iyon magagawa kung ang napakaganda niyang mukha ang nakaharap sa akin? Nagsimangot na lamang ako sa kawalan dahilan para humagikgik siya.

God, she's so beautiful, her laugh is such an ear candy that I will surely play over and over if only ever it has an mp3 version.

"Bakit hindi mo sinabi na hindi naman pala sila tutugtog ngayong gabi?" nakanguso kong tanong.

"Hindi ka naman nagtanong e," tugon niya dahilan para magsingkit ang mga mata ko.

Impit na tumawa si Arianne at ang cute niya. Nakakagigil yung sagot niya pero mas nakakagigil siya kaya't pinigilan ko ang aking sarili't iniwas na lamang ang aking tingin. Nilibot ko sa paligid ang aking nga mata at doon ko lamang napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga tao.

Dahil doon ay ibinalik kong muli ang aking tingin kay Arianne. Maaliwalas ang kaniyang mukha't parang walang inaalala. Nakakagulat dahil parang di niya alintana yung mga nakatingin sa kaniya at tila nga hindi niya napapansin ang mga ito.

These past few days ay may pagbabago sa pakikitungo ni Arianne sa akin. I don't know if it was just my imagination but she's starting to talk to me... in a different way? I can't explain how but we're starting to have a connection. We are starting to act and talk like friends, which of course is good.

Nagpatuloy si Arianne sa paglalakad habang ako naman ay naiwang nakatingin sa kaniyang likuran. Nawala ang irita ko at napaawang ang aking bibig. Ngayon ko lamang natitigan ng maigi ang likod ni Arianne at kahit loose nga ang uniform nila ay naagaw ang atensyon ko ng lower body niya…

"Arianne," tawag ko sa kaniya. Pumihit siya paharap sa akin na nakasalubong ang dalawang kilay.

"What?" matalas na pagkakatanong niya pero dahil sa liwanag ng mga establisyimento ay nakita kong nakangiti siya.

Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang aking nais sabihin o tanungin. Nag-isip ako saglit bago ko ma-realize na friends na naman na kaming dalawa kaya baka okay na kung ituloy ko.

"Arianne ano yung vital stats mo?" tanong ko na biglang nagpabago sa ekspresyon niya. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Arianne at napalitan ito ng pagngitngit. Parang sinilihan ang mukha niya habang bumabaon ang tingin sa akin.

Pansin ko na parang natawa naman yung mga taong nasa paligid.

"Ngayon ko lang kasi natignan ng maigi yung likod mo. Na-curious tuloy ako kung anong sizes ng bust, waist saka hips mo. Ang sexy mo kasi e," pagpapatuloy ko habang nakapatong ang aking baba sa naka-check kong kamay.

Mabibigat na yabag ng mga sapatos ang isinagot sa akin ni Arianne. Pagkalapit niya ay malakas niya akong hinampas ng shoulder bag sabay takbo ng mabilis.

Ang sakit at halos ma-out of balance ako. Nang makabalik ako sa focus ay mabilis kong hinabol si Arianne na nakita kong tumungo sa loob ng convenience store. Pumasok ako at naabutan ko siyang humahangos.

"Huwag kang lalapit sa'kin!" pasigaw niyang sabi dahilan para magtinginan lahat ng tao. Kusang umatras ang mga paa ko dahil sa pagkabigla.

May nagawa ba akong masama?

Napatanga sa amin lahat ng nasa loob ng convenience store. Mukhang napansin iyon ni Arianne dahil napaikot siya ng tingin. Marahan siyang yumuko at nakita ko ang panginginig ng kamay niya. Humakbang si Arianne pa-abante sa akin at katulad noong nakaraan ay humawak sa laylayan ng damit ko. Dumikit siya at nahihiyang nagtago sa aking tabi.

"Oya Boy S, nag-aaway ba kayo ng syota mo?" tanong ni Mang Rupert na bigla na lang sumulpot sa aming gilid. Ito ang convenience store papasok ng street namin kaya't kakilala ko ang halos lahat ng mga costumer dito.

