(RYAN POV)
PADABOG na binagsak ko ang baso ng scotch na hindi kona maalala kung pang-ilan ko na. Umorder pa ako ng isa nang maubos ang iniinom ko pero kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin mabura sa isip ko ang umiiyak na mukha ni Rizza.
Kung hindi ba naman ako gago hinayaan ko na lang sana si Alisa hindi na sna nagkaganito ang lahat pero gusto ko lang na tapusin ang kung anuman ang ugnayan na meron kami. Bigla na lang nawala si Alisa isnag gabi bago ang itinakda nilang kasal at kinalaunan nalaman nila na kaya ito umalis ay dahil ayaw magpakasal sa kanya.
Hindi ko naman mahal si Alisa at kaya lang naman ako pumayag sa kagustuhan ng mga magulang niya kaya nagawa niyang mag-propose kaya nagkasundo kami. Ang nangyaring pagiwan nito sa`kin ang naging escape goat ko para makaupo bilang CEO ng kompanya.
Kung alam ko lang na ito ang magiging dahilan ng misunderstanding naming ni Rizza sana pala sinabi ko na lang ang totoo dahil tuloy sa katangahan ko kaya kung ano-ano ang inisip nito at hindi tuloy ako nagkaroon ng pagkakataon na masabi ang totoong nararamdaman ko.
Sana pala sa umpisa pa lang sinabi ko na para hindi na nagkaroon pa ng pagaalinlangan si Rizza sa kung ano talaga estado ng relasyon namin.
Sa dami ng problemang naso-solusyunan ko sa kompanya pagdating kay Rizza lahat ng lohikal na bahagi ng utak ko hidni gumagana. Kaya ngayon na gusto ko siyang makausap hindi ako makahanap ng paraan para makausap ang girlfridn niya. Sinubukan ko nang pumunta sa bahay nito pero hinarangan lang ako nila Ruel at alam ko na kahit na makipagbasagan ako ng mukha sa mga ito ay siguradong mas magagalit lang sa kanya si Rizza.
"Rough night?" tanong sa kanya ni Renz nang dumating ito at tinabihan ako. Gusto ko sanang sawayyin ito na hayaan siyang mag-isa pero wala na siyang lakas pa para gawing `yon. Isa pa anong karapatan niyang paalisin ito samantalang ito ang nagmamay-ari ng buong lugar hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-inom.
"Mukhang wala na sa wisyo kausapin ang isang `to."
"Mmhh."
"Wala ka na namang matinong sagot Dan."
"Sino kayang sira-ulo ang tumawag sa`kin para papuntahin ditto?" naiiritang tanong ni Dan.
"Anyway paano nga pala ang gagawin natin kay Rizza?" parinig nito at hindi ko maiwasang makinig sa pinaguusapan ng mga ito.
"She's strong sa ngayon nagkukulong lang siya sa kwarto but she'll get over it."
"Get over? Eh eight years din `yon sa huli broken hearted pa rin siya." Daig ko pa ang tinutusok ng isang daang karayom sa naririnig sa mga ito.
Nagsususpetsa itong tiningnan ng kasama. "`Yung totoo wala ka bang ibang magawa sa buhay mo kung hindi ang makialam sa buhay ng mga kaibigan mo?"
"Hindi naman concerned lang ako, concerned." Pagkatapos ay nangalumbaba ito. "Sa tingin mo ireto ko kaya si Rizza sa mga kaibigan kong lalaki siguradong mabilis na makaka move on ang isang `yon."
Sa pagkakataon na `yon ay napantig na ang tenga ko sa, naiisip ko pa lang na may ibang lalaki sa tabi ni Rizza parang gusto ko nang maghamon ng away. Hind ko na napigilan ang sarili ko na marahas na mapatayo saka pinitserahan si Renz wala na kong pakialam sa paligid ko gusto ko lang mabangasan ang mukha nito.
"Ohhh.. HI! Dito ka pala? `Musta buhay?" nakangising sabi nito pero kitako ang inis sa mga mata nito malamang ay alam na nito ang nangyari sa pagitan nila ni Rizza.
