Baixar aplicativo
70.63% Talk Back and You're Dead! / Chapter 88: Chapter Eighty-Eight

Capítulo 88: Chapter Eighty-Eight

Kinabukasan. Umuwing bangag at sabog ang mga kaibigan ni TOP. Ewan ko ba. Para silang depressed. Sobrang lungkot. Idinaan nila sa paglalasing. Siguro dahil engaged na si TOP? Iniisip siguro nila na iiwan na sila ng kaibigan nila.

"Wifey," tawag ni TOP.

"Yes Hubby?" napakurap-kurap ako ng mata at tumingin sa kanya

"Nakuha mo ba?"

"Huh? Ang alin?"

Bumuntong hininga sya. Ipinagpatuloy nya ang paghiwa sa sibuyas. WAAH!! Ang galing nya mag-hiwa! Pantay na pantay! Ang bilis ng galaw ng kamay nya. Para na syang isang professional chef! At ang GWAPO nya panuorin habang ginagawa 'yon!! Nakatitig lang ako sa kanya buong oras. Napansin nya kaya naman pinitik nya ako sa noo at nag-smirk.

"Nai-in love ka na naman sa akin nyan?" hindi nawawala ang signature smirk nya habang sinasabi yon.

"Hindi ah!" sagot ko "Matagal na. Mas in love lang ngayon."

Tumawa sya.

"Takte ang Cheesy!!" sigaw ni Red.

Nakarinig ako ng takbuhan palayo sa kusina Mga chismoso!

"Hubby ano ang lulutuin mo?"

"Relyenong bangus"

"Rel... Lel... Rele... Ano?"

"Rel-Ye-No," bigkas nya.

"Ahh... Ano yun?"

"Bangus na may laman na kamatis, sibuyas, itlog at kung anu-ano pa sa loob."

"Ahh... Parang pandesal na may palaman? Pano lutuin yon?"

"Babalutin ng Foil at iiihaw.."

"Mag-iihaw tayo?! Sa labas?! Huh Hubby?!" excited na tanong ko

"Oo," tumatawang sagot nya.

"Mag-swimming din tayo Hubby!! Pagkatapos kumain!! Huh?! Huh?! Please?! Please?!" gumamit ako ng puppy-dog-eyes.

"Oo na," natatawang sagot nya.

"YES!!!" I pumped my fist in the air.

Pagkatapos namin-este-ni TOP magluto pumunta kami para kumain sa cottage sa may beach. Pinadala namin yung mga pagkain at gamit sa mga kaibigan nya.

"Wow! Buti hindi malamig ngayon! Malapit na kasi ang pasko!"

"Miracle!" sigaw ni TOP nang bigla akong tumakbo palapit sa dagat.

"Waah!! Ang lamig ng tubig!!" binasa ko ang paa ko.

"Hwag kang tumakbo. Halika na.." hinila ako ni TOP sa cottage.

"Gusto ko na mag-swimming!" excited kong sabi.

"Mamaya na. Ang taas pa ng sikat ng araw. Masusunod ang balat mo."

"Excited na ako!"

Parang fieldtrip! Dumating na yung iba at nag-umpisa na kami kumain. Nag-set up din sila ng ihawan para mamaya. Pagkatapos kong kumain tumakbo ako pabalik sa bahay at nagpalit ng damit. Kumuha ako ng towel at lotion. One piece bikini at short-shorts. Tumakbo ako kay TOP.

"Lotion! Palagay ng Lotion sa likod!"

Natigilan sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Bilis na Hubby! Gusto ko na mag-swimming!"

"What are you wearing? Where did you get that?!"

"I bought it the other day! Nung mag-shopping tayo!"

"Ah Shit!"

Lumingon si TOP sa mga kaibigan nya. May parang ipinahiwatig yung tingin nya at sumigaw yung iba na.

"OO NA!!!" sabay iwas ng tingin sa amin.

"Talikod.." utos niya sa'kin.

"Okie." Tumalikod ako.

Itinaas ko yung buhok ko at inikot na parang messy bun. Buti may pang-ipit ako. Naramdaman ko yung kamay nya sa balikat ko pababa sa likod ko. Ang init! Ang init ng kamay nya! Taas baba lang yung pahid nya ng lotion. Parang nagmamadali nga sya eh.

"Done."

"Salamat!"

Hinila ko sya papunta sa dagat.

"Tara mag-swimming Timothy!"

"Ayoko."

"Huh?!"

"Ayoko."

"Pero bakeeet?!" reklamo ko.

"Basta ayoko lang mabasa.." at tumalikod sya pabalik sa cottage

"Hmph!"

Tumakbo nalang ako sa dagat. Kung ayaw nya eh di hwag! Waah! Ang lamig ng tubig! Ang init tapos ang lamig! Nag-swimming lang ako nang mag-isa.

"Miracle! Hwag kang masyadong lalayo!!" sigaw ni TOP

Hindi ko sya pinansin. Lumangoy lang ako ng lumangoy. Nag-eenjoy ako masyado.

"Miracle!"

Lumangoy lang ako. Langoy.. Langoy.. Langoy.. Medyo nasa malalim na ako nang mapatigil ako.

"WAAAAHH!!!" sumigaw ako.

"MIRACLE!!!" sigaw ni TOP.

"HELP!!! HUBBY!!!" itinaas ko ang dalawang kamay ko at ikinampay kampay sa tubig.

Tumakbo si TOP papunta sa dagat at lumangoy nang napaka-bilis papunta sa'kin. Ang bilis nya lumangoy!! Pang sea games! Nagugulat talaga ako sa mga kayang gawin ni Timothy. Nang nasa harap ko na sya hinawakan nya ako at nag-aalala na tinanong ako.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Mahigpit ang hawak nya sa akin. Sya na ang naglalangoy para sa aming dalawa.

Umiling ako at ngumiti.

"Pano ba 'yan Hubby? Nabasa ka na? Mag-swimming ka na lang din!"

Matagal nya akong tinitigan.

"Ah shit!" nang ma-realize nya na niloko ko lang sya.

"Hihihi!" hinalikan ko na lang sya sa pisngi.

"Ikaw.."

"Ano?" naka-ngiti pang tanong ko.

Hinila ako bigla palubog sa tubig! Hindi pa naman ako nakakuha ng enough oxygen! At sa sobrang gulat ko napasigaw ako habang nakalubog kami. Naubusan ako ng hangin! Gusto ko nang lumutang pero ang higpit ng kapit sa akin ni TOP. Balak ba nya akong lunurin?!

Nang malapit na talagang maubos ang hangin ko lumapit sakin yung mukha ni TOP. Ngumiti sya. At nakuha pa nyang ngumiti?! Hinawakan nya ang mukha ko at inilapit sa kanya.

Palapit nang palapit...palapit..nang palapit. Hanggang sa naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Kasabay non ang pagdaloy ng hangin sa bibig ko...galing sa bibig ni Timothy.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C88
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login