"Hindi po kami nag-aaway, saka hindi ko nga po siya girlfriend," iritable kong tugon kahit gaano pa kaganda sa pandinig ko yung mga sinabi ni Mang Rupert.

Humawak si Arianne sa aking braso dahilan para ma-bother ako, of course in a good way. Pinakiramdaman ko ang kamay niya at ang parang mga kandila nitong daliri. Ang lambot noon at ang init. Humaplos iyon sa aking braso at katulad sa isang genie na nasa lampara ay parang may lalabas na usok sa sistema ko.

"Nagbibinata na ang Boy S natin ah, bigyan nga ng siopao 'yan," biro ng isa sa mga crew dahilan para magtawanan ang iba.

Napatingin ako sa aking tabi nang maramdaman kong biglang humigpit ang hawak ni Arianne. Sa tingin ko'y di niya na napapansin ang aksyon niya dahil nalulukob siya ng hiya. Halos isubsob niya na nga ang mukha niya sa aking biceps nang magtawanan yung mga tao.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"Uwi na tayo, please," mahinang tugon naman niya.

Lumabas si Arianne ng convenience store habang ako nama'y naiwang bumibili. Kumuha ako ng mineral water para sa kaniya. Saglit akong napatigil at napaisip kung ano naman ang kukunin ko para sa akin. Yogurt juice na mango o green apple, pwede rin namang strawberry?

"Ito Boy," turo ni Mang Rupert.

Tinignan ko siya ng masama, "Redbull?" tanong ko. Tumango si Mang Rupert.

"Para sa tunay na lalaki," aniya kasabay ang mabigat na paglapat ng kaniyang kanang kamao sa kaliwa niyang dibdib. Humalakhak siya na natigil noong dumating si Ate Angge.

"Ano ba 'yan Mang Rupert 'wag mo nga po ituro kay Aldred 'yang mga kalokohan mo," pagsita ni Ate Angge saka binuksan ang ref at kinuha ang tatlong variety ng yogurt juice drink.

"O iyan libre ko 'yan sayo, bigyan mo rin si Monique ah. Huwag kang kukuha ng itinuturo ni Mang Rupert kasi hindi maganda sa katawan 'yon," bilin ni Ate Angge.

"Adult na naman po ako ah," katwiran ko kay ate at dahil dito ay siningkitan niya ako ng tingin.

"O adult nanaman pala si Boy S e, pwede na 'yan," sabat ni Mang Rupert.

Kasalukuyan kaming tatlo na nakatayo sa tapat ng hilera ng mga juice drinks.

"Tumigil ka nga po Mang Rupert ah. Saka ikaw Aldred kinse ka pa lang at kahit na maging adult ka na 'wag ka iinom niyan kasi bad sa health 'yan."

"Eh! Ang bata mo pa pala? Patay tayo dyan," reaksyon ni Mang Rupert.

"Bakit naman patay?" nagtataka kong tanong.

Tumingin si Mang Rupert sa labas, specifically kay Arianne. Tatlo kami ay nakatingin sa kaniya habang nag-aabang sa sasabihin ni Mang Rupert.

"Yung tipo kasi ng syota mo mas bagay sa mga 5 years older sa kaniya. Yung gwapo na matipuno, malakas dating, matured saka malakas stamina. E ikaw batang-bata pa. Pustahan tayo ayaw niya sayo no?" bitaw ni Mang Rupert na tipong nambubuyo.

Napaisip ako. Tama naman na ayaw nga sa akin ni Arianne. Muli ay tumingin ako kay Arianne sa labas at naalala ko si Sato. Dahil sa kaniya ay first time kong ma-insecure sa buong buhay ko.

"Pero gwapo po ako saka manly naman ako ah," sabi ko sabay pakita ng aking biceps, "wala nga lang akong abs... malakas din dating ko kasi marami akong fangirls, may nag-message pa nga sa akin dati na gusto niyang buntisin ko siya,"

Natawa si Mang Rupert habang di naman maipinta ang mukha ni Ate Angge. "Genius ako, matalino, iba ba 'yon sa mature?"

Tumango si Ate Angge at Mang Rupert.

"Saka ano naman kinalaman ng stamina para magustuhan ako ni Arianne?" nagtataka kong tanong.

