Chapter 10
James POV
Nagising ako at dahan dahang umupo nang biglang may naramdaman ako na tila ba may nakatingin sa akin.
Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala na may nakatingin sa akin, Dahil sa aking paglingon ay may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa isang pakpak ng estatwang agila.
Dali daling tumayo yung lalaki at bigla niyang inilabas ang kanyang pakpak at saka lumipad.
Dahan dahan siyang bumaba, at nang maitapak na niya ang kanyang mga paa sa sahig agad niyang itinago ang kanyang mga pakpak at nagsimulang maglakad patungo sa aking pwesto.
Maligayang pagdating sa aking templo. Ako nga pala si Aki ang tagapagbantay ng templo ng hangin at sa nakikita mo isa akong agila at ako ang nakatalaga na magbibigay sa iyo ng panibago mong kapangyarihan na maaari mong gamitin para wakasan ang ginagawang paghahari ni Mala.
Ibibigay ko sa iyo ang aking kapangyarihan kung ako ay iyong magagapi sa pamamagitan ng isang labanan.
Nagkakaintindihan ba tayo ikalawang mandirigma. Unang una hindi ako katulad ni Leana na ayaw magbigay ng pagsusulit na nakakasakit pwes ibahin mo ako dahil ang ibibigay ko sa iyong pagsusulit ay ang talunin ako upang magamit mo ang aking kapangyarihan para talunin si Mala.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa kaagad akong tumayo at nagpalit ng anyo.
TRANSFORMATIO VENTUS VASA PRETIOSA sigaw ko.
Matapos kong magpalit ng anyo ay pumuwesto na ako para makadepensa kung sakaling aatake na si Aki.
Hindi nga ako nagkamali ng hinala ng biglang inilabas ni Aki ang kanyang sandata isang malaking pamaypay na may talim ng dagger sa bawat dulo nito.
Nakakamangha ang ginagawang pag-atake ni Aki dahil sa bawat pagwasiwas niya sa kanyang sandata ay lumilikha ito ng maliliit na buhawi at mga dagger na gawa sa hangin.
Nagagawa ko namang i-counter ang mga maliliit na buhawi na nilalabas ng sandata ni Aki subalit yung mga dagger ang siya namang problema ko dahil sa sobrang bilis nito hindi ko na namamalayan na nasusugatan na pala ako ng mga ito.
"FLASH WIND" banggit ni Aki ng bigla na lang siya nagliwanag, matapos ang nangyaring pagliwanag ng katawan ni Aki bigla itong gumalaw ng napakabilis.
Isang napakabilis na paggalaw ang ginawa ni Aki halos hindi na masubaybayan ng aking mga mata ang ginagawang pagkilos ni Aki ng biglang "FEATHER STORM" sigaw ni Aki hindi ako makakilos sa sobrang dami ng itinitira ni Aki na feathers.
"FLASH WIND" muling inulit ni Aki yung tila buffs na nagpapabilis sa kanyang ginagawang paggalaw.
Sa paggamit muli mi Aki ng flash wind muli na naman siyang nagliwanag kasabay ng pag-ikot ng itim at asul na aura na lumukob sa buong katawan niya.
Tapusin na natin ang pagsusulit na ito kung hindi ka kikilos at papanoorin mo lang ang bawat pag-atakeng ginagawa ko.
Katapusan mo na ikalawang mandirigma "DESPERATE FORCE" sambit ni Aki. Isang napakabilis na pagbulusok pababa ang ginawang pag-atake ni Aki sa akin at ng tumama ito dinarag pa ako paitaas hanggang sa tumama ang aking likod sa kisame ng templo.
Halos hindi na ako makatayo dahil dun sa solidong pag-atake na ginawa ni Aki sa akin. Handa na sana akong sumuko ng maalala ko ang aking mga kaibigan na naghihintay sa aking pagbabalik.
Dahan dahan akong tumayo at muling pumisisyon ng pangdepensa para kung sakaling muling aatake si Aki ay hindi na ako masyadong masasaktan.
Nag-isip na rin ako ng kapangyarihan na aking gagamitin para makontra ko ang mga gagawing pag-atake ni Aki sa akin.
Sumuko ka na sambit ni Aki sa akin, Pasensya ka na wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko sagot ko naman sa kanya.
