Dumating na nga yata yung araw na kinatatakutan ni Lexie.
"Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang laman ng envelope na yan?" mahinahon na tanong nya kay Edward.
Lalo pang tumalim ang tingin sa kanya ni Edward.
Pero hindi nagpatinag si Lexie.
Umupo sya sa kama at hinawakan ang mga kamay ni Edward.
Bumuntong-hininga sya at saka pilit na ngumiti.
"Hindi kita pipigilan kung gusto mong umuwi."
Napakunot noo si Edward.
"And why would I do that? Ngayon pa ba na malaya na ako kay Dale?"
"Nakalaya ka nga ba kay Dale, Edward?"
"O....oo!" sagot ni Edward.
Pero bakit nauutal sya?
Umiling si Lexie at itinuro ang ulo ni Edward.
"Your brain might say yes but this... (sabay turo sa puso nya) your heart is saying no."
Hinawakan ni Lexie ang pisngi ni Edward.
"Umuwi ka na sa kanya."
Edward looks at Lexie confused.
"Go home to Dale Edward, before it's too late!" udyok sa kanya ng dalaga.
Bakit biglang kinabahan si Edward sa sinabi ni Lexie?
Without even realising it ay tumayo na si Edward at nagbihis.
Nanginginig ang mga kamay nya sa pagmamadali.
"Here...isoli mo na ito." inabot ni Lexie sa kanya ang envelope.
"Paano ka?" tanong ni Edward.
"Don't worry about me. I'll be just fine!"
"Pwede humingi ng pabor?"
"Ano yon?" alangan na tanong ni Edward.
Naalala nya kasi ang "pabor" na hiningi ng asawa nya.
"Can I hug you for one last time?"
Edward opened his arms.
Yumakap si Lexie sa kanya ng mahigpit.
"Thank you!" bulong ni Lexie.
Nagmamadaling lumabas ng condo si Edward at tumungo sa parking lot.
Madaling araw na pero wala syang paki.
Kailangan nyang umuwi sa asawa nya.
Kailangan nyang umuwi kay Dale.
Habang nasa kotse...
"Kailangan ba talaga umabot kami sa ganito?"
Flashback
"Son, meet your tito Lawrence and tita Lorrie. They're our business partners and apparently new neighbors too!" pakilala ng ama nya.
Nahihiyang bumati si Edward sa mga ito nang biglang may kumapit sa braso nya.
"And that's their daughter Dale!"
The seven year old girl clung to nine year old Edward's arm.
Naiiritang tumingin si Edward sa batang babae.
"I'm your future wife Dale!" deklara nito sa kanya.
Natawa naman ang mga magulang nya pati ang mga magulang nito.
Napapailing na lang si Edward nang maalala ang batang Dale.
She was such a spoiled little brat who kept pestering him.
But there's that one summer when she was away with her family,
.... that he missed her annoying presence.