V1. CHAPTER 15 - Discovery
NO ONE'S POV
"Ano ba 'tong napasok ko?"
Dahil sa frustration ay napakamot ng matindi si Arianne sa kaniyang ulo. Hinila niya ang bow tie ng kaniyang uniporme bago isinalampak ang sarili sa kama. Sandali siyang napatulala sa kisame bago napabuga ng hininga.
"Hindi naman totoo... kailangan ko bang magpaliwanag kay Nat?"
Si Natalie na tinutukoy ni Noreen ay pinsan ng bestfriend niyang si Pristine. Maganda, matalino, sexy, fashionable at glamorosa. Minsan ay nagkaroon ng pagtatalo ang magpinsan tungkol kay Arianne. Kung si Natalie ang pinili ni Arianne ay siguradong isa na siya sa mga "It Girls" ng eskwelahan ngayon pero hindi. Pinili ni Arianne ang arch nemesis nito, karibal o mortal na kaaway, si Pristine. Alam niyang magpinsan ang dalawa pero parang mas malalim pa sa relasyon nila ang poot sa isa't isa.
Kinuha ni Arianne ang kaniyang cellphone. Habang nakatitig sa patay na screen ay napapadalawang isip siya. Laman kasi ng cellphone ay ang nightmare niya. Napakagat si Arianne sa kaniyang labi bago makumbinsi ang sarili na harapin ang isa sa kaniyang mga problema.
"God! Oh my God!"
Agad napatakip ng mga mata si Arianne. Malalim ang naging hugot niya ng paghinga. Saglit bago dahan-dahan siyang gumawa ng puwang sa kaniyang mga daliri. Binitawan niya ang kaniyang cellphone.
"Shit,"
Bukod sa tanging salita na nabulalas niya ay wala ng ibang maririnig sa loob ng silid kundi ang mabilis at kumakabog na tibok ng puso na lamang ni Arianne. Malayo sa kasuklam-suklam na imaheng binuo niya sa kaniyang isipan ang nasa larawan. Parang kissing scene kasi ang naganap sa isang koreanovela ang kaniyang nadatnan.
Eyecandy at nakakakilig… mali, nakakasuklam dapat sa isip-isip niya.
Inilipat ni Arianne ang unang inuunanan at saka itinakip ito sa kaniyang mukha. Ramdam niya ang init na nabuo sa kaniyang mga pisngi kaya't para mawala ito ay idiniin niya sa kaniyang mukha ang malambot na unan.
♦♦♦
"What's with the frown face? Bakit ba kasi hindi mo pa tawagan si Tito?" tanong ni Pristine habang naglalakad sila ni Bianca pauwi ng kani-kaniyang mga dorm. Nananatili pa ring bagsak ang mukha ni Bianca mula kanina dahil sa pamomroblema sa paglipat.
"Bianca, may nililihim ka ba sakin a?"
Hindi umimik si Bianca, sa halip ay nginisian lamang niya si Pristine.
"Okay, I'll stick to our rule... I am your friend so you'll tell it to me at the right time."
"Sayo lang talaga ah... How about Arianne?"
"As much as possible ayoko siyang mai-involve sa mga malalaking problema."
"Wow, ang protective mo naman. Bakit? Ganoon ba kalala yung problema ko sa tingin mo?"
"The way I look at you... yes,"
"Eh?" Napakamot si Bianca sa kaniyang ulo, "Sabagay, malaki talagang problema 'pag wala kang matitirhan!" Humalakhak siya. Maingay ngunit hindi mo maririnig ang tunog ng kasiyahan. Walang gana tuloy siyang tinitigan ni Pristine.
"Hey Pristy, wag ka nga masyado mag-isip," saad ni Bianca sabay tulak sa balikat ng kaibigan.
Napailing na lamang si Pristine, "Kung ako lang... gusto ko sana na patuloyin kayo sa mansion para magkakasama tayo,"
"I will consider calling Dad as my last resort. Matapos lang 'tong week na 'to na wala pa... gagawin ko 'yon," pahayag ni Bianca bago nagpumilit ngumiti, "Ikaw pala? Hindi ka ba namomroblema? Magkakasama na naman kayo ni Natalie," tanong ni Bianca na hindi na nagawang sagutin ni Pristine. Naroon na kasi sa harapan nila ang taong kakabanggit lamang ni Bianca at kasama nito si Eunice.
"Hey, Fiend!" Malamig na bati ni Natalie sa kanila, specifically kay Pristine. Lumingon siya sa paligid na tila may hinahanap.
Hindi naman umimik si Pristine, nagpatuloy siyang maglakad na para bang hindi napansin ang presensya ng pinsan.
"Eunice, wala bang nagsabi sa'yo na may meeting ngayong araw? Nasayang yung oras namin sa paghihintay," saad ni Pristine pagkahinto niya sa tabi ni Eunice.
Yumuko si Eunice saka humingi ng paumanhin bilang tugon. Seryoso ang tono ni Pristine at madalang pa sa minsan kung gumanon ang boses niya kaya't iisa lang ang ibig sabihin noon, galit siya.