Tinignan ko si Mang Rupert pati si Ate Angge. Sasagutin sana ako ni Mang Rupert pero nakatikim siya ng hampas mula kay Ate.

"Huwag ka na nga makinig dito kay Mang Rupert," saad ni Ate Angge saka kinuha ang mga bibilhin ko, "Ito na lang tandaan mo baby boy a, siguro nga naa-attract tayo sa nakikita natin pero mahalaga pa rin yung kung ano ang nasa loob. Arianne is kind of introverted which can also mean that she's a sensitive person. You're a nice boy at ipagpatuloy mo lang 'yon dahil kapag napadama mo iyon sa kaniya ay siguradong magugustuhan ka rin niya," sabi ni Ate Angge sabay kindat bago siya pumila sa may cashier. Nilingon ko naman si Mang Rupert para sa reaksyon niya.

"Oo na, alam ko naman, sa tingin mo magugustuhan ba ng magandang asawa ko ang pangit na ako kung hindi ako mabait. Siyempre Boy, ugali pa rin ang mahalaga, tandaan mo 'yan," sabi ni Mang Rupert sabay tawa. Masakit sa tenga ang boses niya ngunit nagawa nitong itaas ang confidence ko.

"Salamat Mang Rupert," sabi ko na nagpangiti sa kaniya bago umakbay sa akin.

"No problemo Boy pero, isang tanong lang," mahina niyang sabi.

"Sige po," tugon ko naman.

"Tuli ka naman na di ba?" Agad nagkunot ang noo ko dahil sa tanong na iyon.

"Oo naman po!" napalakas ang aking boses dahil sa pagkabigla. Nagtinginan ang mga costumer sa direksyon namin.

"Okay good, binabawi ko na iyong sinabi ko kanina. Pagbutihan mo lang mai-inlove din sayo 'yang chicks mo. Kung tutuusin kumpletos rekados ka na hahasain na lang. Mukha ring malaki ang kargada mo e. Galingan mo a, mag-aabang ako dapat magkaroon ka na ng babe mo. Puntahan mo ako sa motorshop kapag may tanong ka," pabulong na sinabi ni Mang Rupert bago ako iwan. Sinundan ko siya ng tingin dahil may ilang katanungang nabuo sa utak ko. Binati niya si Arianne nang makalabas siya na awkward ring tinugunan nito.

Sabay-sabay na kaming tatlo nina Ate Angge na umuwi. Nag-uusap sila ni Arianne habang ako naman ay naglalakad ang utak sa kawalan. Iniisip ko ang ilan sa mga sinabi ni Ate Angge at Mang Rupert kanina.

Kakaiba rin talaga ang araw na 'to. Akalain mong napadpad ako sa convenience store tapos biglang may matututunan ako sa buhay. Ang simple ng pangyayari pero ang laki ng impact sa akin para mapaisip ako.

Am I not maturing enough? How am I going to be mature?

Muli ay naalala ko si Sato at ang rebelasyon sa akin ni Arianne na muntik niya na itong sagutin. Inaamin kong unang kita ko pa lamang sa kaniya kasama si Arianne ay kinabahan ako bigla. Mas gwapo ako sa kaniya pero feeling ko kahapon ay walang-wala ako. Lalo ko pa iyong naramdaman noong magsalita na siya.

"Oy," Arianne called. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng aming bahay at nagpaalam na pala si Ate Angge.

Pagkapasok namin ng bahay ay naroon si Monique sa may sala at nanunuod ng balita. Binigay ko sa kaniya ang green apple flavored yogurt juice at tuwang tuwa naman siya. Lumabas si Mama ng kusina saka inaya kaming dalawa ni Arianne na kumain na.

Alas nuebe na kami ni Arianne nakauwi dahil 8:30 kasi natapos ang programa. Walang hilig si Monique sa mga ganoon kaya nauna siya sa bahay. Habang kumakain ay malayo pa rin ang nasa isip ko. This time ay tungkol naman sa kung paano ko mapapatunayan kay Arianne na mahal ko talaga siya kahit na hindi nag-apply sa akin yung mga sinabi niya.

