"Pabayaan nyo nalang sya" sabi ni Kyo sa mga kasama.
"Bakit hindi mo nalang sabihin para maintindihan namin kung ano ang nangyayari?" desperadong wika ni Jack. "Hindi yung tulad nito, nangangapa kami sa dilim."
Nasa school parking si Kyo nang harangin siya ng mga kaibigan para usisain tungkol sa lihim ng kanilang pinuno.
"Alam nyo naman na hindi ko magagawa 'yon, diba? Nangako ako na hindi magsasalita," paliwanag ni Kyo sa mga kaibigan.
"O sige, hindi ka na namin kukulitin pa. Pero pwede mo bang sabihin kung may dapat ba kaming ipag-alala sa mga ginagawa ni Pinuno," sabi ni Dos.
Napa-iwas ng tingin si Kyo. Ang totoo ay hindi parin malinaw sa kanya ang lahat, hindi sa kanya sinabi kung ano ang buong kwento. Pero alam niya kung ano ang ginagawa ni TOP ngayon. Umiling siya sa mga kaibigan.
"Kung ano man ang ginagawa ni TOP, kaya na nya yon. Kilala naman natin sya hindi ba?" sagot niya.
"Sa sinabi mong yan, parang may mas malalim pa ngang dahilan si TOP," sabi ni Pip.
"Pasensya na, kahit gusto ko mang sabihin sa inyo ang lahat ng nalalaman ko, hindi ko 'yon magagawa. Hintayin nyo nalang na si TOP mismo ang sumagot sa mga tanong nyo," paliwanag ni Kyo.
"AAH! Mababaliw na ako sa mga nangyayari!" sabi ni Jun na napasipa sa gulong ng isang kotse.
"Lul! Matagal ka nang baliw," sabi ni Six.
"Nagsalita ang hindi?" sagot ni Jun.
"Alam ko na, mag-inuman nalang tayo," yaya ni Seven.
"Kaw taya Sev?" usisa ni Mond.
"Lul! Naubos na pera ko sa pagbili ng bagong sofa na sinira nyo! Baka akala nyo nakalimutan ko na?" tanong ni Seven.
"Game! Tara! Tara! Boring dito," sabat ni Omi matapos ilagay sa bulsa ang cellphone.
"Ganyan ka Omi, sumasama ka lang naman kapag wala si Audrey," tila nagtatampong sabi ni Sun.
"Uy Omi! Nandyan ka pala!" puna ni Dos.
"Kanina pa ako nandito," nakasimangot na sabi ni Omi.
"Hahaha! Pasensya na, nasanay kaming wala ka eh, peace!" biro ni Dos.
"Let's go! Si Dos daw ang taya!" masayang sabi ni Omi.
"Yun! Salamat Dos! Si DOS ang taya sa inuman!" palakpak ni Seven.
Masaya naman na tumapik sa balikat ni Dos ang iba nilang kasama. Nauna silang maglakad.
"Hoy! Ano'ng ako ang taya?! HOY!" habol ni Dos sa mga kaibigan.
Lumapit si Vin kay Kyo at tinapik ito sa balikat.
"Nakita ko si TOP, noong isang gabi," umpisa ni Vin.
Napatingin sa kanya si Kyo. "Hindi mo sinabi sa iba ang nakita mo?" tanong ni Kyo.
"Hindi." Umiling si Vin. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya sa lugar na 'yon. Pero mukhang madalas sya sa black market. Alam mo rin ba ang tungkol don?"
Napatingin sa ibang direksyon si Kyo.
"Oo. Pero hindi niya sinabi kung ano ang dahilan niya."
"I knew it." Napabuntong hininga si Vin. "May kinalaman dito si GD, sigurado ako dahil nakita ko silang magkasama."
"Ilihim mo muna ang nakita mo," sabi ni Kyo.
"Alam ko. Kung ano man ang ginagawa nilang dalawa sigurado ako na delikado 'yon."
"Buhay at kamatayan ang nakataya dito," sabi ni Kyo.
"Kaya ba sya nakipaghiwalay kay Samantha?" Napailing si Vin. "Ah. Ang taong 'yon, gagawin ang lahat para kay Samantha. Sana lang, maging maganda ang labas ng lahat sa huli."
"Sana nga," buntong hininga ni Kyo.
***
[Mt. Banahaw]
"Class! Listen!" tawag ni Mr Palaez nang lahat sila ay tapos nang kumain. "Bukas ng umaga, dapat lahat gising na pagpatak ng alas-synco, okay?"
"What?! Five in the morning?"
"Ang aga naman nyan Sir!"
"Oo nga! Dapat mga ten nalang!"
"Nakakapagod Sir! Apat na oras kaming nagtayo nitong tent tapos pinaglakad nyo pa kami nang pagkalayo-layo wala naman pala dito si Coco Martin, psh!"
"Kulang yung suhol nyo samin! Gummy Bears!"
"May utang pa kayo sa'min Sir!!"
"Anne Curtis daw wala naman! Pinagod nyo lang kami!"
"O sya! O sya! Sige, six dapat gising na lahat bukas!" sabi ni Mr Palaez sabay kamot sa ulo nya. "Pagkatapos mag-almusal bukas, mag-uumpisa na tayo sa pagtatanim at paglilinis dito."
"Yes Sir," mahinang bulong ng iba.
"Okay, matulog na kayong lahat. Maaga pa tayo bukas!"
Nagkaron ng ilang bulong ng reklamo ang mga estudyante pero sumunod din sa sinabi ng guro. Pumasok sa kani-kanilang tent ang mga estudyante.
