ILANG minutong katahimikan ang namayani sa pagitan nila Quillon at Arvic. Hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin magawang magsalita ni Arvic. Nakatungo ito habang tahimik na tumatangis samantala si Quillon naman ay tahimik na lumuluha habang pinagmamasdan ang kanyang mahal.
"W-what about my parents?" tanong na bumasag sa katahimikan ng paligid.
"According to my source, ang nakuhang mga bangkay ay parehas na babae na tumatayang nasa edad 20 hanggang 25 gulang. At base sa oras ng pagkakasunog, fresh pa ito samantalang umabot sa 10 oras mula ng mamataybang sunog sa mismong bahay ninyo. It means kung galing iyon sa loob which is impossible dapat sunog na sunog ito at halos walang natirang laman kundi buto na lang sana base sa tindi ng pagkakasunog sa bahay. Pero 'yun bangkay, hindi siya ganoon katindi ang pagkasunog. " paglalahad niya kay Arvic.
"Dalawang babae? Pero---" natitigilan si Arvic at tila may pinipilit na inaalala.
"Have you seen them lalo na noong iburol ang mga ito?" tanong ni Quillon sa kanya.
"No... Hindi na nila ako binigyan ng chance na malapitan ang mga bangkay, bata pa ako noon at ang sinabi nila sa akin sila na ang bahala na mag ayos ng bangkay ng magulang ko at iyon din ang araw na kinuha ako ng ama mo."
"So hindi mo alam kung naiburol ba sila or hindi?" tanong ni Quillon kay Arvic.
"Hindi... Ilang araw pa bago nila ako isinama sa libingan at doon tanging lapida na lamang nila ang nakita ko." nagugulumihanang sagot ni Arvic kay Quillon.
Humugot ng malalim na hininga si Quillon bago siya humarap kay Arvic at hinawakan ang mga kamay nito. "Arvic, look at me. I want you to trust me and cooperate. Isang evidence na lang ang kailangan namin para ma-confirm ang lahat tungkol sa mga magulang mo."
"Go straight to the point Quillon. Hindi na kaya ng isip ko pa ang mag-isip para akong mababaliw." nanginginig ang mga kamay na idinikit ni Arvic ang mga ito sa kanyang labi at pumikit ng mariin.
"Hindi patay ang mga magulang mo, that was a hundred percent sure my love. Papatunayan ko saiyo na hanggang pagsunog lang ng bahay ninyo ang maling nagawa ko noon."
"Huh? Buhay ang mga magulang ko? Kung totoo iyan nasaan sila? Bakit natiis nila ako na hindi makiya o makasama ng mahabang panahon?" hindi mapaniwalang sagot ni Arvic kay Quillon at muli'y bumalong ang masaganang luha sa kanyang pisngi.
Biglang kinabig ni Quillon si Arvic at niyakap siya ng mahigpit ni Quillon.
"Hush my love. Now, listen to me i want you to pretend my love." itinaas ni Quillon ang baba ni Arvic upang magpantay ang kanilang mga tingin.
"Pretend? Pretend of what?" naguguluhang tanong ni Arvic kay Quillon.
"Pretend na wala kang nalaman ngayon." kumalas si Quillon ng yakap kay Arvic at ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. "Mayroon kaming sinusubaybayan. Masakit man isipin pero sa ngayon 90 percent we are sure na iisa lang ang may kagagawan noon. Kapag dumating ang inaasahan kong bisita isasama kita para marinig mo ang lahat. But for now---" Arvic cut him off.
"Wait! May kinalaman ba dito si Archard?" tanong ni Arvic kay Quillon.
Napayuko si Quillon matapos marinig ang tanong na iyon ni Arvic.
"Tama ako diba? May kinalaman si Archard? Pero bakit? Samantalang... puro pagbabala ang ginagawa niya sa akin."
"Simply because gusto niya akong sirain sa paningin mo. At hindi lang iyan, marami pang iba." magsasalita pa sana si Quillon ng tumunog ang kanyang phone.
"Yes, Gethro." bungad ni Quillon.