Gusto kong magtanong kay Carlo pero ni-dismiss ko na. Sa dami kasi ng naging gf niya ay napaisip ako kung may love ba talaga sa mga 'yon? Si Jerome sana pero sa pagkakaalam ko'y wala pa siyang naging girlfriend. He knows something about love pero mula iyon sa bible which I think is eternal love pero ang kailangan ko kasi ay opinion tungkol sa romantic love.

"Hello?" bungad ko nang sumagot na ang tinawagan ko. Nasa may tapat ako ng aking desktop computer noong tawagan ko si Ate Bianca.

"Oh, hey Aldred, hi! Good evening," bati ni Ate Bianca.

Nang sabayan niya ako kanina patungo sa booth nila ay hiningi ko ang numero niya. Hindi ko ugali ang manghingi ng kung ano-ano lalo na ng number ng isang babae pero she's Arianne's friend and she gladly approves of me kaya siyempre dapat maging kaibigan ko rin siya.

"Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Huhhh?" Isang salita pero mahaba at mabagal ang pagkakabanggit. Sunod ay nakarinig ako ng impit na pagtawa.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" balik na tanong ni Ate Bianca habang ngumingisngis.

Dumikwatro ako ng upo saka nakapangalumbaba na sinagot siya.

"Manghihingi lang ako ng advice, pero syempre doon lang sa nagka-lovelife na ah. Kaya iyon ang bungad ko sayo," katwiran ko.

"Oh, sabagay nga naman..." saglit siyang tumigil bago nagsalita muli, "Ibig sabihin hindi ako yung tamang tao para sayo," dagdag niya.

"Hay, ganun ba? So wala pa talagang nagkaka-boyfriend sa inyong tatlo?" Napakunot ako ng kilay.

"Ewan," tugon niya saka humalakhak na ipinagtaka ko, "baka girlfriend meron."

"What? For real?!" napatayo ako bigla.

"Joke lang," lumakas pa ang halakhak niya. Hindi ko naman kasi maiwasang ma-shock lalo na at posible talaga ang ganoong set up dahil sa environment nila.

"Bakit hindi mo tanungin si Natalie? Kung tutuusin parehas naman kayo ng estado," nang-aasar niyang suhestyon na tinugunan ko ng walang ganang ekspresyon.

"Ha-ha," reaksyon ko at humagikgik siya. Muli ay umupo ako.

"Pero seriously, bakit sa iba ka pa magtatanong kung meron ka namang pwedeng pagtanungan dyan?"

"Huh?"

"Hello? Si Mama mo saka Papa mo ang ibig sabihin ko," aniya na parang pumukopok sa utak ko.

Ngayon ko lang na-realize ang noon ko pa dapat na napag-isipan. Oo nga't bakit sa iba pa ako naghanap kung nandyan naman ang mga magulang kong nagmamahalan at parehong pinalaki kami ni Monique sa pagmamahal.

Ayon kina Mama at Papa ay hindi naman nila talaga mahal ang isa't isa noong una. Nagsama sila dahil sa isang tradisyon at na-engage sila dahil dito. Kahit mahirap lalo na't may iba silang gusto noon ay wala silang nagawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran. Habang tumatagal na silang nagkakasama ay unti-unti rin nilang nakilala ang isa't-isa. Unti-unti silang natuto at unti-unti ring umibig.

♦♦♦

ALDRED: Hey Arianne, are you still awake?

Nag-message ako kay Arianne.

ARIANNE: Yep.

Kasalukuyan na akong nakahiga sa aking kama.

ALDRED: Pwede ba kitang tawagan?

ARIANNE: Yep.

Dahil sa ngayon lang ako nagmi-message ay ngayon lang ako nakaka-relate na nakakainis pala talaga kung ganito kaiksi mag-reply ang kausap. Buti nalang at mahal ko si Arianne kundi ay mawawalan siguro ako ng gana na kausapin siya.

Nagpa-load ako noong nakaraan at may P500 pa nga akong balance. Natira iyon dahil nalaman ko na pwede palang mag-unlicall. Ngayon, dahil nasa bahay kami ay may wifi naman, nito ko lang din nalaman na pwede naman palang tumawag sa messenger… pwede nga ring videocall pero sa susunod na lang.

