Baixar aplicativo
58.13% FLOWER OF LOVE / Chapter 75: DIXAL'S APPEARANCE MADE HER TREMBLE

Capítulo 75: DIXAL'S APPEARANCE MADE HER TREMBLE

"OMG! Flor, is that you?" 'di makapaniwalang bulalas ng lalaki sabay pakawala ng isang tawa at isang matamis na ngiti pagkatapos, halatang nagpapa-cute sa kanya nang sumilay ang dalawa nitong dimples sa magkabilang pisngi.

"Oh my--Joven!" bulalas niya rin. Ang kanina'y salubong na mga kilay ay biglang nagtaasan nang makilala ang lalaking lalo atang gumwapo sa kanyang paningin lalo na sa suot nitong polo shirt na may neck tie na kung sa iba'y baduy tignan ngunit bagay na bagay sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero tila bumabalik siya sa pagiging college student habang tinititigan ito. Sa lahat ng mga lalaking nakilala niya noon, dito lang siya nagka-crush. Gwapo kasi tsaka cute at masayang kasama.

Pero ngayon, hindi lang ito basta gwapo at cute. Kahit sino segurong makakakita rito'y mai-intimidate habang pinagmamasdan ito, mame-mesmerize sa angkin nitong kamachuhan at kagwapuhan. Nakakakilig, para tuloy gusto niyang magpaligaw uli dito.

Ngunit inihilig niya ang ulo at sinaway ang sarili.

'Mas gwapo pa rin si Dixal kung tutuusin.' bigla niyang bawi.

"Hi, nice meeting you again," nakangiti nitong sambit saka inilahad ang kamay sa kanya.

"H-hi! N-nice to meet you too--again," hindi niya alam kung tama ba 'yong nasabi niya pero nai-intimidate talaga siya sa paraan ng mga titig nito sa kanyang mukha. Buti na lang nagpaganda siya nang bungga ngayon, kung hindi'y baka mapahiya siya rito.

"Anong ginagawa mo rito?" usisa nito.

"Ah, sinamahan ko ang--ang anak ko sa contest," alanganin niyang pag-amin, sinabayan ng nahihiyang ngiti ang sinabi. Ayaw niyang ipagkanulo ang sariling anak sa harap ng ibang tao lalo na sa lalaking ito.

"Ohh, I almost forgot. May anak ka na pala noon. Pero I swear, 'di talaga halata, Flor. You're even more gorgeous and alluring than before," anitong naging dahilan upang mag-blush siya lalo.

"Grabe ka naman. Maganda lang, tama na 'yon," pabiro niyang sagot sabay hawi ng buhok sa may pisngi at ibinalik iyon sa likod ng tenga.

"You really are gorgeous, Flor. I know this is quite awkward but I can't help fallin for you again and again," deretsahan nitong wika.

Lalo siyang nag-blush at duon lang napansin ang mga babaeng cater na kinikilig habang nakatingin sa kanila.

"Saan ka pala pupunta. Bakit nagmamadali ka kanina?" usisa niyang biglang sumeryoso ang mukha.

"Merun akong anak-anakan rito. Tinawagan ako kahapon, ako raw sumama sa kanya rito kasama ang mommy niya," anang lalaki.

"Ha?" napanganga siya't tinitigan itong mabuti.

'Oh my---! Ito ba ang tinatawag ni Devon na daddy? Ito ang dahilan kung bakit nagpabili ang batang 'yon ng cellphone? Pa'no nagkakilala ang dalawa? Hindi ba nito alam na siya ang ina ni Devon?

Speaking of Devon, nagugutom na pala ito. Kaya pala siya ando'n para kumuha ng pagkain.

"Teka lang ha, kukunan ko lang ng pagkain ang anak ko," pasintabi niya rito.

"Pwede ba akong sumabay sa inyo mamaya pauwi?" paalam nito.

"S-sure!" maagap niyang sagot. Kung ito nga ang tinatawag na daddy ni Devon, makakasama talaga nila ito pauwi pero hindi niya muna sasabihin dito na siya ang ina ng anak-anakan nito.

