Baixar aplicativo
33.07% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 42: KIDNAPPED

Capítulo 42: KIDNAPPED

Nasa oval na ako ngayon nang mapansin ko ang isang familiar na mukha. Dali ko siyang hinabol para kausapin.

"Ah, excuse me" sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"di ba ikaw 'yung babae na lumapit sa akin noong nakaraan pang araw?." paniniguro ko

"oh yes, why?"

"ah, okay na pala ang boses mo, hindi ka na paos." tanging sabi ko.

"oo, so....ano kumusta na 'yung kaibigan mo?"

"okay na siya..... Salamat sa concern mo para kay Aikka."

"wala iyon." sabi nya tapos nag-umpisa na siyang naglakad.

"ah teka lang, andito ako para itanong sana kung ano ang pangalan mo?"

Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad palayo.

Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad, biglang sumagi sa isip kong may cp pala ako sa bulsa....dali ko iyong kinuha tapos I took picture of her kahit nakatalikod lang.

Pakiramdam ko, sobrang bait niya kasi nagawa niyang tulungan si Aikka kahit hindi niya ito kilala.

'AIKKA'

Napapikit ako saglit dahil bigla ko na namang naalala yung kanina.

Hay naku, wala namang kami pero grabe ang selos na nararamdaman ko ngayon. Tinamaan na nga talaga ako sa kanya ng sobra-sobra.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, ilang saglit lang nang may nagsalita sa likuran ko...

"sorry bro"

Tapos narinig ko ang hampas ng kahoy sa batok ko hanggang sa wala na akong nakita.

"gising....."

Napakadilim ng paligid, ba't wala akong makita?

"gising!"

Isang boses na nagpaulit-ulit sa aking isipan.

"gising!!!" dahil sa sobrang lakas ng boses na iyon...unti-unti akong bumalik sa aking malay.

Hanggang sa makaramdam ako ng sobrang lamig.

Ibinuka ko ang aking mga mata dahil sa gulat. Binuhusan ba naman ako ng isang timba ng tubig. Naghabol tuloy ang aking hininga dahil sa ginawa niya sa akin.

"buti at nagising ka na" boses ng isang lalaki.

Tiningnan ko kung sino iyon....

Pamilyar ang mukha niya ah.

"Brent?" sabi ko ng mamukhaan ko na siya.

Ngumiti siya at pumalakpak.

"Wow! Buti at nagising ka na. Nahihilo ka pa rin ba?" nakangiting sabi niya.

Nakaupo siya sa isang mahabang lamesa na may bombilya sa bandang gilid niya. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya abot ng ulo niya ang bombilya sa gitna. Nasa isang saradong lugar kami...walang bintana at may iisang lagusan palabas lamang.

Ano na namang pakulo ito?

"Hey!"

"Saan mo ba kasi ako dinala?" tanong ko.

"Ow.....hindi mo ba ako tatanungin kung BAKIT kita dinala dito?" tumayo siya at lumapit sa akin.

Tapos may biglang pumasok na dalawang matitikas na lalaking nakamaskara.

May iniabot sila kay Brent.

Tapos tumawa siya.

Nababaliw na ata siya. Kanina pa siya tawa ng tawa kahit walang katawa-tawa sa mga nangyayari.

"Awesome!" sabi niya habang masayang pinagmamasdan ang kanyang hawak-hawak.

"Brent, ano bang kailangan mo sa akin?!

"ssshhhh.."

Tapos humalakhak siyang nakatingin na sa akin.

"baliw ka ba?! tumigil ka na nga sa kahibangan mo at kausapin mo ako ng maayos!"

Dahil doon tumahimik siya bigla at nanlaki ang mga mata niya.

"anong sabi mo?" nag-iba ang aura niya bigla.

"sabi ko, nababaliw ka na!!"

Dahil sa sinabi ko, sinuntok niya ako ng ilang beses. Bwiset siya. Ano bang problema ng isang ito? Kapag ako talaga nakawala sa pagkakagapos ko, bubugbugin ko ang kumag na iyan.

"hay naku, namantsahan tuloy ang suot ko" tapos ngumiti ulit siya ng makita akong duguan.

Pumutok ata ang labi ko sa malalakas na suntok niya. Idinura ko na lang ang dugo mula sa bibig ko at tiningnan siya ng masama.

Tae!!

Hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

"Sa susunod kasi, matuto kang rumespeto okay? hindi ibig sabihin na star player ka ng academy eh, babastusin mo na ako"

Bumalik ulit siya sa may lamesa at nilaru-laro ang bombilya.

"so, balik tayo sa topic kanina.....well, dinala lang naman kita dito dahil...hmmm...teka lang.....nag-iisip pa ako ng magandang reason..."

Habang pinapanood ko ang mga galaw niya, para siyang nakadrugs or something. Hindi naman kasi siya ganyan eh.

Di kaya? Kung tama nga ang hinala ko.....isa siya sa pwedeng maging suspect ni Aikka.

"hay, nakakapagod mag-isip, sa totoo lang kasi..... dinala kita dito dahil gusto ko lang.....medyo tumahimik kasi ang SA eh kaya nabored ako bigla."

"sinasabi ko na nga ba eh! kasabwat ka ng mga taong nanggugulo sa Academy!"

pinilit kong kumawala sa pagkakagapos sa upuan. Gigil na gigil na kasi ako sa isang ito eh.

"oh, kalma lang! Hindi naman kita papatayin eh....AGAD.....paglalaruan muna kita. Well, nakaplano na ang lahat para sa iyo Nathan. Eto oh, may sketch na nang mga mangyayari"

Ipinakita niya sa akin ang iniabot nung mga nakamaskara kanina.

"Gusto mo bang i-explain ko sa iyo?"

"Baliw ka! Pakawalan mo ako dito!" sabi ko.

"ikaw ang baliw, bakit ko naman iyon gagawin?hahahaha!"

Ilang sandali pa, may ipinasok na babae sa loob na nakaposas at nakatakip ang bibig. Humahagulgol ito ngayon. Estudyante din siya ng SA.

"eto na pala siya eh." nilapitan niya yung kawawang babae at hinila niya ito sa buhok.

Lalong lumakas ang iyak nung babae.

"Siya ang aking model for today's plan"

"Huwag, humanda ka sa akin kapag nakawala ako dito!!! humanda ka!!"

Humalakhak lang siya tapos tinanggal niya ang takip sa bibig nung babae.

"maawa na po kayo sa akin, please....magkano po ba ang kailangan nyo..just to save my life?"

"hindi namin kailangan ng pera mo Miss, ang kailangan namin ay ikaw, akin na yung panghampas"

"Brent! Pakawalan mo siya!!! Pakawalan mo siya!!!!"

"huwag kang mag-alala, pagkatapos niya, ikaw naman ang isusunod ko!"

Bwiset! Bakit ba ayaw makisama ng lubid sa akin? Kailangan kong makawala, ayokong may mangyaring masama sa babae. Ayokong may mabiktima ang halimaw na ito.

"hahahaha!"

"no!!!!! stop!!!!" sigaw nung babae.

"ssshhhh, huwag kang mag-aalala, saglit lang ito"

Halimaw! walang awa! sino ba ang pwedeng tumulong sa amin? Nahihibang na talaga siya.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
MissKc_21 MissKc_21

Hello po, sorry if medyo naging busy..try ko pa pong makapagdugtong sa story ko.....thanks for your unending support..labyu guyzzz..

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C42
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login