Hindi siya galit kay Eunice, malas lang niya dahil kasama niya si Natalie.
Nang marinig ang tugon ni Eunice ay nagpatuloy na muli sa paglalakad si Pristine. Sa inis dahil sa hindi naman pagpansin sa kaniya ay napangitngit si Natalie. Sumunod naman na si Bianca sa kaibigan.
"Huh, so you're really going to ignore me..." saad ni Natalie na tanging si Bianca lamang ang lumingon.
"Tsk, Bianca, pakisabi nga pala do'n sa isa mong kaibigan na huwag niya kong uli subukan," pagbabanta ni Natalie na agad pumasok sa tenga ni Pristine.
Mabilis nag-arko ang kilay ni Pristine. Pumihit siya paharap kay Natalie. Magsasalita sana si Bianca pero naunahan siya ng kaibigan.
"What's with you? Anong problema mo kay Arianne?" Inis na tanong ni Pristine.
Nginisian lamang siya ni Natalie at pumihit na ito patalikod saka humakbang paalis.
"Natalie, umayos ka a. Ayokong maipon 'tong inis ko sayo at mapuno kapag tumira na uli tayo sa iisang bahay," seryosong pahayag ni Pristine.
"Fine then, SIGE PUNUIN MO LANG NG PAREHO NATING IBUHOS SA HARAP NI LOLA," nangaasar na balik ni Natalie habang patuloy na naglakad paalis.
Nanggagalaiti si Pristine na napadaop palad habang tinitignan ang likuran ng pinsan.
"Hoy Nat, ano ngang problema mo kay Arianne?" kalmadong tanong ni Bianca. Napatigil si Natalie.
"Just tell her what I said and she will answer your question," nakatalikod na sagot ni Natalie.
♦️♦️♦️
"Arianne!"
Pagpasok na pagpasok sa kanilang kwarto ay si Arianne kaagad ang hinanap ni Pristine. Isinara ni Bianca ang pinto at sumunod sa kaibigan. Doon ay parehas nilang naabutan ang kanilang hinahanap na mahimbing na natutulog.
"Nasa dreamland," sambit ni Bianca sabay upo sa kamang hinihigaan ni Arianne.
Gusto nilang malaman kung anong ibig sabihin ni Natalie pero ito nga't tulog na tulog ang iinterbyuhin nila.
"Hoy, anong gagawin mo?" Naalarmang tanong ni Bianca nang makita niya ang ginagawa ni Pristine.
"Gigisingin si Aya," simpleng sagot ni Pristine habang tinatanggal ang pagkakabutones ng uniporme ni Arianne.
Hinampas siya sa ulo ni Bianca.
"Ouch!" reaksyon ni Pristine saka nakasimangot na tinignan ang kaibigan.
"Anong klaseng pag-gising naman gagawin mo a? Tumigil ka nga. Kitang natutulog yung tao," saway ni Bianca pagkatapos hampasin naman ang kamay ni Pristine. Napa-pout na lamang ang isa at tinigil na ang binabalak niya.
Umupo si Pristine sa kaniyang kama at nakapangalumbabang pinagmasdan si Arianne. Samantala ay napadukot si Bianca sa kaniyang pwetan nang makaramdaman na para bang may naupuan siya.
"Ow, cellphone. Sor...ry."
Napabaliko ang ulo ni Bianca. Napatitig siya sa screen ng cellphone at habang tumatagal ay unti-unting lumalaki ang mga mata niya.
"KYAA! O M GEE!"
Sa biglaang pagtili ni Bianca ay nagulantang at napa-out of balance si Pristine. Dahil din sa ingay niya ay nagising si Arianne. Nahirapan siya sa pagmulat ng kaniyang mga mata ngunit nang makita niya kung ano ang hawak ni Bianca ay dali-daling bumukas ito at napabalikwas siya.
"BEA!" Maiyak-iyak na sambit ni Arianne habang inaagaw ang cellphone niya kay Bianca.
"Gee, Arianne! Shit, ang landi mo. KYAAH!" Ngiting-ngiti na sambit ni Bianca habang nilalayo kay Arianne ang cellphone. Mas maliit siya kay Arianne ngunit maliksi ang kamay at braso niya. Tuwang-tuwa pa sana siya na tuksuin ang kaibigan ukol sa larawang nakita pero bigla na lamang ay nawala sa kamay niya ang cellphone.
Parehas sila ni Arianne ay napatigil, napanganga't napatingin kay Pristine.
"Ano bang meron dito a?" Iritang tanong ni Pristine bago pindutin ang unlock button. Nang umilaw ang screen ng phone ay alam na ng dalawa kung ano ang mangyayari. Napangiwi na lamang si Arianne habang si Bianca naman ay napa "hehe" na lang.
"Wow. NICE PIC, Arianne a," bulalas ni Pristine sabay ngiti sa dalawa.