Nang magpaalam sila sa isa't isa'y umalis na ito saka nagpunta sa unahang hanay ng mga upuan. Kinabahan siya't agad na humarap sa counter.

'My gosh! Do'n nga siya nagpunta kay Devon!'

kinikilig na bulalas ng isip niya pagkakita sa lalaking nagtungo sa unahan ngunit hindi na hinintay kung saan talaga ito uupo, at tuluyan nang lumapit sa counter upang kumuha ng snack at juice pagkatapos lang ipakita sa isang babae ang hawak niyang card.

Binigyan siya nito ng isang styro hamburger box kung saan nakapaloob ang hamburger tsaka isang zest-o subalit kung kelan nakakuha na siya ng snack para sa anak ay saka naman siya naiihi, sa nerbiyos ba o sa kilig sa kaalamang si Joven pala ang tinatawag nitong daddy.

Mabuti na lang at nakita niyang tumayo ang guro ni Devon at nagpunta sa kinaroroonan niya.

"Ma'am, sensya na. Pakibigay na lang 'to sa bata, gagamit lang akong CR," an'ya rito at agad na ibinigay dito ang hawak na snack ng anak saka nagmamadaling hinanap ang CR sa lugar na 'yon.

Tama nga ang hula niya, nenenerbiyos na naman siya. Pagdating niya sa loob ng CR, hindi na naman siya naihi, kaya pinagmasdan na lang niya ang katawan sa salamin, lalo na ang buong mukha.

Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero gorgeous talaga siya ngayon. Wala siyang dapat ikabahala dahil talagang maganda siya sa araw na 'yon.

Ilang ulit niyang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin at ilang ulit din niyang sinabi sa sariling maganda siya hanggang sa maging kampante na ang kanyang pakiramdam, saka lang siya lumabas ng CR.

Subalit nang bumalik sa kinauupuan ay wala na roon si Devon.

"Ma'am, 'asan na po si Devon?" agad niyang usisa sa guro nito.

"Ayy ma'am, dinala lang po ng asawa niyo sa comfort room," nakangiting sagot ng tinanong.

Kinilig na naman siya kasabay ng pamumula ng pisngi. Pero alam naman niyang pangit tignan kung hahayaan lang niyang basta na lang kumuha ang bata ng matatawag nitong daddy dahil lang sa sabik itong magkaroon ng ama. Nakakahiya man 'yon sa part niya dahil 'di niya alam kung sino ang ama ni Devon although may hula na siyang si Dixal nga kaso ayaw niyang malaman ni Dixal na may anak sila, pero kailangang maunawaan siya ng bata.

"Kanina pa po ba sila?" tanong niya uli.

"Ngayon lang po ma'am. Pero sinabihan ko silang 'wag magtatagal kasi magsisimula na ang contest. Umupo na kayo ma'am, magsisimula na kasi ang contest," anito sabay senyas sa kanyang umupo na.

Nagpaunlak na rin siyang umupo at doon na lang hintayin si Devon kasama si Joven. Ngunit umakyat na ang emcee sa entablado at nagsimulang magsalita para ipakilala ang mag-o-opening prayer ay 'di pa rin dumarating si Devon.

"Ma'am puntahan ko lang ang dalawa," paalam niya sa guro sabay tayo bitbit ang sling bag at nagmamadaling nagpunta sa men's CR.

Kinabahan siya agad nang makita ang nakatalikod na si Joven at nakayukod kay Devon habang nakataas ang dalawang braso ng bata at gustong magpakarga sa lalaki.

Ngunit bakit iba na yata ang damit nito? Bakit parang mas malapad na ang mga balikat nito kumpara kanina? At bakit mas matikas ang katawan ng lalaki ngayon?

Nakaramdam siya ng pangangatog ng tuhod.

Why?

"Ate!" tawag ni Devon nang makita siya.

Nagsimula nang pumihit paharap sa kanya ang lalaking nagkakarga sa bata at nang tuluyan na itong humarap sa kanya ay saka naman siya namutla sa nakita.

"Amor?!"

"Dixal?!"

Sabay pa nilang naibulalas ang pangalan ng isa't isa. Kapwa sila nagulat, kapwa nagtatanong ang mga mata habang tila naging tuod sa kinatatayuan.

