Baixar aplicativo
90.47% Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 19: Chapter Nineteen: Heartache

Capítulo 19: Chapter Nineteen: Heartache

SA isang restaurant sa may Makati nagpasya kami ni Rey na kumain, hindi pa rin ako komportable ditto kahit na ba pilit nitong sinusubukan na magbukas ng mapaguusapan nila, para kasing may mali.

Nakaupo kasi sa tabi ng isang malaking salaming bintana, maganda ang ambiance ng buong lugar pero nang buksan ko ang meni ay tumataginting na ginto ata ang sineserve sa lugar na `yon sa taas ng presyo ng pagkain. Napasulyap ako kay Rey, ang mabuto pa ay umorder na siya nang matapos na `to.

Nang maibigay na namin ang order ay sumubok ulit si Rey na magbukas ng topic, alam ko naman na dapat ay mag-relax ako kahit papaano pero hindi ko talaga magawaat sa buong durasyon ng pag-uusap nilang dalawa ay palaging nakataas ang lahat ng defenses ko.

Kapag nagiging personal na ang mga tanong nito ay mabilis kong ibiiba ang tapic at ganon din naman ito sa`kin daig pa naming ang nagpapatintero sa isang manipis na lubid sa pinagagagawa namin. Akala ko nung uuna talaga ay gusto lang talaga nitong makipagkaibigan at katulad nga ng sinabi ko gusto kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na makilala ang kapatid ni Ryan pero habang tumatagal nahalata ko na may iba itong motibo.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay dumating ang pagkain, the sooner na maubos niya ang inorder niya the better nang makaalis na ko sa kalokohan na `to.

Pero hindi pa ko nangangalahati sa kinakain ko nang mapansin kong huminto su Rey sa ginagawa nang may mapansin sa may bintana.

"Hindi ba `yon si Kuya?"sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito at nakita ko nga si Ryan na may kasamang babae sa kabilang restaurant at tila seryosos ang pinaguusapan base sa facial expression ng amo at naiiyak na mukha ng babae.

Sa loob ba naman ng ilang taon na ibnobserbahan ko si Ryan madali na lang sa`kin ang malaman ang mood nito sa simpeng pagbabasa sa facial expression nito. Pero hindi ko aiwasang magtampo, ito ba ang emergency na sinasabi sa kanya ni Ryan kanina kaya kinancel nito ang lahat ng trabaho para ngayong araw?

"Oh I remember her."

Bumalik ang atensyon ko kay Rey. "She's my brother's Ex-finacee."

"Ex-finace?"nakaramdam ako ng pagkabalisa sa sinabi nito.

"Oh, bago maging CEO si Kuya, Alisa was his girlfriend nakilala ko siya nang i-announce na ni Kuya na ikakasal silang dalawa. But eventually Alisa wasn't that in love with him kahit na sa pagkakalam ko siya ang first love ni Kuya. The engagement got canceled and Alisa goes to America."

Napipilan ako sa sinabi nito at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makit kong naghahalikan ang dalawa.

Marahas akong napatayo, hindi na kaya ng puso ko ang nakikita, naghahalo na ang mga emosyon ko at bago pa ko magmukhang tanga at umatungal sa harap ni Rey ay nagpaalam na ko na aalis.

Wala nang rumehistro na kahit ano sa isip ko hanggang sa makasakay ako ng taxi at sunod ko na lang na namalayan ay naglalandas na ang mga luha ko kahit ang driver ay bigla na lang nataranta sa nakita pero ako? Pakiramdam ko isa akong malaking talunan, natalo ako sa sugal kung saan itinaya ko ang lahat.

BUONG araw lang akong nakakulog sa kwarto at kahit na hindi ako mahilig magsinungaling sinabi ko kina Tatay na masama ang pakiramdam ko kahit na ba wala akong ibang ginawa sa kwarto kung hindi ang umiyak.

Hindi ko na alam kung anong oras na nang marinig kong tumunog ang cellphone ko, agad kong tinuyo ang mga luha ko gamit ang kamay nang makita kong nagflash ang pangalan ni Ryan. Tanga na kung tanga pero gusto kong malaman ang magiging sagot nito kapag nagtanong ako.

Tumikhim ako para kahit papaano ay mawala ang pagiging paos ng boses ko. "Hello?"

Walang sumagot sa kabilang linya at kailangan ko pang i-double check kung may kausap ba talaga ako o wala.

"Are you okat Rizza? Is there something wrong?"

Oo! Piping sagot ng puso ko pero nilunok ko ang mga salitang gustong ko sabihin. "Wala naman kakagising ko lang kaya medyo paos ang boses ko."

"Naistorbo ba kita?"napakagat ako sa labi bakit ba kahit na nasaktan ay ayun ang lakas pa ring kabog ng puso ko sa simpleng pagpapakita ng concern ni Ryan.

