Nakakahiya! Nakakahiya! Naitakip ko ang kumot sa mukha ko. Heto ako nakahiga sa kama ko samantalang si Timothy ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Hawak niya ang icepack at nakapatong ito sa bandang zipper ng pantalon niya.
Nakakahiya talaga! Sana kainin nalang ako ng sahig! Inakit ko siya tapos ito ang nangyari. Isang malaking epic fail! Hinding hindi ko ito makakalimutan habang nabubuhay ako! Isang malaking Mission Failed!
Nakarinig ako ng pagtawa. Inalis ko ang takip ng kumot sa akin nang marinig ko siyang tumawa. Tinatakpan niya ang bibig niya para pigilan ang pagtawa niya.
"Tumatawa ka ba?" tanong ko.
"Yes," nakangiti nyang sabi.
Napatitig naman ako sa mukha niya. Minsan ko lang siya marinig na tumawa, minsan lang din siya ngumiti. Tuwing ginagawa niya iyon, bumabata ang hitsura niya. Nakakatuwa.
"Pinagtatawanan mo ako?"
"I can't believe you attacked me like that, Miracle." Kumikislap ang mga mata niya sa amusement.
"Eh!"
"My naughty Wife." Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. "What made you do it?"
Bumuntong hininga ako bago ko siya tignan. "Gusto ko lang." Hindi siya umimik. Tinitigan lang nya ako at mukhang naghihintay siya ng paliwanag ko. "Simula ngayon, gusto ko nang gawin lahat nang gusto kong gawin sa buhay. Hindi ko muna iisipin ang ibang tao, kung ano ang iisipin o sasabihin nila. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong sundin ang sarili kong desisyon." Napatingin ako sa kisame at naluha.
"I'm sorry, Miracle."
Napatingin ako sa kanya. "Hindi ba ako attractive, Timothy?"
"For heaven's sake, Miracle." Kumunot ang noo niya at hinaplos ang isa kong pisngi. "You are the most attractive woman to me. You just don't know how beautiful you are in my eyes. You don't see yourself the way I do."
"Kung ganon bakit ayaw mo?" parang bata na tanong ko.
"I just…"
"Ano?"
"I want to do it right."
"Hindi ko maintindihan, ginagawa naman ito ng iba."
"We are not like them."
"Pero Timothy, paano kung magkahiwalay ulit tayo?" naluluha kong tanong.
"I will not stop fighting for you," marahan niyang sagot.
"Timothy," tinitigan ko sya sa mga mata.
Nagmamakaawa na sana pumayag na sya. Pumikit siya nang mariin at agad na bumalik sa pwesto niya kanina.
"I can't," sagot niya.
Umiyak ako. Naiintidihan ko naman, gusto niya itong gawin ng tama. Gusto niya kasal muna kami. Pero paano kung hindi na kami umabot don? Paano kung bukas may mangyari na naman at isa sa amin ang tuluyan na mawala? Pano kung dumating ang parents ko at tuluyan akong ihiwalay kay Timothy? Natatakot ako sa maaaring mangyari bukas. Gusto ko sa kanya ko lang ibibigay ang sarili ko.
"Miracle." Niyakap niya ako.
"Sure ka ba hindi ka gay?" umiiyak na tanong ko.
"I'm sure," kunot noong sagot niya.
Pinunasan niya ang luha ko. Hinalikan niya ako sa noo.
"Pwede ba pa-request?" tanong ko.
"What is it?"
"Pwede bang makita?"
"See what?" kunot noong tanong niya.
"I wanna see," namumula ang pisngi kong bulong sa kanya.
"What?" Namilog ang kanyang mga mata na tila nakuha na ang tinutukoy ko.
"Haay. Alam mo na 'yon!"
Napatawa siya at umiling. "You're impossible."
"Di pwede?"
Tumingin sya sa bandang timog.
"It's pretty much damaged right now," sagot niya na seryoso ang mukha. "Thanks to you."
Mmm. Oo nga naman na-damage ko. "Eh di yung shirt mo nalang! Gusto kong makita ang abs mo!"
Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Tsk Tsk! Fine, my little perv."
Pumalakpak ako nang hubarin niya ang shirt niya. Muli kong nasilayan ang kanyang abs. Napakagat ako ng labi ko.
"Happy?" tanong niya.
Malapad ang ngiti ko siyang tinignan. "Pwede kong hawakan?"
Ngumiti lang siya. Itinapon niya ang kanyang shirt sa paanan ng kama. Humiga siya sa tabi ko. Mabilis akong umunan sa dibdib niya habang tine-trace ko ang abs niya. Di bale, balang araw matitikman ko rin yan! Isiniksik ko ang sarili ko sa kanyang dibdib. At nakatulog ako habang nakayakap sa kanya nang may matamis na ngiti sa labi.
Vooote~ (>///<) huehue