Bakit ito andito at karga-karga ang kanyang anak? Hindi ba't kasama dapat nito ngayon si Shelda at aattend ang mga 'to ng national event? 'Wag sabihing ang sinasabi nitong national event ay ang quiz bee?!

Napamulagat siya habang walang kurap na nakatitig sa lalaking mas matindi yata ang pagkagulat kesa sa gulat na nararamdaman niya ngayon at paulit-ulit na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ina.

Si Dixal ang tinatawag na daddy ng bata at hindi si Joven? Ito ang dahilan kung bakit nagpabili ang anak niya ng phone at ang anak ang tumawag sa lalaki kahapon habang nasa loob sila ng secret room ni Dixal sa opisina?

Papa'nong nagkakilala ang dalawa? Saan nagkita ang mga 'to?

'Pa'no silang nagkita? Pa'no kung malaman niya agad na anak ko si Devon? Pa'no kung kunin niya sakin ang anak ko? Hindi pwede 'yo. Akin lang si Devon.' Sa naisip ay lalo siyang namutla. Gusto niyang kunin dito ang bata subalit lalo itong magtataka kung gano'n ang gagawin niya.

"Ate!" tawag na uli ni Devon sa kanya.

"Ate?" takang pag-uulit ni Dixal sa sinabi ng bata.

Nakahinga siya nang maluwang at doon nagkaroon ng pagkakataong lumapit sa dalawa.

"Oo, ate niya ako. Kapatid ko siya. Siya 'yong sinasabi ko sa'yong bunso namin. Si Devon." paliwanag niya

"Ate--?" nalilitong usal ni Devon saka nagtatanong ang mga matang tumitig sa kanya, ngunit pinandilatan niya ito.

Mapakla siyang tumawa pagkuwan sa naguguluhan pa ring lalaki at matagal bago gumana ang utak at nagsalita.

"Hindi ba siya anak ni Harold?" blangko ang ekspresyon ng mukhang tanong ni Dixal.

"Ha?" maang niyang sambit.

Paano nito nasabing anak ni Harold ang bata? Nagkita na rin ito at ang kapatid niya? At 'yon ang sinabi ng kapatid sa lalaki?

Knowing Dixal, mabilis itong magduda sa mga naririnig.

Tumawa na naman siya nang mapakla ngunit bigla na lang pinagpawisan ang noo.

"Nagkita na pala kayo ni Harold. Anak-anakan niya kasi oappy ang tawag ni Devon sa kanya. Mahilig kasi sa bata ang kapatid ko. Katunayan, sa kwarto niya natutulog si Devon," todo paliwanag niya upang makumbinsi lang ang lalaking totoo ang kanyang mga sinasabi.

"Akina na ang bata. Baka mabigatan ka," anya rito.

"No!" matigas ng boses na tutol nito.

Lalo siyang kinabahan. Alam na kaya nitong anak niya si Devon?

"Let me carry him," sa wakas ay bumaba ang tono ng boses nito.

Si Devon nama'y yumakap rito nang mahigpit, halatang ayaw bumitaw mula sa mga bisig ng lalaki.

Nagsimulang maglakad si Dixal pabalik sa social hall. Pinagpapawisan naman siya habang nakasunod dito, sa isip ay panay dasal na 'wag sanang malaman ng lalaking mag-ina sila ni Devon.

Kilala niya si Dixal. Hindi ito papayag na mawalay dito ang bata sakaling malaman nitong anak nga nito si Devon. Hindi siya papayag doon hangga't 'di bumabalik ang kanyang alaaala at malaman niya mismo kung bakit sila nagkahiwalay, Kung bakit niya ito iniwan.

Pero sa ngayon ay kailangan niyang magpanggap bilang kapatid ng sariling anak. Hindi 'yon mahirap sa kanilang mag-ina dahil never siyang tinawag ni Devon na mommy. Amor ang tawag nito sa kanya 'pag silang dalawa lang ang nag-uusap, ate naman ang tawag 'pag nasa harap ng ibang tao. At siya nama'y 'di rin nakasanayang tawagin ang bata na "anak". Isang literal na "bata" lang ang tawag niya rito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C75
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login