NAPABUNTONG-hininga na lang ako pagka-ubos ng iniinom kong Bloody Mary. Kasalukuyan akong nasa Cosmic Bar dahil pagkatapos ng trabaho ay ditto na ko dumiretso gusto kong makapag-unwind kahit na papano.
Ang magaling kasi na si Ryan pagkatapos na maging official ang relationship naming ayun nilayasan ako. Kinailangan kasi nitong pumunta sa Amerca para sa isnag business conference at hindi naman niya ko magawang maisama dahil kailangan pa rin ng supervisions ng mga bagong acquisition ng kompanya na ako lang naman ang pwedeng mapag-iwanan.
Kaya ngayon eto ang drama naming ng dalawang linggo, long distance relationship. Ang malupit pa `don hindi man lang kami magkatugma ni Ryan ng oras kaya naman bilang lang sa isang kamay ang pag-uusap naming at halos wala pang thirty minutes silang nagkakausap at ang kalahati pa `non tungkol lang sa kompanya.
Naiinis ako sa sarili ko kasi sobra kong name-miss si Ryan na hindi naman dapat knowing na alam ko naman ang dahilan kung bakit ito naroon. Kahit na ba parang mga nakakawala sa koral ang mga katrabaho ko dahil wala ang monster boss eto naman ang drama ko. Depress kung hindi lang siguro naging klaro sa'kin ang status naming dalawa malamang na sinundan ko na ang amo sa America para bigyan lang ng isang flying kick.
Muli na namna akong napabuntong hininga saka inilapat ang pisngi ko sa may granite counter ng bar bago tinitigan lang ang wala kong lamang baso.
"Oh nangyari dyan??" narinig kong tanong ni Dan na malamang ay kakapasok lang sa lounge.
"Withdrawal symptom mukhang miss na ang estrange boyfriend niya tagal na daw niyang `di nakikita," Tinabihan siya ni Ynna. "Okay ka lang ba?"
Tumango lang ako pero hindi pa rin umaayos ng upo, badtrip talaga, tawagan ko na kaya? Pero siguraodng madaling araw pa doon at pagod ito knowing na siguradong marami itong inaasikaso.
"Ynna…"
"Oh bakit?"
"Paano kung makakita ng blue eyed `don si Ryan saka ipagpalit ako?" maktol ko.
"Pinaparanoid mo lang ang sarili mo ngayon ka pa ba mate-treaten boyfriend mo na `yung tao, aba kung may mang-agaw problema ba `yon? Para saan pa `yang pagiging black belter mo kung hindi mo man lang mabakuran `yang jowa mo." As to emphasize ay binuksan pa nito ang cellphone ko para ipakita ang picture namin ni Ryan noong last time na magkasama sila.
"Mas mabuti pang ikain mo na lang `yan nagwewelga na `yang mga anaconda mo sa tiyan." Inilapag ni Dan sa harapko ang mainit na japanese curry na paborito ko.
Umayos ako ng upo.. "Sabi ko na nga ba may mahuhulog na biyaya." Mabilis na bumaliktad ang mood niya nang makaamoy ng pagkain.
"Takaw mo lang talaga."
"Why thank you." Nakangising sabi ko saka nagsimula nang kumain, nangangalahati na ko nang may marinig akong magsalita.
"And here I thought you really miss me." Nabitawan ko ang mga kubyertos at napalingon para lang makita si Ryan na papasok at nakasuot pa din ng business suit habang si Renz na kasunod nito ay nakangisi ito habang hawak ang cellphone siguradong ito ang nagreport sa boyfriend niya.
Pero hindi ko na `to pinansin at agad na dinaluhongg ng yakap si Ryan.
Wala sa sariling kinintalan ko ito ng halik sa labi na late ko nang na-realize. Minsan talaga mas nauuna ang aksyon ko bago ang pag-iisip pero mukha namang nagustuhan `yon ni Ryan dahil nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito.
