Baixar aplicativo
42.63% FLOWER OF LOVE / Chapter 55: BLESSING IN DISGUISE!

Capítulo 55: BLESSING IN DISGUISE!

Pakiramdam ni Dixal para siyang isinasalang sa cross-examination habang kaharap sa mesa ang business tycoon na si Mr. Mathew De Ocampo kasama ang COO nitong nakausap ni Lemuel noong nakaraang linggo lang.

Kilala niya bilang isang metikulusong tao ang may katandaan na ring bilyonaryong nagmamay-ari ng maraming subdivisions at hotels sa buong Cavite. Sa hula niya'y nasa 62 na ang matanda.

Siya ang taong buo ang tiwala sa sarili when it comes to business and he never loses his composure in front of any other businessmen, maliban na lang kung tungkol sa asawa ang usapan.

But now that he was in front of this old man na tahimik lang at 'di niya malaman kung anong laman ng isip, idagdag pang marami na ang naging karanasan nito sa negosyo, parang nawawala ang confidence niya sa sariling mapapapirma nga niya ito ng kontrata ngayon.

"So, how's your business going, Mr. Amorillo?" sa wakas ay untag nito sa tagal ng katahimikang namayani sa kanila sa loob ng maliit na Beantage Cafè na 'yon.

Tumikim muna siya ng inorder na spresso at pinaghandaan ang isasagot bago inilapag ang cup at nagsalita.

"It's doing great, Sir," confident niyang sagot trying to control his emotion at hulihin ang kiliti ng matanda kung merun man, pagkatapos ay kontrolin ang usapan nila.

Pero tila malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa hinahalong turmeric latte.

"I don't want to boast about my company, Mr. De Ocampo but if you'll give me the opportunity---" dugtong niya, hindi inaalis ang composure at confidence sa pananalita.

"I heard your new project is a sub-standard, or did I hear it wrong?" putol nito sa sasabihin niya saka diretsong tumingin sa kanyang 'di agad nakapagsalita sa narinig.

Inihilig niya ang ulo, 'di ipinahalatang nagulat sa sinabi nito at nagtaka kung pa'no nitong nalaman ang bagay na 'yon. Subalit hindi na bago ang lahat sa kanya dahil iyon din ang nangyari sa negosyo nila noon.

"I'll be frank with you, Mr. De Ocampo. What you've heard is right pero ipinatigil ko agad ang project nang matuklasan kong sub-standard nga. But it doesn't mean lahat ng nagawa naming projects ay sub-standards. Merun lang talagang anay sa kompanya ko na 'di ko pa napupuksa," pag-amin niya saka tinapatan ang mariing titig nito sa kanya, mata sa mata, pilit inaalam ang iniisip ng bawat isa hanggang ito na rin ang nagbaba ng tingin saka bumaling sa katabi niyang bata na noo'y tahimik lang habang nakikinig sa usapan nila, at 'di ginagalaw ang inorder niyang potato fries at Non-coffee Strawberries & Cream para rito.

"Is this your son? I thought your wife is missing for seven years that was why you named your company after her," wika nito sa makahulugang tono.

kumunot ang kanyang noo. Noon niya lang napagtantong inalam pala nito lahat ang tungkol sa kanya bago sila nagharap ngayon.

"You really are a meticulous business tycoon, Mr. De Ocampo. I'm flattered na isa na ako sa pinaimbestigahan mo, about my company and my personal life which means you're quite interested about me," an'ya pagkuwa'y nagpakawala ng isang nakakalokong ngiti, not trying to insult the old man but trying to distract his attention.

Para sa kanya, ang pakikipagtransaksyon sa isang negosyante ay isang laro lang. Kailangan niya makontrol ang laro at malaman kung ano'ng ugali at kakayahan merun ang kalaban niya. 'Di niya kailangang magmadaling makapuntos, may tamang panahon para d'yan. Ang kailangan lang ay malaman niya kung anong kahinaan nito at doon siya aatake, saka niya kokontrolin ang larong sinalihan.

"Speaking of this kid--" bumaling siya sa bata.

"I'm his son," kaswal na sagot ng bata sabay halukipkip at matamang tinitigan ang matanda, walang pakialam kung anong magiging epekto sa sinabi nito sa usapan nila, at huli na para bawiin iyon.

"I'm really intrigued by you, Mr. Amorillo," makahulugan na namang sambit ng kausap habang matamang pinagmamasdan ang bata, samantalang ang kasama nitong COO ay mataman lang nakikinig sa usapan.

Ngiti lang ang isinagot niya saka muling humigop ng spresso at dinampot ang tissue sa ibabaw ng mesa saka pinahiran ang bibig.

"Dad, ano pong anay sa company niyo? I don't understand," curious na tanong ng katabing bata pagkuwa'y humawak sa kanyang braso at isinandig ang ulo duon.

Tumaas ang kilay niya, hindi akalaing attentive ang batang ito sa pinag-uusapan nila.

"Traydor sa kompanya. 'Yun ang ibig sabihin no'n."

