Matapos maubos dispatsahin ang mga hybrid mole napansin ni Yman tumaas ang kanyang mga stats dahil sa ring at jacket. Nadagdagan ng 750 sa HP, 250 sa MP, 10% sa stamina, 40 sa attack, 25 sa magic attack, 25 sa defense, 35 sa magic defense at 20 sa evation at accuracy. Ngayon ang total niyang stats sa lahat ay;
HP: 4500/5250
MP: 1225/1850
Stamina:89%/110%
Atk:
310+100
Matk:
226
Def:
130
Mdef:
136
Eva:
185
Acc:
65
"Kuku, taas ng nadagdag. Nakakaexcite maghunt" nasisiyahang sabi ni Yman. Ngayon ay nasa 410 na lahat ng attack niya. Siguradong 1hit na sakanya ang mga hybrid sand mole.
Walang dagdag depensa ang jacket dahil mukha naman itong manipis. Maganda ang porma nito pero dahil hindi ito high grade equipments ay ok lang kahit hindi gamitin basta naka equips lang sa inventory. Kulay itim na may medyo mahabang kwelyo at may mahabang manggas. Pero maganda ang stats nito na +50 HP Regen.
Click!
Pinindot ni Yman ang +50 HP Regen para makita ang karagdagang impormasyon nito.
•+50 HP Regen
-Additional HP every 1 second.
Hindi mapigilang mapangiti si Yman nang makita ang impormasyon. Kada isang sigundo ay may dagdag na 50 sa kanyang HP. Kahit pangkaraniwan lamang ang armor na ito ay bihira lang makakita ng ganitong armor. Lalo na't hindi madali makapatay ng mole dahil lumulublob ito sa ilalim ng lupa. Kaya bihira lang talaga itong makita sa ibabaw. Yung iba naman ay ayaw isugal ang kanilang buhay, lalo na't delikado kung mahatak ka sa ilalim ng lupa.
Kaya wala gaanong naglakas loob na maghunt ng hybrid sand mole. Lalo na ang mga high level magician, hindi na nila binibigyang pansin ang mga drops ng lowlevel na halimaw. At yung mga nakakapatay ng mole ay hindi pinalad na makakuha nito. Dahil wala pang napapabalita na may nakakuha ng armor na killer jacket, kaya walang ibang nakakaalam ng stats ng jacket kundi si Yman lang.
Hindi mapigilang matuwa ni Yman dahil bagay na bagay ito sa kanyang talent. Ngayon lang siya natuwa ng makakita ng stats na may kinalaman sa HP. Lalong nag-iinit ang katawan ni Yman sa pagkaka-excited sa mga item na maari pa niyang makuha. Paano pa kaya kung ang mga boss ang kanyang tatalunin. Siguradong mas maganda ang mga equipments na kanilang ilalaglag.
"Hehe!"
Habang sinisilip ni Yman ang kanyang storage ay napatitig siya sa isang icon na nagliliwanag ng kulay purple. Isa itong epic na high grade equipments. Sabi ni Rea drops daw ito ng elder ghoul. Pero hindi pa ito pwede magamit dahil kailangan nasa level 5 pataas ang user nito. Kakaiba ang equipments na ito. Lalo lang tuloy nagiging excited si Yman habang tinitigan.
Gusto sana niya magpapalevel agad kaya lang, naalala niya na hindi pala gumagana ang RB o EB kung gagamit siya ng talent. Kaya hindi rin siya makakakuha ng Exp. Pero walang problema ito dahil may mga low rank monster naman na may malaking bigay ng Exp gaya ng hybrid sand mole ngayon. Pero mukhang matatagalan parin siyang makapaglevel. Kaya naisipan niyang magloots muna ng mga magagandang equipments hanggang makakaya na niyang pumatay ng Mini Boss ng hindi gumagamit ng talent.
22,400 ang kasalukuyan niyang Exp, at kailangan niya ng 100,000 para makapag level up.
"Hah! Mukhang matatagalan pa ako makakapaglevel."
Pagkatapos matingnan ang kanyang status ay pinulot muna ni Yman ang mga sandata bago nagpatuloy sa paglakad papunta sa pinakalalim ng kweba. Marami pa siyang nakasalubong na mole, ngunit sa isang hampas lang ng espada o dagger ay agad naging itim na usok ang mga ito. 1hit nalang sakanya ngayon ang mga mole dahil sa dagdag stats ng killer jacket.
*****
Sa Engkantasya Magic High School naman.
Sa loob ng student council room. Isang dilag ang nakaupo habang may pinipirmahan, at isang binata na nakasuot ng magarang kasuotan ang nakatingin sa kanya habang hinihintay ito matapos sa pagpirma.
"President nabalitaan ko may nangbastos sayo" sabi ng isang binata na may magarang kasuotan.
"Hah! Bakit ba ang bilis kumalat ng balita" matamlay na sabi ni Hannah habang may sinusulat.
"Kuku! Sabihin mo lang sa akin kung sino ang bobo na naglakas loob na bastusin ang mahal naming President Council." Sabi ng binata habang naningkit ang mga mata.
"Mas mainam kung kalimutan mo nalang yun." Sabi ni Hannah sabay hilot sa kanyang nanakit na noo.
"Hindi pweding basta nalang kalimutan yun President."
"Hah! Ayaw kona maalala pa ang binatilyong yun so please lang Jura. Kalimutan mo nalang"
"Hmm, kung ganun President paano naman tayo?"
"Eh?! Anong tayo?"
"Ilang months na ako nanligaw sayo pero lagi mo nalang sinasabing pag-iisipan pa" malungkot na mukhang sabi ng binata na tinatawag na Jura.