"Renz cut it out will you?" bumaling sa`kin Si Dan "Kung hindi lang ako mag-aalala sa sasabihin ni Rizza kanina pa kita pinadampot sa security ditto palabas." Anito sa malamig na tono.
"Ohh, I'm liking this bar already such entertaintment isn't?" parang mas lalo ang na sumakit ang ulo ko nang marinig ang boses ni Rey.
"What the fuck are you doing here?"
"Why? Is this your bar?"
"It's not his but it's mine." Nakangiting sabi ni Renz pero iba ang sinasabi ng mga mata nito.
Hindi ito pinansin ni Rey. "Kamusta na nga pala kayo ni Rizza? I bet hiwalay na kayo ano? Kaya nandito ka nagpapakalunod sa alak."
Nanlaki ang mga mata ko sa ibig nitong sabihin.. "It's you!" isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha nito bibigyan ko pa sana ito ng isa pero napigilan ko nila Renz.
Pinahid lang ni Rey ang dugo sa pumutok nitong labi at nakakalokong ngumisi.
"I'm hating him every second pero hindi magandang magkaroon ng gulo sa loob ng bar ko."
"Right parang hindi `yon ang ginagawa mo `yon kanina."
"Exempted ako Dan kaya wag kang magulo."
Kinalma ko ang sarili kahit na ba kating kati pa rin ang kamay ko na suntukin ang kapatid ko. "What's happening here?" isang babae ang lumapit sa`min habang kasunod ang isang matangkad na lalaki na nakakunot noong nakatingin sa kanila.
"Actually wala rin akong ideya kung anong nangyayari."
"Renz, ikaw naman gumawa ditto ng gulo `no?"
"Franz, naman bakit ako agad?"
"Sino pa bang sisihin ko?"
"Teka wait lang." binalingan ako nito. "Pwede bang huminahon ka na? sakit mo sa ulo ha."
Ako pa talaga ang masakit sa ulo o ang mga pasaway na `to? Tumalima naman ako pero hindi pa rin nawala ang galit ko para sa nakababatang kapatid.
"Hmm… such a bummer masyado kayong pakielamerong lahat then I guess better luck next time." Napatiim bagang na lang ako dhail halata namang nadoon lang ito para painitin ang ulo ko. That brother of mine never really change gagawin nito ang lahat para lang magulo ang buhay ko.
Ganon na alng ang gulat ko nang tumapat ditto ang bagong dating na babae at parang may binulong sa tenga nito, kung ano man `yon ay hindi ko na muna gustong pagtuunan ng pansin pero malaki na rin ang pasasalamat ko nang tahimik na lang itong umalis sa bar.
Tumikhim ang babae at binalingan sila. "Can someone explain me what's happening?" binalingan nito ang kasama. "Hindi ka ba magtatanong, Anthony?"
"May chismoso tayong kaibigan lagi akong updated kahit wala ako sa bansa."
"Right." The woman gave Renz a pointed look. "Bakit ba hindi na ko nagtataka?"
Bakit nga ba ditto ako pumunta in the first place? Siguro sa loob-loob ko ay gusto kong makausap ang mga kaibigan ni Rizza para malaman kung matutulungan ako ng mga ito na makausap ang kasintahan pero sa nakikita ko mukhang malabong mangyari ang inaasahan ko. Kaya nagpasya na lang ako na umalis, sinusuot ko pa lang ang coat ko nang pigilan ako ni Renz.
"Ayaw mo bang tulungan ka namin para makipagbalikan kay Rizza?"
Napatigil ako sa sinabi nito.
"What? Don't tell me hindi ka pumunta ditto para humingi ng tulong sa`min?" taas-kilay na tanong nito.
Napabuntong-hininga ako, in desperate time needs desperate measure at kahit na hindi ako sigurado kung tatalab ang plano ng mga ito ay susugal ako katulad na lang ng ginawa ni Rizza, sa pagkakataon na `to ako naman ang maniniwala.