Hindi rin niya inaasahang papatulan 'yun ng matanda at ito mismo ang sasagot sa tanong ng bata saka sumulyap sa kanya pagkuwa'y humigop din ng turmeric latte, gumaya na rin ang kasama nitong COO na hindi makasingit sa usapan nila.

"So, how did you get rid of that anay from your company lolo, the first time you encountered it?"

Napatanga ang matanda sa tanong na 'yon mula sa bata habang nakasandig sa kanyang braso ang ulo nito.

Ahh, hindi lang ang matanda ang gano'n ang naging reaksyon, maging siya ay awtomatikong napatangin dito. Wala sa hinagap niya na ang gano'ng klaseng diretsahang tanong ay manggagaling pa mula sa musmos na batang walang alam sa negosyo.

Ang kanina'y tensyong namagitan sa kanila ay napalitan ng malakas na tawa ng matanda, dahilan upang panakaw siyang makahinga nang maluwang. Ang akala niya'y mao-offend ito sa tanong na 'yon, 'di niya ini-expect na tila natuwa pa ito sa narinig.

"I'm more intrigued with this son of yours Mr. Amorillo," anito habang itinuturo ang paslit.

"And what makes you think na ituturo ko sa ama mo pa'no puksain ang anay sa kompanya niya?" Parang bata na ring nagsalita.

"Isn't it the reason why you're giving him clues who the anay is by asking him personal questions?"

Natigilan na naman ang matanda. Pagkuwa'y kumunot ang noo.

"Hey kid, how old are you?" maang na tanong nito, noon lang nakakitaan ng pagkalukot ng mukha.

"Six po."

"Six?! And you're already thinking like a matured businessman?" 'di makapaniwalang sambit nito.

"I'm just listening to you attentively," inosenteng sagot ng bata saka yumakap sa kanya at naghikab.

Siya nama'y 'di mapigilang pakawalan ang isang ngiti, ngiti ng malapit nang manalo sa laro.

Paulit-ulit na umiling ang matanda, pointing his finger on him in an intrigued looks in the eye.

"You surely are an unpredictable businessman. You know how to capture an old man's heart by using this kid, huh," anito sa tonong may kahalong pang-aakusa.

Sinabayan niya ng mahinang tawa ang sinabi nito.

"Even I was surprised by what he said, Mr. De Ocampo. But you can't blame me for being his father," pabiro niyang sagot.

Tumawa ito nang malakas saka bumaling na uli sa batang tila inaantok na nang mga sandaling 'yon.

"Hey kid. Come to lolo and let's have a tete-a-tete conversation," tawag nito sa batang tumingala muna sa kanya, nang makita siyang tumango ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa silya at lumapit sa matanda, ang huli nama'y kinalong ang kinatutuwaang bata.

"What did your father told you before coming here?" usisa nito sa bata.

Kumunot na uli ang kanyang noo. This old man is quite tricky. Nahulaan kaagad niya ang gusto nitong malaman sa bata which made him feel uneasy na kung pwede nga lang niyang bawiin rito ang paslit ay ginawa na niya. Pero hindi siya pwedeng magpadalus-dalos ng desisyon kaya hangga't maaari ay kailangan niyang kampantehin ang sarili.

Sa totoo lang, ngayon lang siya kinabahan sa pakikipagtransaksyon sa kapwa niya negosyante.

"He told me to behave because he had an important meeting with a client at kailangan pong mapapirma niya kayo ng kontrata." sagot ng tinanong.

Tumango-tango ang matanda saka sumulyap sa kanya, siya nama'y tinitigan lang ito.

"And what did you tell your father?"

"I'll help him convince you."

"And what will you do to convince me sign the contract?" parang bata itong nagtanong.

"If you'll agree to have a deal with me and I won, you'll surely sign the contract," panatag na sagot ng bata, walang pakialam kung ano'ng kahihinatnan ng lumalabas sa bibig nito.

Bigla siyang tumayo sa kinatatayuan.

"Mr. De Ocampo. It's just a kid's slip of the tongue. Nagbibiro lang siya. Alam mo naman ang bata ngayon, feeling nila marami silang alam kesa sa mga matatanda," paliwanag niya.

Agad nitong itinaas ang isang kamay para patahimikan siya dahilan upang magsalubong ang kanyang kilay.

Just what is this kid doing? Trying to ruin his plans?

Anong alam ng musmos na batang 'yan sa takbo ng negosyo? And the most absurd thing is that, pinapatulan ng matanda ang sinasabi nito?

"What if I'll make a deal and if you win, I'll surely sign a contract with your father," anang matanda.

Napanganga siya.

"Mr. De Ocampo-" agaw niya ng pansin nito ngunit nakapagtatakang ang COO na nito ang nagtaas ng kamay para patigilan siya.

"He isnt a business tycoon for nothing, Mr. Amorillo. He surely has his reasons to believe in your son's words. Just trust your son for now," anang COO.

Wala siyang nagawa kundi muling umupo lalo na nang hindi siya pansinin ng matanda.

'What the fuck is happening?'