"Kamahalan, pasensya na po kung naistorbo ko po ang pag-uusap ninyo ni Arvic pero dumating na po ang inaasahan nating bisita. Nasa library po siya ngayon kamahalan." sagot ni Gethro sa kabilang linya.
"Okay we will be there in a minute. Bigyan ninyo siya ng something to eat and drink." bilin ni Quillon bago pindutin ang end botton.
"Come inside, nasa library na ang inaasahan kong bisita. For now, magpalit muna tayo ng damit." sabay abot niya ng kamay kay Arvic.
Hesitant man pero ibinigay pa rin ni Arvic ang kanyang kamay at sabay silang pumasok sa loob ng masters bedroom.
Paglabas nila ng masters bedroom napatigil ng paglalakad si Arvic ng may maaninag siyang bulto ng lalaki na nagmamadaling umalis.
"Love?" nagtatakang tanong ni Quillon. "Why?" patuloy pa nitong tanong.
"May nakita kasi akong lalaki na nagmamadaling umalis pagawi doon." sabay turo ni Arvic sa pasilyo na kung saan naroon ang agony room.
Bumuntong hininga si Quillon at nagsalubong ang mga kilay nito. Tila alam kung sino ang tinutukoy ni Arvic.
Pagpasok nila sa library, tumayo ang lalaking may katandaanan na.
"Quillon." bati ng matanda sa kanya.
"Ninong. Maupo kayo." sabay turo nito sa sofang kinauupuan ng matanda noong una.
"Siya ba si Arvic?" tanong ng matanda matapos titigan ang omegang si Arvic pagkatapos nitong umupo sa tabi ni Quillon.
"S-sino siya? Parang familiar ang mukha niya sa akin." tanong ni Arvic kay Quillon.
"Siya ang ninong namin na naka-migrate sa Italy. Ang magsasabi sa atin ng katotohanan about sa magulang mo." pakilala ni Quillon sa lalaki kay Arvic.
"We have no time right now. Ano ang totoong nangyari bago ang gabing ipasunog ng aking ama ang bahay nila Arvic?" diretsong tanong ni Quillon sa matanda.
Tumikhim muna ang matanda at tiningnan ng makahulugan si Quillon at ito nama'y tila naunawaan ng alpha kaya tumango ito bilang pagpapasimula.
"Hindi namatay sa sunog ang mga magulang ni Arvic bagkus isa lamang itong pakana ni Archard." huminto ito at tila tinatantiya niya ang reaksiyon ni Arvic.
Samantala si Arvic naman ay gulat na gulat sa narinig. Napahawak ng mahigpit ang omega kay Quillon na tila sa alpha humuhugot ng lakas. Pinisil ni Quillon ng marahan ang kamay ni Arvic at tinitigan ang mukha ng omega.
Nagpatuloy ang matanda sa pagkukuwento ngunit halata rito ang kabalisaan. "Nang malaman ng munting Archard ang balak ng ama sa mga magulang ni Arvic sa tulong ko nagawa naming itakas ang mag-asawa at balak na dalhin sa Italy. Napapayag namin ang mag asawa sa pangakong pasusunurin namin ang munting si Arvic doon. Ang nakitang labi ng mag-asawa ay kinuha namin sa kabilang bahay na natupok rin sa sunog at pinalabas na iyon ang magulang ng kawawang si Arvic."
"Nang balikan namin ni Archard ang bata na si Arvic ay wala na doon at ni isa ay walang nakakita kung saan na napunta. Kaya tanging ang mag-asawa kasama ko ang tanging lumipad patungo ng ibang bansa. Lumipas ang maraming taon doon lamang nalaman ni Archard na nasa poder pala ng ama ang nawawalang anak ng mag-asawa. Kaya pinagplanuhan niyang mabuti kung papaano ang gagawin upang mabawi si Arvic." huminto ito sa pagkukuwento ng may mahagip ang tingin nito sa may bintana.
Napahugot ang matanda ng kanyang panyo sa bulsa at nanginginig ang mga kamay na pinunasan ang butil butil na pawis.
Hindi ito nalingid kay Quillon at tumikhim ito upang atasan ang matanda na magpatuloy.