"Hindi okay lang," huminga ako ng malalim, this is the moment of truth, ditto ededepende ang magiging desisyon ko sa sagot nito. "A-ano nga pala `yung emergency mo kanina?"

Mag namayaning mahabang katahimikan at sigurado akong pinagiisipan nito ang isasagot. "I'm meeting up with my parents some family matter, you know about my younger brother."

Tumulo ang luha ko dahil sa pagsisinungaling ni Ryan, gusto ko lang naman malaman ang totoo mahirap ba `yon? Kung ni-reject sana ako nito in the first place baka hidni ganito kagrabeng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Isa pa bukod sa pag-acknowledge nito sa relasyon nilang dalawa ano ba ang assurance ko na mahal din niya ko?

"Ganon ba?" pigil na pigil ang emosyon ko. "Sige uhm… kita na lang tayo bukas." Inantay ko munang tuluyan nitong patayin ang linya nang bumulalas ako ng iyak.

Sa mgga susunod na oras garabe sakit ang naranasan ko hanggang sa nakatulugan ko na lang ang lahat.

NAKATINGALA ako sa malaking gusali ng kompanya at parang ayaw ko nang pumasok dahil alam ko sa sarili ko na ito na ang magiging huling pagtapak ko sa lugar.

Pagkagising ko kaninag umaga ay inasikaso ang mga dapat na asikasuhin sa kabila ng pamumugto ng mga mata ko kagabi.

Buo na ang desisyon ko, hindi ako tanga para gustuhing paulit-ulit na masaktan, tama na sa'kin ang isang beses. Masakit Oo pero tatanggapin ko ang lahat ng consequences ng mga ginawa kong desisyon.

Humugot ako ng malalim na hiniga saka binuksan ang pinto, dumiretso ako sa opisina ni Ryan na nakatingin sa labas ng two walled mirror ng opisina, halatang malalim ang iniisip.

Tumikhim ako. "Ryan." Iniijot nito ang swivel chair at humarap sa`kin.

"Hey." Anito sa magaan na tono.

Pinilit ko ang ngumiti at sa pangalawang pagkakataon ay nagabot ako ng resignation letter.

Nakita ko ang pagbalatay ng pagkalito sa mukha nito. "What's the meaning of this Rizza?"

"Its irrevocable resignation don't worry naabisuhan ko na ang HR bukas na bukas din ihahanda na nila ang kapalit ko." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil hindi man lang ako nagstammer sa sinabi.

Tinalikuran ko ito, kailangan ko nang mag-ayos ng gamit ko, pero bago pa ko makalabas ay napigilan na niya ko sa braso.

"Rizza, bakit ka magre-resign? May ginawa ba kong mali?"

Napalunok ako siguro nga ito ang pagkakataon para ilabas ang sama ng loob ko. "Meron, itong tayo? Hindi na dapat `to nangyari in the first place."

Ipiniksi ko ang braso saka hinarap. ito "`Yung accidental confession ko? Ang totoo ni-ready ko na ang sarili ko sa rejection ang sabi ko, okay lang at least sa wakas makaka move on na rin ako sa eight years kong unrequited love. Parte ng buhay ng tao ang masaktan at ang akala ko talaga `yon ang mangyayari pero binigyan niyo ko ng chance itong 'tayo' kahit na ba hindi ako sigurado kung mahal mo talaga ako." Hindi na ko napigilan ang pagkawala ng mga luha ko.

Nakita ko ang biglang pagkataranta sa mga mata ni Ryan kung nagkataon na ibang pagkakataon lang `to baka tinawanan ko na siya. Sa ilang taong pagkakakilala ko ditto lagi itong calm at compose sa kabila ng mga nagiging problema sa trabaho pero dahil lang sa pag-iyak ko ay natataranta na ito.

Ang kaso manhid na ko at hindi ko na kayang itago ang sariling emosyon. "Naramdaman ko naman ang pagbabago sa pagitan natin. Alam kong may nararamdaman ka na pa rin sa`kin pero wala pa rin akong ideya kung ang pagmamahal mo ay nasa punto na rin ng pagmamahal ko. Kaya eto, simpleng pagsisinungaling mo lang umiiyak na ko."

Nanlaki ang mga mata nito mukhang na-realize na `to kung ano ang sinasabi ko. "Wait let me explain—"

"Hindi na kailangan," Putol ko sa sinasabi nito, isang lohikal na bahagi ng utak ko ang nagsasabi na dapat kong pakinggan ang sasabihin nito pero masyado na kong pagod para makinig. "Sawa na kong umasa at ayoko nang masaktan kasi alam mo? Ang sakit-sakit." Wala na akong narinig mula rito kaya sa pagkakataon na yon ay tuluyan na kong lumabas sa opisina nito at umalis sa buhay nito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C19
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login