Baixar aplicativo
13.49% Talk Back and You're Dead! / Chapter 16: Chapter Sixteen

Capítulo 16: Chapter Sixteen

Halos mayanig ang buong umaga ko pagpasok ko ng school. Dinumog ako ng napakarami kong kaklase pati na rin ng mga taga-kabilang section. Noong una akala ko ay dahil sa nangyari sa mall. Baka may kumalat akong video dahil na naman sa Crazy Trios. Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman ang totoong dahilan.

"Samantha boyfriend mo ba yung model na pumunta dito nung friday?"

"Ang cute naman ng boyfriend mo!!"

"Ang akala talaga namin kay Audrey na boyfriend yun eh."

"Ipakilala mo naman ako sa friends ng boyfriend mo!! Ayiiieee!!"

"Ano'ng ikaw?! Tumabi ka nga dyan, AKO!! Ako nalang ang ipakilala mo sa friend ng boyfriend mo!! Yung gwapo rin ha!!"

"Ako rin!!"

"Ayiiiee!! Ako rin ipakilala mo Samantha!!"

"Mag-set ka naman ng group date, Samantha!"

Hay. Akala ko kung ano na. Group date lang pala ang gusto nila. Dahil ba ito sa school namin na walang bakas ng kalalakihan? Dapat gayahin nila ako, hindi kailangan ng lalaki para mabuhay. Nagpatuloy sila sa kanilang pangungulit sa akin. At ang 'Crazy Trios' ayun, pinagtatawanan ako sa isang corner ng classroom. I wanna go home! Natapos lang ang pangungulit ng mga kaklase ko sa akin nang dumating ang instructor.

Pagkatapos naman ng klase inutusan ako ng instructor para dalhin sa library ang mga libro. Kailangan ko ng extra points kaya naman pumayag ako. These past few days kasi nawawala ang focus ko sa pag-aaral. Kasalanan kasi 'to ng gangster na 'yun eh. Napatingin ako sa mga librong buhat ko. Grabeh pakiramdam ko hihiwalay na ang mga braso ko sa balikat ko.

"Samantha!" tawag ni Audrey. Not now!

"Ano'ng kailangan mo Audrey?" tanong ko. Nag-iisa siya sa tapat ng pintuan ng library.

"Kayo ni TOP, ano ang relasyon nyo sa isa't-isa?" seryosong tanong niya.

"Wala." Pumasok ako sa loob ng library.

"Sigurado ka?" Sinundan niya ako. Sino ba talaga si TOP sa buhay niya?

"Oo. Bakit?" Ipinatong ko ang mga libro sa unang bakanteng lamesa na nakita ko.

"Mas mabuti nang malinaw," mataray na sabi niya. "Kailan ba kayo nagkakilala?"

"Linggo." Bumuntong hininga ako. Naalala ko 'yung sinabi ni Red sa'kin. Wala siyang girlfriend. Ano ang relasyon nila ni Audrey?

"Okay, that's all I need to know."

"Gee." Tumalikod na ako at naglakad paalis. Pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Matagal na pala syang nakalabas ng kulungan."

"Excuse me?" Humarap ako sa kanya.

"Oh! Hindi mo alam? Tsk! Akala ko pa naman alam mo na ang tungkol sa bagay na 'yon."

Si TOP? Galing sa kulungan?


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C16
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login