Maliwanag sa silid ngunit mararamdaman ang biglaang pagdilim ng atmosphere. Malamig ngunit hindi dahil sa aircon at hindi rin dahil nakatanggal na ang kalahati ng pagkakabutones ng uniporme ni Arianne.
Nakangiti si Pristine ngunit alam ng dalawa na hindi liwanag kundi delubyo ang dala ng ekspresyon niya.
ALDRED'S POV
"Okay, last, 1 2 3..."
Isang malakas na liwanag galing sa mamahaling camera ang hudyat na tapos na ang ginagawa namin ni Ate Candice.
"Okay, that's glam! That's it, excellent guys!"
Nagsimula na akong mag-ayos matapos ang ilang oras na photoshoot. First time kong makasama si Ate Candice kaya't na starstruck talaga ko noong makita ko na ang ayos niya lalo pa't noong nagsimula ng mag-shoot. Noong una ay nabalot ako ng nerbyos dahil sa expectations pero salamat at tinulungan ako ni ate na kumalma kaya nagawa ko ng maayos ang aking trabaho.
Lumapit ako kay Ate Candice para ibokal ang aking pagpapasalamat.
"Ate Candice, thank you sa pag-assist sa akin," nakangiwi kong pasasalamat habang nakayuko't nakahawak sa aking batok.
"Ha? Ano ka ba? Parang wala naman akong ginawa," nakangiting tugon ni Ate saka ginulo-gulo ang aking buhok. Ngiting-ngiti ako sa ginagawa niya hanggang sa maaninag ko ang mukha ng katabi niyang lalaki. Medyo napa-atras ako dahil sa takot.
Napansin ni Ate ang ikinilos ko. Tumingin siya sa katabi niya.
"Ah Aldred, si Jacob nga pala... ano ko, ano-"
"Boyfriend niya," dugtong ng Jacob. Napatango ako bilang tugon.
Napansin ko pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nabalot ng nerbyos si Ate nang ipakilala niya ang boyfriend niya.
Tinignan ko si Ate saka yung Jacob uli. Wala ng emosyon na mabasa sa mukha ng boyfriend niya.
Ini-adjust ng boyfriend ni Ate Candice ang kaniyang salamin bago nag-abot ng kamay. Napatingin lamang ako sa kamay niya bago ko ma-realize na gusto niya palang makipagkamay.
"I'm Jacob Elizalde, nice to meet you Aldred," pagpapakilala ni Jacob at saka ngumiti na medyo ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong nakadama ng kaba.
"Na-nice to meet you rin Jacob," medyo nagulantang kong tugon.
Muli ay nagulat ako ng ngumiti ang boyfriend ni Ate Candice. Tinignan ko naman si Ate at nawala na ang kaba niya na napansin ko kanina.
Napaluwag ako ng hininga.
Jacob Elizalde? Wait!
"Jacob Elizalde? Are you the young CEO of Medicus Pharmaceuticals? The genius and youngest medicine graduate in our country?"
Tumango siya.
"Oh my God, it's a privilege to meet you Sir."
Ngayon ay na-realize ko na kung saan nanggaling yung intimidating na aura.
"Ate Candice, hindi mo naman nasabi sa'kin na kakilala mo po pala si Sir Jacob at boyfriend mo pa po."
Ngumiti lamang si Ate Candice sa'kin.
♦♦♦
Hindi ko alam kung bakit pero pagdating na pagdating ko sa bahay galing sa photoshoot ay hilong-hilo ako. Naabutan ko sa bahay sila Mama at Monique na inaayos ang isang bakanteng kwarto namin. Gusto ko sanang tumulong pero hindi ko talaga kaya. Inalalayan pa nga ako ni Monique patungo sa aking kwarto.
"Monique, ano bang meron?" nanghihinang tanong ko sa aking kapatid.
"Sabi ni Mama may makikitira raw sa atin," sagot niya saka iniabot sa akin ang isang baso ng tubig.
Nangengwestyon ko siyang tinignan, "Sino naman daw?"
Inilapag ko ang basong wala ng laman.
Tinitigan ako ni Monique. Bumuntong hininga siya bago sumagot.
"Anak daw ng kaibigan niya," sagot niya bago lumapit at bumulong sa tenga ko, "Babae nga kuya, kainis," dagdag ni Monique bago umalis palabas ng aking kwarto.
Napaisip ako bigla. Wala kasing naikikwento si Mama ukol sa sinabi ni Monique.
Wala akong magawa kundi mapabuga ng hininga. Hazy man kasi ang aking paningin kanina ay malinaw sa'king tuwang-tuwa si Mama na may makikituloy sa bahay. Ang problema ay kami ni Monique. Bumibisita pa nga lang ay bwiset na bwiset na kami ang makituloy pa kaya? Well, goodluck na lang sa kaniya dahil hindi naman kami ang dapat mag-adjust sa sarili naming pamamahay.
"Tsk, 'wag lang siyang magiging istorbo baka pag nagtagal,kung makakatagal siya ay magkasundo kami."
♦♦♦