Ang lahat ng atensyon ng kausap ay nasa bata na sa halip na sa kanya samantalang siya itong dapat na kausap nito at hindi ang musmos na batang ni 'di niya alam kung saang lupalop nanggaling at kung sinong mga magulang.

"Okay, make me a plan for my future hotel." anang matanda sa bata.

Tumingala ang huli dito saka kumulimlim ang mukha at mariing tumitig sa mga mata nito and then he nodded.

"Okay, but it's not actually an accurate plan. It's just a concept of a hotel and my dad will do the rest," anang bata na halatang alam ang sinasabi giving his father a shock na halos 'di na siya makahinga nang maayos sa kaba, and mind you, ngayon niya lang naranasan ang gan'to in front of another businesman, three other businessmen to be exact including this strange kid.

Nailamukos niya ang mukha nang makitang tumango ang matanda at nakakalokong ngumiti sa kanya, as if telling him that he'll surely lose.

Of course he will surely lose! Anong alam ng bata sa sinasabi nitong plano na kahit nga kasing edad niyang walang knowledge about engineering ay walang mauunawaan tungkol doon. Pero nakasalalay sa batang ito ang pagtaas ng profit ng kanyang kompanya, pa'no siyang hindi kakabahan?

Nagpakawala siya ng isang buntunghininga.

"Hey kiddo, you can do it. I know you can do it," 'di niya mapagilang wika sa bata, trying to cheer him up.

Matamis ang ngiting pinakawalan nito.

"Of course! I'm your son, so I can do this," anito saka humingi ng bond paper at lapis na agad namang ibinigay ng kasama ng matanda.

Nagsimula itong mag-drawing sa isang bakanteng upuan katabi ng business tycoon.

Siya nama'y wala sa sariling tinungga ang spresso sa tasa, hindi ramdam ang init niyon at nagpakawala ng isang buntunghininga.

Gusto niyang papaniwalain ang sariling may sayad sa utak ang business tycoon na 'to pero tama rin ang sinabi ng kasama nitong he's not a business tycoon for nothing. He just have to trust this boastful kid na 'di niya alam kung kaninong mayabang na ama nagmana at gano'n kalakas ang tiwala sa sarili.

Imagine, he's giving all his hopes to a six year-old kid for a contract! Not just a simple contract, kung simpleng kontrata lang ang pinag-uusapan nila, baka kanina pa siya umalis sa lugar na 'yon kasama ang bata, pero hindi.

"Who is his mother, Mr. Amorillo?" curious na tanong ng business tycoon.

"His wife," tipid na sagot ng bata habang busy sa ginagawa.

"Y-yeah, my wife," patianod niya.

"I heard she left you-" anito.

"Here po lolo. It's done," putol ng bata sa sasabihin nito saka iniabot ang bond paper na para lang naglaro, hindi isinaalang-alang na nakasalalay dito ang malaking kawalan ng kompanya ng tinatawag nitong "Dad" sakaling matalo ito.

Bumukas ang bibig ng matanda pagkakita sa drawing ng bata pagkuwa'y ilang beses na umiling at makulimlim ang mukhang tumitig sa kanya. Wala siyang ideya kahit kunti sa laman ng bond paper. Ni wala siyang mabasa sa puzzled na mukha ng business tycoon.

"Did you teach him how to make a plan?" usisa nito sa kanya.

"I'm not sure-"

"Yes," sabad ng bata.

"Oh, well yes, but how is it?" patianod niya, puno rin ng curiosity ang mukha.

'Di makapagsalita ang matanda saka muling itinuro ang batang lumapit na sa kanya at nagpakarga.

"Dad, I'm hungry na po. I want to eat shrimps," lambing nito pagkatapos niyang buhatin at kargahin.

"That kid knows how to read minds!" sa wakas ay naibulalas ng matanda.

Umawang ang kanyang labi sa pagkagulat sa sinabi nito at wala sa sariling hinablot dito ang hawak na bond paper.

At curious na pinagmasdan ang bond paper.

"You can name it Flower of Love Hotel." anang batang nakayakap na sa kanya.

Sa totoo lang, wala namang nakaka-amaze sa ginawa nitong drawing pero halatang isa iyong mataas na building na kung susuriing mabuti ay tila isang flower petal building. Natigilan siya, flower petal building.

'Flower petal building!'

That would be an amazing work 'pag natapos at maaaring iyon din ang maging dahilan ng pagsikat ng kanyang kompanya 'pag nabigyan niya ng magandang plano at designs.

'Whoah! How did this kid come up with this great idea?'

"Sit down again Mr. Amorillo. We'll have to sign a contract first before we part ways. Next time I'll help you how to get rid of that anay in your company," anang business tycoon saka kumindat sa kanya.

Of course tumawa siya at sumunod sa sinabi nito.

'I now believe that this is a real blessing in disguise!' hiyaw ng kanyang isip.

"I'll surely take you to any restaurants you like kiddo, and let you eat as much shrimps as you can," bulong niya sa batang biglang tumahimik at tila nakatulog na sa mga bisig niya.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C55
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login