Kung ganun kailangan na kitang tapusin hahaha sabi ni Aki.
"FLASH WIND" sigaw ni Aki muli na naman niyang ginamit ang buffs para bumilis ang kanyang paggalaw.
"FEATHER STORM" sigaw ni Aki sabay pagaspas ng kanyang mga pakpak.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at ginamit ko na rin ang aking kapangyarihan para kontrahin ang pag-atakeng ginagawa ni Aki.
"TWIN TOWER" sambit ko lumikha ako ng isang malaking ipo-ipo at dahan dahan kong pinaghiwalay para maging dalawa ito.
Patuloy pa rin sa pag-atake gamit ang kanyang feather storm habang dumidepensa naman ako gamit ang twin tower.
Kung puro pagdepensa lang ang gagawin mo mas mabuti pang sirain ko na lang yan sigaw ni Aki.
"DESPERATE FORCE" sabay pagbulusok paibaba at talagang pinuntirya niya yung twin tower kaya naman nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.
Dali dali kong ginamit ang EYE OF STORM habang makapal pa ang usok na gawa nung pagsabog.
Nang mawala yung usok dahil sa pagsabog agad agad gumana ang kapangyarihan kong EYE OF STORM ng mapadikit ang isang paa ni Aki kaya kahit anong piglas ang gawin niya ay hindi siya makaalis dahil sa sobrang bilis ng pagikot ng maninipis na hanging pumapalibot dito.
Lumapit ako ng bahagya kay Aki at ginamit ko ang FLASH OF LIGHT isang espadang gawa sa pinaghalong liwanag at hangin na makakapag-angat kay Aki.
Nang umangat ang katawan ni Aki sa ere agad agad kong ginamit ang WILLS OF THE WIND para saluhin ang pagbagsak na katawan ni Aki galing sa itaas.
Matapos kong makumpleto ang ginawa kong combo halos hindi na makagalaw pa si Aki.
Maya't maya pa ay bigla na lang umilaw ang katawan ni Aki hudyat ng pagkatalo niya sa pagsusulit na aming ginawa.
Nag-init ang aking katawan kasabay ng paglutang ng katawan ni Aki.
Binabati kita dahil naipasa mo ang pagsusulit na ibinigay ko sa iyo at bilang gantimpala magagamit mo na ang aking kapangyarihan para matalo ang mga alagad ni Reyna Mala pati na siya mismo.
Banggitin mo lamang ang mga salitang ito.
SECUNDUM ORIGINEM VENTUS AQUILA RELEASE.
Kasabay ng pagbanggit ni Aki ng huling salita bigla na lang itong naglaho at saka lumitaw ang isang tattoo ng agila sa aking kanang kamay.
Masayang masaya ako dahil nakamit ko ang aking panibagong kapangyarihan kaya naman dali dali ko itong ginamit para makababa ako dito sa templo kung saan ako dinala ni Aki.
"SECUNDUM ORIGINEM VENTUS AQUILA RELEASE"
Sabay hawak sa tattoo na nasa aking kamay.
Dali dali akong napalibutan ng isang malaking ipo-ipo at mga feather hanggang sa lukubin na ang aking buong katawan.
Nang matapos ang aking pagpapalit ng anyo sa pangalawang pagkakataon lumabas ako na suot na ang damit na suot ni Aki nung nagpakilala siya sa akin.
Isang bandage na puti ang nakapaikot sa aking tiyan bilang aking pang itaas, isang puting kendo pants na may lining na kulay asul na tila ba hanging umiikot bilang aking pang ibabang kasuotan at bandage na nakapaikot sa aking mga paa bilang sapin sa paa.
Ang aking buhok naman ay naging purong kulay puti na nakapaitaas ang style.
At isang 16 inches na pamaypay na may dagger sa bawat dulo nito bilang aking sandata.
Inilabad ko na din ang aking pakpak at dahan dahang lumipad paibaba para salubungin ang mga kaibigan kong naghihintay sa aking pagbabalik.
TO BE CONTINUED....
*************************
MIDNIGHT0019'S NOTE
SA SUSUNOD NA CHAPTER BISITAHIN NAMAN NATIN SI MALA AT ALAMIN NATIN ANG KANYANG MGA PINAGGAGAWA.
HAHAHA....