Kinuha ko ang aking chicorita na stuff toy saka niyakap ito.

"Arianne, sorry pala kanina. Kala ko kasi normal lang na tinatanong 'yong bagay na iyon e," pagpapaumanhin ko ukol sa pangyayari kanina.

"Tss, okay tinatanggap ko na sorry mo basta sa susunod huwag ka na magtatanong ng mga ganoong bagay lalo na sa public place."

"Hindi na, promise," nakangiti kong sabi habang nakapanata ng kamay kahit na hindi niya naman ito nakikita.

"Pero a..." saglit siyang tumigil at tila nag-isip, "Wala ka namang iniisip na kakaiba noong tinanong mo 'yon di ba?"

Nagtaka ako, "Paanong kakaiba?"

"Wala, never mind."

Nag-usap kami ni Arianne tungkol sa pangyayari ngayong araw. Tinanong ko rin kung gusto niya na sabay kaming pumasok bukas na sinang-ayunan naman niya.

"Arianne ang unfair naman, nabalitaan ko na nagkaroon ka ng photo event sa booth niyo tapos maraming nakapagpa-picture sayo," patampo effect kong sabi. Kung iisipin ay kung hindi ako ang nasa sitwasyon na ito ay maiirita ako sa aksyon ko.

"Ah iyon ba, si Bianca kasi e, na-trip-an akong pasuotin ng ginawa niyang costume para tumaas yung sales namin."

"Hindi na ba 'yon mauulit? Gusto ko rin kasing magpa-picture sayo."

"Pero may picture nanaman tayo na magkasama a,"

"Oo meron na nga, kaya lang gusto ko rin nang ganoon, naiinggit ako. Ano, Arianne sa inggit ko nga may nagawa akong kasalanan."

"Naiinggit ka? Siraulo. Ano naman yung nagawa mo?"

"Pinunit ko yung picture ng kaklase ko na nakapagpa-picture sayo, iyon galit siya sa akin."

"Eh?! Baliw ka ba? Anong sabi mo sa kaniya?"

"Ah hehe, sabi ko papakiusapan kita na magpa-picture uli sa kaniya e. Sorry nadamay pa kita pero okay lang naman kung ayaw mo."

"Baliw, oo ayoko talaga. Bahala kang ayusin 'yang ginawa mo."

Nag-usap kami ng iba pang mga bagay. Yung play nila Natalie, yung horror booth at mga banda. Hindi ko muna isiningit yung napagusapan namin kanina sa horror booth dahil nage-enjoy akong kausapin siya nang ganito lang, nang walang topic tungkol sa pag-ibig.

"What do you think about my vampire prince costume? Ang gwapo ko di ba?"

Narinig ko ang pagtawa niya.

"Ang yabang mo talaga pero oo gwapo ka nga sa costume mo."

"Kapag ako ba yung vampire tapos kakagatin kita magpapakagat ka sa akin?"

Muli ay tumawa siya, "Hindi, baliw ka ba? Parang may rabies ka kaya baka mahawaan mo pa ako."

Napasimangot ako.

"Ibig sabihin sa iba magpapakagat ka?"

"The hell, ang cringe, no of course! Kadiri nito tinawagan mo ba ako para lang mag-usap ng ganyan?"

Mukhang nairita siya't naiinis niya akong tinugunan at tinanong na agad ko namang sinagot.

"Hindi, hindi. Sorry…"

"Ano?" matalas niyang tanong.

Napabuntong hininga ako.

"Kasi, Arianne, sorry," nabulalas ko na lang uli.

Hindi ko akalain na pwede pala akong maging ganito. Ayokong mainis sa akin si Arianne kaya't agad akong humingi ng tawad.

"Bakit ka nagso-sorry?" tanong niya. Pansin ko ang pagbagsak ng tono ng boses niya.

Saglit akong napatigil at napaisip, "Baka kasi galit ka," sagot ko.

"Hindi ako galit."

"Tumaas kasi yung tono ng boses mo kanina kaya akala ko galit ka."

"Hindi nga ako galit," naiiritang ulit niya.