"Okay I'll take that back you really missed me." Natatawang sabi nito sa'kin.
Nahampas koi to sa braso ng wala sa oras. "Bakit hindi mo man lang sinabi na dadating ka?"
`Yung dating mukha nito na parang nangangain ng tao? Ngayon lumalambot kapag nakikita ako at ang totoo niyan hindi lang ako ang nakapansin `non maging ang mga katrabaho ko.
Wala pa rinkaming pinagsasabihan sa opisina, pareho nilang napagpasyahan `yon para walang kung ano-anong tsismis ang kumalat sa trabaho pero pagdating sa mga kaibigan naming ay sinabihan na naming dhail siguradong hindi sila tatantanan ng mga ito hangga't hindi sila umaamin.
"Hindi na surprise `to kung sinabi ko na sa`yo."
"Akala ko sa susunod pang linggo ang uwi mo, bakit napaaga?"
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Hindi lang naman ikaw ang may name-miss, ang kaso pagkain lang ang katapat mo nakakalimutan mo na ko."
"Ewan ko sa`yo for sure may dakila kang reporter sa mga kaibigan ko kaya alam mo ngayon kung nasaan ako." Sinamaan niya ng tingin si Renz na inokupa ang kaninang inuupuan ko.
"Don't blame Renz, kinulit ko lang `yan kaya pumayag."
"If I know nagpakipot lang ang isang `yan para suhulan."
Eksaheradong napasinghap ang loko. "Grabe ka anong tingin mo sa`kin oportunista?"
"Oo" sabay-sabay na sabi naming magkakaibigan.
"Bakit ba ako na naman ang nakita niyo?" alma agad nito na tinawanan lang namin.
"Can we have a dinner? Kakagaling ko lang kasi byahe."
Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi ka muna nagpahinga?" hindi biro ang pagbyahe ng halos bente-kwatro oras sa eroplano.
"Kailangan ko pa bang sagutin `yan." Mataman itong tumingin sa'kin at naginit ang mga pisngi ko.
"`Oy Lovebirds tama na `yang ka-sweetan niyo nilalanggam na kami ditto." Angal ni Renz.
Niyakap ko ang beywang ni Ryan para lang lalo itong asarin. "Bakit inggit ka?"
"Sorry hindi lalaki ang preference ko."
"Bakit sinabi ko bang lalaki?"
"Kung ikaw lang din `yung babae wag na."
Inis na inambaan ko ito ng suntok pero tumawa lang ang damuho.
"Dito na tayo kumain ipagluluto na lang kita." Suggestion ko kay Ryan tutal may sariling kitchen ang lounge na `yon ay kaya doon na lang ako magluluto.
"Siguraduhin mo lang na walang nang sasabog na microwave ditto Rizza sawa na ko kakatawag sa fire department." Singit ni Dan na pinanlisikan ko ng tingin
Sa totoo lang ay hindi ito nagbibiro noong panahon kasi na nagpapaturo pa akong magluto literal na may napasabog akong microwave, malay ko bang kailangan palang tanggalan ng eggshell ang itlog bago ipasok `don?
Hindi ko na rin mabilang kung ilang kawali ang nasunog ko panigurado lang na magiging maayos ang luto ko mabuti na lang at sa mga sumunod na linggo ay madali akong natuto. Kasi kung hindi malapit-lapit na kong i-ban ni Dan sa kusina o sa kahit anong bagay na may gamit na gasul.
"I guess kaya ka natutong magluto dahil na rin sa`kin?"
"Ryan wag ka nang makigatong, isa pa sino kayang may kasalanan?" nakangusong sabi ko pero blessing in disguise na rin `yon dahil kung hindi ako natuto na magluto malamang na sa kangkungan kami pulutin ng magiging asawa ko.
Ipinilig ko ang ulo hindi muna dapat `yon ang nasa isip ko isa pa mahaba pa ang oras maraming pwedeng mangyari pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging last love ko ang aking first love.