"Lumaki si Archard na kasama ang mag-asawa. Napalapit siya dito at bago bumiyahe pabalik ng Del Fuego ipinangako niya sa mag-asawa na babalik siya kasama si Arvic. Noon pa man may pagtingin na si Archard kay Arvic at ramdam ng kakambal mo na may pagtatangi ka rin sa bata. Nagtanim ng galit si Archard saiyo dahil nasa isipan niya na isa kang kalaban o kakumpitensiya sa lahat ng bagay. Tingin niya saiyo ay isa kang kaagaw sa lahat." pagsisiwalat niya kay Quillon.
"Nang mamatay ang ama ninyo iyon na ang hinihintay na pagkakataon ni Archard upang bawiin si Arvic at isama. Ngunit nabalitaan na lamang niya na wala na pala doon si Arvic sa Casa De Omega at walang sinuman ang makapagsabi kung saan ito tumungo." nanginginig ang kamay ng matanda ng bigla niyang hawakan ang kamay ni Arvic.
"Patawarin mo ako Arvic, kasama ko ang mga magulang mo sa pag-uwi at nasa pangangalaga siya ngayon nila Aaric at Maximus, sa Tierra De Lobo, arghhh" bagsak ito sa lapag at may tama ito sa gitnang noo.
Nagkagulo sa loob ng mansion ni Quillon at kasabay ng pagbagsak ng matanda ay ang pagbagsak ni Arvic sa sahig. Duguan ito at wala ng malay.
"Arviccccccc!!!" dali-daling niyakap ni Quillon ang duguang si Arvic at nagngangalit ang mga ngiping lumingon ito sa gawi ng bintana.
"Ahhh!!!!" sigaw ni Quillon.
"Kamahalan!" sigaw ni Gethro.
Nagmamadaling lumapit si Gethro kina Quillon at dagling binuhat si Arvic. Kasama ng ilang miyembro ng Luna Sangrienta dali-dali silang lumabas upang dalhin sa pribadong silid kung saan doon gagamutin si Arvic. Samantala ang iba nama'y upang mag-back up sa kanilang alpha.
Sa sobrang galit ni Quillon ang kanyang normal na hitsura ay unti-unti itong nagbago. Kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata ni Quillon ay ang pagkasira ng damit nito. Sa kanyang pagtalon sa bintana lumabas ang innerwolf niyang si Kygo.
Tumakbo ito ng mabilis habang nagngangalit ang matatalim niyang mga ngipin. Tila alam ni Kygo ang landas na kanyang tinatahak at nagpatuloy ito.
Nang maaninag na niya ang nilalang na kanyang target isang matinding buwelo ang ginawa nito at dinaluhong ang target.
Kinagat ni Kygo ang leeg ng lalaki, binitbit ito at iwinasiwas sa ere. Tanggal ang ulo ng lalaki sa ginawang iyon ni Kygo at itinapon sa ilog ang ulo ng lalaki at pinaanod sa ilog.
Ilang saglit lang, tumakbong muli si Kygo pabalik ng mansion. Pagpasok sa loob tumakbo ito paakyat sa hagdan at tinahak ang pribadong silid na kinalalagyan ni Arvic. Pagkakita ng mga delta kay Kygo ay yumukod ang mga ito at binigyan ng daan ang lobo. Pagkabukas ng pinto tumambad sa paningin ng lobo ang wala pang malay na si Arvic.
Isang malakas at nakakapangilabot na alulong ang ginawa ni Kygo tanda ng galit at pag-alala.
"Awoooo!" Kygo roar painfully.
Lumapit ang lobo kay Arvic at isinubsob ang nguso ng lobo sa leeg ng omega.
Ilang saglit lang bumalik na sa normal na anyo ang alpha. Lumapit sa kanya si Gethro na dala ang roba at isinuot ito sa kanyang alpha.
Yumukod si Quillon at dahan-dahang iniangat ang katawan ni Arvic upang yakapin.
"Arvic... Please don't leave me. Please don't leave me, my love." tumangis ng tumangis ang alpha habang yakap ang kanyang omega.