Dear Mrs. Dale Barber,
I've decided not to wait anymore.
Yours,
Edward
PS Day 13 of missing you
Naguluhan naman si Dale sa nabasa nya.
Anong ibig sabihin ni Edward sa sulat nya?
Akala ko ba hihintayin nya ako?
Sumusuko na ba sya agad?
Hindi na napigilan ni Dale ang mapaluha.
Ano ganun ganun na lang yun?
Suko na sya agad?
Nang makita sya ni Trish na bagong dating ay agad itong lumapit sa kanya.
"Hey, why are you crying again?" tanong nito habang hinahagod ang likod nya.
"Kasi..."
"Kasi?"
"Si Edward..."
Paputol-putol ang pagsasalita nya habang umiiyak.
"Yung ex-husband mo?"
"Hindi ko sya ex-husband! Hindi pa kami hiwalay!" medyo mataas ang boses na sabi nya kay Trish habang nakasimangot.
Trish put her hands up in surrender.
"O-kay...your husband then...what about him?"
Inabot ni Dale ang sulat kay Trish.
Nag-alangan naman si Trish na basahin ang sulat.
"Are you sure it's fine if I read this?"
Tumango lang si Dale.
Binasa ni Trish ang sulat.
"Eh g@g* pala talaga 'tong asawa mo Dale!"
Hindi nya napigil ang sarili na sabihin sa kaibigan iyon.
Lalo pang umiyak si Dale sa sinabi ni Trish.
Agad naman syang inalo ni Trish.
"Tama na! Stop crying for him already!"
"How can I stop? Tell me Trish? Kasi kung ang mahalin nga sya hindi ko mapigilan, yung iyakan pa kaya sya?!?"
PRESENT
"Andito na pala yung kalunch date mo!"
"Hi Trish!"
Tumango lang si Trish sa lalaking kararating lang.
"Thanks Trish!" pahabol ni Dale dito bago makalabas ng pinto.
Nang maisara ng secretary ang pinto ay hinarap na nya ang lalaki.
Niyakap agad sya nito.
Flashback
It has been a month since the last letter Edward wrote her.
Kasabay noon na huminto ay ang mga white roses na pinapadala rin nito.
Isang buwan na rin syang parang robot na gumigising sa araw-araw.
Huling iyak nya ay nang matanggap ang huling sulat ng asawa.
Hindi na umiiyak si Dale pero ramdam na ramdam ni Trish na malungkot pa rin ang kaibigan.
Naiinis sya!
Naiinis sya sa asawa nitong si Edward!
Mukhang pinaasa lang nito ang kaibigan nya sa wala!
Ano ba kasi ang ibig sabihin nito doon sa huling sulat?
"Trish, nood tayo nito!" sabi ni Dale habang hawak ang DVD ng isang horror movie.
"Ayoko! Ikaw na lang! Alam mo naman na matatakutin ako."
"Ikaw ang bahala!" at sinalang na nito ang panunuorin.
Iniwan nya si Dale sa sala at pumasok sa kwarto.
Nakatulog na si Trish ng makaramdam sya ng pagkauhaw kaya lumabas sya ng kwarto at pumunta ng kitchen.
Mula sa pinto ng kwarto nya ay naririnig nya ang horror movie.
Patay ang mga ilaw kaya dahan-dahan syang maglakad.
Nang malapit na sya sa sala kung nasaan si Dale ay tila may naririnig syang humihikbi.
She tiptoed nearer to where Dale is and confirmed that Dale is crying.
Nakakatakot ang eksena pero umiiyak si Dale.
Sabi na nga at itinatago lang nito ang pag-iyak.
Sumalampak sya ng upo sa sahig at sumandal sa likod ng sofa na kinauupuan ni Dale.
Naaawa man sa kaibigan ay hindi na rin talaga nya alam kung paano pa ito patitigilin sa pag-iyak.
Maybe it's time she called Marco for help.