Baixar aplicativo
86.15% The More You Hate, The More You Love / Chapter 56: Chapter 56

Capítulo 56: Chapter 56

TRUE LOVE

True love is not a conquest won,

But a perpetual winning,

A tireless service bravely done

And ever new-beginning;

Gold will not buy it for to-day

Nor keep it to-morrow,

From Pleasure's paths it turns away,

To make its bed with Sorrow.

White, Aphrodite, are thy doves,

But 'neath their snows are burning

Undying flames, and he who loves

Aspires with flame-like yearning;

Aspires unto a far-off bliss

Whose vision makes him younger,

And moved to rapture by thy kiss,

Still for thy soul doth hunger!

108

Agad naramdaman ni Hayley ang kirot sa kanyang tagiliran pero mas ramdam niya ang init ng katabi niya sa kama. Minulat niya ang kanyang mga mata at ang bumungad sa kanya ay ang puting pintura sa buong kwarto. Kikilos sana siya dahil nangangawit na ang kanyang likod pero tiyak na magigising ang katabi niya dahil halos nakayakap na ito sa kanya. Inikot niya ang kanyang mga mata sa buong kwarto at nakita niya sila Levi at Holden na halos bumagsak na ang ulo sa sofa dahil sa antok na antok na ang mga ito. Ibinalik niya ang kanyang paningin sa lalaking katabi. Nangiti siya dahil nakanganga ito na kaunti at may mahinang hilik na nanggagaling sa mapulang labi nito. Muling nagbalik sa kanya ang nangyari sa birthday ni Thomas.

"Sino kaya ang sumaksak sa akin?" Tanong niya sa isip. Pilit niyang inalala kung saan niya nadinig ang boses nito pero parang sinadya kasi na ibahin ng babae ang tono nito para malito siya. Biglang nanlaki ang mga mata ni Hayley. "Babae siya." Bulong niya at pagkatapos noon ay gumalaw na ang katabi niya.

"Hayley!" Gulat na sabi ni Nico dahilan para magising na din sila Levi at Holden. Kataon naman na bumukas ang pinto at pumasok sila Dashiell at Landon. "Hayley!" Sabay na sabi ng dalawang binata at nagmamadali silang lumapit lahat sa kama. Si Nico naman ay dahan-dahan tumayo sa kama para alalayan si Hayley dahil gusto nitong maupo.

"May masakit ba? Nagugutom ka ba? Ano gusto mo?" Sunud-sunod na tanong ni Nico na ikinangiti ni Hayley at ikinatawa nila Levi. "Dre, easy lang. Isa-isa lang ng tanong." Biro ni Holden. "Babae..." Kumunot ang mga noo ng mga lalaking kaharap ni Hayley. "Babae ang gusto mo?" Nakangising sabi ni Landon. "Babae ang sumaksak sa akin." Sabi ni Hayley. Nagkatinginan sila Nico at Levi. "Nakilala mo ba kung sino?" Tanong ni Dashiell. "Hindi masyado pero kapag siguro nadinig ko ulit ay makikilala ko. Sandali, bakit nandito ka?" Natawa si Dashiell. "Nang malaman ni Quinn ang nangyari sa'yo ay walang sabi- sabing nag-aya umuwi." Sagot ni Dashiell. "Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Hayley. "Kahahatid lang namin sa kanila. Ayaw pa ngang umuwi pero ng sabihin ni Ashley at Lily na doon sa condo namin matutulog ang dalawa ay pumayag na din." Sagot ni Dashiell. "Tiyak na bukas ng umaga ay nandito na ulit ang tatlo." Sabi ni Landon. "Ano'ng oras na?" Tanong ni Hayley. "Oras na para kumain ka. Halos 24 hrs kang tulog." Nanlaki ang mga mata ni Hayley sa sinabi ni Nico. "Buti na lang walang tinamaan vital organs ang kutsilyo. Medyo mahaba lang ang tahi pero sabi ng doctor ay bibigyan ka ng gamot para hindi magpeklat." Patuloy ni Nico.

"Mabuti pa ay bababa kami para bumili ng lugaw." Sabi ni Landon na kasama si Dashiell. "Kami naman ay pupunta sa Kleid. Nandoon kasi sa office sila, Rod, Grey at Jacob at pinag-aaralan mabuti ang mga CCTVs sa loob at labas ng bahay ni Mr. Ayala." Sabi naman ni Levi. Tumango sila Nico at Hayley saka lumabas na ang apat. Pagbukas ng pinto ay nasilip ni Hayley na madami ang mga naka-itim na lalaki sa labas. "Hanggang dito ba naman sa hospital ay kailangan sila?" Tanong ni Hayley. "Utos ni Dad ang mga 'yan. Kapag dumating sila bukas ay mapapagalitan ako kapag wala sila dito." Sagot ni Nico. "Ang dami ko ng inaabalang tao." Ngumiti si Nico. "Hindi ka abala, Ley. Isa ka sa pinaka-importanteng tao sa buhay nila Dad at Mom. Kapag may nangyari sa'yo ay isa sila sa mga mag-aalala sa'yo. Madaming nagmamahal sa'yo, Ley kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Ang isipin mo ngayon ay magpagaling, okay?" Nakangiting sabi ni Nico at tumango naman ang dalaga.

