"General Gene Santiago, pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol saan Col. Reyes?"
"Tungkol kay Lt. Col. Jaime Santiago, sa anak nyo!"
"General Sir, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nyo hinaharang ang request nyang ma destino sya sa Middle East! Magandang opportunity ito para sa career nya!"
"Ikaw ba ang nag suggest nito sa kanya Coronel?"
Tanong ni Gene.
"Yes Sir! Pagkatapos nya sa mission nya malaki ang posibilidad na tumaas ulit ang ranggo ni Jaime! Hindi nyo ba gusto yun?"
"Ano ba talaga ang intensyon mo Coronel? Ang sirain ako kaya sinisira mo ang buhay ng anak ko?"
Napa atras si Col. Reyes.
'Paano nya nalaman?' Masyado ba akong obivious?'
"Anak ko si Jaime at sa tingin ko hindi pa sya qualified na maging Coronel, not even a Lt. Coronel! Yan lang ang masasabi ko sa'yo! Makakaalis ka na!"
Nanggigil sa inis na umalis si Cor. Reyes.
"Bwisit!"
Mas matanda sya kay Gene ng five years at una syang pumasok sa army pero mas mataas ang ranggo ni Gene sa kanya. Five star general na si Gene samantalang sya wala pa. Officer pa rin sya hanggang ngayon.
Isa si Col. Reyes sa mga sundalo na nalagpasan ni Gene at may tinatagong galit sa kanya.
Kaya ginamit nya si Jaime para makaganti dito. Pero may natatagong galing si Jaime na nadiskubre nya kaya nagiba sya ng goal.
'Magagamit ko ang batang ito para umangat ako!'
Mula nuon madalas na nyang ipadala si Jaime sa mga delikadong mission. At sa bawat tagumpay ni Jaime ay tagumpay din nya.
Malapit na syang mag retiro at isa lang ang gusto nya bago sya mag retiro ang maging general officer. Yung may star sa balikat kahit isa lang.
Kaya hindi sya pwedeng umatras.
"Hindi ako pwedeng mabigo! Si Jaime lang ang pagasa ko para matupad ang pangarap ko! Kung nadiskubre ko lang siya ng mas maaga, siguro may star na rin sa balikat ko!"
"Kahit anong mangyari kailangan kong makumbinsi si Jaime!"
Pag labas ni Cor. Reyes tinawagan naman ni Gene ang bunso nyang kapatid.
"Joel, hanapin mo si Jaime! Huwag mong hayaang makasakit sya! At magpadala ka ng tao na susubaybay kay Nadine at Kate! Siguraduhin mong hindi pulpol ang ipapadala mo!"
*****
Alam na ni Jaime na may order na ang Papa nya na huwag syang bibigyan ng military assistant. Sinuspindi din sya nito.
Nagkaroon tuloy ng bulung bulungan sa campo.
"Mukhang alam na ni General ang kalikutan ng anak nya!"
"Malamang! Mukhang kinakastigo eh! Hehe!"
Ang tinutukoy nila ay ang affair ni Jaime sa isang sundalong babae na isa sa mga subordinate nya.
Ang totoo matagal na itong alam ni Gene at ilang beses na nyang kinausap si Jaime tungkol dito.
"Pa, minsan lang pong may mangyari sa amin at hindi ko pa po alam ang ginagawa ko!"
"Minsan? Gaano kadalas ang minsan na sinasabi mo?"
Wala talaga syang maitatago sa tatay nya.
"Pero Pa, masisi mo ba ako kung palay na ang lumalapit sa manok!"
"Eh bakit hindi mo alisin sa team mo?!"
"Inalis ko na po Pa, ilang beses na! Pero nakakabalik pa rin!"
Kaya simula nuon nagimbestiga na si Gene at nalaman nyang si Cor. Reyes ang may gawa lahat ng nangyayari sa anak. Pero ang ikinagulat nya, alam na din pala ito ng anak nya.
*****
Nagulat si Jaime ng batiin sya ni Jeremy.
'Anong ginagawa ng batang 'to dito?'
"Tito Jaime bakit po kayo andito sa hotel? Mag che check in din po kayo?"
"Ikaw Jeremy, anong ginagawa mo dito sa Zurgau?"
"Eh, gusto ko po kasing sumama pero hindi po kasi ako pinayagan ni Tita Ames!"
Wala pang alam si Jeremy sa nangyari sa bahay nila Nadine.
"Ganun ba!"
'Magagamit ko itong batang ito! Hehe!'
"Eh, Tito Jaime, bakit po kayo andito sa hotel, bakit po hindi nyo kasama sila Tita Nadine at Kate?"
"Hindi kasi nila alam na sumunod ako dito!"
"Bakit po?"
"Kasi surprise!"
"???"
"Birthday kasi ng asawa ko kaya hindi ko ipinaalam sa mag ina ko na pupunta ako! Secret ito kaya sana huwag mo din sabihin sa kanila!"
"Opo Tito Jaime makakaasa po kayo! Secret din po kasi ang pagpunta ko dito hehe!"
'Mabuti na lang nakita ko si Tito Jaime, hindi ako mahihirapan maghanap sa kanila!'
"Ano nga palang plano mo bata ka?Alam mo man lang ba kung saan ka pupunta?"
"Hindi po Tito Jaime, pero kausap ko po si Mel my friend! Sya po ang magsasabi sa akin saan sila pupunta tapos susunod na lang po ako!"
Sabi ko na matutulungan ako ng batang ito eh!"