Baixar aplicativo
60% Mr. Lover Meets Ms. Simple / Chapter 6: Chapter 5

Capítulo 6: Chapter 5

Mabilis akong tumakbo palabas ng Rooftop at dumeretsyo sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko hindi ko mapigilan mapahawak sa mga labi ko. Bakit nya ako hinalikan?! Bakit kailangan nya gawin yon sa akin?!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kailangan ko maliwanagan. Kailangan ko ng sagot sa mga inaakto ni Jv hindi ako ngayon naka attend ng klase buong araw ang daming nangayri simula nung ipakilala ako ni Jv sa mga tao bilang Girlfriend nya nagulo ang buhay ko. Hindi ko na alam kung pano ko pa patutunguhan si Jv nasa iisang lugar at school lang kami.

Iisa rin kami ng barkada hindi ko alam kung dapat ba ako umiwas o kailangan ko lumayo sa kanya. Gulong-gulo ang utak ko ngayon kahit nag dri-drive ako hindi ko maalis sa isipan ko yung halik ni Jv.

Oo aaminin ko tumugon rin ako sa halik na yon hindi ko alam bakit ako tumugon pakiramdam ko may sariling katawan at isip ang mga labi ko para tugunin ang halik ni Jv. Magkaibigan kami pero mali yung ginawa namin na iyon.

Pano kung may nakakita sa amin sa rooftop? Pano kung ipagkalat nya iyon tapos na picturan nya pa kami?! Oa na kung Oa pero nababaliw ako sa kakaisip.

Tumigil muna ako sa pag dri-drive para bumili ng ilang pagkain dito sa convient store inoff ko rin ang phone ko para walang maka istorbo sa akin alam ko mag wo-worry silang lahat pero I just want to be alone.

Kailangan ko ayusin ang sarili ko pati ang isip ko ayokong humarap kay Jv na may hiya o awkwardness akong nararamdaman para sa kanya. Importante sa akin ang friendship namin kaya gagawin ko ang lahat wag lang masira yon.

Ngayon ko lang napagtanto na dito ako napadpad sa resthouse ng family ko dito sa batangas. Naitext ko na kanina ang representative ng klase namin na hindi muna ako makakapasok hanggang bukas.

Bukod sa wala ako dalang uniform ko wala rin ako dalang kahit na ano bukod sa susi ng sasakyan ko at sa mga susi sa bahay. Hindi naman nawawalan ng tao sa resthouse namin kasi may taga bantay namin kami don.

Tinext ko na rin si Mang Gine na hindi ako makakauwi kasi baka intayin nya pa ako at di pa sya makatulog kaya ok na yung na update ko sya. Hindi ko rin sinabi sa mga magulang ko na andito ako sa resthouse nag alibi na lang ako nung malaman nila na hindi ako pumasok.

Ilang sandali nakarating rin ako sa resthouse namin hindi ko akalain sobra itong iniingatan ni Tatay Sol at ni Nanay Rosie sobrang ganda pa rin ang aliwalas pa rin. Kaya gustong gusto ko pumupunta dito kapag may problema ako o pakiramdam ko kailangan ko lumayo.

I find my peace here in Batangas bukod sa maaliwalas ito ay napaka ganda rin ng tanawin sobrang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Tanaw na tanaw ang magagandang tanawin mula sa buong lugar ng batangas.

"Iha! Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka pa pala dito edi sana napag hain ka namin ng iyong Nanay Rosie" bungad sakin ni Tatay sol.

"Tatay Sol! Pasensya na po kayo hindi ko po kayo naabisuhan agad biglaan rin po kasi ang punta ko dito"

"Ikaw talagang bata ka. Manang mana ka sa iyong Ina hala sige ika'y pumasok na sa loob at matutuwa si Rosie pag ika'y nakita"

Simula bata pa si Mommy sila na ang taga pag alaga ng rest house namin kaya sobrang lapit nila sa amin turing na nga ni Mommy sa kanila ay 2nd parents tapos ako naman turing ko sa kanila mga Lolo at Lola ko na.

"Sige po tatay papasok na po ako wala rin po pala ako dalang gamit kaya wag na po kayo pumunta sa garahe baka po mapagod pa kayo"

"Ay ganun ga iha? Sya sige dine na lamang ako sa hardin hindi ko pa natatapos areng ginagawa ko"

Inaayos ni Tatay Sol ang aming garden napaka galing mag alaga ni Tatay Sol kaya naman sobrang mahal na mahal sya ni Nanay Rosie.

Nagbalik ang memories ko nung bata pa ako madalas pag bakasyon o pag naisipan nila Mommy na dito muna tumigil sa rest house namin dito ako masayang naglalaro kasi kalaro ko lagi noon si Tatay Sol at yung alaga nyang aso minsan naman yung pamangkin ni Nanay Rosie.