"Thank you..." Mahinang sabi ni Hayley. "Your always welcome." Sabi ni Nico pagkatapos ay hinawakan ang baba ni Hayley para tumingin ito sa kanya. "Nung bago ka mawalan ng malay..." Hindi malaman ni Nico kung paano itatanong sa dalaga ang mga huling salitang binitiwan nito ng gabing masaksak ito. Namula si Hayley. Kahit nagdidilim na ang paningin niya noon ay tanda niya ang gusto niya sanang sabihin sa binata. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay nagbilang ng tatlo. "I love you, Nic. Hindi ko alam kung pareho tayo ng nararamdaman pero kailangan ko lang sabihin sa'yo na mahal kita bago mahuli ang lahat." Natulala si Nico sa mga salitang nanggaling sa bibig ng dalaga pero ng maintindihin na niya ang mga sinabi nito ay tumawa siya na ikinainis ng dalaga.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Inis na sabi ni Hayley. Kung hindi nga lang siya nasaksak ay iiwanan niya ang binata. "You love me?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nico. "Bingi ka ba? 'Di ba dalawang beses ko pa ngang sinabi. Kailangan..." Hindi naituloy ni Hayley ang sasabihin dahil sinakop na ni Nico ang bibig niya para sa isang passionate kiss. Nabigla man si Hayley noong una ay pinikit na din niya ang kanyang mga mata para gantihan ang mga halik ng binata.

Matapos ang mainit na halikan na kanilang pinagsaluhan ay tinitigan ni Nico ang dalaga na ikinaasiwa naman nito. "I love you, Hayley Acosta." Namula ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. "Aaminin ko, I hate you before because of the trending news between you and dad but when he explained it to me and saw you personally, I think I didn't really hate you. I should say I hate not being with you when you most needed someone like me. I hate myself because I know there's already some feelings in my heart for you pero nabulagan ako sa mga fake news. But now that we knew that we both love each other, I won't, I will never hate you again because I love you so much, Ley." Pagkatapos magsalita ay muli sanang hahalikan ng binata si Hayley pero bumukas na ang pinto at pumasok na ang magkaibigan Dashiell at Landon.

"Wrong timing, Dre." Inis na sabi ni Nico. "Ooopppsss, nakaistorbo ba kami?" Nakangising sabi ni Landon. "Pakainin mo na si Hayley habang mainit pa itong lugaw." Putol naman ni Dashiell sa inisan ng dalawa. Ganoon nga ang ginawa ni Nico. Nilagay ang lugaw sa bowl pagkatapos ay sinubuan si Hayley. "How sweet, ako din Papa Nico." Natawa si Hayley sa pagbababaklaan ni Landon. Nang matapos si Hayley ay kumuha si Nico ng tubig para sa kanya.

"Parang may kakaiba sa inyong dalawa?" Sabi ni Landon. "Kayo na ba? Wait, let me rephase that. Kayo na noh?" Sabi ni Landon at nagkatinginan ang dalawa pagkatapos ay inakbayan ni Nico sa Hayley saka sabay silang tumango. "Wwwwwhhhhhaaaaattttt!?" Exaggerated na sabi ni Landon. "Bumili lang kami ng lugaw tapos pagbalik namin kayo na agad!" Natatawa sila Nico at Hayley kay Landon na alam naman nila na iniinis lang sila.

"Congrats, Dre!" Sabi ni Dashiell sabay kamay kay Nico. "Hanep ka naman, Dre, ang bilis mo." Sabi ni Landon pero kinamayan din si Nico. "Ley, sabihan mo lang kami pagpinaiyak ka nito. Mata lang niya ang walang latay." Nakangising sabi ni Landon. Naputol ang usapan nila ng pumasok ang nurse.

"Vital signs lang po." Sabi ng nurse. Paglapit ng nurse sa kama ni Hayley ay napansin agad niya na nagpapacute na ang nurse kay Nico. Tiningnan niya ang binata pero nagkibit balikat lang ito. "Miss, hindi ko kamay 'yan, kamay ng boyfriend ko 'yan oh." Mataray na sabi ni Hayley na makitang braso nga ni Nico ang nilalagyan ng cuff ng pang-BP. Napahiya naman ang nurse kaya nagconcentrate na ito sa trabaho at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas.

"Ang possesive naman ng girlfriend ko." Sabi ni Nico sabay akbay sa dalaga. "Ewan ko sa'yo." Inis na sabi ni Hayley. "Bakit, ano'ng ginawa ko?" Takang tanong ni Nico. "Dre, labas na tayo at ayokong maka-witness ng lover's quarrel ng bagong mag-jowa." Sabi ni Landon sabay tayo. Sumunod naman sa kanya si Dashiell para bigyan ng privacy ang dalawa.

"Bakit nagagalit ang girlfriend ko?" Malambing na tanong ni Nico. Kinikilig man si Hayley ay hindi siya nagpahalata. "Bakit kasi ang gwapo mo?" Natawa si Nico sa sinabi ni Hayley. "Para lang sa'yo ang kagwapuhan ko kaya 'wag ka ng magalit girlfriend ko." Sabi ni Nico sabay halik sa labi ni Hayley. Para naman natunaw ang inis ni Hayley kaya naman gumanti na din siya ng halik sa gwapong boyfriend.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C56
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login