"Okay," sabi ko na lang. Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.

"Magulo ba akong kausap?" tanong niya na ikinabigla ko lalo na at ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya.

"Hindi. Hindi ikaw, ako. Magulo akong kausap," sabi ko out of nowhere. Nalito kasi ako sa kung anong isasagot ko sa kaniya.

"Naguguluhan nga ako sa sarili ko sa totoo lang. Hindi naman kasi ako talaga gan'to. Hindi ako palakausap," paliwanag ko.

"Naiistorbo ba kita?" tanong ni Arianne na nagpailing sa akin.

"Hindi a! Ako yung tumawag sa'yo e! Dapat ako yung nagtatanong… Naiistorbo ba kita?" balik ko sa kaniya. Hindi ko na alam tuloy kung saan pa ba papunta 'tong usapan namin.

"Hindi rin. A-Ano A-Al-Aldred. Ano bang g-gusto mong pi-pinaguusapan?"

Napahigpit ako nang akap kay Chicorita nang tanungin niya ako.

Ano bang gusto kong pinaguusapan?

"Kung makikipag-usap ako dati sa iba, it's all about science, math, academics, trivias and games. Yung mga pang-intellectual na usapan, yung sinasabi nilang may sense. Pero ngayon kapag ikaw okay lang na ganito. Siguro ito yung epekto nang pagiging inlove ko sayo," paliwanag ko. Wala akong nagawa kundi ipasok ang usapin tungkol sa pag-ibig ko sa kaniya.

"So ibig mong sabihin nabobobo ka 'pag kausap mo ko?"

Nabigla ako sa konklusyon niya't natawa.

"Hindi, hindi naman sa ganon."

"Baka naman kasi wala akong sense kausap?"

Pigil akong natawa.

"No way, sa lahat ng nakausap ko honestly ikaw yung pinaka may sense. Yung tipong siguro kaya ako ganito kasi kahit walang sense na usapan kapag ikaw yung kinausap ko may sense. Gusto ko marinig yung opinyon mo sa pinakawalang kwentang bagay. Baka nga gusto ko lang marinig yung boses mo kaya kahit ano kung pwedeng oras-oras kakausapin kita. Naguguluhan ka siguro, pasensya na pero hindi ko ma-explain nang maigi pero ito talaga yung nararamdaman ko."

Pagkatapos kong magsalita ay naging tahimik si Arianne. Marahil ay nahabaan siya sa eksplanasyon ko't nakatulog siya.

"Ar—"

"So ibig mong sabihin..." Narinig ko ang paglunok at pagtikhim ni Arianne, "Ibig mong sabihin kapag ako yung kausap mo..." Muli ay tumikhim siya, "may sense lahat ng bagay?" dama ko ang hiya niya sa tono ng tanong niya.

Marahan akong napangiti dahil sa tanong niya, "Oo, ganon na nga."

Saglit bago muli siyang nagsalita.

"Okay, hmmm... Aldred sige ah, matutulog na ako. Maaga pa kasi tayo bukas di ba? Hmmm, g-good night, sweet d-dreams," sabi niya na hindi ko na nagawang tugunan pa dahil bigla niya na lang pinutol ang tawag.

Gusto ko pa sana siyang maka-usap pero siguro ay kailangan niya na talagang matulog. Anyway, kahit na bigla niya na lang akong pinatayan ng tawag ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang unang pagkakataon na siya ang unang nag-good night sa akin at may pa-sweet dreams pa.

Good night din Arianne and sweet dreams too.

Nakangiti akong pumikit. Nakapikit ako pero tila nakikita ko pa rin ang mga bituin sa langit. Nai-imagine ko ang kagandahan ng gabi pati ang katahimikang dumadaloy dito. Para akong hinihele ng aking pakiramdam. Ito ata ang unang pagkakataon na iba ang saya at gaan ng aking damdamin.

"Hmm?" Napalingon ako sa aking cellphone ng tumunog ang text notification. Sa pagaakalang si Arianne ang nag-text ay excited ko itong kinuha ngunit numero lamang ng nag-text ang aking nakita.

From unknown #: Freak!

♦♦♦


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C59
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login