"Good night!" Naghikab si Mr Palaez bago dumiretso sa kanyang tent.
Nanatili namang nasa labas ng tent nila ang Crazy Trios. May ilang estudyante ang mga naiwan din, nakapaligid sila sa bon fire.
"Umepekto kaya yung hiling natin?" nakangiting tanong ni Maggie.
"Siguro?" sagot ni China.
"Tignan natin si Sammy!" sabi ni Michie.
Napatingin sila sa direksyon ng tent nila Samantha at Audrey. Magkasama sa iisang tent ang dalawa. Nakaupo sa labas ng tent si Audrey samantalang nasa loob si Samantha at mukhang nagpapahinga na.
"Psst!" tawag ni Michie kay Audrey pero di siya pinansin.
"Audrey!" tawag ni China.
Napalingon sa kanila si Audrey mula sa pagkakatutok sa cellphone.
"Gising pa ba si Sammy?" tanong ni Maggie.
"Tulog na," sagot ni Audrey na di na sumilip sa loob ng tent.
"Ay ganon? Sayang hindi pa natin malalaman kung nagkatotoo yung hiling natin," sabi ni Michie.
"Okay lang yan, may bukas pa naman eh," sabi ni China na umakbay sa pinsan.
"Ano'ng hiling ang pinagsasabi nyo dyan?" tanong ni Audrey.
"Humiling kami kanina doon sa mga bato sa ilog. Ang sabi nagkakatotoo daw ang mga hiling dun eh," paliwanag ni Maggie.
"Oo nga! Hiniling namin na ibalik na si Sammy sa dati," kwento ni Michie.
"Mga baliw. Kung lahat ng hiling don nagkatotoo, eh di sana marami nang yumaman dito sa Pilipinas. Psh!" sabi ni Audrey.
"Masyado kang nega, Audrey. Wala kang faith!" sagot ni Maggie.
"Kahit na sino'ng tao ang makakakita sa inyong tatlo, talagang mawawalan ng faith! Mga wala na kayong pag-asa na magbago," sabi ni Audrey.
"Bakit? Ano'ng masama sa'min?" tanong ni China.
Nagtinginan ang Crazy Trios.
"Maganda kami," sabi ni China.
"Sexy," dugtong ni Maggie.
"At matalino!" habol ni Michie.
"Wow! Mga ambisyosa. Matulog na nga kayo. Yang mga sinasabi nyo, sa panaginip lang dapat 'yan," sabi ni Audrey.
Ngumuso ang tatlo. Napatingin si Audrey sa cellphone nya. No reply. Hindi sya nirereplyan ni Omi.
'Ano kayang ginagawa ng pangit na 'yon? Subukan lang nyang lumandi! Lagot sya sakin pagbalik ko.'
"Kailan daw yung kasal?" tanong ni China.
"Next Month, mga two weeks from now yung kasal," sagot ni Maggie.
"Kulay pink yung motif?" tanong ni Michie.
"Royal Blue yata," di siguradong sagot ni Maggie.
"Ang alam ko lavender eh?" sabi naman ni China.
"Pagbalik natin, siguro ayos na yung mga isusuot nating dress! Tayo daw ang brides maid!" masayang sabi ni Maggie.
"Eeeh! Sana may gwapo dun! Hahanap ako ng boyfriend!" excited na sabi ni China.
"Pano si Pip?" tanong ni Maggie.
"Eh, di naman kami. MU lang kami, tsaka ang daming babae non," sabi ni China.
"Ahh." Tumango si Maggie.
"Sino'ng ikakasal?" di napigilang tanong ni Audrey.
Napatingin sa kanya ang tatlo. Habang kumikinang ang mga mata sinagot nila ang tanong nya.
"Si Ate Sweety!"
"Oh," bulong ni Audrey.
Nabalitaan niya nga na may fiance na ito, pero hindi nya alam na malapit na pala ang kasal ng dalawa. Kasal. Bigla niyang naalala ang inasal ni Samantha nang makakita ng wedding dress noon.
"May picture ako ni Ate Sweety kasama si TOP, nakasuot ng pangkasal, gusto mong makita?" alok ni Michie kay Audrey.
"Uy! Pa-bluetooth naman nyan!" sabi ni Maggie.
"Sige!" payag ni Michie.
"Makinig kayong tatlo," sabi ni Audrey. Napatingin naman sa kanya ang tatlo. "Hwag nyong babanggitin kay Samantha ang tungkol dito. Kahit na ano'ng tungkol sa kasal!"
"Pero bakit Audrey? Invited si Sammy sa kasal eh!" reklamo ni Michie.
"Allergic si Sam sa mga yan, kaya hwag na kayong umasa na sasaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa kasal na yan. Baka ibato pa niya ang mga cellphones nyo kapag nakita ang picture na 'yan," banta ni Audrey.
"Kung sabagay," sabi ni China na parang nag-iisip "Noong nasa Sweets House tayo diba ihinagis ni Sammy yung magazine?"
"Yung magazine na may picture ng kasal!" sabi ni Michie.
"Ayaw ni Sammy ng kasal? Bakit kaya?" tanong ni Maggie.
"Baka ayaw ni Sammy ikasal?" sabi ni Michie.
"Kanino nya ayaw ikasal?" tanong ni China.
"Kay Red!" mabilis na sagot ni Maggie.
"Baka kay TOP?" hula ni Michie.
"Baka forever single si Sammy?" natatawang sabi ni China.
"Magsitulog na nga kayong tatlo!" bulyaw ni Audrey sa tatlo.