"Ahaha, pasinsya na. Pero hindi ko pa inisip yan. Pwede ba huwag muna ngayon? Kita mo naman busy ako sa tungkulin ko sa akademya."
"Hindi kaya dahil sa binatang nangbastos sayo?" Nagdududang tanong ni Jura.
"Grrr! Huwag mo nang ipaalala sa akin ang taong yun please lang. Kumukulo lang dugo ko kapag naaalala siya!"
"Kung ganun kung maipaghiganti kita sasagutin mo naba ako?" Nakangiting sabi ng binata.
Naisip ni Hannah na hindi siya nito tatantanan. Isa rin ang lalaking ito sa nagpapasakit ng kanyang ulo. Kaya naisip niyang sabihin na..
"Sige sige! Pag-iisipan ko." Sa isip ni Hannah ay malabo rin namang magtagpo ang dalawa lalo na at mukhang hindi rito nag-aaral ang bastos na binatilyo sa pamilihan.
"Kung ganun it's a deal" nakangiting sabi ni Jura habang nagliliwanag ang mga mata na para bang napuno ng fighting spirit. Sa isip niya ay...
"sa wakas malapit na mapasa akin ang babaeng matagal ko nang gusto. Humanda ka! Kung sino ka mang bastos ka na naglakas loob bastusin ang babae ko. Hindi ka makakatakas sa akin." sabi ni Jura sa isipan. Isa siya sa mga napiling lalaban sa darating na kompetisyon. Hindi lang yun, kilala pa siya sa akademyang ito. At anak ng ministro ng hari.
Nakangiti si Jura habang dahan dahan humakbang palabas ng Student Council Room. Bago tuluyang lumabas ay sinulyapan niya muna ang busy sa pagsusulat na magandang student council president. Ang babaeng pinakamamahal niya. Nagpakawala muna siya ng ngiti bago tuluyang umalis sa silid.
Nang mapansin ni Hannah na umalis na ang binata ay hinilot niya muna ang sintido at pinailing ang ulo. At nagpakawala ng buntong hininga.
Nang biglang lumitaw ang hitsura ni Yman sa isip niya.
"Hah! Bakit ang malas ko? Humanda ka maghihiganti akoooooo!" Sigaw sa isip ni Hannah.
*****
Sa isang malawak na daan naman ay may isang malaking kalesa na hinihila ng tatlong high breed Abestrus. Tatlong magagandang dilag ang kasalukuyang nagkukwentuhan.
"Bakit ka pala nag transfer dito Maen?" Tanong ni Mina.
"Dahil mukhang malalakas ang mga halimaw dito at matagal kona gustong makapunta sa lugar na ito" tapat na sabi ni Maena.
"Matagal mo nang gusto pumunta sa lugar na ito? Kung ganun, matagal mo nang alam ang tungkol sa underworld?"
"Eh?, (napansin ni Maena ang kanyang pagkakamali, bawal ipagsabi ang tungkol sa underworld dun sa upperworld kaya nakakapagtataka kung may alam siya tungkol dito) Uh-uhm no no! nagkamali lang ako ng pagkakasabi! Fufu, i mean matagal na akong may nagustuhan at nabalitaan ko na sa EMRMHS siya mag-aaral kaya nagtransfer ako. At nagulat ako nung dinala ako sa lugar na ito. fufu" pagrarason ni Maena sabay hinga ng maluwag.
"May nagustuhan?!"
"May nagugustuhan kana?!"
Halos sabay nag-tanong si Kesha at Mina dala ng pagkabigla. Hindi nila akalain na may nagugustuhan na ang magandang babaeng to na nasa harap nila.
Tsk!
Isa namang binata ang nagngitngit nang marinig na may nagustuhan na ang babaeng target niya isama sa kanyang pinapangarap na harem. Dahil napalakas ang pagkatanong ni Mina at Kesha ay narinig ito ni Undying na nasa likuran nila.
"At sino naman kaya ang kanyang nagustuhan?" Hindi maiwasan na mapatanong si Undying sa isip.
"Oo, fufu" sabi ni Maena sabay kamot sa ilong.
"Ka-kayo na ba ng la-lalaking na-nagugustuhan mo?" nauutal na tanong ni Mina habang namumula ang pisngi.
"Uhm, hindi pa. Ahaha" sagot ni Maena sabay lingon sa labas ng bintana.
"Eh? Hindi pa kayo?!"
"Hi-hindi pa?!"
Gulat na tanong ng dalawa. Sa isip nila ay imposible na hindi magustuhan si Maen ng lalaking nagugustuhan niya. Sa ganda ba naman ng babaeng to. Kahit nga si Mina ay nakadama ng pagkabahala na magkagusto si Yman kay Maena kung makita niya ito.
Lihim naman napangiti si Undying nang marinig na wala pang relasyon si Maen sa lalaking nagugustuhan. Kung ganun,
"Hehe, may chance pa. Hmm, kahit maging sila pa ay aagawin ko parin kaya bakit pa ako mabahala. Hahaha tama, kahit sinong haharang sa gusto ko ay mapait ang sasapitin. Akin lahat ng magagandang babae na magugustuhan ko at walang makakapigil sa akin! Hehehe" masamang pag-iisip ni Undying.
"Oo hindi pa." Matamlay na sabi ni Maena na para bang ni-reject ng nililigawan.
Nang makita ng dalawa ang reaksyon ni Maen ay binigyan nalang nila ito ng understanding look.
"Pe-pero bakit ka sumama patungo sa Engkantasya Maen? Diba pumunta ka dito dahil sa lalaking nasa EMRMHS?" Hindi napag-isipang naitanong ni Mina.
Medyo bored kaya naisipan ko magpublish ng isa pang chapter... enjoy reading!! Advance merry x-mas...✌?