"Nanay Rosie!!" bati ko sa kanya atsaka sya niyakap "Nanay parang sa pabata kayo ngayon ah"

"Ikaw talagang bata ka! Bakit ka naparito? Alam ga ito ng iyong magulang? Bakit di ka nagsabi na uuwi ka pala makukurit kita" nakakamiss panenermon ni Manang Rosie

Tatay at Nanay ang tawag ko sa kanila kasi halos kabataan ko sila ang kasama ko palagi at walang oras na hindi nila ako inalagaan kaya sobrang thankful ko nandito sila at naging parte sila ng buhay ko.

"Totoo naman Nay atsaka hindi po ito alam nila mommy kaya wag nyo po sana ako isusumbong please!! At isa pa po biglaan rin po ito hanggang bukas lang po ako dito"

"Nako ka talagang bata ka di ka pa rin nag babago sya sya umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ka na nilabhan ko naman ang mga iyon kaya di amoy taguan at nilisin ko rin iyong kwarto mo"

The best talaga si Nanay Rosie!!

"Sige po Nay kaya mahal na mahal ko kayo ni tatay sol eh you always spoil me"

"Parehas lang kayo ng Mommy mo apo. Hala sige na ikaw ay umakyat na at ipagluluto kita ng paborito mong pagkain"

"Thank you Nanay Rosie!!!"

Inilibot ko ang paningin ko dito sa kwarto ko walang pagbabago ganun pa rin ang itsura pati mga pintura ni walang dumi sa pagilid sobrang linis.

3:00pm na ngayon at ramdam ko ang pagod sa pag dri-drive binuksan ko lang ang aircon atsaka ko inayos ang mga gamit na dala ko kanina atsaka ako humiga sa kama ko.

~Nagising ako dahil sa tawag ni Nanay Rosie mula sa labas dahil kumakatok sya sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko napansin ang oras at 6:00pm na pala

Pinagbukasan ko si Nanay Rosie para mas maayos ko sya marinig at mukhang sesermunan na naman nya ata ako. Sanay na sanay na ako sa mga sermon ni Nanay Rosie simula pa nung bata ako lagi nya akong pinapayuhan at naiintindihan ko naman sya.

"Apo halika na luto na ang ulam nang makakain ka na" bungad ni Nanay Rosie

"Sige po nay baba na po tayo"

Hindi pa kami nakakalapit sa dinning naamoy ko na dito sa salas ang bango ng niluto ni Nanay Rosie walang kakupas-kupas talaga si Nanay Rosie pag dating sa pagluluto.

"Wow! Ang babango at ang sasarap ng ulam natin" sambit ko nang makarating kami dito sa dinning

Umupo na ako at saka umupo sila Tatay Sol at Nanay Rosie nakasanayan na rin namin ito na tuwing andito kami sa batangas hindi maaring di namin sila kasama sa pagkain.

"Puro paborito ko pang ulam the best talaga kayo Nanay at Tatay hihihi"

"Aba syempre hindi namin pwedeng kalimutan ang paboritong ulam ng apo namin hahaha" Sagot naman ni Tatay Sol

"Nang bola ka pang bata ka. Hala sige kain na ikaw"

Tahimik lang kami kumain at walang ni isa samin ang gustong magsalita sa sobrang sarap magluto ni Nanay Rosie ang dami kong nakain sobra kong namiss ang luto nya.

"Apo may problema ka ba?" seryosong tanong ni Nanay Rosie

Napatingin sa akin si tatay Sol ng seryoso at ganun rin si nanay rosie bakit ang galing makiramdam ni Nanay Rosie?

Tiningnan ko silang parehas at saka ako huminga ng malalim.

"Wala naman po Nanay Rosie" tingin ko sa kanilang dalawa

"Tumawag sa akin ng mommy mo apo tinatanong nya kung bakit daw dito ka umuwi. Tumawag yung kasambahay nyo sa mommy mo at sinabing hindi ka daw uuwi ngayon"

"Ahh kasi po Nanay Rosie namiss ko lang talaga kayo kaya pumunta ako dito" pag sisinungaling ko sa kanila

"Nakikita ko sa mga mata mo na hindi yan ang dahilan"

"Ivy iha kilalang kilala ka namin halos kabataan mo kami ang kasama mo subaybay na subaybay namin pano ka nagka isip kaya kung may problema ka wag ka magdalawang isip na sabihin sa amin ha" sabi ni Tatay Sol

"Opo Tatay" sagot ko naman kay tatay sol "Tawagan ko na lang po si Mommy mamaya Nanay Rosie" saka ako tumingin kay nanay

"Para ka na naming sariling apo at alam mo naman yun diba? Kaya wag kang mahihiyang sabihin samin kapag may problema ka ha? Handa kami makinig ng tatay sol mo" At saka inayos ni Nanay Rosie ang pinagkainan namin at dinala naman ni Tatay Sol ang mga plato sa lalabo.

Kilalang kilala talaga nila ako at nagpapasalamat ako kasi andyan sila lagi para sa akin. May problema man o wala sino-supportahan pa rin nila ako kaya mahal na mahal ko sila bukod sa parents ko.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C6
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login